Share

Chapter 3

Penulis: Author Ligaya
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-11 22:42:52

Diyos ko po!

Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Nagsisimula na ring magpawis ang mga palad ko dahil sa labis na kabang nararamdaman ko. Palapit nang palapit sa akin si Sir Raul. Bawat hakbang niya ay naiisip ko na ang mga posibleng scenario sa oras na mahuli niya ako. Halos masakal ako sa kung anong bumara sa lalamunan ko. Pilit ko itong nilunok habang pinapakalma ko ang sarili ko. Sobrang lapit na ni Sir sa akin.

"Raul..." Pumulupot ang mga braso ng babae sa katawan ni Sir, dahilan para mapahinto siya sa paglapit sa cabinet. “You’re just hallucinating. There’s nothing in your cabinet but clothes,” dagdag niya. Gusto kong pasalamatan ang babae dahil hulog siya ng langit sa akin. Taimtim akong nanalangin na sana ay hindi ako mahuli. Unang araw ko pa lang sa trabaho at mukhang matatanggal na agad ako.

“I know I saw something, Lanie,” matigas niyang sambit bago inalis ang kamay ng babae mula sa katawan niya. “Let’s stop here.”

“What? We’re just getting started!” angal ng babae.

“Wala na akong gana,” walang emosyong sagot niya.

“The hell, Raul? I cancelled my shoot for this!” inis na sabi ni Lanie at dinig ko pa ang malakas na pagpadyak niya sa sahig. “I cleared my schedule this afternoon because you wanted to see me, and now you’re telling me ayaw mo na?”

“Then I’ll double the money you’re supposed to earn today!" matigas niyang sagot. “Just shut the fúck up and leave here! Napakaingay mo, naririndi ako!"

“Are you being serious, Raul? Kung ganito mo lang din ako tratuhin, e ‘di mas mabuti pang itigil na lang natin ‘to! Let’s stop seeing each other!” may pagbabantang sambit ni Lanie.

Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan nila. Pero matapos lang ang ilang segundo ay sumagot na si Sir.

“Don’t you dare scare me, Lanie.  You know so dàmn well na hindi ka kawalan. I can find someone to replace you in seconds.”

Napaawang ang bibig ko dahil hindi ako makapaniwalang gano’ng sagot ang maririnig ko.

“I gave you the privilege to be with me, but I don’t think I can be with you anymore,” malamig niyang sambit. “So leave before I ask my security to drag you out of my house.”

“You can’t do this to me! You can’t just trash me like some useless shit!” angal ni Lanie. “Hindi ko ito mapapalagpas. I’ll make sure you’ll pay for treating me this way!”

“Are you threatening me?” tila walang takot na sagot ni Sir. “You know I can ruin your career with just a snap of my finger. So while I am still being nice here, get out. Leave my fúcking house.”

Tanging tili na lang ni Lanie ang narinig ko at ang pahina nang pahina na tunog ng takong niyang padabog na tumatama sa sahig. Nang tuluyan itong mawala ay namayani na ang katahimikan sa paligid. At doon ko muling napagtanto na nasa isang komplikadong sitwasyon nga pala ako.

“You…” pagsasalita ni Sir habang nakaharap siya sa cabinet. “Lumabas ka riyan,” matigas niyang sambit. “Don’t wait for me to open this goddàmn cabinet and drag you out myself!”

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

“I’m warning you. Show yourself…”

Nakagat ko na lang ang labi ko bago ako nagdesisyon na lumabas. Marahan kong itinulak ang pinto ng cabinet at bumungad sa akin ang malamig na ekspresyon ni Sir Raul. Kay lamig at talim ng mga titig na ipinupukol niya sa akin.

“I knew it…” aniya na para bang alam na niyang ako ang nasa loob ng cabinet.

“S-Sir, sorry po…” Yumuko ako at pinagdaop ang dalawang kamay ko. At kahit hindi na ako nakatingin sa kanya ay alam ko pa ring nakatitig pa rin siya sa akin. “H-Hindi ko po sinasadyang magtago sa cabinet, sir. W-Wala po sa intensyon ko na—”

“Did I ask you to explain?” matigas niyang tanong.

