Wala ako sa mood habang panay naman ang kwento ni Mommy kung saan sila magho-honeymoon. Ako naman ay tahimik lang habang nagkukwento siya at halos durugin ko na ng tinidor ang pagkain na nasa plato ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang bawasan.
Ang sweet nila sa unahan ko. Panay ang yakap ni Mommy at panay naman ang halik ni Dashiel sa buhok ni Mommy na madalas niya ring gawin sa akin noon. Like, gusto kong masuka! Imagine, yung ex-boyfriend ko noon ay asawa ng nanay ko ngayon.
"Kisses? Nakikinig ka ba?"
"Huh? Uhm... Yes, mom..." walang ganang sambit ko.
"Tinatanong kita kung gusto mong sumama sa Canada pero hindi mo ako sinasagot?" Tumataas na naman ang boses ni Mommy pero itong si Dashiel ay kinuha agad ang kamay ni Mommy at hinalikan kaya napairap ako sa hangin.
"Mom? Malamang, hindi ako sasama. Anong gusto nyong gawin ko dun sa honeymoon ninyo? Taga-score kung makakailang rounds kayo?" sarkastikang sagot ko. Bastos na kung bastos pero ayaw niya rin naman kumilos ng maayos para igalang ko siya bilang ina.
"Kisses! Watch your words! Nakakahiya kay Dashiel!" wika nito sa akin na may pagtitimpi.
"Totoo naman! Kung aalis kayo, umalis na lang kayo! At huwag nyo nang balakin na isama pa ako!" Nagpunas ako ng tissue sa bibig sabay tayo at iniwan sila dun.
"Kisses! Bumalik ka rito!" tawag sa akin ni Mommy pero hindi ko na siya nilingon.
Dumiretso muna ako sa CR para naman maikalma ko ang aking sarili. Nag-retouch na rin ako dahil balak ko nang umuwi.
Palabas na ako ng banyo ng pagbukas ko ay sumalubong sa akin si Dashiel kaya napabalik ako sa loob.
"What are you doing here? This is ladies room for Pete’s sake, Dashiel!" nanggagalaiting sambit ko sa kanya.
"I know," aniya sabay locked sa pintuan.
"Dashiel. Please, huwag dito. At tsaka pwede ba? Act like you don't know me at huwag na huwag mong ipapaalam kay Mommy na ex kita."
Ngumisi siya at unti-unting lumapit sa akin kaya napakunot ang noo ko.
Ano bang iniisip ng lalakeng 'to?
"Huwag kang lalapit sa'kin!" banta ko sa kanya pero hindi siya tumitigil sa paghakbang kaya panay rin ang hakbang ko patalikod. Napahinto lang ako ng maramdaman ko na ang pader sa likuran ko.
"Ano bang ipinuputok ng buchi mo, ha? Nagseselos ka ba dahil Mommy mo ang pinakasalan ko at hindi ikaw?" pang-uuyam na tanong niya.
"What? Excuse me? Wala akong pakialam kung Mommy ko ang pinakasalan mo at hindi ako. Nireject na kita, remember?" mataray na sabi ko.
Naggalawan ang mga panga niya. Narinig ko pa ang pagtunog ng mga ngipin niya. Mukhang hindi niya nagustuhan ang lumabas sa bibig ko.
Nagsalubong ang kilay niya at mas lalong lumapit sa akin kaya naman mas lalo akong nagsumiksik sa pader.
"Ganyan ka naman, diba? Wala kang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao kaya pati Mommy mo binabastos mo na kahit sa harap ng maraming tao!" sambit niya habang naninigas ang panga at diretsong nakatitig sa akin.
Nakipagtitigan ako sa kanya at mas tinaliman ko ang mga mata ko.
"Ano bang pakialam mo? For your info. Labas ka sa problema namin ng Mommy ko. Dahil hindi naman kita kaanu-ano," pagpapamukha ko sa kanya na sampid lang siya sa pamilya namin.
Ngumisi siya. Hinila niya ang dalawang pulsuhan ko saka niya itinaas at idiniin sa pader katapat ng balikat ko. Nagpupumiglas ako pero ayaw niya akong bitawan.
"Baka nakakalimutan mo? Kasal na kami ng Mommy mo kaya dapat lang na igalang mo rin ako. Sa ayaw at sa gusto mo ay susunod ka na sa mga patakaran ko." Mas inilapit pa niya ang mukha niya sa akin. Halos mahalikan na niya ako pero hindi ako nagpatinag sa kanya kahit na gahibla na lang ng panahi ang pagitan ng mga labi namin.
"Yan ang huwag na huwag mong gagawin!" may pagbabantang sabi ko sa kanya. "My Life, My Rules! Mr. Dashiel Leviste!"
Inipon ko ang lakas ko para makawala ako sa pagkakadikit niya sa akin sa wall. Itinulak ko siya at nagpatinag naman siya.
Aalis na sana ako pero hinila na naman niya ako kaya napaharap na naman ako sa kanya.
