
Amnesia's Curse, Mafia's Love
Amnesia’s Curse, Mafia’s Love
Aurelia Noelle Montclair, the Billionaire Queen heiress, had everything beauty, power, and a future waiting for her. Pero hindi lahat masaya sa success niya. Her stepmother, Isabella, secretly planned her death to take all the wealth and control the Montclair empire. One night after work, Aurelia’s car was sabotaged. While she was on the phone with her best friend, the brakes failed, leading to a tragic crash. The world believed she was gone.
Pero fate had other plans. Aurelia survived but lost her memory. A poor yet loving family found her and gave her a new name Celeste Amara Valdez. She started a new life, simple and far from the world of riches she once knew.
Enter Alessio Rafael Moretti, a half-Filipino, half-Italian billionaire mafia boss feared by many. When their paths crossed, destiny sparked between them. Pero Alessio knew love was dangerous in his world. Kahit tinutulak niya palayo si Celeste, he secretly protected her.
As Celeste regains fragments of her past, the truth about her stepmother’s betrayal slowly comes out. She must face who she really is Aurelia, the lost heiress while Alessio must decide if he’s willing to risk everything for love.
Read
Chapter: Chapter 6Celeste’s POVMaaga pa lang, maingay na agad ang paligid. Para bang walang tulog ang buong barangay may mga nagwawalis, may nag-aayos ng mesa, at yung mga bata, naglalaro na agad sa labas. May amoy ng bagong lutong kakanin na sumisingaw mula sa kapitbahay, halatang may handaan na mangyayari mamayang gabi.Pagdilat ko, halos mapatalon ako nang marinig ang malalakas na busina. Sumilip ako sa bintana — oh my gosh, may malaking puting van na kakapark lang sa tapat ng bahay namin.Biglang pumasok si Mama, excited na excited. “Anak, bumaba ka na. Nandito na mga pinsan mo galing Manila.”“Pinsan?!” napaangat kilay ko. “Like… sosyal cousins?”“Oo, mga anak ng Tito Rodel mo. Bilis na, wag ka nang magpa-star diyan.”Agad akong tumayo, pero bago ako bumaba, inayos ko muna buhok ko gamit kamay. Hindi ako pwedeng magpakita na parang kagigising lang. Hello, first impression counts.Paglabas ko, ayun na sila. Parang fashion show sa kalsada branded outfits, shades kahit umaga, tapos yung vibe nila pa
Last Updated: 2025-09-22
Chapter: Chapter 5Celeste Amara Valdez (POV) Madaling araw, biglang bumigat ang dibdib ko. Para akong nakalutang sa dilim. Hindi ko alam kung saan ako naroroon, walang direksyon, walang ilaw puro echo lang ng mga hakbang at boses na hindi ko makita ang pinagmulan. "Dónde estás…?" "She shouldn’t be here…" "Corre… rápido…" "We will find you." Nanlamig ako. Hindi ko kilala yung mga boses, pero halong Spanish at English yung mga salita nila. Malabo, parang nagmu-murmur lang sa tenga ko pero diretso pasok sa utak. At habang tumatagal, parang palapit nang palapit. Biglang may malamig na kamay na parang humahawak sa braso ko. Napasigaw ako: “Stop! No! Please!” Pagdilat ko ng mata, pawis na pawis ako. Basang-basa ang pisngi ko dahil umiiyak pala ako habang natutulog. Tumayo ako bigla, hinahabol yung hininga ko, hawak ang dibdib na parang sasabog. Buti na lang, hindi nagising sina Mama at Papa, pati mga kapatid ko. Kung narinig nila ako, baka sobra silang mag-alala. Pilit kong inaalala yung panagini
Last Updated: 2025-09-18
