Share

Chapter 3

last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-15 16:45:09

Hugo is smiling cockily.

Napatitig si Carnation sa gwapong mukha niya. From his thick eyebrows, his eyes that black as raven, the perfect arrogant nose and his sexy lips, he still looks the same.

Iyon pa rin ang mukhang dati ay pinapangarap niyang makita palagi, o para ngang mas gumwapo pa siya ngayon. Pero hindi na gaya dati ang nararamdaman niya, kung dati gusto niyang tumakbo palagi papalapit sa kaniya, ngayon gusto pa rin niyang tumakbo pero palayo na. Pero alam niyang hindi niya iyon pwedeng gawin. Ang tanging choice niya lang ngayon ay ang harapin siya.

Ngumiti siya rito. Hindi niya inaasahan na makikita niya agad ito pero siguro nga may mga sitwasyong hindi niya hawak. “Long time no see,” pinilit niyang maging casual ang boses niya.

She just need to act normal in front him. Iyong parang walang nangyari bago siya umalis, tama ganoon nga. Matagal na siyang nawala, kaya siguradong kinalimutan na rin nito ang nangyari gaya ng ginawa niya.

Bumaba si Hugo sa bigbike niya at humakbang papalapit sa kaniya. “Long time no see? Yeah, because you suddenly disappeared.”

Akmang hahawakan siya nito sa ulo pero agad siyang umatras para umiwas. Bahagya namang natawa ito sa naging reaksyon niya. Pero hindi na siya nakaiwas nang bigla siyang pitikin nang marahan nito sa noo. Tiningnan niya ito ng masama habang nakahawak siya sa noo niya.

“T-Thanks for saving me,” pag-iiba niya ng usapan.

“If you are really thankful, treat me a dinner,” bigla nitong hinawakan ang kamay niya at ito mismo ang humila sa kaniya.

Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod dito.

May ilang mga empleyado pang napapatingin sa kanila. Sinubukan niyang agawin ang kamay niya pero ayaw nitong bitawan. Hanggang sa marating nila ang hotel’s dining restaurant.

“Anong kailangan mo sa akin?” tanong niya rito nang makaupo na sila.

“Nothing, but I know you are not eating yet, so let’s eat first,” simpleng sagot nito at itinaas ang kamay para tawagin ang waiter. “Kababalik mo pa lang ng bansa pero muntik ka na agad mapahamak. Mukhang hanggang ngayon habulin ka pa rin ng disgrasya.”

“Malas nga yata ako,” ani niya. “Kababalik ko pa lang ikaw na agad nakita ko,” dagdag na bulong pa niya.

Tumaas ang isang kilay nito at pinakatitigan siya. “Why you did not call me that you are coming back?”

Siya naman ang nagtaas ng kilay sa sinabi nito. “Sino ka naman para tawagan ko?”

Nakalimutan na ba nito? Divorced na sila. Wala nang dahilan para tawagan niya pa ito, isa pa ayaw nga niyang makita pa ito kahit na alam niyang imposible iyon dahil sa pamilya nilang dalawa.

Alam niyang makikita at makikita niya pa rin ito pero hindi niya alam na ngayon na agad at sa daming tao na pwedeng magligtas sa kaniya, siya pa talaga.

“Yeah, sino nga ba ako? You even left without saying goodbye, Carrie,” saad nito pero ang mga mata nito ay tila may iba pang nais iparating sa kaniya.

“Salamat sa pagtulong mo sa akin kanina, hindi ko alam—”

“You know it’s not safe to go out alone, next time, if you want to eat somewhere. Call me, so I can drive you,” putol nito sa sasabihin niya.

Ibinaba niya ang hawak na menu at ipinatong ang mga kamay niya sa table. “Hey, kababalik ko pa lang pero sermon na agad? Hindi ko naman alam na sa daming balak nilang holdapin ako pa napili nila,” katwiran niya.

“Should I be happy? Muntik ka nang mapahamak.” Parang pinapagalitan pa siya nito. Hindi naman niya alam na maho-holdap siya, mabuti na lang at dumating ito.

Kaso sa daming darating, bakit nga ba siya pa?

Ngumiti siya rito. “Kaya nagpapasalamat ako sa iyo.”

Umingos ito sa sinabi niya. Nanatili naman ang ngiti sa mga labi niya. Kung may makakakita sa kanila ngayon, iisipin nilang close na close silang dalawa pero noong dati, hindi naman talaga sila ganito mag-usap.

Madalang sila magkita kahit sa iisang bahay sila nakatira. Pero ngayon kung makaakto ito para bang hindi sila kinasal dati kaya pinipilit niyang huwag maging awkward sa harapan nito. Kaya kung kaya nitong umaktong parang wala lang ang lahat nang nangyari sa kanila, kaya niya rin.

