LOGINKRYSTAL
SEVEN YEARS LATER…
Pitong taon ang lumipas, pitong taon ang nasayang sa buhay ko… may sakit ba? May dapat ba akong malaman? May dapat ba akong tandaan? Kasi wala akong matandaan na kahit ano pagkatapos ng pangyayaring iyon.
Ang sabi sa akin ni Lucas na accident ako at na-comatose ng dalawang buwan. Akala niya wala ng pag-asa na mabuhay ako but miracle happens at nagising ako. Pero sa paggising ko, ni isang ala-ala sa buhay ko ay nawala. Parang puzzle na gulo-gulo. Pilit kong hinahanapan ng kaayusan at buuin ang bawat piraso nito pero hindi ko mahanap kung ano ang kasagutan doon.
Pinilit ko makaalala, kasi dapat, hindi ba? Pero bakit hindi ko mapilit alalahanin ang lahat?
Buong buhay ko ay ito pa rin ang iniisip ko. Lahat ng tao sa paligid ko ay gumagalaw, samantalang ako ay nakahinto. Sumasabay ako sa agos ng oras, pero ang isipan ko ay naiwan sa nakaraan. Hinahanap pa rin ang kasagutan kung sino ba ako at kung ano ba ang pagkatao ko.
Pakiramdam ko may kulang sa akin, may masakit pero hindi ko alam kung asaan. Pilit kong binabalikan ang nakaraan pero hindi ko magawa iyon.
Wala ng pag-asa, kaya tumigil na ako dahil baka wala naman talaga akong dapat balikan. Baka ito na ako, baka wala naman akong dapat isipin. Sadyang hinayaan ko lang ang sarili ko na makulong sa nakaraan ng walang dahilan.
“Hey, okay ka lang nakatulala ka na naman?” I heard a snap of a finger. Agad akong nagising sa ulirat ko at napatingin sa taong nasa harapan ko.
“Liezel, andito ka na pala,” wika ko sa kaniya. Napangiti naman siya at nilapag ang bag sa harapan ko. “Kumusta ang business trip abroad? Ano nagustuhan ba ng mga board members nila doon ang designs natin?” tanong ko sa kaniya. Napangiti naman siya sabay napa thumbs up.“Oo naman panalong-panalo. Tuwang-tuwa si Madam Cecile dahil pasado yung mga designs na ginawa mo. Sayang nga at hindi ka sumama.” Napangiti naman ako sa kaniya sabay napailing-iling.
“Ano ka ba naman, alam mo naman na nagkaroon ng problema sa pamilya ko, hindi ba kaya hindi ako makakasama. Gustuhin ko man pero wala talaga eh,” sambit ko sa kaniya. “Alam mo ang ganda talaga doon, alam ko na magugustuhan mo kung pupuntahan natin,” wika niya sa akin. Napangiti na lang ako at napaupo sa mesa ko.“May time pa naman para puntahan iyon, besides ang dami pa naman na business trip si Madam. Kapag nangyari iyon sasama talaga ko.” Napangiti naman siya dahil sa sinabi ko.
“So kumusta na pala?” tanong niya sa akin. “Ano na ang balita sa parents mo?”“Okay lang naman, medjo nagkaproblema lang talaga sa bahay. But rest assured na ayos naman sila,” sambit ko. Bigla namang bumaba ang aking emosyon. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong nalungkot.
“Iniisip mo pa rin ba yung past mo?” tanong niya sa akin. Napahinga ako nang malalim at napatingin na lang sa drawing book ko. After what happened, hindi na rin naging normal ang buhay ko kasi para akong may hinahanap na hindi ko mahanap.
Every time, I always dream, pero kulang o hindi naman malinaw. Sinusubukan ko siyang i-drawing pero wala pa rin hindi ko pa rin mahanap ang kasagutan sa tanong ko. “Gusto mo ba magpa-psychologist tayo? Pwede naman, baka kasi need mo na rin ng help para maalala mo yung nakaraan mo,” wika niya sa akin.
Napahinga naman ako nang malalim at napangiti sa kaniya. Actually iniisip ko rin, handa ba ako sa maalala ko. Kasi bakit meron akong takot na nararamdaman? Bakit parang hindi ako handa? Bakit parang may galit ako na hindi ko mabunyag. “Next time, kapag may free time na tayo. Ngayon rin kasi sobrang hectic ng schedule natin.”Bigla namang pumasok si Madam Cecile sa loob at hinanap kaming dalawa. “Andito lang pala kayo, girls,” wika niya sa amin.
