Chapter: Chapter 3Madaling araw ng ihatid namin si Mommy sa airport. May business trip siya. Simula kasi ng mamatay si Daddy ay siya na ang naging abala sa business namin.Si Dashiel ang naging driver dahil pinauwi muna ni Mommy ang personal driver niya. Nasa tabi ni Dashiel si Mommy habang ako ay nasa backseat lang at pinapanood kung gaano sila ka-sweet.I rolled my eyes. Bakit kasi kailangan pa akong isama. Pwede naman na hindi na ako isama. Isa pa, one week lang naman siya doon. Minsan nga ay ilang buwan siyang nawawala.Maliwanag na nga ng makarating kami sa airport. Hindi naman na nagpahatid si Mommy sa loob ng airport kaya sa labas pa lang ay nagpaalamanan na kami sa isa't isa.Bumeso lang ako kay Mommy at ikinaway ko lang ang kamay ko to say goodbye to her nang palayo na siya.Nang tuluyan na ngang makapasok si Mommy sa loob ng airport ay sumakay na si Dashiel sa loob ng kotse kaya naman sumakay na rin ako sa likuran sa dati kong pwesto kanina.Kinuha ko ang earphone ko sa maliit na shoulder bag
Terakhir Diperbarui: 2025-09-08
Chapter: Chapter 2Wala ako sa mood habang panay naman ang kwento ni Mommy kung saan sila magho-honeymoon. Ako naman ay tahimik lang habang nagkukwento siya at halos durugin ko na ng tinidor ang pagkain na nasa plato ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang bawasan.Ang sweet nila sa unahan ko. Panay ang yakap ni Mommy at panay naman ang halik ni Dashiel sa buhok ni Mommy na madalas niya ring gawin sa akin noon. Like, gusto kong masuka! Imagine, yung ex-boyfriend ko noon ay asawa ng nanay ko ngayon."Kisses? Nakikinig ka ba?""Huh? Uhm... Yes, mom..." walang ganang sambit ko."Tinatanong kita kung gusto mong sumama sa Canada pero hindi mo ako sinasagot?" Tumataas na naman ang boses ni Mommy pero itong si Dashiel ay kinuha agad ang kamay ni Mommy at hinalikan kaya napairap ako sa hangin."Mom? Malamang, hindi ako sasama. Anong gusto nyong gawin ko dun sa honeymoon ninyo? Taga-score kung makakailang rounds kayo?" sarkastikang sagot ko. Bastos na kung bastos pero ayaw niya rin naman kumilos ng maa
Terakhir Diperbarui: 2025-09-08
Chapter: Chapter 1Nakaupo ako sa buhangin, nakalapat ang mga paa sa tubig. Tahimik ang buong paligid at tanging ingay lang ng mga alon ang naririnig ko habang nakatanaw sa papalubog na araw. Kay gandang pagmasdan ng langit lalo na kapag kulay kahel ito. Para bang napakapayapa ng kalangitan at kahit na anong problema ay makakalimutan mo kapag nakatingin ka rito. Huminga ako ng malalim at sinamyo ang sariwang hangin."Miss na miss na kita, Daddy. Gusto ko na ulit maramdaman ang mga yakap at marinig ang mga tawa mo," malungkot na sambit ko. "Ang lungkot-lungkot dito na wala ka. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos matanggap na iniwan mo na ako. Napakadaya mo naman."Pumatak ang munting luha sa aking mata at dumaloy ito sa aking pisngi ngunit nang marinig ko ang tawag sa akin ni Manang Rusing ay agad kong pinalis ang luhang dumadaloy sa pisngi ko."Kisses! Ang Mommy mo, nasa kabilang linya!" pasigaw na pabatid ni Manang Rusing sa akin.Napabuntong-hininga naman ako at napaisip kung ano na naman ang kai
Terakhir Diperbarui: 2025-09-08