Apat na taon na ang nakakaraan kaya wala nang dahilan para maging apektado pa siya sa presensya nito. Naka-move on na siya at iyon ang dapat niyang ipakita rito. Wala na itong epekto sa kaniya.

“Pero paano mo nalaman kung nasaan ako?” tanong niya rito.

Nagkataon lang ba na ito ang nagligtas sa kaniya? Ayaw niyang mag-assume pero alam niyang madali lang sa kaniya ang malaman kung nasaan siya.

“I followed you,” pag-amin nito. “Nalaman kong bumalik ka na kaya pupuntahan sana kita pero sinabi nilang lumabas ka.”

Mukhang mali siya sa pag-aakalang walang nakakakilala sa kaniya sa hotel dahil nalaman agad nito na nandito siya.

“Bakit mo naman ako pupuntahan?” Ano naman ang pakialam nito kung nakabalik na siya? Gayong dati, wala naman itong pakialam sa kaniya.

“Why? Is it bad too see my ex-wife again? We got divorced, but we’re okay before you left.”

Mariing pinaglapat niya ang mga ngipin niya pero nanatili siyang nakangiti sa harapan nito.

“So you want us to be friends now?” tikwas ang kilay na tanong niya rito.

Ngumiti lang ito sa kaniya pero hindi nito sinagot ang tanong niya. Kahit close ang pamilya nila dati, hindi naman talaga sila magkaibigan. Ex-husband pa rin niya ito kahit balik-baliktarin ang mundo at hindi ganoon kadaling makipagkaibigan dito.

“Where did you hide, Carrie?” napahinto siya sa akmang pagsubo niya dahil sa tanong nito. Inosenteng tumingin siya rito. Bahagya pa niyang kinunot ang noo niya.

“Hide? Hindi naman ako nagtago.”

“Really? Pero hindi ka man lang nagpaalam at nagparamdam ng ilang taon.”

“Dapat ba nagpaalam muna ako sa iyo?”

Natigilan ito sa tanong niya. “You…” Natawa ito habang naiiling. “You changed.”

Ngumiti siya rito. “Umalis lang ako at nawala ng ilang taon pero ako pa rin ito. Maaring hindi mo lang talaga ako kilala dahil hindi naman tayo close dati. Isa pa alam kong busy ka, kaya bakit pa kita aabalahin gayong dalawang taon lang naman ang kasunduan natin at tapos na iyon nang umalis ako. Wala nang dahilan para ipaalam ko sa iyo ang mga plano ko.”

Napansin niyang gumalaw ang panga nito at may sasabihin sana pero muli nitong isinarado ang bibig habang nakatingin sa kaniya. Sinalubong niya ang mga tingin nito.

“Really? Did you forget what happened before you left?” sarcastic na tanong nito.

“Yes, I signed the divorce papers,” matapang na sagot niya.

“You know what I am trying to say, Carrie,” matigas na saad nito.

“And I don’t want to talk about it. Huwag mong sabihing hindi mo makalimutan ang nangyari? It was just a mistake, so let’s forget about it. Isa matagal nang nangyari iyon, kailangan pa ba nating ungkatin iyon ngayon?”

He looked at her with disbelief, but she just smiled at him.

“You are impossible.”

“Just eat, Hugo.”

Muli siyang nagpatuloy sa pagkain. Gusto niyang tapikin sa balikat ang sarili niya dahil nagagawa niyang makipag-usap dito ngayon ng normal. Bago siya umuwi ng Pilipinas, ilang beses niyang inaral kung paano siya aakto sa harap nito kapag nagkita na sila.

She should not be eating with him right now, but she can’t run.

Nang matapos na silang kumain ay hinatid pa siya nito sa lobby ng hotel pero may biglang tumawag dito kaya nagpaalam na muna ito sa kaniya.

“Hello, Love,” narinig niyang sagot nito sa tumawag.

Hindi na niya ito hinintay at mabilis na siyang nagtungo sa elevator para bumalik sa hotel room niya.

L-Love?

