author-banner
Sky_1431
Sky_1431
Author

Novels by Sky_1431

The Mafia's Marked Nanny

The Mafia's Marked Nanny

Hulog ng langit kung ituring ni Evie si Amora. Dumating ito sa buhay niya kung saan nasa gitna siya ng kagipitan. Pero sa tuwing nagtatama ang mga tingin nila ng ama nitong si Russell ay impyerno ang hatid niyon sa kanya— init na nagmumula sa kung saang hindi niya maintindihan. Mommy kung tawagin siya ni Amora gayong yaya lang naman siya nito. Paano kung ang susunod na offer sa kanya ni Russell ay hindi na bilang nanny ng anak niya? Kaya niya pa kayang makipag-negotiate rito?
Read
Chapter: Chapter 87
Tahimik ang buong silid nang dumating si Gray. Madilim, malamig, at tanging mahinang ilaw mula sa holographic panel ang nagbibigay-liwanag kay Mireille na nakaupo sa gitna ng mahabang mesa. Ang babaeng kinatatakutan ng halos lahat sa Black Network— maliban kay Gray— ay nakasuot ng pulidong itim na suit, mukhang hindi pa natutulog kahit dalawang araw nang may sunod-sunod na operasyon.Pagpasok ni Gray, wala siyang dala kundi ang maliit na wrist console at ang malamig niyang ekspresyon na tila walang kahit anong bigat ng mundo ang makakaantig dito.“Sit,” maikling utos ni Mireille.Tahimik siyang tumalima. Ang bawat kilos ni Gray ay kontrolado, magaan, ni walang bahid ng kaba o pagdadalawang-isip. Parang sinanay buong buhay para sa ganitong tagpo— na totoo naman.Inayos ni Mireille ang isang folder sa harap niya. Makapal, maraming naka-attach na encrypted pages at sealed data chips. Iba ang aura ng misyon na ito—hindi ito basta-basta.“Gray,” panimula ni Mireille, malamig ang tono. “You
Last Updated: 2025-11-15
Chapter: Chapter 86
Tahimik ang umaga sa command base ng Lacroix-Toporov Alliance, ngunit mabigat ang hangin. Ang mga ilaw sa war room ay kumikislap habang naglo-load ang data mula sa huling mission ni Rio. Sa gitna ng malaking holographic table, nakatayo sina Evie, Russell, at Nikolai, habang si Rio ay nakaupo sa gilid, tahimik pero halatang hindi mapakali.“Balikan natin ito,” malamig na sabi ni Evie.Muling pinindot ni Nikolai ang playback. Sa hologram, lumabas ang eksaktong laban ni Rio kay Gray—mabilis, brutal, at halos pantay ang galaw. Pero sa sandaling tumingala si Gray sa camera, lumitaw ang isang pares ng mata na hindi kailanman makakalimutan ni Evie.Tumigil ang video.Tahimik ang lahat. Wala ni isa ang nagsalita.“Mom…” mahinang sabi ni Nikolai, “sigurado ka ba?”Dahan-dahang umupo si Evie, tinatakpan ng kamay ang labi. “Hindi ko makakalimutan ang mga matang ‘yon. Kahit sa impiyerno ko pa siya makita— alam kong siya ‘yon. Siya nga si Amora.”Nagkatinginan sina Russell at Rio. Sa mga mata ni R
Last Updated: 2025-11-14
Chapter: Chapter 85
Tahimik ang buong compound ng Lacroix-Toporov Alliance. Ang dating mainit na base ng operasyon ay ngayon puno ng mga holographic screen, data servers, at mga digital maps ng buong Europe at Asia.Sa gitna ng lahat ng ito, nakaupo si Nikolai, the quiet storm behind the entire empire. Sa loob ng black network, kilala siya bilang Cipher, ang hacker na kayang magpatumba ng buong gobyerno sa loob lamang ng tatlong minuto.“Rio, I’ve cracked the last firewall,” sabi ni Nikolai sa comms, habang mabilis na tumatakbo ang codes sa screen. “Target frequency trace complete. The Revenants moved their base somewhere in Eastern Europe.”Sa kabilang linya, maririnig ang kalmadong boses ni Rio na kasalukuyang nasa field operation sa Ukraine. “Copy that. Send coordinates.”Mabilis na pinindot ni Nikolai ang ilang command keys. Sa holographic map, lumitaw ang markadong lugar— isang lumang fortress sa gilid ng kabundukan.“Got it,” wika ni Rio. “If this is right, that’s where Gray’s team stashed the last
