"Sabihin mo nga ulit, Seven. Mommy... Mommy... Sabihin mo ulit yung sinabi mo." Nakangiti kong hinaplos ko ang mukha niya. Pero sa halip na magsalita ay tinabig niya ang kamay ko at umalis sa harapan ko.
Kinuha niya ang ilang laruan na nasa likuran niya... at ibinato sa akin!
"Seven, that's bad!" marahang suway ko sa kanya. Pero hindi talaga siya nakinig at kumuha pa ng iba para ibato sa akin.
Mabuti na lang talaga at nagawa kong ilagan ang mga ‘yon.
"Why are you throwing your toys? Hindi mo ba sila gusto?"
Hindi pa rin siya tumigil sa pagbato.
"What toy do you want?” mahinahong tanong ko sa kanya kahit na nagsisimula na akong mainis. “This one?” tanong ko at kinuha ang robot na laruan. “Can you point the toy that you want?” pakiusap ko sa kanya. Huminga ako nang malalim at kinontrol ang emosyon ko. “Please?”
Tumingin lang siya sa akin. Walang bahid ng kahit na anong emosyon ang mga mata niya kaya hindi ko rin mahulaan kung ano ang iniisip niya.
Maya-maya pa ay may kumatok sa pintuan kaya mabilis ko itong pinagbuksan. Nakita ko ang isang babaeng nakasuot ng pink na uniporme at may dalang tray na may lamang juice at sandwich. Tingin ko’y nasa early thirty’s na siya.
"Snack time na ni Seven," nakangiting sabi niya bago niya ibinigay sa akin ang tray. “Ikaw ba ang bagong nanny niya?”
Tumango ako at tipid na ngumiti. “Opo. Kakasimula ko lang.”
“Kumusta naman ang unang araw mo?” tanong niya sa akin bago pasimpleng tiningnan ang bata sa likuran ko. “Hindi ka ba nahirapan sa batang ‘yan? Ang dami nang sumuko riyan, eh.”
Hindi ako agad sumagot. Gusto ko sanang tumango at ilabas ang prustrasyong nararamdaman ko pero naisip ko rin na baka may dahilan kung bakit gano’n ang ugali ng bata. “Ayos lang naman po ang unang araw ko. Siguro nag-a-adjust pa sa akin si Seven kaya po medyo mailap pa.”
“Ay nako, kahit pa magtagal ka rito nang isang buwan ay ganyan na talaga ang ugali ng batang ‘yan. Ewan ko ba,” aniya at nailing na lang. “O sige na, pakainin mo na siya at ako’y babalik na rin sa kusina.”
“Okay po.”
“Tessa nga pala,” pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay niya. “May isa pa tayong kasama rito, si Nanay Roda.”
Tinanggap ko ang kamay niya. “Giselle po,” pagpapakilala ko sa kanya at matamis na ngumiti. "Si Seven po ba... ni minsan ay hindi talaga nagsalita?"
"Hindi kailan man namin narinig na nagsalita ang batang yan."
Pero hindi ako pwede magkamali. Narinig ko at nakita ko siya kaninang nagsalita. "Ganon po ba?"
“Mukhang wala na talagang pag-asa ang batang yan. Halos napatingnan na rin yan ni Sir Raul sa magagaling na doktor dito sa Pilipinas, pati na rin sa ibang bansa." Nagbuntonghininga siya at umiling. "Sige, mauna na ako, Giselle. Welcome sa bahay ng mga Montoya,” aniya bago nagmamadaling nagpaalam sa akin dahil marami pa raw siyang gagawin.
Tumango lang ako at hinayaan na siyang umalis. Pagkatapos ay lumapit na akong muli kay Seven. “Seven, snacks…” sambit ko bago ako umupo sa tapat niya. “Gusto mo bang subuan kita o kakain ka lang nang mag-isa? Pwede ka ba ulit magsalita?"
