Nang makapasok si Carnation sa hotel room niya ay tumawag muna siya para umorder ng lunch niya. Alas tres na kasi ng hapon at hindi pa siya naglalunch, medyo kumukulo na rin ang tiyan niya.
Pagkatapos ay mabilis siyang naghubad ng mga damit at nagtungo sa shower. May jetlag pa siya dahil sa mahabang byahe kaya balak niyang magpahinga muna pagkatapos kumain. Sinuot niya ang isang puting roba nang matapos siyang maligo. Eksakto namang dumating ang pagkain nang makalabas siya ng banyo.
Kumain muna siya ng lunch. Hindi muna niya tiningnan ang phone niya. Alam niyang wala pang nakakaalam na nakabalik siya. Bukas na siya magpapakita sa kanila; gusto muna niyang ipunin ang energy niya dahil alam niyang marami silang hihinging paliwanag mula sa kaniya.
Nang matapos siyang kumain ay nagpahinga muna siya bago nagtungo sa kama. Ilang oras din siyang nakaupo sa eroplano kaya medyo masakit ang pwet at likod niya. Hindi naman kasi siya naka-business class kaya hindi siya makatulog ng maayos habang nasa byahe. Pero hindi pa siya natutuluyang makatulog nang magising siya dahil sa katok mula sa pinto kaya napabangon siya.
Binuksan niya ng maliit lang ang pinto para tingnan kung sino ang nasa labas at nakita niya ang isang lalaking mukhang lasing na agad na nakasandal sa dingding.
Agad namang napatayo ito nang makita siya. Tiningnan siya nito at napansin pa. “Wait, I knocked the wrong room,” ang sabi nito nang tingnan muli ang room number niya. “Sorry.” Yumuko pa siya sa kaniya bago tumalikod.
Napailing na lang siya. Ang aga-aga pa pero lasing na agad ito. Bumalik siya sa kama para matulog muna. Alas tres pa lang naman ng hapon. Matutulog lang siya saglit para makapagpahinga. Maaga kasi siyang dumating pero dahil sa traffic ay medyo late na rin sila.
Masarap ang naging tulog niya pero nang magising siya ay alas sais na ng gabi kaya nagmadali siyang bumangon. Nagbihis muna siya saglit. Nagsuot siya ng hoodie jacket bago tuluyang lumabas ng hotel room niya. Pinindot niya ang elevator at sumakay doon.
Lumabas siya ng hotel. Pwede naman siyang magpa-deliver ulit ng pagkain o pumunta sa restaurant ng hotel pero mas gusto niyang maglakad-lakad muna.
Maliwanag naman ang paligid dahil sa mga ilaw. Na-miss niya ang Maynila. Mula sa ingay at usok nito. Maayos ang buhay niya sa London. Masaya siya, pero iba pa rin sa sariling bansa.
Naglalakad lang siya dahil napapalibutan ng establishments ang buong lugar kung saan naka-check in ang hotel niya. Hindi niya alam kung gaano na kalayo ang narating niya. Nakaabot na kasi siya sa may park. Natutuwa siya sa mga ilaw doon kaya naglakad-lakad muna siya, hindi pa naman siya nagugutom.
Ngunit habang naglalakad siya ay may lalaking biglang sumabay sa kaniya kaya napatingin siya sa kaniya. Lalayo sana siya sa kaniya at sasabay sa ibang naglalakad pero bigla siyang inakbayan.
Natigilan siya nang biglang parang may matulis na bagay siyang itinutok sa kaniya. “Subukan mong sumigaw, babaon ito sa tagiliran mo,” bulong nito kaya natakot siya. Hinila siya nito sa madilim na parte kung saan walang makakita sa kanila.
“Akin na, wallet mo,” utos nito at tinutok sa kaniya ang kutsilyong hawak nito.
“W-Wala... akong wallet,” lunok na sagot niya. May dalawang libong cash lang siya sa bulsa niya. Wala naman siyang planong magtagal sa labas kaya hindi siya nagdala ng wallet. Pero may ID siya sa bulsa ng likod ng pantalon niya just in case na kailanganin.
“Huwag kang sinungaling. Ibigay mo na kung ayaw mong masaktan!” Napaatras siya nang itutok nito ang kutsilyo.