Last Updated: 2025-11-14
Chapter: Chapter 84
Labinlimang taon na ang lumipas mula nang araw na iyon. Mula noon, nagbago ang lahat. Nawala si Amora sa kanila at hindi nila alam kung nasaan na ito o buhay pa ba ito.Nawalan ng malay si Evie noon dahil sa apat na balang tumama sa kanya. Bago pa man makatakas si Marionne, ay nabaril na ito ni Russell.Oo, dumating sila Russell nang araw na iyon.Pero si Amora ay hindi na nila mahagilap.Hindi rin nila makausap nang maayos si Marionne dahil mayroon itong multiple personality disorder. Ayon sa doktor na sumuri dito ay bunga iyon ng matinding pinagdaanan nito.Mula noon ang mundo ng mga sindikato ay muling nagkaroon ng bagong balanse— sa pagitan ng Lacroix-Toporov Alliance at ng iba pang pwersang umusbong sa dilim.---Venice, Italy — present.Tahimik ang gabi, maliban sa patak ng ulan at ingay ng mga motor mula sa malalayong kalye. Sa tuktok ng isang lumang gusali, nakaluhod si Gray, nakasuot ng dark combat suit, may night-vision goggles at silencer rifle. Sa ilalim ng hood, ang kanya
Last Updated: 2025-11-13
Chapter: Chapter 83
Napapailing si Evie matapos marinig ang mahabang salaysay ni Marionne. "Hindi... h-hindi totoo iyan.""Nakakasakit ka naman ng damdamin, kambal," nanunuyang saad ni Marionne at binigyang diin pa ang salitang kambal. "Hindi mo ba matanggap na galing ka sa isang surrogacy precedure at kambal tayo? Hindi tayo identical twin kaya hindi tayo magkamukha. Isa pa... nag-undergo ako ng ilang retoke dahil na rin sa mga sugat na gawa ni Marcos at nag-iwan iyon ng malaking peklat sa mukha ko.""Hindi totoong inabandona ka nina mama at papa!" sigaw ni Evie kahit pa pakiramdam niya ay nauubusan na siya ng dugo. "Mabubuting tao ang mga magulang natin! Ang mga tauhan namin dito sa S-Top ay pawang mga natulungan ni papa sa Pinas. Wala silang mga magulang at kinupkop sila ni papa. Kaya imposibleng inabandona nila ang sarili nilang anak!""Kalokohan!" ganting sigaw ni Marionne. "So anong tawag mo sa akin? Anong tawag mo sa mga ginawa ng walang hiyang Marcos na iyon! Joke lang? Practice lang?""H-Hindi k
Last Updated: 2025-11-13
Chapter: Chapter 82
Simula ng araw na iyon ay nakipagkasundo si Arseni kina Manolo at Antonio— ipapalabas nilang tumiwalag na si Arseni.Magiging lihim na ang pagkakaibigan nila. Na kahit ang mga anak nila ay hindi malalaman ang ugnayan nilang tatlo kahit na ang tungkol kay Marvin.Sa ganoong paraan ay hindi iisipin ni Marvin na pinagkaisahan ito ng tatlong kaibigan. Kahit ganoon ang ginawa nito ay hindi pa rin maalis sa tatlo na minahal nila ito na parang isang tunay na kapatid. Kinailangan lang nilang putulin ang koneksyon dito para magbigay iyon ng aral dito.Kaya ang Operation Seraphim na pinag-aralan nila at binigyan ng oras ay hindi kailanman nila pinagpatuloy.Ang mga panganay nilang anak ang siyang sumunod sa mga yapak nila— sina Grigory, Manuel, at Alfonzo. Lumaki silang hindi kailanman nalaman ang pagkakaibigan ng kanilang mga tatay.Naging epektibo naman iyon dahil ni minsan ay hindi na nila nabalitaang nasasangkot sa isang krimen si Marvin. Kaya pinagpatuloy na lang nila ang ganoong set up.N
Last Updated: 2025-11-12
My Wildest Era With Ninong Theo

My Wildest Era With Ninong Theo

I was left alone with nothing. Even a home that I can call my own. Bakit ganito katindi ang galit ng tadhana sa akin? Kung kailan gusto ko nang wakasan ang paghihirap ko ay siya namang pagdating ni Ninong Theo. Akala ko tutulungan niya lang akong makaahon mula sa pagkakalunod sa dagat ng paghihirap, pero... Nilulunod niya rin ako sa kama na puno ng pag-ibig, ungol, at init.