Tumitig lang siya sa akin kaya naisipan kong mag-Ingles dahil baka hindi niya naintindihan ang unang sinabi ko, “Do you want me to feed you or you’re gonna do it yourself? Can you speak again... talk to me."
Ikinalma ko ang boses ko at matamis siyang nginitian. Alam kong sensitive ang mga bata pagdating sa reaksyon ng mga matatanda sa ginagawa nila, kaya maingat ako sa bawat reaksyon ko dahil gusto kong maging kampante siya sa akin.
Kumurap-kurap ang kulay kape niyang mga mata bago niya kinuha sa akin ang platito na may lamang sandwich at ang baso ng juice. Pagkatapos ay dinala niya ito sa sulok ng playroom at doon siya kumain.
Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya at iniligpit ko na lang ang ibang nagkalat niyang mga laruan.
Matapos ang ilang minuto ay natapos na siyang kumain. Akala ko ay babalik na siya sa paglalaro pero umupo lang siya sa sofa at tumingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang rason ng pagtitig niya pero nginitian ko pa rin siya. “Don’t you want to play anymore?” tanong ko.
Napabuga na lang ako ng hangin bago marahang tumango. “Okay. Sa tingin ko ‘no’ ang sagot niya,” bulong ko sa sarili ko at sinimulan nang ligpitin ang mga laruan niya. Ilang minuto lang akong nalingat, pero pagtingin ko sa direksyon niya ay nakita ko siyang nakahiga na sa sofa kaya dali-dali akong tumayo para tingnan siya. Malalim na ang bawat paghinga niya at payapang-payapa ang mukha. Matapos kong maglinis ay minabuti kong kargahin na lang siya.
Pagkalabas ko ng playroom ay saktong nakita ko si Ate Tessa na naglilinis ng vase ‘di kalayuan sa akin. Agad ko siyang tinanong kung saan ang kwarto ng bata at mabilis naman niyang itinuro ang daan.
Hindi naman ako natagalan sa paghahanap dahil kwarto lang ni Seven lang ang natatanging makulay sa apat na pintong mayroon sa palapag.
Pagkatapos ay bumaba na ako para makausap si Ate Tessa at makilala na rin si Nanay Roda. Pero pababa pa lang ako ay nakasalubong ko na si Ate Tessa na may dalang makakapal na puting mga tela.
“Giselle, pasuyo naman oh,” aniya bago sumilip mula sa likod ng gabundok na telang dala niya. “Pwede bang ikaw na lang ang magdala nito sa kwarto ni Sir Raul? Palitan mo na rin ang punda ng mga unan niya, bedsheet, at comforter? Marami pa kasi akong kailangang gawin, eh. Wala pa si Nanay Roda, nag-grocery pa.”
“Saan po ba ang kwarto ni Sir Raul?” tanong ko.
“Doon lang sa tapat ng kwarto ni Seven,” aniya bago ibinigay sa akin ang dala niyang mga tela. “Baka kasi umuwi si Sir anytime, eh. Habilin pa naman niya na palitan ang bedsheet niya araw-araw.”
“Ako na pong bahala,” paninigurado ko sa kanya at matamis na ngumiti. Pagkatapos ay nagpaalam na ako at bumalik na sa second floor.
Mabilis kong natunton ang kwarto ni Sir. Agad na sumalubong sa akin ang halimuyak ng pabango niya. Hindi ko maipaliwanag ang amoy, pero kung ilalarawan ko ay parang ang astig at ang angas. Lalaking-lalaki.
Iginala ko ang tingin ko sa paligid at muling napabilib dahil sa lawak ng kwarto niya.
"Mas malaki pa yata ang kwarto niya kaysa sa buong bahay namin," mangha kong sabi. "Balang araw, mabibigyan ko rin sina Tatay at Ate ng ganitong bahay."
Agad kong ibinaling ang atensyon ko sa kailangan kong gawin. Mabilis kong inayos ang kama niya. Pinalitan ko ng punda ang malalambot niyang mga unan. Sunod kong inalis ay ang bedsheet niya.
