Share

Chapter 4

last update Last Updated: 2025-09-15 17:30:23

“Kumusta po kayo?” tanong ni Carnation sa tiyahin, matapos niya itong yakapin.

“I am okay. I should be the one asking you, how are you? Nagtatampo ako sa iyo, hindi ka nagparamdam ng ilang taon,” sagot ng kanyang Tita Cecile na may halong tampo.

“Naging busy lang po,” paliwanag ni Carnation.

“Grabe naman ang pagka-busy mo. Akala ko kalimutan mo na kami,” anito at humawak sa braso ni Carnation at siya na ang sumama rito para magtungo sa kwarto ng kanyang Lola. “Lagi ka niyang hinihintay bumalik. Kung nagtatampo ako dahil hindi ka nagparamdam, mas lalong nagtatampo siya.”

Alam ni Carnation iyon. Kaya nga nandito siya ngayon para mag-sorry. Huminga siya nang malalim nang buksan ng tiyahin ang pinto ng kwarto ni Lola Carmen.

“Ma, may bisita ka,” wika ng kanyang Tita, dahilan para mapalingon si Lola Carmen na nakatulala sa balcony. Nakaupo ito sa isang rocking chair, malalim ang iniisip.

Ngumiti si Carnation sa kanya. Unti-unting lumabas ang ngiti sa mukha ni Lola Carmen nang makita siya.

“Carrie…”

“Lola,” sagot ni Carnation.

“Bumalik ka na.”

Tumango si Carnation habang namamasa ang mga luha niya. Mabilis siyang lumapit at lumuhod sa harap ni Lola Carmen.

“I am sorry po,” bulong ni Carnation habang nakayuko.

Nag-angat siya ng tingin nang maramdaman ang kamay ni Lola Carmen sa balikat niya.

“Wala kang kasalanan. Naiintindihan ko. Hindi ko dapat kayo pinilit na magpakasal na dalawa. Ako ang patawarin mo. Akala ko may pag-asang maging masaya kayo ng apo ko…” sabi ni Lola Carmen, ramdam ni Carnation ang panghihina ng boses nito. Kita rin niya ang mabilis na pagtaas at pagbaba ng balikat nito, para bang nahihirapan itong huminga.

“Lola, pumayag ako sa nangyari kaya wala kayong kasalanan,” bawi ni Carnation. Ayaw niyang sisihin ni Lola Carmen ang sarili dahil alam niyang ginusto niya rin ang nangyari at alam na niya ang magiging kahihinatnan. “Okay lang po ba kayo?” tanong niya, nag-aalala.

Sumandal si Lola Carmen sa rocking chair at ngumiti.

“Masaya akong nakabalik ka na. Ang tagal kong hinihintay na umuwi ka. Bakit ngayon ka lang umuwi, Carrie?”

Tuluyan nang tumulo ang luha ni Carnation. Hindi niya masabi sa kanya ang tunay na dahilan. Hindi niya alam paano ipapaliwanag ang lahat, dahil alam niyang selfish ang naging desisyon niya noon.

“Sorry po,” iyon lang ang nasabi niya.

“Hindi naman kita papagalitan kung naghiwalay kayo. Naiintindihan ko rin kung bakit ka lumayo, pero sana bumalik ka agad.” Malungkot na tumingin si Lola Carmen. “Sana nakapagbonding pa tayo ng matagal.”

“Lola naman, ano bang sinasabi ninyo? Magbabonding pa tayo ng matagal kaya huwag kayo magsalita ng ganiyan.” Pinahid ni Carnation ang luha.

Alam niya na successful ang operation ni Lola Carmen, pero bakit parang mahina pa rin ang kanyang tingin ngayon?

“Carrie, alam kong hindi na—”

“Ma, stop. Kapag narinig kayo ni Hugo, pagagalitan na naman niya kayo,” pigil ng kanyang Tita Cecile.

Ikalawang asawa ng kanyang Tito Samuel ang kanyang Tita Carmen, at madrasta siya nina Hugo at Hilarry, pero kahit ganoon, close siya sa lahat.

“Si Hugo. Matigas ang ulo niya.”