“S-Sorry po. N-Nataranta lang po ako,” sagot ko at mas yumuko pa. Ramdam na ramdam ko ang pagkain ng takot sa sistema ko.

“Do you expect me to believe you?”

Mabilis akong umiling. “H-Hindi ko po alam, sir. Pero nagsasabi po ako nang totoo. Hindi ko po kasi alam na darating kayo.”

“Stupid,” madiing sambit niya. Isang salita lang ‘yon pero dama ko ang pang-iinsulto niya sa akin. “Pasalamat ka at hirap akong maghanap ng bagong nanny ng anak ko. I’ll let this slide.”

Mabilis akong nag-angat ng tingin saka siya tiningnan. “S-Salamat po, sir! Hindi ko na po uulitin. Pangako.”

“Dapat lang,” mabilis niyang sagot bago siya lumapit sa akin. “Dahil sa oras na gawin mo ito ulit, ako mismo ang kakaladkad sa ’yo palabas,” dagdag niya bago ako tinalikuran. “Get out!”

“O-Opo…” mabilis kong tugon at dali-daling niligpit ang mga maruming beddings at inilagay sa laundry basket. Sa sobrang pagkataranta ko ay kamuntik pa akong madapa, dahilan para muling matapon sa sahig ang dala kong beddings. Dali-dali kong pinulot ang mga ito at lumabas na.

Pagkasara ko ng pinto ay halos mapaluhod ako sa sahig dahil sa labis na takot.

Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip kung makakaya ko bang tumagal sa bahay na ito. Pero ayoko ring sayangin ang oportunidad na ibinigay sa akin ni Ma’am Martina. Siguro’y masasanay lang din ako. At iisipin ko na lang na training ko na rin ito kung sakaling matuloy ako sa abroad, lalo na’t may mga amo ring mahigpit sa mga katulong.

Aalis na sana ako nang bumukas ang pinto kaya napalingon ako at nakita si Sir Raul na matamang nakatingin sa akin.

“You…”

Napalunok ako. “P-Po?”

“Come to my room tonight,” diretsong sabi niya.

“P-Po? Bakit po, sir?”

“Stop asking and just do it,” matigas niyang sambit. “See me at 9:00 PM,” dagdag niya at muling isinara ang pinto.

Napatitig na lang ako sa pinto at napaisip kung ano ang sadya niya at pinapapunta niya ako mamayang gabi.

May iuutos ba siya?

Napailing na lang ako at napagdesisyunang huwag na ‘yong pansinin pa. Marami pa akong kailangang gawin. Aayusin ko pa ang mga gamit ko at aalamin ko pa kung saan ang kwarto ko.

Pero bigla kong naalala ang nasaksihan ko kanina at napaisip—hindi naman siguro gano’n ang ipapagawa niya sa akin, ‘di ba?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Babysitting The Ruthless Billionaire's Son   Chapter 4

    Hindi ako mapakali habang tinatapos ko ang mga gawain ko. Hindi mawala-wala sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Sir Raul. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya akong papuntahin sa kwarto niya nang gabi. Kung kakausapin niya lang ako, pwede namang ngayon na lalo na’t wala akong ibang ginagawa kundi ang magbantay sa anak niya.Napabuga na lang ako ng hangin bago napatitig sa mukha ni Seven.Iyong nakita ko kanina, sigurado akong hindi ‘yon ang nanay ni Seven. Masyado pang bata ang babaeng ‘yon. At sigurado naman akong hindi tatratuhin nang gano’n ni Sir Raul ang babaeng ‘yon kung ‘yon nga ang ina ni Seven.Maya-maya pa ay nagsimula nang gumalaw si Uno at ‘di nagtagal ay nagising na.“Seven, are you hungry?”Tumingin lang siya sa akin, sabay turo sa pinto.“Do you want to go out?”Mariin siyang umiling saka nangunot ang noo niya. Muli niyang tinuro ang pinto nang ilang beses, pagkatapos ay ako naman ang itinuro niya.“Gusto mo akong lumabas?” tanong ko at mabilis siyang tumango.“Pero w