Matapos kong ayusin ang kama niya ay inilagay ko na sa laundry basket ang mga luma niyang bedsheet, kumot, at punda. Pagkatapos ay lumapit na ako sa malaki niyang cabinet para isa-isang ipasok ang mga bagong laba na beddings.
Patapos na sana ako nang makarinig ako ng mga yabag ng mga paa palapit sa kwarto at hagikhik ng isang babae. Kasunod no’n ay ang pagpihit ng doorknob at ang dahan-dahang pagbukas ng pinto. Pwede naman sana akong lumabas, pero hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan at nataranta. Sa sobrang taranta ko at takot na maabutan ng kung sino mang paparating ay pumasok ako sa loob ng cabinet at doon nagtago.
Nakagat ko na lang ang labi ko dahil paniguradong patay ako kapag nahuli ako.
“Raul…” malanding sabi ng babae kaya napasilip ako.
At halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko si Sir Raul na nakatayo sa may kama niya habang yakap-yakap ng isang babaeng nakasuot ng halos kakarampot na itim na tela.
“Stop slithering your hands around me and just get the fúck down, Lanie,” matigas niyang sambit bago hinawakan sa balikat ang babae at itinulak pababa hanggang sa mapaluhod ito.
Imbes na mainis ay humagikhik pa ang babae na tila ba tuwang-tuwa sa ginawa ni Sir Raul.
“Aggressive as ever,” malanding sambit nito bago inabot ang sinturon ni Sir. “I’ll worship you like a god, Raul,” dagdag niya at tuluyang inalis ang sinturon nito kasunod ng paghimas-himas nito sa bukol na nasa pagitan ng mga hita ni Sir.
Titig na titig ako sa nangyayari dahil unang beses kong makakita nang gano’n. Hindi ko rin alam kung anong nagtutulak sa akin na patuloy silang panuorin. Siguro dahil wala pa akong kahit na anong karanasan sa ganoong bagay at gusto kong malaman kung ano ang ginagawa at paano ito ginagawa.
Dama ko ang pag-akyat ng dugo sa magkabilang pisngi ko at ang pagpapawis ng noo ko. Napalunok pa ako dahil sa kaba na baka mahuli nila ako.
Kakaisip ko pa lang ng posibilidad ay mabilis nang nanlaki ang mga mata ko nang mapatitig sa direksyon ko si Sir Raul.
“Wait…” sambit niya sa malalim na boses at pinahinto ang babae sa ginagawa. Naningkit ang mga mata niya habang nakatingin sa direksyon ko. “I think I saw something moved,” malamig niyang dagdag.
Agad kong natutop ang bibig ko bago pa man ako mapasinghap. Mabilis akong yumuko at nagtago sa likod ng mga naka-hanger na damit. Dama ko ang paglakas ng kabog ng dibdib ko kasabay ng pag-iinit ng tainga at batok ko. Bawat tunog ng paghakbang ng mga paa niya ay patindi nang patindi ang kabog ng dibdib ko.
Anong gagawin ko?
Paniguradong patay ako kapag nahuli ako!
