Chapter: Kabanata 7: Claiming the Unwilling
“Your little act of playing it safe isn’t clever at all. But now that you’ve achieved your goal, you don’t have to keep pretending,” saad ni Kaizan sa paraang animong inaamo si Inara. Malumanay ang tono ngunit may nakatagong pwersa at kapangyarihan sa bawat salitang lumalabas sa labi niya. Habang si Inara ay mapula pa rin ang parehong pisngi dahil sa halik kanina. Masiyado iyong matamis, malambot at nakakaadik. Hindi man niya gustong isipin, ngunit ang sensasyon ng labi ni Kaizan sa kaniya ay nananatili pa rin at animong nag-iwan ng bakas sa labi niya. I still can't believe this woman could taste like a temptation itself. Para siyang diwata na nagtatago sa katawang tao. Nakakamangha. Masiyadong kakaiba. “Anong pinagsasabi mong I don’t have to keep pretending? Are you saying na nagpapa-hard to get lang ako?” kunot ang noong tanong ni Inara, halos mapuno ng pagkadismaya at panggigigil ang boses niya. Kaunti na lang ay sasabog na talaga siya sa inis, ramdam niya ang bigat ng sitwasyon
Terakhir Diperbarui: 2025-10-28
Chapter: Kabanata 6: Be My WomanKinabukasan, maagang dumating si Inara sa El Davion Group Tower kasama si Tatiana. Habang nakatayo siya sa harap ng malaki at makintab na glass facade ay hindi niya maiwasang huminga nang malalim. Masyadong engrande ang kumpanyang ito. Nakakita naman na ako ng napakatataas na gusali pero ang isang ito ay parang ibang mundo. Tsk. Ano pa nga bang dapat asahan sa pamilya El Davion? Halos kabuuan ng Dumaguete ay pagmamay-ari nila.Lahat ng taong dumaraan ay mukhang abala, propesyonal, at nakataas ang noo. Samantalang siya ay hindi na malaman kung saan pa ilulugar ang kaniyang kaba.Final na ba talaga ‘to, Lord? Wala na ba talagang way para hindi ito matuloy? I suggest lamunin na lang ako ng lupa if wala na talagang way, Lord, dahil mukhang doon din naman ang punta ko after ng interview na ito. Diyos ko!Pagpasok nila sa conference room, halos hindi siya mapakali. Ang lamig ng air conditioner ay parang hindi man lang nakatutulong sa init ng kaba sa dibdib niya. Basa na ng pawis ang kaniy
Terakhir Diperbarui: 2025-10-28
Chapter: Kabanata 5: Interviewing My Own FiancéPagbalik nina Inara at Tatiana sa kompanya, agad kumalat ang balita na sila ang nakakuha ng exclusive interview kasama ang presidente ng El Davion Group. Lahat ay nakatingin sa kanila nang may halong inggit at paghanga. Sino ba naman ang hindi kung ang makapapanayam nila ay walang iba kundi si Arlend Kaizan El Davion, ang misteryosong presidente ng El Davion Group, isa iyong karangalan. Kung magagawa nila nang maayos ang interview na iyon, tiyak na lalampas sa inaasahan ang performance ng buong team ngayong taon. Ang bigat ng pangalan ni Kaizan ay mas mahalaga pa kaysa sa lahat ng mga taong na-interview nila sa loob ng isang taon na pinagsama-sama. Sa mesa ni Liora, ang matalik na kaibigan at kapwa intern ni Inara, agad siyang hinila nito palapit, nakangiti at puno ng kuryosidad. “Inara, bilis! Sabihin mo sa ’kin, gwapo ba talaga si Mr. El Davion? Grabe ang mga naririnig kong papuri sa kan'ya!” Napahinto si Inara sa pag-inom ng tubig. Kung tutuusin ay oo, sobrang gwapo ng lalaking
Terakhir Diperbarui: 2025-10-20