"Hindi pa tayo tapos mag-usap, Kisses!" Galit ang nakikita ko sa mga mata niya pero wala akong pakialam sa kanya.
"Pwede ba? Tigilan mo na ako at si Mommy na lang ang pakialaman at asikasuhin mo! Kaya ko ang sarili ko. And I don’t need you anymore, Dashiel!" sigaw ko sa kanya.
I hate him. I hate him so much, dahil alam ko naman na gagamitin niya lang si Mommy.
"Kisses? Dashiel? Nandyan ba kayo sa loob?" boses yun ni Mommy pero kahit narinig na niya si Mommy ay hindi pa rin niya binibitawan ang pulsuhan ko.
"Bitawan mo ang kamay ko kung ayaw mong isumbong kita kay Mommy," pagbabanta ko sabay hila sa kamay ko. Pigil na pigil ang bawat salita ko. Pabuling ngunit may diin ang bawat bigkas ko rito.
"Then go. I’m not afraid, Kisses. Kung gusto mo ay samahan pa kita," nanunubok pang sabi niya. Talagang inuubos niya ang pasensya ko!
Tiningnan ko lang siya ng masama bago ako humarap sa pintuan at tuluyan ko na itong binuksan.
Nakita ko si Mommy sa labas ng pintuan. Mukhang nag-aalala sa asawa niya at hindi sa akin.
"Pakisabihan ang asawa mo, Mommy, na huwag na huwag akong pakikialaman sa mga desisyon ko sa buhay," malamig na sambit ko bago ko sila nilayasan.
Iniwan ko sila roon kahit na hindi pa tapos ang kanilang reception.
Sa halip na sa bahay ako umuwi ay dumiretso ako sa bar kung saan ako laging pumupunta simula nung mawala si Daddy. Ususual, problema na naman ang dahilan kaya ako naririto.
"Isang order nga ng tequila," saad ko sa waiter.
"One order of tequila, coming up!" nakangiting wika ni Blue, isa sa mga bartender na matagal ko nang kilala.
Tumingin ako sa paligid. Napakaraming tao. Ang iba ay nagsasaya at maraming kasama habang ang iba naman ay katulad kong nag-iisa at nagpapalipas lang ng oras.
"Here’s your tequila, Kisses."
"Thanks, Blue!"
Inisang lagok ko lang ang tequila. May salt sa paligid ng maliit na shot glass kaya naman sinipsip ko na lang ang lemon na kapartner nito.
Napangiwi naman ako sa asim pero umorder pa ulit ako ng isa. Limang shots kasi ang capacity ko sa tequila. Hindi naman ako nagpapakalasing dahil nagtitira pa rin naman ako ng pang-uwi.
Isang beses lang akong nagpakalasing, nung iniwan ako ni Daddy at sobrang lungkot ko nun. Mabait naman si Blue kaya siya na ang nag-uwi sa akin sa bahay. Isa pa, may tiwala rin ako sa kanya.
"Blue, last na. Please..." hiling ko kay Blue. Nakakalima na kasi ako kaya ayaw na niya akong bigyan.
"Kisses, lasing ka na. Mababa lang ang tolerance mo sa alak kaya okay na yan." Mukhang na-stress na si Blue sa kakulitan ko.
"Sige na... Sige ka! Kapag hindi mo ako binigyan ng last shot, hindi na ako babalik rito?" pananakot ko pa.
Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya. At sa tingin ko ay ako ang nanalo.
"Okay, but this is the last. Okay?" aniya. Alam ko naman na napipilitan lang siya pero natutuwa pa rin ako at pinagbigyan niya ako.
Nakangiting tumango naman ako sa kanya.
Muli nga niya akong binigyan ng isang shot ng tequila. Ngunit bakit kung kelan last na ay saka pa ako nag-eenjoy at parang ngayon ko pa lang nalalasahan ang sarap ng iniinom ko.
"B-Blue... P-Pwede ba i-isa na lang?" pangungulit ko kay Blue.
"Kisses, enough na, okay? Ihahatid na kita sa inyo."
"P-Pero, Blue?"
"Wala nang pero-pero. Akin na ang susi ng kotse mo. Ihahatid na kita," he dominantly said to me.
Wala akong nagawa kay Blue. Aalalayan na sana niya ako ng may biglang humila sa akin.
"Ako na ang bahala sa kanya," anang pamilyar na boses. Agad ko itong hinarap at nakita si Dashiel.
"Dashiel. Oopss, ano bang dapat kong itawag sa'yo? Daddy na ba?" Natatawa ako pero nagsisinok pa rin ako.
"Sino ba siya, Kisses?" nagtatakang tanong ni Blue.
"Blue, meet the new husband of my beloved mother... My stepfather, Dashiel."
"Uh, okay-okay. Mukha naman siyang harmless. Safe ka naman siguro sa kanya?"
"Pero, Blue. Ikaw ang gusto kong maghatid sa akin," paglalambing ko kay Blue.
Lalapit na sana ako kay Blue, pero bigla akong binuhat ni Dashiel na parang isang sako ng bigas.