Read
Chapter: Chapter 16
Pagkatapos ng breakfast namin ni Theo ay napansin kong paulit-ulit siyang tumitingin sa phone niya. Kanina pa. Kahit habang nag-aayos siya ng coat ay parang may inaabangan siyang hindi niya sinasabi.“May kailangan ka bang gawin?” tanong ko habang hinihigpitan niya ang wristwatch niya.Tumigil siya sandali, saka tumingin sa akin. “Just a short meeting. Fifteen minutes. Promise.”“A meeting? Here?”Tumango siya. “May kausap lang akong partner na may urgent update. Hindi ito business sa Pilipinas. Nothing for you to worry about.”Pero alam kong hindi totoo ang huling sentence na iyon. Kapag sinasabi ni Theo ang “don’t worry,” iyon mismo ang moment na dapat akong kabahan.Inabot niya ang pisngi ko, marahan at may bahagyang lambing. “I’ll be quick. Just stay here, okay? Don’t go anywhere. I locked the suite. Kung may kumatok man, don’t open. Call me first.”“Ganon ka ba talaga ka-worried?” biro ko, pero may halong kaba.“No,” sagot niya. “Mas worried ako kapag wala ka sa paningin ko.”At
Last Updated: 2025-11-14
Chapter: Chapter 15
Mula sa malalim na tulog, unti-unting bumalik ang ulirat ko. Ang unang sumalubong sa akin ay ang malambot na liwanag ng araw na sumisilip sa puting kurtina. Ang amoy ng kape ang kasunod— mainit, matapang, pamilyar. Sandaling nakalimutan ko kung nasaan ako, hanggang sa naramdaman ko ang init ng bisig ni Theo sa bewang ko.Huminga ako nang malalim. Sariwa pa sa alaala ko ang nangyari kagabi. Nag-init bigla ang mukha ko nang maalala kung gaano ako naging agresibi kagabi. Napaka-wild!Tahimik ang paligid, maririnig lang ang banayad na ugong ng aircon at ang mahinang tiktak ng relo sa dingding. Paris. Nasa Paris kami. At… magkasama kami.“Good morning,” mahinang sabi niya, malapit sa tenga ko, baritono at paos pa sa antok.Napapikit ako. Bakit ang lambing ng boses niya kahit simpleng bati lang?“Good morning,” mahina kong sagot, halos pabulong. Dahan-dahan kong iginalaw ang katawan ko, pero mas hinigpitan niya ang yakap, parang ayaw akong bitawan.“Stay,” sabi niya. “Just a few minutes.”N
Last Updated: 2025-11-14
Chapter: Chapter 14 (SPG)
Nakakailang lagok pa lang ako sa wine pero pakiramdam ko ay nalasing na ako.Sa sobrang focus ko sa mga mata niya ay hindi ko namalayang nakalapit na siya sa akin. Sobrang lapit na ramdam ko na ang mainit niyang hininga sa mukha ko.Amoy alak at ang panlalake niyang pabango.Maingat niya akong nilapag sa kama. Our eyes met and I could feel the fire inside me started to arouse. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagpipigil.Not me.Kaagad kong sinunggaban ang mga labi niyang alam kong naghihintay lang.Alam kong nadadala lang ako sa kalasingan ko ngayon, pero alam ko pa ang ginagawa ko. I wanted him. I wanted him inside me.He gave in and responded to my kisses. Deeper and intense. Napayakap ako sa leeg niya at mas lalo akong nag-init nang maramdaman ang init ng katawan niya. Nag-aalab na ang damdamin ko. Na para bang ayaw ko nang matigil ang sandaling ito.Kung kanina ay nakasuporta pa ang mga kamay niya habang nasa ibabaw ko, ngayon ay damang-dama ko na ang matigas na bagay sa pagitan
Last Updated: 2025-11-13
Chapter: Chapter 13
