Babysitting The Ruthless Billionaire's Son

Babysitting The Ruthless Billionaire's Son

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-05-11
Oleh:  Author LigayaBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
Belum ada penilaian
4Bab
2Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Mag-a-apply sana si Giselle bilang Domestic Helper sa Saudi Arabia. Pero pagdating niya sa Maynila, nadukutan siya, nawala ang mga papeles pati na rin ang perang inipon ng kanyang ama. Dahil insidenteng iyon, napadpad siya sa puder ni Raul Montoya—isang single dad na ubod ng gwapo, matipuno, at mayamang negosyante, ngunit ubod nga lang din ng sungit at palaging iritado. Magtatrabaho siya rito bilang nanny ng anak nito. Unang araw pa lang niya sa trabaho, naranasan na niya ang hagupit ng sama ng ugali nito. Tila ang init ng dugo nito sa kanya at mas lumala pa ito sa mga sumunod pang mga araw hanggang sa natuto siyang lumaban dito, dahilan para mas lalo itong magalit sa kanya. Ngunit hindi mapaalis-alis ni Raul si Giselle dahil napalapit na rito ang anak niya. Nagpatuloy ang bangayan ng dalawa hanggang sa may nangyaring hindi inaasahan—isang makasalanang gabi ang nangyari sa kanilang dalawa. Isang gabing hindi nila malilimutan. Isang gabing nagparanas sa kanila ng kakaibang init at sarap. Ito na kaya ang maging hudyat ng tuluyang pagbabago ng relasyon nilang dalawa?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1

Mugtong-mugto ang mga mata ko mula sa pag-iyak. Masakit na rin ang mga paa ko at nagugutom na ako.

Kakaluwas ko lang dito sa Maynila kanina para sa flight ko sa isang araw papunta Saudi Arabia para magtrabaho roon bilang Domestic Helper. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nadukutan ako. Itinakbo ng tatlong lalaki ang bag ko kung saan naroon ang pera na allowance ko, pati na rin ang mga papeles na ipapasa sa agency ko.

Nang puntahan ko ang agency na magdadala sa akin sa Saudi ay hindi nila ako tinanggap dahil wala rin naman daw silang magagawa kung wala ang mga papeles ko. Kaya heto ako ngayon, hindi alam ang gagawin. Wala akong mapupuntahan.

Wala ako sa sarili kaya hindi ko namalayan ang paparating na sasakyan. Sa sobrang gulat at takot ay bigla na lamang akong napaupo at muling napaiyak.

"Oh my god!" dinig kong bulalas ng driver at dali-daling lumabas ng sasakyan niya. "Miss, I'm sorry! I didn’t mean it!" Dinaluhan ako ng babae at hinawakan sa braso para itayo.

Bahagya siyang nagulat nang makita akong umiiyak. Nang bumaba naman ang mga mata niya sa tuhod ko na dumudugo dahil sa paghabol sa tatlong lalaki kanina ay nanlaki ang mga mata niya.

"Dadalhin kita sa hospital! Pasensya na talaga, hindi ko sinasadya! Nagmamadali ako kaya hindi kita agad napansin!" tarantang sabi ng babae, akala niya siguro ay nasugatan ang tuhod ko dahil sa kanya.

Pinunas ko ang luha ako at umiling sa kanya. "H-Hindi... Ayos lang naman ako, Ma'am. Hindi naman ikaw ang may gawa nito."

Nakahinga naman siya nang maluwag ng marinig iyon. "Akala ko ay nabundol na talaga kita. But what happened? Sigurado ka ba na ayaw mo magpadala sa hospital?"

"Hindi na po. Ayos lang talaga ako," pagtanggi ko. "Nasugatan lang kanina sa pagtakbo ng habulin ko yung mga lalaking nandukot sa akin."

"Nadukutan ka?" gulat niyang tanong.

Tumango ako. "Opo. Naroon po ang pera at papeles na kailangan ko para sa pag-apply ng trabaho sa Saudi."

"I'm so sorry to hear that. Marami talagang mapagsamantalang tao dito. It's not safe to be alone." Malakas siyang nagbuntonghininga at nalungkot din. "Ano na ng balak mo ngayon? Uuwi ka na ba? I can drive you home."