Natatakot siyang saktan siya pero wala naman talaga siyang maibibigay. Kinuha niya ang perang dala niya at ibinigay sa kaniya. “Ito, iyo na nang lahat iyan. Iyan lang ang pera ko.” Agad naman nitong kinuha ang dalawang libong inabot niya.
“Ginagago mo ba ako? Kita kitang lumabas ng isang mamahaling hotel tapos two-thousand lang pera mo! AKIN NA PERA!” nauubos ang pasensya nito.
“Wala—” Hinawakan niya siya bigla sa panga at tinutok sa leeg niya ang kutsilyo kaya mas lalo siyang nanginig sa takot.
Gusto niyang sumigaw para humingi ng tulong pero natatakot siyang biglang itarok sa leeg niya ang kutsilyo. Sana hindi na lang siya lumabas ng hotel kung alam niyang ganito ang mangyayari. Gusto lang niya maglibot saglit sa paligid pero holdaper pa pala ang unang bubungad sa kaniya.
Bakit ba ang malas niya bigla?
“Please, let me go. I’ll give you money, just let me go,” pagmamakaawa niya. May pera siya sa bag niya pero nasa hotel room niya iyon.
“Hindi kita maintindihan kaya huwag mo akong Englishin!” sigaw nito sa mukha niya kaya mariin siyang napapikit. “Kung ayaw wala ka natalagang pera…” Ngumisi ito. “Ikaw na lang ang—”
Malakas siyang napasinghap nang biglang may lalaking naka-helmet ang humawak sa kamay nitong may kutsilyo at pinilipit ito. Dahilan para mabitawan siya ng holdaper at mapasigaw ito sa sakit.
Nabitawan ng holdaper ang kutsilyong hawak nito. Sinubukan niyang suntukin ang lalaki gamit ang isang kamay ngunit nakaiwas ito. Malakas na sinipa nito ang holdaper dahilan para mapasasad ito sa pader.
Napatingin siya sa lalaking tumulong sa kaniya. Hindi niya makita ang mukha nito dahil sa helmet na suot nito. Naka-itim na leather jacket at pantalon ito. Hindi pa ito nakuntento at muling sinipa ang lalaki pero sabay silang napatingin sa mga dumarating. Mukhang mga kasamahan ito ng holdaper. Gang pa yata.
Biglang hinawakan ng lalaki ang kamay niya at hinila siya patakbo kaya wala na siyang magawa kundi sumama habang hinahabol naman sila ng mga lalaki.
Mabilis siyang sinakay ng lalaki sa isang bigbike kaya hindi na siya nag-iisip at umangkas. Napayakap siya ng mahigpit sa lalaki nang mabilis nitong paandarin. Mabilis ang pagpapatakbo kaya napapikit na lang siya. Wala siyang helmet kaya ramdam niya ang pagtama ng hangin sa mukha niya kaya siniksik niya ang pisngi sa likod niya.
Hindi niya alam kung sino ang lalaking kasama niya ngayon pero tinulungan niya siya kaya siguro ay hindi naman siya masamang tao. Mabilis siyang nagmulat nang huminto ang bigbike.
Napatingin siya sa paligid at nagkakatang tumingin sa lalaki nang mapansin niyang nasa entrance na sila ng hotel kung saan siya naka-check in.
Paano nito nalaman na dito siya tumutuloy?
Bumaba siya mula sa likod nito at hinarap ang lalaki. Hindi na mahalaga kung paano niya nalamang kung saan siya naka-check in. Mahalagang nakaligtas siya sa masamang loob na gustong mangholdap at, nang wala siyang maibigay, balak pa yatang pagsamantalahan.
“Salamat sa—” Hindi na niya natapos ang sasabihin nang alisin nito ang helmet.
Parang biglang tumigilang mundo niya nang ngumiti ito sa kaniya. Na-estatwa siya sa kinatatayuan habang nakatingin sa gwapong mukha nito.
Sa daming tao na posibleng tumulong sa kaniya bakit ang lalaking ito pa?
“Welcome back, my dear ex-wife. Kumusta ka?”