“Ano po ang matutulong namin Madam?” tanong ko sa kaniya. “May new client ba tayo?” napangiti naman siya at agad na lumapit sa amin. “Yes at sobrang laki ng client na ito. This is the first time na merong ganito kalaking client dito sa Pilipinas ang lumapit sa atin.” Napangiti naman ako dahil sa balita niya. “Really madam, that’s great.” “Yes and ang gusto nila gumawa tayo ng jewelry for them. Magbibigay sila ng gems sa atin at tayo ang gagawa. Kaya ikaw Krystal ang gagawa ng design na iyon.” Nanlaki naman ang mata ko dahil sa gulat ko. Hindi ko expected na ipagkakatiwala niya sa akin ang bagay na iyon. “Seryoso po ba kayo madam?” tanong ko sa kaniya. “Nako kaya mo iyan, Krystal ikaw pa ba. Besides yung designs mo rin ang maraming sold simula nung pumasok ka dito.” Medjo nakaramdam ako ng kaba pero may saya din akong naramdaman dahil opportunity iyon. “Don’t worry guided ka naman ng may-ari ng jewelry na iyon. Kaya pupuntahan natin sila para alamin kung ano ang gusto niyang design.”“Teka madam, sino po ba ang magmamay-ari noon?” tanong ni Liezel.
“Mga Del Valle.” napatigil ako nang marinig iyon. Habang si Liezel naman ay nagulat,
“Del Valle? You mean Alfonso Del Valle, Valeria Del Valle?” tanong niya. “Yes, pero hindi sila ang client natin dahil ang client natin ay yung anak nila si Conor Vicente Del Valle.” Napatigil ako nang marinig ko ang pangalan na iyon. Conor? Did I hear that right? Bakit parang narinig ko na siya somewhere. “After seven years na umalis siya ng pilipinas, finally babalik na siya dito together with his son, kaya gusto niya na gumawa ng isang jewelry para sa kaniyang business.” son? May anak siya?“O my gosh, so my asawa na pala si Conor Del Valle?”
“Well ayan ang hindi ko alam, masyadong private si Conor, pero nag leak din kasi na meron siyang anak. Kaya ayon ang speculations ng iba ay may asawa na siya.” Hindi naman ako mapakali habang naririnig ko iyon. Hindi ko alam kung ano’ng meron kay Conor. Sumisikip ang paghinga ko, pakiramdam ko nahihilo ako. “Kaya naman ikaw Krystal–Krystal!” narinig ko na lang ang huling sigaw ni Madam Cecile bago maging madilim ang buong paligid ko.KRYSTALSEVEN YEARS LATER… Pitong taon ang lumipas, pitong taon ang nasayang sa buhay ko… may sakit ba? May dapat ba akong malaman? May dapat ba akong tandaan? Kasi wala akong matandaan na kahit ano pagkatapos ng pangyayaring iyon. Ang sabi sa akin ni Lucas na accident ako at na-comatose ng dalawang buwan. Akala niya wala ng pag-asa na mabuhay ako but miracle happens at nagising ako. Pero sa paggising ko, ni isang ala-ala sa buhay ko ay nawala. Parang puzzle na gulo-gulo. Pilit kong hinahanapan ng kaayusan at buuin ang bawat piraso nito pero hindi ko mahanap kung ano ang kasagutan doon. Pinilit ko makaalala, kasi dapat, hindi ba? Pero bakit hindi ko mapilit alalahanin ang lahat? Buong buhay ko ay ito pa rin ang iniisip ko. Lahat ng tao sa paligid ko ay gumagalaw, samantalang ako ay nakahinto. Sumasabay ako sa agos ng oras, pero ang isipan ko ay naiwan sa nakaraan. Hinahanap pa rin ang kasagutan kung sino ba ako at kung ano ba ang pagkatao ko. Pakiramdam ko may kulang sa akin, may
