แชร์

Chapter 3

ผู้เขียน: WriteWithMhel
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-09-08 12:51:06

Madaling araw ng ihatid namin si Mommy sa airport. May business trip siya. Simula kasi ng mamatay si Daddy ay siya na ang naging abala sa business namin.

Si Dashiel ang naging driver dahil pinauwi muna ni Mommy ang personal driver niya. Nasa tabi ni Dashiel si Mommy habang ako ay nasa backseat lang at pinapanood kung gaano sila ka-sweet.

I rolled my eyes. Bakit kasi kailangan pa akong isama. Pwede naman na hindi na ako isama. Isa pa, one week lang naman siya doon. Minsan nga ay ilang buwan siyang nawawala.

Maliwanag na nga ng makarating kami sa airport. Hindi naman na nagpahatid si Mommy sa loob ng airport kaya sa labas pa lang ay nagpaalamanan na kami sa isa't isa.

B****o lang ako kay Mommy at ikinaway ko lang ang kamay ko to say goodbye to her nang palayo na siya.

Nang tuluyan na ngang makapasok si Mommy sa loob ng airport ay sumakay na si Dashiel sa loob ng kotse kaya naman sumakay na rin ako sa likuran sa dati kong pwesto kanina.

Kinuha ko ang earphone ko sa maliit na shoulder bag na dala ko. Ikinabit ko sa cp ko at ini-on ko ang volume to the max saka ako pumikit. Sinasabayan ko pa ang musikang naririnig ko ngunit natigilan ako nang may nagtanggal ng isang earphone sa isang tainga ko.

Pagmulat ko ay si Dashiel na halos gahibla na lang ng panahi ang agwat sa mukha ko. Agad akong napalayo dahil sa gulat pero ang gago panay ang lapit sa akin. Hanggang sa kakaurong ko ay nakarating na ako sa kabilang pinto ng sasakyan at tuluyang napasandal.

"Dashiel! Ano ba?" naiiritang sabi ko sa kanya pero nginisian lang ako. Hobby na yata niya ang ngumisi ng ngumisi.

"Dun ka sa tabi ko umupo. Huwag mo akong pagmukhaing driver dun." Yun lang ang sinabi niya at umalis na ulit. Isinarado ang pinto at bumalik sa driver seat.

Baliw talaga 'tong isang 'to! Paki ko ba kung magmukha siyang driver?

Hindi ako umalis sa pwesto ko. Inilagay ko ulit ang earphone sa tainga ko at pumikit. Pero ang gago! Binuksan na naman ang pintuan at sapilitan akong hinila papunta sa unahan.

"Wala talaga akong katahimikan kapag kasama kita! Kainis!"

"Ito ang tatatandaan mo, Kisses. Mula ngayon, masanay ka na dahil palagi mo na akong makakasama..." Ibinulong niya sa punong tainga ko ang salitang Kisses kaya nakaramdam ako ng kilabot sa buong katawan ko.

Hindi na ako nagsalita. Itinulak ko na lang siya palayo sa akin pero tinawanan lang niya ako kaya lalo akong nainis.

"Gusto mo bang kumain muna tayo bago umuwi?"

Nagmamaneho na siya ng sasakyan. Kung makatanong naman akala mo naman talaga okay kami!

"Gusto mo bang kumain?" ulit pa niya. Mukha namang hindi siya titigil kaya sumagot na lang ako.

"Ikaw bahala." Humalukipkip ako at pumikit.

"Okay." Mas binilisan pa niya ang patakbo ng sasakyan niya. Ako naman ay pumikit at tuluyang nakaidlip sa kinauupuan ko.

Mababaw lang ang tulog ko kaya naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at napansin kong titig na titig siya sa akin.

"M-May... dumi ba ako sa mukha?" nag-aalangan na tanong ko. Bigla akong nailang o baka dahil sa bagong gising lang ako kaya lang ay hindi siya nagsasalita at papalapit lang siya ng papalapit sa akin.

"A-Anong gagawin mo?" Halos isiksik ko na ang sarili ko sa upuan.

"Dashiel? Binabalaan kita—" at natigilan ako nang marinig ko ang pag-click ng seatbelt.

"Tinanggal ko lang ang seatbelt mo. Ano ba sa tingin mo ang gagawin ko sa'yo?" Tumawa siyang bahagya kaya lalo akong nainis. Hinubad ko ang seatbelt at bumaba na kaagad ako.

He's always teasing me!

"Let's go!" bumaba na rin siya at inaya na ako sa isang restaurant.