"Hindi po ako pwede umuwi sa amin, Ma'am. Sa probinsya pa po ako galing. Ayaw ko mag-alala ang Tatay ko." Pinaghirapan ni Tatay ang perang dala ko rito sa Maynila kaya hindi ko siya pwedeng biguin. "Siguro ay maghahanap ako ng kahit anong trabaho na tatanggap sa akin hanggang sa makaipon ulit ako ng pera para ituloy ang pagpunta sa Saudi."

"What can you do?" curious niyang tanong sa akin.

"Lahat po ay kaya kong gawin. Hindi naman ako mapili sa trabaho. Kaya ko po magluto, maglaba, maglinis ng bahay, at mag-alaga ng bata—"

"Kaya mo ang mag-alaga ng bata?" putol niya sa akin at malawak na ngumiti.

"Oo naman po. Madalas ay ako ang nag-aalaga ng pamangkin ko—"

"Perfect!" putol niya ulit sa sasabihin ko at pumalakpak pa. "Bibigyan kit ng trabaho!"

Namilog ang mga mata ko, parang hindi pa makapaniwala. "T-Totoo po ba?"

"I'm serious. Bibigyan talaga kita ng trabaho. What's your name?"

"Giselle po."

Inilahad niya ang kamay sa akin. "I'm Martina." 

Kinuha ko agad ang kamay niya at nakipag-shake hands.

Kanina lang ay nagdadasal ako na sana hindi puro kamalasan ang araw na ito. At heto na nga, dininig na ang dasal ko.

"Pero hindi typical na bata ang aalagaan mo, Giselle. Kailangan niya ang buong atensyon at pag-intindi."

"Patient po akong tao, Ma'am. Kayang-kaya ko po iyon. Hindi po kaya magsisi na binigyan niyo ako ng trabaho. Habambuhay ko pong tatanawing utang na loob ’tong ginawa n’yo para sa akin," sincere kong pasasalamat sa kanya.

“Naku, ano ka ba? It’s fine. This is my way of making up to you,” aniya at napailing pa. “I almost killed you, Giselle."

“Okay na po ’yon, Ma’am, hindi n’yo naman po sinasadya." Tingin ko nga’y tadhana talaga na pinagtagpo kami dahil siya pala ang lulutas sa malaking problema ko. "Ilang taon na po ba ang anak niyo?"

"No, it's not my child. Anak yun ng kapatid ko." Mahina siyang natawa. “Why don’t we grab something to eat before we go to my brother’s house?” Alok niya na hindi ko naman tinanggihan dahil gutom talaga ako.

Matapos naming kumain ng pananghalian ay dumiretso na kami sa bahay ng kapatid niya. Sa mga kwento niya ay hindi ko napigilang kabahan dahil tingin ko’y seryoso nga talaga siya nang sabihin niya sa akin na mataas ang tiyansa na mahihirapan ako sa trabaho ko.

Hindi raw nagsasalita ang batang babantayan ko. Nang tanungin ko kung ano ang rason ay hindi niya sinabi sa akin. Doon pa lang ay alam ko nang sensitibo ang dahilan ng sitwasyon ng bata.

Habang ang kapatid niya—ang ama ng bata—ay madalas magsungit at minsan ay masakit magsalita. Ayaw niya sanang sabihin sa akin ’yon dahil ang dating daw ay parang sinisiraan niya ang kapatid niya, pero gusto lang niya akong abisuhan at nang maihanda ko ang sarili ko.

“Huwag po kayong mag-alala, Ma’am. Sanay na po ako sa mga gano’n,” paninigurado ko sa kanya at matamis siyang nginitian.

“Good,” aniya habang nakatingin sa cellphone niya. “I got a text from my brother. He’s at home right now, looking after his son. Sinabi niya na kung pwede ay magmadali tayo dahil may scheduled meeting daw siya. He wants to meet you before he leaves. It’s a good thing na makilala mo sila as soon as you arrive para alam mo na kung anong naghihintay sa ’yo.”

Hindi ko mapigilang mapalunok sa mga sinabi niya. Tingin ko’y tinatakot niya talaga ako. Pero mas takot akong mabigong muli ang mga magulang ko. Mas takot akong bitawan ang pangarap ko para sa kanila.