KRYSTALNagising na lang ako na puno ng ilaw sa paligid ko. Nagtataka ako kung asaan ako napunta, hindi ko ma-recognize ang lugar pinipilit ko na alamin kung asaang lugar ako. Dahan-dahan akong tumayo sa aking pagkakahiga, sobrang sakit ng katawan ko. Napatingina ko sa aking kamay at nakita ko na merong nakaturok doon. Sinundan ko ang linya noon at nakita ko na merong IV fluids na nakasaksak sa akin. Kahit na malabo kakaunti ang paningin ko ay pinilit ko na alamin kung ano ang lugar na ito, hanggang sa unti-unting luminaw ito. Napalunok na lang ako nang mapansin ko na nasa hospital ako. Doon ay bigla kong naalala ang anak ko na isinugod ako dito dahil pumutok ang panubigan ko. Napahawa ako sa tiyan ko pero laking gulat ko na lumiit ito. Bigla na lang akong nataranta at hindi alam kung sino ang tatawagin ko dahil wala namang katao-tao sa loob ng hospital room. “Ang anak ko, asaan ang anak ko?” tanong ko sa sarili ko. Plano kong tumayo sa hospital bed para puntahan ko ang nurse at t
KRYSTAL “Ito lang yung alam kong lugar na mapapatuluyan ko sa ‘yo. Hindi ako madalas dito sa condo na ito dahil malayo dito yung pinagtatrabahuan ko.” Napangiti naman ako sa kaniya at napatango-tango. “Okay na ako dito ano ka ba, hindi mo na nga kailangan gawin ito. Pero ginawa mo pa rin kaya thank you,” mahinahon kong sabi. Inalalayan niya ako at pinaupo sa silya. “Ano talagang nangyari? Bakit ganon yung naabutan ko?” tanong niya sa akin. “Ano’ng ginawa ni tita Valeria sa ‘yo?” Napalunok naman ako at pinigilan ang sarili ko na umiyak sa harapan niya. Kailangan ko ba talagang sabihin sa kaniya ang nangyari? After all kamag-anak niya pa rin si Madam Valeria. “Hey, okay lang magsabi sa akin. Don’t be afraid, ano’ng ginawa ni tita sa ‘yo?” tanong niya sa akin. “Ano’ng sinasabi mong nagloko si Conor?” Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya, pinsan niya si Conor, malapit siya sa pamilya ni Conor. Kaya alam na alam niya kung ano ang meron sa amin ni Conor. But telling him th
KRYSTALNgayon ay nakaupo ako sa labas ng bahay namin ni Conor, habang patuloy siyang nakikipagtalik sa babaeng iyon. “Break up with him, Krystal. Wala na rin naman ang buhay na gusto ninyong i-build, ano pang ilalaban mo?” diin na sabi niya sa akin. Napatayo ako at pilit na maging malakas. “Hindi totoo iyon madam Valeria, hindi magagawa ni Conor sa akin iyon,” naiiyak na sabi ko. “Ano’ng hindi magagawa, tapos na Krystal, nagawa na niya. He already made a choice!” sigaw niya sa akin. “Alam mo kung sino ang babaeng iyon? That’s Celeste Montemayor, kilala ang pamilya nila, mayaman ang pamilya niya hindi kagaya mo galing lang sa lusak!” diin niya sa akin. “Mahal ako ni Conor.” Hinawakan niya ang baba ko ng sobrang higpit. “Kung mahal ka ng anak ko, hindi niya lalapitan si Celeste, hindi siya makikipagtalik na parang hayop na nakawala sa gubat kung mahal ka talaga niya. You’re just a peasant, Krystal. Wala kang lugar sa pamilya namin,” diin na sabi niya sa akin. “Now leave, hindi ka
KRYSTAL Dalawang taon akong kasal sa lalaking pinaka minamahal ko, kahit na ayaw sa akin ng mga magulang niya pero pinilit namin. Ginusto namin dahil iyon ang nararamdaman namin para sa isa’t isa. Alam ko na mahal niya ako, alam ko na gusto niya ako makasama sa pagtanda namin. Pero nahihirapan akong makisama sa pamilya niya, dahil sila mismo ang tutol sa kasal na gusto naming dalawa. “Sorry, hon napagalitan ka na naman ni mom.” Napangiti naman ako sa kaniya at napailing-iling. “Don’t over think about it, ano ka ba, sanay na ako kay madam,” wika ko sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit. “Mommy, mommy ang itawag mo sa kaniya. Hindi ba ilang beses na nating pinag-usapan ito?” wika niya sa akin. Napalunok naman ako at pinipigilan ang sarili kong umiyak. Tandang-tanda ko kasi ang sinabi sa akin ni Madam Valeria. “Mommy? When was the last time I allowed you to call me mommy? Kasal lang kayo ng anak ko, pero hindi kita tinatanggap sa buhay niya,” matalim ang bawat salita n