Ngumiti si Lola Carmen pero napahawak sa ulo niya kaya nagmamadaling lumapit si Tita Cecile habang nag-aalala. Natataranta rin si Carnation pero hindi niya alam ang gagawin.

Nakita niyang napapapikit si Lola Carmen sa sakit ng ulo kaya agad siyang pinainom ng gamot ni Tita Cecile. Makalipas ang ilang sandali ay kumalma na ito.

Nang muling tumingin si Lola Carmen, nagtatanong-tanong siya kay Carnation. Biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Nawala ang lungkot sa mga mata, parang dati lang kapag pinapagalitan niya si Hugo.

“Teka?” Lumingon si Lola sa paligid. Kumunot ang noo niya habang nakatingin kay Carnation. “Carnation, nasaan ang asawa mo? Hindi mo kasama ang asawa mo? Huwag mong sabihin na busy nanaman siya sa trabaho?”

Malungkot na ngumiti ang kanyang Tita Cecile.

“Huwag kayong mag-alala, Ma. Uuwi na rin si Hugo. Sigurado akong paparito siya kasi nandito si Carnation,” paliwanag niya kay Lola Carmen, na lalo pang nagpagulo kay Carnation. “Kaya magpahinga na muna kayo.”

Inalalayan ng kanyang Tita Cecile si Lola Carmen patungong kama. Mabagal ang hakbang nito. Hindi gaya dati na malakas pa noong umalis si Carnation.

Alam niya na inatake ito sa puso at na-operahan, kaya akala niya ay magaling na, pero bakit parang may iba pa siyang problema?

“Carnation, alam mo ba, ang asawa mo, dito umuwi noong nakaraan. Lasing na lasing, natatakot umuwi sa bahay n’yo kasi pagagalitan mo raw siya,” humagikhik si Lola Carmen, nagkukwento na para bang kahapon lang ang nangyari. “Sabi ko na nga ba, tama ako. Ikaw lang ang magpapatino sa apo ko.”

“Lola, matagal na po kaming—”

“Carnation, halika, iwan muna natin si Mama para makapagpahinga siya,” pigil ng Tita Cecile niya bago hinila si Carnation palabas ng kwarto.

“Tita...” Malungkot na ngumiti ang Tiyahin.

“She has a dementia, Carnation.”

Natigilan si Carnation sa sinabi nito. Parang may kumurot sa puso niya nang marinig iyon.

“Minsan okay naman siya, pero kapag inaatake gaya kanina. Bumabalik siya sa mga nangyari dati at iniisip niyang iyon ang kasalukuyan. Kaya siguro iniisip niya kanina na nakasal pa rin kayo ni Hugo,” paliwanag nito. “Minsan naman para siyang bata.”

Napasuklay si Carnation sa buhok habang hindi makapaniwala. Ilang taon lang siyang nawala, pero hindi niya inaasahang ganito ang sasalubong sa kanya pagbalik.

“Kaya nga sinabi ko kay Samuel na tawagan ka, kasi lagi ka niyang hinahanap.”

Bigla siyang na-guilty sa nalaman niya. Gusto niyang makalimot kaya umalis, pero hindi niya ganito ang sasalubong sa kanya. Iniisip niya isang masiglang Lola Carmen ang makikita niya, pero mali pala siya.

“Bumabalik din naman siya sa dati, pero minsan tumatagal ng ilang araw, minsan sandali lang. Huwag kang mag-alala, hindi ko siya pababayaan. She treated me like her own daughter, kaya hindi ako aalis sa tabi niya,” nakangiting paliwanag ni tiyahin, pero hindi maitago ang lungkot sa mata niya.

Ngumiti si Carnation sa sinabi ng Tita niya. Nagpapasalamat siya na may isang gaya nito na handang alagaan si Lola Carmen. Gusto niyang sabihin na tutulungan niya, pero dalawang buwan lang ang plano niyang manatili sa Pilipinas at babalik na rin siya sa France, at sa sitwasyon ngayon, hindi niya alam kung masusunod pa ba ang plano niya.

“You’re here.”