Chapter: Kabanata 4: One Look, and I Was DoomedBiglang sumagi sa isip ni Kaizan ang isang imahe, at sa isang iglap, nagbago ang kanyang isip. Bahagyang umangat ang gilid ng kanyang labi. “Okay ka lang ba?” tanong niya sa malamig ngunit banayad na tinig. Nang lingunin siya ni Inara at magtama ang kanilang mga mata, parang huminto ang oras. Napatigil siya, at hindi niya napigilang bumilis ang tibok ng puso niya. Susmariyusep! Napakagwapo naman ng lalaking ito, Lord! Matangos ang ilong, matalim ang panga, at bawat linya ng kanyang mukha ay parang hinubog ng isang bihasang iskultor. Ang kanyang mga mata na kulay itim ngunit may kakaibang lalim na mahirap basahin ay may misteryong tila nang-aakit. Nakasuot siya ng itim na suit na halatang sukat na sukat sa kanya. Malapad ang balikat, makitid ang baywang, at mahahaba ang mga binti, perpektong proporsyon, parang modelo sa mga mamahaling magasin. Ang tindig niya’y matikas at puno ng awra ng awtoridad. Ang lalaking ito ang tipo ng tao na hindi mo basta makakalimutan hindi lang dahil s
Terakhir Diperbarui: 2025-10-20
Chapter: Kabanata 3: When Hate Tasted Like HimPagkalabas ni Kaizan mula sa kuwarto ni Inara, sinalubong naman siya ng butler ng kan'yang ama sa pasilyo. “Butler Renan,” turan niya rito. “Young Master, pinapatawag ka ng iyong ama sa opisina niya.” Tahimik siyang tumango at sumunod. Pagbukas ng mabigat na pinto, bumungad ang amoy ng mamahaling alak at nagkikintaban na mga wooden furniture sa loob ng opisina ng ama. Nakaupo si Don Adalvino sa likod ng mesa, kalmado pero matalim ang presensiya. Pinunuan nito ng alak ang dalawang baso bago iniabot ang isa sa anak. “Na-meet mo na ba siya?” tanong ng matanda habang tinititigan siya. “Mabait ‘yong bata. Magalang at marunong rumespeto. Huwag mo siyang sasaktan.” Tinanggihan ni Kaizan ang baso, malamig ang tinig. “Sinabi ko na sa inyo, hindi ko siya pakakasalan.” Nanigas ang mukha ng ama. “Kailangan mong pakasalan siya, Kaizan. Wala kang pagpipilian.” Napangiti ito nang mapait. “Walang pagpipilian?” Mahinang tawa ang lumabas sa labi niya. “Mukhang madidismaya ka sa bagay na iyan, Do
Terakhir Diperbarui: 2025-10-20
Chapter: Kabanata 2: His Punishing Kiss“Tulong! Tulong! Sino ka?!” Naghahabol ng hininga si Inara habang pilit niyang tinutulak ang lalaking nasa dilim at nakadagan pa rin sa kan'ya. “Tumahimik ka…" Mababa at malamig ang tinig ng lalaki. Kumikirot na rin ang ulo nito sa ingay ng babae dahilan para agad siyang mapasimangot. Inis na inis si Kaizan. Napahinto naman si Inara. Lalaki?! Paanong nakapasok ang lalaking ito sa kuwarto ko?! Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya. Hindi niya mawari kung sino ang lalaki at ano ang pakay nito sa kan'ya. Kinuyom niya ang mga kamao, pilit pinapakalma ang sarili kahit nangangatog ang kalooban. “Sinasabi ko sa’yo,” matapang niyang sambit kahit nanginginig ang tinig, “ako ang mapapangasawa ng anak ni Don Adalvino Khalif El Davion. If you dare hurt me, you’re dead..” Ang pamilyang El Davion ay isa sa pinakamakapangyarihang angkan sa Dumaguete City. Wala nang may matinong pag-iisip ang mangangahas na kalabanin pa sila. Alam niyang ginagamit niya ang pangalan ng mga El Davion para lang
Terakhir Diperbarui: 2025-10-20