“Gagawin ko po ang best ko para hindi kayo mabigo, Ma’am,” paninigurado ko sa kanya.

“We’re here,” aniya kasabay ng pagpasok ng sasakyan sa isang magarang gate na automatic na bumubukas.

Agad akong napatingin sa kung saan kami papunta at literal na nanlaki ang mga mata ko sa pagkamangha nang makita ang napakalaking bahay sa tapat ko.

Ito ang unang beses na nakakita ako nang ganito kagandang bahay sa buong buhay ko.

“Let’s go. They’re waiting inside,” aniya at binuksan na ang pinto at lumabas na.

Agaw pansin ang malaking estatwa ng babaeng n*******d at may hawak na vase kung saan umaagos ang tubig.

Pero hindi ako nagtagal doon. Hindi ko na rin natingnan pa ang ibang parte ng bahay dahil nagmamadali na akong sumunod kay Ma’am Martina. At kung namangha na ako sa labas, ay halos malula na ako sa pagkamangha nang makita ko ang loob.

“I think they’re at Seven's playroom," wika ni Ma'am Martina.

Tumango lang ako sa kanya at sumunod.

Umabot din ng ilang minuto bago kami huminto sa isang kulay puting pinto na puno ng stickers at posters ng spaceships, planets, at astronauts.

“Kuya, Seven's new nanny is here,” bungad niyang sambit bago ako nilingon at sinenyasan na tumuloy.

Tumango lang ako at tahimik na pumasok. Pagkahakbang ko pa lang ay dama ko na ang mga matang matamang nakatingin sa akin. At nang sundan ko ito ay ‘di ko mapigilang matuod sa aking kinatatayuan nang makita ang isang makisig at napakaguwapong lalaki na nakaupo sa sofa habang nakatingin sa akin.

“Kuya…” Hinawakan ni Ma’am Martina ang kamay ko at marahan akong hinila palapit sa kanya. “This is Giselle,” aniya bago ako tiningnan. “And Giselle, this is my brother, Raul, and that kid over there is Seven, the one you’ll be looking after from now on.”

“H-Hello po,” sagot ko at marahang yumuko.

“You can start,” malamig niyang sambit.

Malalim at lalaking-lalaki ang boses niya. Nakakatakot dahil bakas na bakas ang awtoridad. “I’ll go now,” dagdag niya bago siya tuluyang tumayo at doon ko nakita kung gaano siya katangkad. Tingin ko’y hanggang dibdib niya lang ako. At nang dumaan siya sa gilid ko ay naamoy ko ang pabango niyang tila naiiwan sa hangin.

“You could have at least welcomed her!" angal ni Ma’am Martina pero hindi na siya pinakinggan ng kapatid at nagtuloy-tuloy lang ito sa paglabas. Napabuga na lang siya ng hangin bago tumingin sa akin. “I’m sorry about that, Giselle."

“Ayos lang po, ma’am,” sambit ko bago binalingan si Seven.

“Basta nagsabi na ako sa ‘yo, ha? In case hindi mo matagalan ang trabaho rito, just tell me and I’ll get you out of here,” aniya bago ipinatong ang palad sa balikat ko. “But for now, show me what you got and prove to me na kaya mo ang trabaho mo gaya ng sinabi mo sa akin.”

“Yes po, ma’am.”

Tumango lang siya sa akin at nagpaalam nang aalis dahil gaya ni Sir Raul, ay may meeting din siyang pupuntahan.

Nang makaalis siya ay itinuon ko na ang atensyon ko sa batang babantayan ko. Huminga ako nang malalim at pilit na itinanim sa isipan ko na kaya ko... na kailangan kong kayanin. Hindi lang para sa sarili ko, kundi para na rin sa mga magulang ko.

"Hello, Seven!" nakangiting bati ko sa bata at tinabihan siya. "Kumain ka na ba ng lunch?"

Tumingin sa akin ang bata at tinitigan ang mukha ko. Halos tumagal din iyon ng dalawang minuto.

"Oo nga pala, hindi ka nagsasalita." Napakamot ako sa ulo ko. "Sige, ganito na lang. Shake your head kung—"

"M-Mo... mmy...?"

Natigilan ako at napakurap.

Mommy?

Akala ko ba hindi nakakapagsalita ang batang ito?

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
4 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status