Heavy meal ang inorder ko dahil hindi naman uso sa akin ang diet. Ewan ko ba! Kahit anong dami ng kain ko ay hindi ako tumataba.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang bigla siyang magtanong. He cleared his throat first bago niya nagawang ibuka ang kanyang bibig.

"May boyfriend ka ba ngayon?" Napahinto ako sa pagsubo kasabay ng pagkunot ng noo ko.

"Of course! Marami! Sa ganda kong 'to, sa tingin mo mawawalan ako?" Confident kong sagot kahit hindi naman totoo.

"Kisses, nagtatanong ako ng maayos—"

"Bakit? Sinagot naman kita ng maayos, ah?"

"Okay, ilan sila?" mariing tanong niya.

Kunwari pa ay nag-isip ako at nagbilang sa daliri ko.

"Uhm... Mga sampu sila!" sabay subo ko ng malaking kanin at ulam.

Agad namang nagtagis ang kanyang mga panga. Bakit ang sarap niyang asarin?

Narinig ko ang malakas na pagbagsak ng kubyertos sa plato niya kaya nagulat ako. Napatingin ako sa paligid at nakaagaw nga kami ng pansin.

"Ano ka ba naman? Kailangan ba talagang ibagsak mo ang kutsara at tinidor mo?" inis na sambit ko sa kanya.

"I'm full!" bigla siyang tumayo.

Full? Eh nangangalahati pa nga lang ang pagkain niya.

"I'll wait you in the car." Aniya at bigla nang umalis sa harapan ko at lumabas na sa restaurant.

"Anong problema nun?"

Inubos ko ang pagkain ko at pati pagkain niya ay kinain ko na rin. Aalis na sana ako nang may lumapit sa aking waiter.

"Miss! Hindi pa po kayo bayad?"

"Huh? Anong hindi pa?" Ipinakita niya sa akin ang resibo at umabot ito ng limang libo. Sa hiya ay ibinigay ko kaagad ang credit card ko para makapagbayad na ako.

Pagkabalik sa akin ng credit card ko ay nagmamadaling umalis ako sa restaurant. Mapapagbintangan pa akong eat and run!

Padabog kong binuksan ang sasakyan. Sa likuran ako umupo at pabagsak kong isinarado ang pinto.

"Come here, Kisses. Dito ka na sa front seat."

"Front seat mo mukha mo! Mag-aaya kang kumain tapos aalis ka ng hindi ka pa nakakabayad? Nagmukha tuloy akong eat and run dun! Nakakahiya!"

"Well, that's your punishment." Nagkibit balikat siya sabay harap sa manibela ng sasakyan.

"Punishment? Sa pagkakatanda ko, Dashiel, ay wala akong kasalanan sa'yo!" Pinag-iinit talaga nito ang ulo ko!

"Punishment for having ten boyfriends." Aniya at nagmaneho na.

Kapal talaga! Gigil na gigil ako sa likuran ng sasakyan. Sa isip-isip ko ay sinasakal ko na siya sa leeg!

Pagkarating sa bahay ay hindi ko na siya pinansin. Nagmamadaling umakyat agad ako sa hagdan. Dumiretso na ako sa banyo at naligo. Wala na kasi akong time na maligo kanina kaya nakaalis ako ng bahay na wala pang ligo-ligo.

Habang nasa banyo ako ay nagmumuni-muni ako. Nakatayo lang ako sa tapat ng shower at pinapakiramdaman ang malamig na tubig na pumapatak sa aking katawan.

Bakit kaya sa dinami-dami ng lalaki ay si Dashiel pa ang napangasawa ni Mommy? Paano kaya sila nagkakilala? And all of a sudden ay nagpakasal kaagad sila...

Napabuntong-hininga na lang ako.

Tinapos ko na ang aking paliligo. Nagsuot muna ako ng bathrobe at lumabas na ako ng banyo. Binalot ko ng tuwalya ang aking buhok upang mabilis matuyo. Tinatamad pa kasi akong mag-blower. Parang gusto ko muna ulit matulog kaya naman humiga na muna ako at ilang sandali lang ay hindi ko namalayan na nakaidlip ako wearing only my bathrobe.

"Kisses?" Para bang may naririnig akong tumatawag sa akin.

"Kisses?" Muling tawag sa pangalan ko na sinundan naman ng katok. Gising ang diwa ko. Gusto ko mang imulat ang mga mata ko pero inaantok pa talaga ako.

"Kisses?" Muling tawag pero narinig ko na ang pagbukas ng aking pintuan kaya napabangon akong bigla.

