แชร์

MY EX BOYFRIEND BECOMES MY STEPFATHER (SPG)
MY EX BOYFRIEND BECOMES MY STEPFATHER (SPG)
ผู้แต่ง: WriteWithMhel

Chapter 1

ผู้เขียน: WriteWithMhel
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-09-08 09:11:54

Nakaupo ako sa buhangin, nakalapat ang mga paa sa tubig. Tahimik ang buong paligid at tanging ingay lang ng mga alon ang naririnig ko habang nakatanaw sa papalubog na araw. Kay gandang pagmasdan ng langit lalo na kapag kulay kahel ito. Para bang napakapayapa ng kalangitan at kahit na anong problema ay makakalimutan mo kapag nakatingin ka rito. Huminga ako ng malalim at sinamyo ang sariwang hangin.

"Miss na miss na kita, Daddy. Gusto ko na ulit maramdaman ang mga yakap at marinig ang mga tawa mo," malungkot na sambit ko. "Ang lungkot-lungkot dito na wala ka. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos matanggap na iniwan mo na ako. Napakadaya mo naman."

Pumatak ang munting luha sa aking mata at dumaloy ito sa aking pisngi ngunit nang marinig ko ang tawag sa akin ni Manang Rusing ay agad kong pinalis ang luhang dumadaloy sa pisngi ko.

"Kisses! Ang Mommy mo, nasa kabilang linya!" pasigaw na pabatid ni Manang Rusing sa akin.

Napabuntong-hininga naman ako at napaisip kung ano na naman ang kailangan sa akin ni Mommy. Narito ako ngayon sa aming bahay bakasyunan sa Zambales. Dito ako naglalagi tuwing bakasyon at walang pasok sa eskwelahan. Nasa 4th year college na ako. Konting panahon na lang ang igugugol ko sa pag-aaral at makakaalis na rin ako ng Pilipinas.

"Sige po, Manang! Susunod na po ako!"

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa buhanginan. Pinagpagan ko muna ang likuran ng short na suot ko bago ako sumunod kay Manang Rusing. Pagdating ko sa loob ng bahay ay agad kong tinungo ang naka-hang na telepono at patamad ko itong sinagot.

"Yes, Mom. What do you need?" I said as cold as ice. "Sabihin mo na agad kung bakit ka napatawag dahil busy ako."

"Kisses, where have you been? I've been calling you three times but you didn't answer your phone!" as usual, mataas na naman ang timbre ng boses niya. She's always like that. Tatawag lang kapag may kailangan at para bulyawan ako.

"Mom... You know naman na hindi ako mahilig magbabad sa gadgets. At kapag nasa bakasyon ako ay palagi lang akong nasa tabing-dagat. Hanggang ngayon ba naman ay hindi mo pa rin kilala ang ugali ng anak mo?" Hindi nagbabago ang tono ng pananalita ko. Walang kasing gana at walang kasing lamig.

Narinig ko pa ang kanyang buntong-hininga mula sa kabilang linya. Napansin niya sigurong wala akong ganang makipag-usap sa kanya.

"I need you to come home immediately. Tomorrow is my engagement day. I want you to be here with me."

"What?! Engagement?!" tila noon lang nagbago ang pananalita ko dahil nagulat ako sa sinabi niya.

"Yes. Is there any problem with that?"

"Mom? Pang-ilan mo na bang engagement yan simula nung namatay si Daddy? Sa tingin mo matutuwa si Daddy sa mga ginagawa mo? Malay mo ba kung kayamanan lang natin ang habol niyan sa'yo?!"

Wala akong pakialam kung nasisigawan ko na siya at tumataas na ang boses ko. Daddy died seven years ago. After my graduation in high school ay inatake siya sa puso at patay na siya bago pa siya nakarating sa hospital. Idineklarang dead on arrival si Daddy. Hindi ko alam kung anong naging dahilan kung bakit siya inatake gayong wala naman siyang sinasabing sakit sa akin. Buong akala ko ay napaka-healthy niya dahil hindi naman siya ganun kataba. Maganda pa rin ang pangangatawan ni Daddy kahit na nasa 50’s na ito.

At simula nga nung namatay si Daddy ay naging ganyan na si Mommy. Kung kani-kanino na lang nakikipagrelasyon ngunit wala namang tumatagal ni isang karelasyon niya sa kanya. Palagi din silang naghihiwalay bago sila maikasal sa simbahan. Sa tingin ko ay kapag kasal na ang usapan ay natatakot na ang fiancé niya. Well, pabor naman kasi sa akin yun.

"I don't care! Patay na ang Daddy mo, Kisses! At kahit kailan ay hindi na siya babalik! Mayaman ako at kahit na lustayin ko ito sa mga lalake ko ay wala kang pakialam! Basta umuwi ka sa engagement party ko! Tapos!" pasigaw na sambit ni Mommy sa akin.