Lumingon si Carnation sa nagsalita at nakita si Hugo. Seryoso ang mukha nito habang naglalakad palapit sa kanila ng kanyang Tita.

Pansamantala silang iniwan ng kanyang tiyahin kaya mag-isa lang silang dalawa.

Nararamdaman ni Carnation ang kanyang pagkalito sa paraan ng pagtingin ni Hugo sa kanya, para bang pinag-aaralan siya nang mabuti.

Binigyan niya ito ng pilit na ngiti. Hindi niya inaasahan na pupunta siya ngayon dito, akala niya hindi na sila magkikita kahit pumunta siya rito. Gusto lang niyang dalawin si Lola Carmen. Nagi-guilty siya na umalis nang walang paalam, at lalo pang lumakas ang guilt niya ngayong bumalik siya at ganoon na ang kalagayan niya.

“She’s okay now. Successful ang operation niya at magaling na rin siya. Wala ka nang dapat ipag-alala,” sabi ni Hugo habang nakaupo sa couch.

“Pero hindi lang naman sa puso ang sakit niya. Tita Cecile said she has dementia, at nakita ko kanina kung paano siya inatake ng sakit niya,” sagot ni Carnation.

Paano kung tuluyan na itong hindi makaalala nang maayos? Gusto sana niya itong alagaan siya, pero hindi siya puwedeng hindi bumalik ng France. Naghihintay ang anak niya roon.

“Yes, siguro dala na rin ng edad niya. Kaya kung may nasasabi man siya sa iyo, huwag mo nalang pansinin. She’s always asking about you, minsan iniisip ko na mas apo pa ang turing niya sa iyo kaysa sa akin,” wika ni Hugo, ngumiti siya kay Carnation pero nanatili itong nakatingin lang sa kanya.

Alam ni Carnation na nag-aalala rin siya para kay Lola Carmen pero hindi niya iyon ipinapakita. Bata pa lang sila, ganoon na si Carmen. Mas kinakampihan niya si Carnation kaysa kay Hugo. Habang ang namayapang asawa ni Lola Carmen na si Lolo Juan ay mahilig mang-spoiled noon kay Hugo.

“Kasi matigas daw ang ulo mo. Alam mo, iniisip ko na pagagalitan niya ako kapag nagkita kaming muli kasi hindi natupad ang pangarap niya para sa atin,” malungkot na ngiti ni Carnation.

Alam niya na hindi na maibabalik ang dati o wala naman talaga siyang maibabalik dahil simula pa lang, alam niya na wala talagang pag-asa. Umasa siya noon, pero nasuntok siya sa buwan. Hindi rin naman siya puwedeng pilitin na mahalin siya, kaya sumabay na lang siya sa agos.

“Gusto mo bang tuparin natin ngayon, Carrie?” tanong ni Hugo, nakangisi.

Inirapan siya ni Carnation. Alam niyang nagbibiro lang siya. Malabo nang maging sila ulit sa kahit anong paraan dahil alam niyang may bago na siya at wala siyang balak makialam sa isang bagay na simula pa lang ay natalo na siya.

“Huwag mo akong asarin, we both know that we will not work. And you are the one who offered me that contract,” paalala ni Carnation kay Hugo.

"You are also the one who asked for divorce," dagdag pa niya sa isip.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Desiring His Ex-wife   Chapter 4

    “Kumusta po kayo?” tanong ni Carnation sa tiyahin, matapos niya itong yakapin.“I am okay. I should be the one asking you, how are you? Nagtatampo ako sa iyo, hindi ka nagparamdam ng ilang taon,” sagot ng kanyang Tita Cecile na may halong tampo.“Naging busy lang po,” paliwanag ni Carnation.“Grabe naman ang pagka-busy mo. Akala ko kalimutan mo na kami,” anito at humawak sa braso ni Carnation at siya na ang sumama rito para magtungo sa kwarto ng kanyang Lola. “Lagi ka niyang hinihintay bumalik. Kung nagtatampo ako dahil hindi ka nagparamdam, mas lalong nagtatampo siya.”Alam ni Carnation iyon. Kaya nga nandito siya ngayon para mag-sorry. Huminga siya nang malalim nang buksan ng tiyahin ang pinto ng kwarto ni Lola Carmen.“Ma, may bisita ka,” wika ng kanyang Tita, dahilan para mapalingon si Lola Carmen na nakatulala sa balcony. Nakaupo ito sa isang rocking chair, malalim ang iniisip.Ngumiti si Carnation sa kanya. Unti-unting lumabas ang ngiti sa mukha ni Lola Carmen nang makita siya.