Nagsisigaw ako. Pinagsususuntok ko siya sa likuran niya ngunit parang walang talab sa kanya. He’s like an iron man na hindi nasasaktan.
"Ano ba? Dashiel! Ibaba mo nga ako!"
"Don’t worry, Kisses. Sabi nga ng kaibigan mo ay harmless ako. Kaya makakarating ka pa rin sa bahay niyo ng buong-buo."
"Ahhh! I hate you! I hate you!" walang tigil na sigaw ko at kahit nga nasa loob na kami ng sasakyan ay sinusuntok ko pa rin siya.
Lintik siya! Lalo akong nahilo sa ginawa niyang pagbuhat!
"Bakit ka ba naririto, ha?"
"Ipinapasundo ka ng Mommy mo—"
"At kailan pa nagkaroon ng pakialam sa akin si Mommy?!"
"Kung wala siyang pakialam sa’yo, pwes ako. Meron!"
"I hate you! Ang ayoko sa lahat ay pinakikialaman ako sa buhay ko!! Nag-usap na tayo diba!?" Pinagsusuntok ko ulit siya ngunit hinawakan na niya ang pulsuhan ko.
"Kapag hindi ka tumigil, baka hindi ka na makauwi ng buo sa inyo... dahil dito pa lang sa loob ng kotse ay wawasakin na kita," bulong niya sa puno ng tainga ko kaya natigilan ako.
Madaling araw ng ihatid namin si Mommy sa airport. May business trip siya. Simula kasi ng mamatay si Daddy ay siya na ang naging abala sa business namin.Si Dashiel ang naging driver dahil pinauwi muna ni Mommy ang personal driver niya. Nasa tabi ni Dashiel si Mommy habang ako ay nasa backseat lang at pinapanood kung gaano sila ka-sweet.I rolled my eyes. Bakit kasi kailangan pa akong isama. Pwede naman na hindi na ako isama. Isa pa, one week lang naman siya doon. Minsan nga ay ilang buwan siyang nawawala.Maliwanag na nga ng makarating kami sa airport. Hindi naman na nagpahatid si Mommy sa loob ng airport kaya sa labas pa lang ay nagpaalamanan na kami sa isa't isa.Bumeso lang ako kay Mommy at ikinaway ko lang ang kamay ko to say goodbye to her nang palayo na siya.Nang tuluyan na ngang makapasok si Mommy sa loob ng airport ay sumakay na si Dashiel sa loob ng kotse kaya naman sumakay na rin ako sa likuran sa dati kong pwesto kanina.Kinuha ko ang earphone ko sa maliit na shoulder bag
Wala ako sa mood habang panay naman ang kwento ni Mommy kung saan sila magho-honeymoon. Ako naman ay tahimik lang habang nagkukwento siya at halos durugin ko na ng tinidor ang pagkain na nasa plato ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang bawasan.Ang sweet nila sa unahan ko. Panay ang yakap ni Mommy at panay naman ang halik ni Dashiel sa buhok ni Mommy na madalas niya ring gawin sa akin noon. Like, gusto kong masuka! Imagine, yung ex-boyfriend ko noon ay asawa ng nanay ko ngayon."Kisses? Nakikinig ka ba?""Huh? Uhm... Yes, mom..." walang ganang sambit ko."Tinatanong kita kung gusto mong sumama sa Canada pero hindi mo ako sinasagot?" Tumataas na naman ang boses ni Mommy pero itong si Dashiel ay kinuha agad ang kamay ni Mommy at hinalikan kaya napairap ako sa hangin."Mom? Malamang, hindi ako sasama. Anong gusto nyong gawin ko dun sa honeymoon ninyo? Taga-score kung makakailang rounds kayo?" sarkastikang sagot ko. Bastos na kung bastos pero ayaw niya rin naman kumilos ng maa
Nakaupo ako sa buhangin, nakalapat ang mga paa sa tubig. Tahimik ang buong paligid at tanging ingay lang ng mga alon ang naririnig ko habang nakatanaw sa papalubog na araw. Kay gandang pagmasdan ng langit lalo na kapag kulay kahel ito. Para bang napakapayapa ng kalangitan at kahit na anong problema ay makakalimutan mo kapag nakatingin ka rito. Huminga ako ng malalim at sinamyo ang sariwang hangin."Miss na miss na kita, Daddy. Gusto ko na ulit maramdaman ang mga yakap at marinig ang mga tawa mo," malungkot na sambit ko. "Ang lungkot-lungkot dito na wala ka. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos matanggap na iniwan mo na ako. Napakadaya mo naman."Pumatak ang munting luha sa aking mata at dumaloy ito sa aking pisngi ngunit nang marinig ko ang tawag sa akin ni Manang Rusing ay agad kong pinalis ang luhang dumadaloy sa pisngi ko."Kisses! Ang Mommy mo, nasa kabilang linya!" pasigaw na pabatid ni Manang Rusing sa akin.Napabuntong-hininga naman ako at napaisip kung ano na naman ang kai