Pagbukas ng pinto ng eroplano, sinalubong ako ng malamig na hangin at ng amoy ng ulan. Paris. Ang langit ay kulay abo, parang may bagyong paparating, pero kahit ganon—may kakaibang ganda sa bawat ulap at liwanag na sumisilip sa pagitan.Tahimik kaming bumaba ni Theo, pero agad kaming sinalubong ng mga flash ng kamera mula sa paparazzi. Of course. Hindi pa rin pala kami ligtas kahit sa kabilang panig ng mundo.“Alianna, keep close,” bulong ni Theo, sabay hawak sa kamay ko. Mahigpit. Protektado.Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi dahil sa takot—kundi dahil sa init ng palad niya sa balat ko.“Mr. Montenegro! Mrs. Montenegro!” sigaw ng mga reporter. “Is this your honeymoon? Are you really married?”Hindi ako makasagot. Napalunok ako at nagtago sa likod niya habang mabilis kaming sinakay sa isang itim na kotse. Tumakbo kami sa gitna ng ulan, at sa sandaling pumasok kami sa loob, tuluyang nawala ang ingay ng mundo.“Breathe,” sabi niya, tinitingnan ako. “You’re safe now.”Umilin
Last Updated: 2025-11-12
Chapter: Chapter 12
The airport was chaos.Flash ng mga camera, tawag ng reporters, sigawan ng mga fans at haters. Parang lahat ng mata ay nakatingin sa amin ni Theo habang dahan-dahan kaming naglalakad papunta sa private terminal.Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o kabahan.Just hours ago, I became Mrs. Alianna Montenegro.And yet, sa gitna ng lahat ng ingay na ito, parang may bumubulong sa isip ko: Are you really ready for this life?“Alianna! Theo! Is the marriage real or just for business?”“Mr. Montenegro, is it true Daniel Reyes tried to stop the wedding?”“Mrs. Montenegro, are you pregnant?”Napapikit ako. Nakakapanlumo. Every flash felt like a stab — a reminder of the world I stepped into.Hinawakan ni Theo ang kamay ko nang mariin. “Ignore them,” he whispered. “You’re with me now.”Tumango ako, pero sa gilid ng mata ko ay may nakita akong lalaking nakaitim na sumunod sa ami. Hindi ko makita nang maayos ang mukha, pero may kakaiba sa tindig niya — masyadong kalmado, parang hindi siya ordi
Last Updated: 2025-11-11
Chapter: Chapter 11
Ang umaga ng kasal namin ay tila isang pelikula. Maganda, tahimik, pero may halong kaba na hindi ko maipaliwanag. Habang nilalagay ni Mila ang mga huling bulaklak sa gilid ng veranda, tanaw ko mula sa bintana ng suite ang asul na dagat, kumikintab sa ilalim ng araw.“Alianna, breathe,” sabi ni Mila, pinapahiran ng makeup artist ang pisngi ko. “You look pale.”Ngumiti ako nang bahagya. “I’m fine. Just nervous.”Pero sa loob ko, hindi lang kaba. Parang may bagyong paparating.Nakatitig ako sa sarili ko sa salamin. Ang puting gown na suot ko ay gawa sa manipis na seda, simple pero elegante— regalo ni Theo. Hindi ko pa rin alam kung paano ako napunta rito, ilang linggo lang matapos ang lahat ng nangyari.Magpapakasal ako kay Theo Montemayor.Ang lalaking minsan lang ngumiti pero kaya akong ipagtanggol sa lahat.Narinig kong kumatok si Theo.“Alianna, can I come in?”“Give me a second,” sagot ko.Pagharap ko, nandoon siya— naka-itim na tuxedo, matikas, at nakatingin sa akin na para bang ak
Last Updated: 2025-11-11
You may also like
Hey, Mafia
Hey, Mafia
Romance · Majestic
1.1K views
Baby Maker For Mr. Billionaire
Baby Maker For Mr. Billionaire
Romance · TheMoonLovers
1.1K views
Sinnerita
Sinnerita
Romance · Aramanthus
1.1K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status