“Kumusta po kayo?” tanong ni Carnation sa tiyahin, matapos niya itong yakapin.“I am okay. I should be the one asking you, how are you? Nagtatampo ako sa iyo, hindi ka nagparamdam ng ilang taon,” sagot ng kanyang Tita Cecile na may halong tampo.“Naging busy lang po,” paliwanag ni Carnation.“Grabe naman ang pagka-busy mo. Akala ko kalimutan mo na kami,” anito at humawak sa braso ni Carnation at siya na ang sumama rito para magtungo sa kwarto ng kanyang Lola. “Lagi ka niyang hinihintay bumalik. Kung nagtatampo ako dahil hindi ka nagparamdam, mas lalong nagtatampo siya.”Alam ni Carnation iyon. Kaya nga nandito siya ngayon para mag-sorry. Huminga siya nang malalim nang buksan ng tiyahin ang pinto ng kwarto ni Lola Carmen.“Ma, may bisita ka,” wika ng kanyang Tita, dahilan para mapalingon si Lola Carmen na nakatulala sa balcony. Nakaupo ito sa isang rocking chair, malalim ang iniisip.Ngumiti si Carnation sa kanya. Unti-unting lumabas ang ngiti sa mukha ni Lola Carmen nang makita siya.
Hugo is smiling cockily.Napatitig si Carnation sa gwapong mukha niya. From his thick eyebrows, his eyes that black as raven, the perfect arrogant nose and his sexy lips, he still looks the same.Iyon pa rin ang mukhang dati ay pinapangarap niyang makita palagi, o para ngang mas gumwapo pa siya ngayon. Pero hindi na gaya dati ang nararamdaman niya, kung dati gusto niyang tumakbo palagi papalapit sa kaniya, ngayon gusto pa rin niyang tumakbo pero palayo na. Pero alam niyang hindi niya iyon pwedeng gawin. Ang tanging choice niya lang ngayon ay ang harapin siya.Ngumiti siya rito. Hindi niya inaasahan na makikita niya agad ito pero siguro nga may mga sitwasyong hindi niya hawak. “Long time no see,” pinilit niyang maging casual ang boses niya.She just need to act normal in front him. Iyong parang walang nangyari bago siya umalis, tama ganoon nga. Matagal na siyang nawala, kaya siguradong kinalimutan na rin nito ang nangyari gaya ng ginawa niya.Bumaba si Hugo sa bigbike niya at humakbang
Nang makapasok si Carnation sa hotel room niya ay tumawag muna siya para umorder ng lunch niya. Alas tres na kasi ng hapon at hindi pa siya naglalunch, medyo kumukulo na rin ang tiyan niya.Pagkatapos ay mabilis siyang naghubad ng mga damit at nagtungo sa shower. May jetlag pa siya dahil sa mahabang byahe kaya balak niyang magpahinga muna pagkatapos kumain. Sinuot niya ang isang puting roba nang matapos siyang maligo. Eksakto namang dumating ang pagkain nang makalabas siya ng banyo.Kumain muna siya ng lunch. Hindi muna niya tiningnan ang phone niya. Alam niyang wala pang nakakaalam na nakabalik siya. Bukas na siya magpapakita sa kanila; gusto muna niyang ipunin ang energy niya dahil alam niyang marami silang hihinging paliwanag mula sa kaniya.Nang matapos siyang kumain ay nagpahinga muna siya bago nagtungo sa kama. Ilang oras din siyang nakaupo sa eroplano kaya medyo masakit ang pwet at likod niya. Hindi naman kasi siya naka-business class kaya hindi siya makatulog ng maayos habang
“Mabuti naman at nakauwi ka na. Here, sign this.”Napatingin si Carnation sa hawak ni Hugo, ang kanyang asawa.Divorce papers iyon.Ngumiti siya rito bago tinanggap iyon. Inaasahan na niya ang bagay na ito. Gaya ng napag-usapan nilang dalawa, dalawang taon lang. Dalawang taon lang silang mananatiling kasal upang pagbigyan ang hiling ng kanilang mga magulang.Kinuha niya ang ballpen na nasa ibabaw ng table ni Hugo at agad pinirmahan ang divorce paper nilang dalawa. Hindi sila sa Pilipinas kinasal kaya mas mabilis mapa-process ang divorce nila.“So, this is it,” saad niya at pinilit na manatili ang ngiti sa mga labi niya.“Yeah.” Inilahad ni Hugo ang isang kamay sa kanya para makipag-shake hands. Agad naman niya itong tinanggap pero mabilis din niyang binitawan.“I’ll go ahead, I know you can handle that alone,” tukoy niya sa divorce nilang dalawa.Hindi na niya hinintay ang sagot ni Hugo at mabilis siyang lumabas ng opisina nito. Agad siyang sumakay ng elevator. Tumingala siya at kumur