Ibig sabihin ay he has someone else now. Kaya dapat lang talagang kalimutan na nila kung ano man ang namagitan sa kanila dati.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Desiring His Ex-wife   Chapter 4

    “Kumusta po kayo?” tanong ni Carnation sa tiyahin, matapos niya itong yakapin.“I am okay. I should be the one asking you, how are you? Nagtatampo ako sa iyo, hindi ka nagparamdam ng ilang taon,” sagot ng kanyang Tita Cecile na may halong tampo.“Naging busy lang po,” paliwanag ni Carnation.“Grabe naman ang pagka-busy mo. Akala ko kalimutan mo na kami,” anito at humawak sa braso ni Carnation at siya na ang sumama rito para magtungo sa kwarto ng kanyang Lola. “Lagi ka niyang hinihintay bumalik. Kung nagtatampo ako dahil hindi ka nagparamdam, mas lalong nagtatampo siya.”Alam ni Carnation iyon. Kaya nga nandito siya ngayon para mag-sorry. Huminga siya nang malalim nang buksan ng tiyahin ang pinto ng kwarto ni Lola Carmen.“Ma, may bisita ka,” wika ng kanyang Tita, dahilan para mapalingon si Lola Carmen na nakatulala sa balcony. Nakaupo ito sa isang rocking chair, malalim ang iniisip.Ngumiti si Carnation sa kanya. Unti-unting lumabas ang ngiti sa mukha ni Lola Carmen nang makita siya.

  • Desiring His Ex-wife   Chapter 3

    Hugo is smiling cockily.Napatitig si Carnation sa gwapong mukha niya. From his thick eyebrows, his eyes that black as raven, the perfect arrogant nose and his sexy lips, he still looks the same.Iyon pa rin ang mukhang dati ay pinapangarap niyang makita palagi, o para ngang mas gumwapo pa siya ngayon. Pero hindi na gaya dati ang nararamdaman niya, kung dati gusto niyang tumakbo palagi papalapit sa kaniya, ngayon gusto pa rin niyang tumakbo pero palayo na. Pero alam niyang hindi niya iyon pwedeng gawin. Ang tanging choice niya lang ngayon ay ang harapin siya.Ngumiti siya rito. Hindi niya inaasahan na makikita niya agad ito pero siguro nga may mga sitwasyong hindi niya hawak. “Long time no see,” pinilit niyang maging casual ang boses niya.She just need to act normal in front him. Iyong parang walang nangyari bago siya umalis, tama ganoon nga. Matagal na siyang nawala, kaya siguradong kinalimutan na rin nito ang nangyari gaya ng ginawa niya.Bumaba si Hugo sa bigbike niya at humakbang

  • Desiring His Ex-wife   Chapter 2

    Nang makapasok si Carnation sa hotel room niya ay tumawag muna siya para umorder ng lunch niya. Alas tres na kasi ng hapon at hindi pa siya naglalunch, medyo kumukulo na rin ang tiyan niya.Pagkatapos ay mabilis siyang naghubad ng mga damit at nagtungo sa shower. May jetlag pa siya dahil sa mahabang byahe kaya balak niyang magpahinga muna pagkatapos kumain. Sinuot niya ang isang puting roba nang matapos siyang maligo. Eksakto namang dumating ang pagkain nang makalabas siya ng banyo.Kumain muna siya ng lunch. Hindi muna niya tiningnan ang phone niya. Alam niyang wala pang nakakaalam na nakabalik siya. Bukas na siya magpapakita sa kanila; gusto muna niyang ipunin ang energy niya dahil alam niyang marami silang hihinging paliwanag mula sa kaniya.Nang matapos siyang kumain ay nagpahinga muna siya bago nagtungo sa kama. Ilang oras din siyang nakaupo sa eroplano kaya medyo masakit ang pwet at likod niya. Hindi naman kasi siya naka-business class kaya hindi siya makatulog ng maayos habang

  • Desiring His Ex-wife   Chapter 1

    “Mabuti naman at nakauwi ka na. Here, sign this.”Napatingin si Carnation sa hawak ni Hugo, ang kanyang asawa.Divorce papers iyon.Ngumiti siya rito bago tinanggap iyon. Inaasahan na niya ang bagay na ito. Gaya ng napag-usapan nilang dalawa, dalawang taon lang. Dalawang taon lang silang mananatiling kasal upang pagbigyan ang hiling ng kanilang mga magulang.Kinuha niya ang ballpen na nasa ibabaw ng table ni Hugo at agad pinirmahan ang divorce paper nilang dalawa. Hindi sila sa Pilipinas kinasal kaya mas mabilis mapa-process ang divorce nila.“So, this is it,” saad niya at pinilit na manatili ang ngiti sa mga labi niya.“Yeah.” Inilahad ni Hugo ang isang kamay sa kanya para makipag-shake hands. Agad naman niya itong tinanggap pero mabilis din niyang binitawan.“I’ll go ahead, I know you can handle that alone,” tukoy niya sa divorce nilang dalawa.Hindi na niya hinintay ang sagot ni Hugo at mabilis siyang lumabas ng opisina nito. Agad siyang sumakay ng elevator. Tumingala siya at kumur

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status