  • Babysitting The Ruthless Billionaire's Son   Chapter 3

    Diyos ko po!Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Nagsisimula na ring magpawis ang mga palad ko dahil sa labis na kabang nararamdaman ko. Palapit nang palapit sa akin si Sir Raul. Bawat hakbang niya ay naiisip ko na ang mga posibleng scenario sa oras na mahuli niya ako. Halos masakal ako sa kung anong bumara sa lalamunan ko. Pilit ko itong nilunok habang pinapakalma ko ang sarili ko. Sobrang lapit na ni Sir sa akin."Raul..." Pumulupot ang mga braso ng babae sa katawan ni Sir, dahilan para mapahinto siya sa paglapit sa cabinet. “You’re just hallucinating. There’s nothing in your cabinet but clothes,” dagdag niya. Gusto kong pasalamatan ang babae dahil hulog siya ng langit sa akin. Taimtim akong nanalangin na sana ay hindi ako mahuli. Unang araw ko pa lang sa trabaho at mukhang matatanggal na agad ako.“I know I saw something, Lanie,” matigas niyang sambit bago inalis ang kamay ng babae mula sa katawan niya. “Let’s stop here.”“What? We’re just getting started!” angal ng b

  • Babysitting The Ruthless Billionaire's Son   Chapter 2

    "Sabihin mo nga ulit, Seven. Mommy... Mommy... Sabihin mo ulit yung sinabi mo." Nakangiti kong hinaplos ko ang mukha niya. Pero sa halip na magsalita ay tinabig niya ang kamay ko at umalis sa harapan ko.Kinuha niya ang ilang laruan na nasa likuran niya... at ibinato sa akin!"Seven, that's bad!" marahang suway ko sa kanya. Pero hindi talaga siya nakinig at kumuha pa ng iba para ibato sa akin.Mabuti na lang talaga at nagawa kong ilagan ang mga ‘yon."Why are you throwing your toys? Hindi mo ba sila gusto?"Hindi pa rin siya tumigil sa pagbato."What toy do you want?” mahinahong tanong ko sa kanya kahit na nagsisimula na akong mainis. “This one?” tanong ko at kinuha ang robot na laruan. “Can you point the toy that you want?” pakiusap ko sa kanya. Huminga ako nang malalim at kinontrol ang emosyon ko. “Please?”Tumingin lang siya sa akin. Walang bahid ng kahit na anong emosyon ang mga mata niya kaya hindi ko rin mahulaan kung ano ang iniisip niya.Maya-maya pa ay may kumatok sa pintuan

  • Babysitting The Ruthless Billionaire's Son   Chapter 1

    Mugtong-mugto ang mga mata ko mula sa pag-iyak. Masakit na rin ang mga paa ko at nagugutom na ako.Kakaluwas ko lang dito sa Maynila kanina para sa flight ko sa isang araw papunta Saudi Arabia para magtrabaho roon bilang Domestic Helper. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nadukutan ako. Itinakbo ng tatlong lalaki ang bag ko kung saan naroon ang pera na allowance ko, pati na rin ang mga papeles na ipapasa sa agency ko.Nang puntahan ko ang agency na magdadala sa akin sa Saudi ay hindi nila ako tinanggap dahil wala rin naman daw silang magagawa kung wala ang mga papeles ko. Kaya heto ako ngayon, hindi alam ang gagawin. Wala akong mapupuntahan.Wala ako sa sarili kaya hindi ko namalayan ang paparating na sasakyan. Sa sobrang gulat at takot ay bigla na lamang akong napaupo at muling napaiyak."Oh my god!" dinig kong bulalas ng driver at dali-daling lumabas ng sasakyan niya. "Miss, I'm sorry! I didn’t mean it!" Dinaluhan ako ng babae at hinawakan sa braso para itayo.Bahagya siyang na

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status