Chapter: Chapter 4Celeste Amara Valdez (POV) Nagmulat ako ng mata nang medyo mabigat pa ang pakiramdam ko. Normally, sanay na akong magising nang maaga these past days, pero ngayon… hindi. Ang sakit ng katawan ko, parang may binagsak na unan sa ulo ko. Napahilot ako sa sentido at napangiti habang naaalala ko kagabi. Right. I slept late. Not because of stress or kung ano mang problema pero dahil napasarap ang kwentuhan at laro naming magkakapatid kagabi. Napahiga ako ulit, ini-stretch yung braso ko. Sa totoo lang, hindi ako sanay na ganito kagulo bago matulog. Ewan ko ba basta feeling ko Hindi ako ganito mamuhay. But here, last night, parang lahat ng rules tinapon sa bintana. Kagabi kasi, pagkatapos naming kumain, bigla na lang nagyaya yung mga kapatid kong maglaro. “Ate Celeste! Laro tayo, please!” sigaw ni Noel, yung pinakabunso na halos hindi na bumitaw sa kamay ko mula nang dumating ako. “Play? Hmm, what kind of play?” tanong ko, half-English half-Tagalog, habang nakaupo ako sa papag. “Tagu-
Last Updated: 2025-09-18
Chapter: Chapter 3Celeste Amara Valdez (POV) Maaga pa lang, gising na ako. Hindi ko nga alam kung bakit. Siguro dahil excited ako? O baka naman kinakabahan. Basta ang alam ko, mas maaga pa akong gumising kaysa kay Mama. Napatingin ako sa paligid ng kwarto naming maliit yung papag na gawa sa kahoy, banig na tinutulugan ng mga kapatid ko, at mga laruan nilang nakakalat pa rin sa gilid. “Celeste, this is it,” bulong ko sa sarili ko habang dahan-dahan akong tumayo. Kinuha ko agad yung maliit na salamin na nakasabit sa dingding. Medyo nagulat ako kasi may konting eyebags pa ako at sabog ang buhok ko. “Oh my gosh, no. Hindi pwede ito.” Napabuntong-hininga ako pero natawa rin. Kahit pala dito, hindi ko maiwasang mag-arte. Pero bago lahat, inuna ko ang maglinis. Oo, me—Celeste Amara Valdez, na dati allergic sa household chores, ngayon kusa nang kumukuha ng walis tambo. Hinawi ko muna ang mga laruan nina Enzo at Lucas. Pinulot ko yung maliit na kotse na naiwan ni Noel kagabi, tapos inayos sa tabi ng pap
Last Updated: 2025-09-18
Chapter: Chapter 2Celeste Amara Valdez (POV)“Celeste, gising na anak.”Narinig ko ang mahinang tawag ni Papa habang bahagya niyang kinatok ang dingding ng kuwarto. Malamig pa ang simoy ng hangin, halatang madaling araw pa lang Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at napansin ang dilim na unti-unting hinihiwa ng liwanag mula sa maliit na bintana.“Hmm, Papa?” mahina kong sagot, paos pa ang boses ko dahil kakagising lang.“Magpapa-pasada na ako. Pero may nakahanda nang almusal niyo. Kumain ka agad para may lakas ka mamaya,” sabi niya, sabay sumilip ng bahagya sa pinto. Kita ko yung pawis sa noo niya kahit maaga pa. Ganito siya araw-araw maaga gumising para makapaghanapbuhay.Umupo ako sa papag at inayos ang buhok ko gamit ang daliri. “Okay, Pa. Sasamahan na lang kita saglit bago ka umalis.”Ngumiti siya ng pagod pero masaya. “Sige, princess—ay este, Celeste. Huwag ka masyadong mapagod ha.”Napangiti rin ako kahit medyo antok
Last Updated: 2025-09-18
Chapter: Chapter 1*1 year and now after ng accident* Celeste Amara Valdez (POV) Mainit ang sikat ng araw nang magising ako. Pumasok ang liwanag sa maliit na bintana ng bahay namin. Kahoy at yero lang ang gawa nito, pero puno ng buhay sa ingay ng mga kapatid ko at tawanan nila. Huminga ako nang malalim, naramdaman ko yung init ng araw sa balat ko. Kahit papaano, nakakagaan ng pakiramdam. Ako si Celeste Amara Valdez, 25 years old, panganay sa anim na magkakapatid. Nakaupo ako sa gilid ng papag, tuwid ang likod, parang sanay na sanay sa proper posture. Hindi ko alam kung bakit automatic na ganito ako umupo. Kahit simpleng duster lang ang suot ko, lagi nilang sinasabi na may dating pa rin ako kutis porselana, mahaba at makintab ang buhok, parang sosyal daw. Ako mismo, minsan nagtataka kung bakit ganito ako. “Celeste, anak, kumain ka muna bago ka mag-igib,” tawag ni Mama mula sa kalan. Si Camille Valdez, nanay ko. Maliit lang ang kusina, pero amoy na amoy ang pritong tuyo. Nag-ayos ako ng upo at ngumit
Last Updated: 2025-09-18