  • Desiring His Ex-wife   Chapter 3

    Hugo is smiling cockily.Napatitig si Carnation sa gwapong mukha niya. From his thick eyebrows, his eyes that black as raven, the perfect arrogant nose and his sexy lips, he still looks the same.Iyon pa rin ang mukhang dati ay pinapangarap niyang makita palagi, o para ngang mas gumwapo pa siya ngayon. Pero hindi na gaya dati ang nararamdaman niya, kung dati gusto niyang tumakbo palagi papalapit sa kaniya, ngayon gusto pa rin niyang tumakbo pero palayo na. Pero alam niyang hindi niya iyon pwedeng gawin. Ang tanging choice niya lang ngayon ay ang harapin siya.Ngumiti siya rito. Hindi niya inaasahan na makikita niya agad ito pero siguro nga may mga sitwasyong hindi niya hawak. “Long time no see,” pinilit niyang maging casual ang boses niya.She just need to act normal in front him. Iyong parang walang nangyari bago siya umalis, tama ganoon nga. Matagal na siyang nawala, kaya siguradong kinalimutan na rin nito ang nangyari gaya ng ginawa niya.Bumaba si Hugo sa bigbike niya at humakbang

  • Desiring His Ex-wife   Chapter 2

    Nang makapasok si Carnation sa hotel room niya ay tumawag muna siya para umorder ng lunch niya. Alas tres na kasi ng hapon at hindi pa siya naglalunch, medyo kumukulo na rin ang tiyan niya.Pagkatapos ay mabilis siyang naghubad ng mga damit at nagtungo sa shower. May jetlag pa siya dahil sa mahabang byahe kaya balak niyang magpahinga muna pagkatapos kumain. Sinuot niya ang isang puting roba nang matapos siyang maligo. Eksakto namang dumating ang pagkain nang makalabas siya ng banyo.Kumain muna siya ng lunch. Hindi muna niya tiningnan ang phone niya. Alam niyang wala pang nakakaalam na nakabalik siya. Bukas na siya magpapakita sa kanila; gusto muna niyang ipunin ang energy niya dahil alam niyang marami silang hihinging paliwanag mula sa kaniya.Nang matapos siyang kumain ay nagpahinga muna siya bago nagtungo sa kama. Ilang oras din siyang nakaupo sa eroplano kaya medyo masakit ang pwet at likod niya. Hindi naman kasi siya naka-business class kaya hindi siya makatulog ng maayos habang

  • Desiring His Ex-wife   Chapter 1

    “Mabuti naman at nakauwi ka na. Here, sign this.”Napatingin si Carnation sa hawak ni Hugo, ang kanyang asawa.Divorce papers iyon.Ngumiti siya rito bago tinanggap iyon. Inaasahan na niya ang bagay na ito. Gaya ng napag-usapan nilang dalawa, dalawang taon lang. Dalawang taon lang silang mananatiling kasal upang pagbigyan ang hiling ng kanilang mga magulang.Kinuha niya ang ballpen na nasa ibabaw ng table ni Hugo at agad pinirmahan ang divorce paper nilang dalawa. Hindi sila sa Pilipinas kinasal kaya mas mabilis mapa-process ang divorce nila.“So, this is it,” saad niya at pinilit na manatili ang ngiti sa mga labi niya.“Yeah.” Inilahad ni Hugo ang isang kamay sa kanya para makipag-shake hands. Agad naman niya itong tinanggap pero mabilis din niyang binitawan.“I’ll go ahead, I know you can handle that alone,” tukoy niya sa divorce nilang dalawa.Hindi na niya hinintay ang sagot ni Hugo at mabilis siyang lumabas ng opisina nito. Agad siyang sumakay ng elevator. Tumingala siya at kumur

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status