"Dashiel? Hindi ka ba marunong kumatok?" Naiinis na sabi ko sa kanya.

Nang muli ko siyang tingnan ay hindi siya nagsasalita ngunit napansin kong nakatitig siya sa katawan ko kaya naman napatingin ako sa sarili ko. At ganoon na lang ang gulat ko nang maalala kong nakabathrobe nga lang pala ako.

"Anong tinitingin-tingin mo?" Mataray na sambit ko sabay ayos ng bathrobe kong halos kita na pala ang malulusog kong dibdib.

"Get dressed. Nakaready na ang tanghalian sa kusina." Pagkasabi nun ay umalis na siya.

Pakiramdam ko ba ay ilang segundo na nakalimutan kong huminga dahil sa klase ng titig niya sa buong katawan ko. Pakiramdam ko ay tumayo ang lahat ng balahibo sa buong katawan ko.

Napabuntong-hininga na lang ako at nagbihis na rin saka ako lumabas ng aking kwarto.

Habang pababa ako ng hagdan ay nakasunod siya ng tingin sa akin. Hinintay niya pa pala ako.

"Hindi mo na dapat ako hinintay. Pwede ka naman mauna na sa pagkain. Kaya ko namang kumain mag-isa." Nilampasan ko siya at dumiretso na ako sa hapag kainan.

"Malungkot kumain mag-isa. Mas masarap kumain kapag may kasalo ka."

Nagkibit-balikat lang ako sa sinabi niya.

Magkaharap kami sa table. Sinigang na Hipon pala ang niluto niya which is paborito ko rin. Lahat na lang yata ng lulutuin niya ay paborito kong kainin.

"Siya nga pala. Agahan mo bukas para maihatid kita sa school. May dadaanan pa kasi ako bukas."

"No need. I can manage myself. I have my own car, remember?" Pambabalewala ko sa alok niya.

"Bawal kang magdala ng sasakyan. From now on sa akin ka na sasakay."

Bigla akong nasamid sa sinabi niya kaya naman dali-dali kong ininom ang tubig na siya rin ang naglagay.

"Why? What's wrong?" Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya dahil para bang may bumara sa lalamunan ko kaya naman tumayo siya at hinagod ang likuran ko.

Huminto ang pagkasamid ko kaya naman sinabihan ko siyang umalis na sa likuran ko dahil okay na ako. Sumunod naman siya at umupo na ulit sa inuupuan niya kanina.

Akmang kakain na ulit siya nang muli akong magsalita.

"Ah, basta. Hindi natin kailangan na palaging magkasama. Okay nang dito na lang tayo sa bahay palaging magkasama pero sa ibang lugar ay ayokong makasama ka." Walang pag-aalinlangang sabi ko.

Totoo naman yun. Baka kung ano pang isipin sa amin ng ibang tao. Isa pa, naiilang ako sa kanya at hindi rin ako kumportable. Ewan ko ba rito kay Mommy at kailangan pa niyang iwan kami ni Dashiel na magkasama.

Batid ko ang paghigpit ng paghawak niya sa kubyertos at pag-igting ng mga panga niya. Hindi na naman yata niya nagustuhan ang sinabi ko.

Kaunti lang ang kinain ko. Iniwan ko siya sa dining table dahil tumayo na ako para dalhin sa lababo ang pinagkainan ko at hinugasan ko na rin. I'm used to it. Hindi naman ako ganun ka-spoiled para hindi ako matutong hugasan ang sarili kong pinagkainan.

Pagkatapos kong hugasan ang kinainan ko ay naghugas na ako ng kamay. Aalis na sana ako pero nagulat ako nang pagharap ko ay nasa likuran ko pala si Dashiel.

"D-Dashiel!" mahinang sambit ko.

Bago pa ako makapagtanong, bigla niya akong hinila palapit at siniil ng isang marahas na halik. Napasandal ako sa gilid ng mesa habang mariin ang pagkakahawak niya sa baywang ko. Pinilit kong kumawala ngunit lalo lang siyang naging mapangahas, para bang gusto niyang ipaalala kung gaano siya nasaktan noon.

Habang magkahinang ang aming labi, naramdaman ko ang init ng hininga niya, ang diin ng labi niyang tila hindi nagpapakita ng awa.

May sandaling hinila niya ng bahagya ang kanyang bibig mula sa akin, at halos didikit pa rin ang aming labi nang bulungan niya ako.

"Sabihin mo, Kisses... kahit kaunti man lang ba... nagsisi ka noong iniwan mo ako noon?"