Hindi ako mapakali habang tinatapos ko ang mga gawain ko. Hindi mawala-wala sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Sir Raul. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya akong papuntahin sa kwarto niya nang gabi. Kung kakausapin niya lang ako, pwede namang ngayon na lalo na’t wala akong ibang ginagawa kundi ang magbantay sa anak niya.Napabuga na lang ako ng hangin bago napatitig sa mukha ni Seven.Iyong nakita ko kanina, sigurado akong hindi ‘yon ang nanay ni Seven. Masyado pang bata ang babaeng ‘yon. At sigurado naman akong hindi tatratuhin nang gano’n ni Sir Raul ang babaeng ‘yon kung ‘yon nga ang ina ni Seven.Maya-maya pa ay nagsimula nang gumalaw si Uno at ‘di nagtagal ay nagising na.“Seven, are you hungry?”Tumingin lang siya sa akin, sabay turo sa pinto.“Do you want to go out?”Mariin siyang umiling saka nangunot ang noo niya. Muli niyang tinuro ang pinto nang ilang beses, pagkatapos ay ako naman ang itinuro niya.“Gusto mo akong lumabas?” tanong ko at mabilis siyang tumango.“Pero w
Diyos ko po!Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Nagsisimula na ring magpawis ang mga palad ko dahil sa labis na kabang nararamdaman ko. Palapit nang palapit sa akin si Sir Raul. Bawat hakbang niya ay naiisip ko na ang mga posibleng scenario sa oras na mahuli niya ako. Halos masakal ako sa kung anong bumara sa lalamunan ko. Pilit ko itong nilunok habang pinapakalma ko ang sarili ko. Sobrang lapit na ni Sir sa akin."Raul..." Pumulupot ang mga braso ng babae sa katawan ni Sir, dahilan para mapahinto siya sa paglapit sa cabinet. “You’re just hallucinating. There’s nothing in your cabinet but clothes,” dagdag niya. Gusto kong pasalamatan ang babae dahil hulog siya ng langit sa akin. Taimtim akong nanalangin na sana ay hindi ako mahuli. Unang araw ko pa lang sa trabaho at mukhang matatanggal na agad ako.“I know I saw something, Lanie,” matigas niyang sambit bago inalis ang kamay ng babae mula sa katawan niya. “Let’s stop here.”“What? We’re just getting started!” angal ng b
"Sabihin mo nga ulit, Seven. Mommy... Mommy... Sabihin mo ulit yung sinabi mo." Nakangiti kong hinaplos ko ang mukha niya. Pero sa halip na magsalita ay tinabig niya ang kamay ko at umalis sa harapan ko.Kinuha niya ang ilang laruan na nasa likuran niya... at ibinato sa akin!"Seven, that's bad!" marahang suway ko sa kanya. Pero hindi talaga siya nakinig at kumuha pa ng iba para ibato sa akin.Mabuti na lang talaga at nagawa kong ilagan ang mga ‘yon."Why are you throwing your toys? Hindi mo ba sila gusto?"Hindi pa rin siya tumigil sa pagbato."What toy do you want?” mahinahong tanong ko sa kanya kahit na nagsisimula na akong mainis. “This one?” tanong ko at kinuha ang robot na laruan. “Can you point the toy that you want?” pakiusap ko sa kanya. Huminga ako nang malalim at kinontrol ang emosyon ko. “Please?”Tumingin lang siya sa akin. Walang bahid ng kahit na anong emosyon ang mga mata niya kaya hindi ko rin mahulaan kung ano ang iniisip niya.Maya-maya pa ay may kumatok sa pintuan
Mugtong-mugto ang mga mata ko mula sa pag-iyak. Masakit na rin ang mga paa ko at nagugutom na ako.Kakaluwas ko lang dito sa Maynila kanina para sa flight ko sa isang araw papunta Saudi Arabia para magtrabaho roon bilang Domestic Helper. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nadukutan ako. Itinakbo ng tatlong lalaki ang bag ko kung saan naroon ang pera na allowance ko, pati na rin ang mga papeles na ipapasa sa agency ko.Nang puntahan ko ang agency na magdadala sa akin sa Saudi ay hindi nila ako tinanggap dahil wala rin naman daw silang magagawa kung wala ang mga papeles ko. Kaya heto ako ngayon, hindi alam ang gagawin. Wala akong mapupuntahan.Wala ako sa sarili kaya hindi ko namalayan ang paparating na sasakyan. Sa sobrang gulat at takot ay bigla na lamang akong napaupo at muling napaiyak."Oh my god!" dinig kong bulalas ng driver at dali-daling lumabas ng sasakyan niya. "Miss, I'm sorry! I didn’t mean it!" Dinaluhan ako ng babae at hinawakan sa braso para itayo.Bahagya siyang na