Napapikit ako dahil sa mga binitawan niyang salita. Magsasalita pa sana ako pero binabaan na niya kaagad ako ng telepono.

"I hate you, Mom!" inis na sambit ko bago ko tuluyang ibagsak ang telepono sa lagayan nito.

Lalo niya lang pinapalayo ang loob ko sa kanya!

Naririto na nga ako sa kwarto at nag-iimpake. Hindi sana ako pupunta pero pinayuhan ako ni Manang Rusing na sundin na lang ang Mommy ko. Kung tutuusin ay mas mommy pa ang turing ko kay Manang Rusing kesa kay Mommy dahil mas madalas pa akong alagaan ni Manang Rusing noon kesa sa kanya.

Kinaumagahan nga ay maaga akong umalis. Maaga raw gaganapin ang engagement party sa Manila Hotel kaya naman kahit antok pa ako ay bumyahe na ako papunta roon. Marunong naman na akong magmaneho. Pwedeng-pwede akong pumunta kahit saan ko gustuhin.

At nang nasa EDSA na nga ako ay nagsimulang uminit ang ulo ko dahil sa traffic. Idagdag pa si Mommy na tawag ng tawag at panay ang tanong kung nasaan na raw ako. Masyado siyang nagmamadali. Pwede naman niyang ganapin ang engagement party niya kahit wala ako.

Isa pa, hindi naman ako interesado sa event na yun. Pupunta lang naman ako dun para kilatisin ang mapapangasawa niya. Mamaya niyan criminal pala yun, mang-gancho at mukhang pera. Judgemental na kung judgemental pero bibihira ang batang lalake magpapakasal sa maedad na babae at may anak pa.

Nang umusad nga ang traffic ay halos paliparin ko na ang sasakyan ko. Panay pa rin ang tawag ni Mommy pero hindi ko na sinasagot dahil baka mabangga pa ako. Sayang ang ganda ko. Hindi pa naman ako nakakatikim ng luto ng langit.

Pagkarating ko nga sa Manila Hotel ay nakita ko si Mang Kanor, driver ni Mommy. Inihagis ko na lang sa kanya ang susi ng kotse ko at inutusan ko siya na paki-park na lang ng maayos dahil nakaharang ito sa daanan ng mga guests.

Nagmamadali akong pumasok sa loob ng Manila Hotel. May nag-assist naman agad sa akin pagkapakita ko pa lang ng invitation ni Mommy na isinend niya lang sa akin thru email. Sa Manila Hotel Meetings and Events Hall nga ginanap ang engagement niya at talaga namang napaka-elegante ng dating.

Well... Si Mommy pa ba? Mas mayaman ang pamilya nila kaysa kay Daddy. May sarili rin siyang negosyo. May sarili rin naman si Daddy pero mas gusto ni Mommy na may sarili siyang pera. Ayaw ni Mommy na palaging umasa kay Daddy. Ayaw rin niyang maging housewife dahil malolosyang lang daw siya sa loob ng pamamahay niya. Kaya nga lumaki lang ako sa pangangalaga na ni Yaya Lorena simula nung umalis na si Manang Rusing papuntang Zambales.

Hindi kami close ni Mommy. Nag-uusap kami pero never akong nagsabi ng mga problema ko sa kanya. Laging si Daddy lang ang nakakausap ko ng maayos. Kaya nga nung mamatay si Daddy ay sobrang lungkot ko. Gabi-gabi akong umiiyak. Gabi-gabi rin akong nagpupunta sa bar. Huminto ako sa pag-aaral ng halos tatlong taon. Hind agad ako nag-enrol sa college. At sa sobrang lungkot ko nga ay nakipaghiwalay ako kay Dashiel.

High school pa lang naman kami noon kaya hindi ko inisip na seseryosohin na namin ang isa’t isa. Pero siya ay sobrang nasaktan sa ginawa ko. Nawalan rin ako ng time sa kanya at kahit sarili ko noon ay napabayaan ko na rin. Kesa naman idamay ko siya sa masalimuot kong mundo kaya nakipaghiwalay na lang ako sa kanya.

Sa wakas. Nakarating na rin ako sa engagement party ni Mommy.

"I may now pronounce you, husband and wife..." sabi ng pari na nasa harapan nila.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

"Husband and wife?" napalakas ang boses ko kaya naagaw ko ang atensyon ng mga tao pati na rin ni Mommy.

Unti-unti akong lumapit kay Mommy.

"Mom! Akala ko ba engagement lang ito!" sikmat ko kay Mommy.

"Well, nabago ang plano dahil ayaw na talaga akong pakawalan ni Dashiel. Kaya ngayon na rin naman ginanap ang kasal."

"Sino? D-Dashiel...?" ulit ko sa pangalang sinambit ni Mommy.

