Chapter: Chapter 4“Kumusta po kayo?” tanong ni Carnation sa tiyahin, matapos niya itong yakapin.“I am okay. I should be the one asking you, how are you? Nagtatampo ako sa iyo, hindi ka nagparamdam ng ilang taon,” sagot ng kanyang Tita Cecile na may halong tampo.“Naging busy lang po,” paliwanag ni Carnation.“Grabe naman ang pagka-busy mo. Akala ko kalimutan mo na kami,” anito at humawak sa braso ni Carnation at siya na ang sumama rito para magtungo sa kwarto ng kanyang Lola. “Lagi ka niyang hinihintay bumalik. Kung nagtatampo ako dahil hindi ka nagparamdam, mas lalong nagtatampo siya.”Alam ni Carnation iyon. Kaya nga nandito siya ngayon para mag-sorry. Huminga siya nang malalim nang buksan ng tiyahin ang pinto ng kwarto ni Lola Carmen.“Ma, may bisita ka,” wika ng kanyang Tita, dahilan para mapalingon si Lola Carmen na nakatulala sa balcony. Nakaupo ito sa isang rocking chair, malalim ang iniisip.Ngumiti si Carnation sa kanya. Unti-unting lumabas ang ngiti sa mukha ni Lola Carmen nang makita siya.
Last Updated: 2025-09-15
Chapter: Chapter 3Hugo is smiling cockily.Napatitig si Carnation sa gwapong mukha niya. From his thick eyebrows, his eyes that black as raven, the perfect arrogant nose and his sexy lips, he still looks the same.Iyon pa rin ang mukhang dati ay pinapangarap niyang makita palagi, o para ngang mas gumwapo pa siya ngayon. Pero hindi na gaya dati ang nararamdaman niya, kung dati gusto niyang tumakbo palagi papalapit sa kaniya, ngayon gusto pa rin niyang tumakbo pero palayo na. Pero alam niyang hindi niya iyon pwedeng gawin. Ang tanging choice niya lang ngayon ay ang harapin siya.Ngumiti siya rito. Hindi niya inaasahan na makikita niya agad ito pero siguro nga may mga sitwasyong hindi niya hawak. “Long time no see,” pinilit niyang maging casual ang boses niya.She just need to act normal in front him. Iyong parang walang nangyari bago siya umalis, tama ganoon nga. Matagal na siyang nawala, kaya siguradong kinalimutan na rin nito ang nangyari gaya ng ginawa niya.Bumaba si Hugo sa bigbike niya at humakbang
Last Updated: 2025-09-15
Chapter: Chapter 2Nang makapasok si Carnation sa hotel room niya ay tumawag muna siya para umorder ng lunch niya. Alas tres na kasi ng hapon at hindi pa siya naglalunch, medyo kumukulo na rin ang tiyan niya.Pagkatapos ay mabilis siyang naghubad ng mga damit at nagtungo sa shower. May jetlag pa siya dahil sa mahabang byahe kaya balak niyang magpahinga muna pagkatapos kumain. Sinuot niya ang isang puting roba nang matapos siyang maligo. Eksakto namang dumating ang pagkain nang makalabas siya ng banyo.Kumain muna siya ng lunch. Hindi muna niya tiningnan ang phone niya. Alam niyang wala pang nakakaalam na nakabalik siya. Bukas na siya magpapakita sa kanila; gusto muna niyang ipunin ang energy niya dahil alam niyang marami silang hihinging paliwanag mula sa kaniya.Nang matapos siyang kumain ay nagpahinga muna siya bago nagtungo sa kama. Ilang oras din siyang nakaupo sa eroplano kaya medyo masakit ang pwet at likod niya. Hindi naman kasi siya naka-business class kaya hindi siya makatulog ng maayos habang
Last Updated: 2025-09-15
Chapter: Chapter 1“Mabuti naman at nakauwi ka na. Here, sign this.”Napatingin si Carnation sa hawak ni Hugo, ang kanyang asawa.Divorce papers iyon.Ngumiti siya rito bago tinanggap iyon. Inaasahan na niya ang bagay na ito. Gaya ng napag-usapan nilang dalawa, dalawang taon lang. Dalawang taon lang silang mananatiling kasal upang pagbigyan ang hiling ng kanilang mga magulang.Kinuha niya ang ballpen na nasa ibabaw ng table ni Hugo at agad pinirmahan ang divorce paper nilang dalawa. Hindi sila sa Pilipinas kinasal kaya mas mabilis mapa-process ang divorce nila.“So, this is it,” saad niya at pinilit na manatili ang ngiti sa mga labi niya.“Yeah.” Inilahad ni Hugo ang isang kamay sa kanya para makipag-shake hands. Agad naman niya itong tinanggap pero mabilis din niyang binitawan.“I’ll go ahead, I know you can handle that alone,” tukoy niya sa divorce nilang dalawa.Hindi na niya hinintay ang sagot ni Hugo at mabilis siyang lumabas ng opisina nito. Agad siyang sumakay ng elevator. Tumingala siya at kumur
Last Updated: 2025-09-15