Hindi niya ako hinayaang sumagot agad, muli niyang sinakop ang aking mga labi, mas mapusok, mas mariin. Halos mawalan ako ng hininga habang bumaba ang isang kamay niya sa aking balakang, hinahapit ako palapit sa kanya na para bang ayaw niya akong pakawalan.

Nanlalamig ang mga daliri ko habang pilit kong itinutulak ang kanyang dibdib, ngunit ang katawan ko ay tila pinagtaksilan ako—nag-init at nanginig sa bawat paghaplos niya.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • MY EX BOYFRIEND BECOMES MY STEPFATHER (SPG)   Chapter 3

    Madaling araw ng ihatid namin si Mommy sa airport. May business trip siya. Simula kasi ng mamatay si Daddy ay siya na ang naging abala sa business namin.Si Dashiel ang naging driver dahil pinauwi muna ni Mommy ang personal driver niya. Nasa tabi ni Dashiel si Mommy habang ako ay nasa backseat lang at pinapanood kung gaano sila ka-sweet.I rolled my eyes. Bakit kasi kailangan pa akong isama. Pwede naman na hindi na ako isama. Isa pa, one week lang naman siya doon. Minsan nga ay ilang buwan siyang nawawala.Maliwanag na nga ng makarating kami sa airport. Hindi naman na nagpahatid si Mommy sa loob ng airport kaya sa labas pa lang ay nagpaalamanan na kami sa isa't isa.Bumeso lang ako kay Mommy at ikinaway ko lang ang kamay ko to say goodbye to her nang palayo na siya.Nang tuluyan na ngang makapasok si Mommy sa loob ng airport ay sumakay na si Dashiel sa loob ng kotse kaya naman sumakay na rin ako sa likuran sa dati kong pwesto kanina.Kinuha ko ang earphone ko sa maliit na shoulder bag

  • MY EX BOYFRIEND BECOMES MY STEPFATHER (SPG)   Chapter 2

    Wala ako sa mood habang panay naman ang kwento ni Mommy kung saan sila magho-honeymoon. Ako naman ay tahimik lang habang nagkukwento siya at halos durugin ko na ng tinidor ang pagkain na nasa plato ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang bawasan.Ang sweet nila sa unahan ko. Panay ang yakap ni Mommy at panay naman ang halik ni Dashiel sa buhok ni Mommy na madalas niya ring gawin sa akin noon. Like, gusto kong masuka! Imagine, yung ex-boyfriend ko noon ay asawa ng nanay ko ngayon."Kisses? Nakikinig ka ba?""Huh? Uhm... Yes, mom..." walang ganang sambit ko."Tinatanong kita kung gusto mong sumama sa Canada pero hindi mo ako sinasagot?" Tumataas na naman ang boses ni Mommy pero itong si Dashiel ay kinuha agad ang kamay ni Mommy at hinalikan kaya napairap ako sa hangin."Mom? Malamang, hindi ako sasama. Anong gusto nyong gawin ko dun sa honeymoon ninyo? Taga-score kung makakailang rounds kayo?" sarkastikang sagot ko. Bastos na kung bastos pero ayaw niya rin naman kumilos ng maa

  • MY EX BOYFRIEND BECOMES MY STEPFATHER (SPG)   Chapter 1

    Nakaupo ako sa buhangin, nakalapat ang mga paa sa tubig. Tahimik ang buong paligid at tanging ingay lang ng mga alon ang naririnig ko habang nakatanaw sa papalubog na araw. Kay gandang pagmasdan ng langit lalo na kapag kulay kahel ito. Para bang napakapayapa ng kalangitan at kahit na anong problema ay makakalimutan mo kapag nakatingin ka rito. Huminga ako ng malalim at sinamyo ang sariwang hangin."Miss na miss na kita, Daddy. Gusto ko na ulit maramdaman ang mga yakap at marinig ang mga tawa mo," malungkot na sambit ko. "Ang lungkot-lungkot dito na wala ka. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos matanggap na iniwan mo na ako. Napakadaya mo naman."Pumatak ang munting luha sa aking mata at dumaloy ito sa aking pisngi ngunit nang marinig ko ang tawag sa akin ni Manang Rusing ay agad kong pinalis ang luhang dumadaloy sa pisngi ko."Kisses! Ang Mommy mo, nasa kabilang linya!" pasigaw na pabatid ni Manang Rusing sa akin.Napabuntong-hininga naman ako at napaisip kung ano na naman ang kai

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status