At nang humarap nga ito sa akin ay napahakbang ako patalikod dahil sa gulat. Lumakas ang kabog ng dibdib ko na para bang tinatambol ang puso ko.

"Dashiel..." mahinang sambit ko, halos pabulong na parang ayaw ko pang paniwalaan ang nakikita ko.

Tumama sa akin ang mapanuksong ngiti niya, mabagal at puno ng kumpiyansa, para bang siya ang may hawak ng buong mundo.

"Nice to finally meet you, my stepdaughter..." aniya sabay bahagyang taas ng sulok ng labi niya, may halong panunukso at panlilinlang sa bawat salita. "Parati kang nakukwento ng Mommy mo sa akin... At tama nga siya... maganda ka."

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o masusuka sa katotohanang nasa harapan ko ngayon ang taong minsang naging lahat sa akin.

Si Dashiel Leviste.

Ang unang lalaking minahal ko. Ang ex-boyfriend ko noong high school.

At ngayon... ang stepfather ko na.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • MY EX BOYFRIEND BECOMES MY STEPFATHER (SPG)   Chapter 3

    Madaling araw ng ihatid namin si Mommy sa airport. May business trip siya. Simula kasi ng mamatay si Daddy ay siya na ang naging abala sa business namin.Si Dashiel ang naging driver dahil pinauwi muna ni Mommy ang personal driver niya. Nasa tabi ni Dashiel si Mommy habang ako ay nasa backseat lang at pinapanood kung gaano sila ka-sweet.I rolled my eyes. Bakit kasi kailangan pa akong isama. Pwede naman na hindi na ako isama. Isa pa, one week lang naman siya doon. Minsan nga ay ilang buwan siyang nawawala.Maliwanag na nga ng makarating kami sa airport. Hindi naman na nagpahatid si Mommy sa loob ng airport kaya sa labas pa lang ay nagpaalamanan na kami sa isa't isa.Bumeso lang ako kay Mommy at ikinaway ko lang ang kamay ko to say goodbye to her nang palayo na siya.Nang tuluyan na ngang makapasok si Mommy sa loob ng airport ay sumakay na si Dashiel sa loob ng kotse kaya naman sumakay na rin ako sa likuran sa dati kong pwesto kanina.Kinuha ko ang earphone ko sa maliit na shoulder bag

  • MY EX BOYFRIEND BECOMES MY STEPFATHER (SPG)   Chapter 2

    Wala ako sa mood habang panay naman ang kwento ni Mommy kung saan sila magho-honeymoon. Ako naman ay tahimik lang habang nagkukwento siya at halos durugin ko na ng tinidor ang pagkain na nasa plato ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang bawasan.Ang sweet nila sa unahan ko. Panay ang yakap ni Mommy at panay naman ang halik ni Dashiel sa buhok ni Mommy na madalas niya ring gawin sa akin noon. Like, gusto kong masuka! Imagine, yung ex-boyfriend ko noon ay asawa ng nanay ko ngayon."Kisses? Nakikinig ka ba?""Huh? Uhm... Yes, mom..." walang ganang sambit ko."Tinatanong kita kung gusto mong sumama sa Canada pero hindi mo ako sinasagot?" Tumataas na naman ang boses ni Mommy pero itong si Dashiel ay kinuha agad ang kamay ni Mommy at hinalikan kaya napairap ako sa hangin."Mom? Malamang, hindi ako sasama. Anong gusto nyong gawin ko dun sa honeymoon ninyo? Taga-score kung makakailang rounds kayo?" sarkastikang sagot ko. Bastos na kung bastos pero ayaw niya rin naman kumilos ng maa

  • MY EX BOYFRIEND BECOMES MY STEPFATHER (SPG)   Chapter 1

    Nakaupo ako sa buhangin, nakalapat ang mga paa sa tubig. Tahimik ang buong paligid at tanging ingay lang ng mga alon ang naririnig ko habang nakatanaw sa papalubog na araw. Kay gandang pagmasdan ng langit lalo na kapag kulay kahel ito. Para bang napakapayapa ng kalangitan at kahit na anong problema ay makakalimutan mo kapag nakatingin ka rito. Huminga ako ng malalim at sinamyo ang sariwang hangin."Miss na miss na kita, Daddy. Gusto ko na ulit maramdaman ang mga yakap at marinig ang mga tawa mo," malungkot na sambit ko. "Ang lungkot-lungkot dito na wala ka. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos matanggap na iniwan mo na ako. Napakadaya mo naman."Pumatak ang munting luha sa aking mata at dumaloy ito sa aking pisngi ngunit nang marinig ko ang tawag sa akin ni Manang Rusing ay agad kong pinalis ang luhang dumadaloy sa pisngi ko."Kisses! Ang Mommy mo, nasa kabilang linya!" pasigaw na pabatid ni Manang Rusing sa akin.Napabuntong-hininga naman ako at napaisip kung ano na naman ang kai

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status