Chapter: Chapter 22Kapansin-pansin ang pamumugto ng mga mata ni Emma habang nakatitig sa sarili sa salamin. Pula at namamaga ang mga ito, tanda ng gabing halos walang tulog, punô ng luha at tanong na walang kasagutan. Dapat sana’y ito ang unang umaga nila bilang mag-asawa—punô ng lambing, ng halik, ng ngiti. Ngunit sa halip, malamig na katahimikan at sakit ang bumalot sa kanya.“Bakit ganito, Edward?” bulong niya sa sarili.Dahan-dahan niyang pinahiran ng press powder ang paligid ng mata, pilit tinatakpan ang bakas ng pag-iyak. Ayaw niyang makita ni Edward ang kahinaan niya—ayaw niyang bigyan ito ng kasiyahan.Ngunit biglang bumukas ang pinto.Napalingon siya.Nakatayo roon si Edward—gusot ang suot, nakalaylay pa ang suit na suot nito noong kasal. Parang hindi man lang natulog.“Good morning,” mahinang bati ni Emma.Ngunit parang hangin lang siya sa paningin ng lalaki.Walang imik na dumiretso si Edward sa banyo, bitbit ang damit.Parang may humagupit sa dibdib ni Emma.Hindi na niya napigilan ang luha.
Terakhir Diperbarui: 2026-01-10
Chapter: Chapter 21After Reception Pagkatapos ng engrandeng reception, tahimik na bumiyahe sina Edward at Emma patungo sa hotel kung saan gaganapin ang kanilang honeymoon. Isang private luxury suite ang inihanda ng mommy ni Edward—kumpleto, elegante, at puno ng simbolo ng bagong simula para sa kanila bilang mag-asawa.Pagkapasok pa lamang nila sa loob ng suit, mahigpit na nakayakap si Emma sa asawa.“I love you, Edward,” bulong niya, bahagyang nanginginig ang boses sa labis na saya. “I’m so happy. Kung panaginip man ito, ayaw ko nang magising pa. Thank you, for your love, for everything.”Walang sinabi ang lalaki—tanging isang malalim na ngiti lamang ang isinagot niya. Dahan-dahan niyang binuhat si Emma, tila ba ayaw pang iparamdam ang bigat sa dibdib, at dinala ito papasok sa loob ng silid.Pagdating sa kama, marahan niya itong ibinaba.“Change your dress,” malamig ngunit maayos ang tono ni Edward. “I’ll just change in the other room.”Napakunot-noo si Emma.“Why?” tanong niya, may halong biro ngunit
Terakhir Diperbarui: 2026-01-08
Chapter: Chapter 20Biglang bumukas ang pinto, at pumasok si Dave na may dalang bulaklak at prutas sa kamay.“Dave! Ang tagal nating hindi nagkita. Paano mo nalaman na nasa ospital ako?” tanong ni Emma, sabay ngiti.Tanging ngiti na alanganin ang naging tugon ni Dave.Tumuloy siya sa loob at maingat na inilapag ang mga dala sa lamesa.“Salamat, ang ganda naman ng bulaklak,” sabi ni Emma habang pinagmamasdan ang kulay at bango nito.Tumango si Dave at nanatiling nakatayo sa harap niya, tila may gustong sabihin pa.“Siya ang nagsabi sa akin kung nasaan ka,” sabi ni Edward.“Ha?” gulat na tanong ni Emma. Hindi niya agad nakuha ang sinabi.“I’m sorry for everything , Emma,” hinging tawad ni Dave sa mababang tono. “Nandoon ako nung kinidnap ka ni Lara at dinala sa abandonadong lugar. Kasali rin ako sa plano niya, pero dahil may guilt ako, agad kong kinontak si Edward para humingi ng tulong sa kanya” paliwanag niya.“Teka, Anong koneksyon mo kay Lara?” tanong ni Emma na halatang naguguluhan.“Dati kaming magka
Terakhir Diperbarui: 2026-01-08
Chapter: Chapter 19Chapter 19Paghihiganti ni Emma“Sa—saan ako?” mahina at nanginginig ang boses ni Emma. Nahihilo siya at hindi niya maunawaan ang nangyayari sa paligid.“Finally, gising ka na,” demonyong ngisi ng babae.“Lara,,,?anong ginawa mo sa akin?” pilit na tanong ni Emma. Binalingan niya ang mga kamay at paa na mahigpit ang pagkakatali. “Pakawalan mo ako! Wala akong ginagawang masama sayo!” Pagwawala ni Emma habang pilit ginagalaw ang mga kamay at paa nito.“Oh, talaga?” sigaw ni Lara. “Sinungaling ka!”Napaatras ang mukha ni Emma sa lakas ng boses nito.“Ikaw ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang pagmamahalan namin ni Edward!” galit na galit na sigaw ni Lara. “ Pera na naging bato, Pa! “Ano?” gulat na sabi ni Emma. “Wala akong alam sa sinasabi mo. Kung iniisip mong may relasyon kami, wala, Lara. Wala talaga. Pakawalan mo ako.”“Sinong niloloko mo?” halos manginig sa galit ang babae. “Hindi uubra sa akin ang palusot mo! Dahil sa’yo, nawala sa akin si Edward. Para kang ahas—inagaw mo siya
Terakhir Diperbarui: 2026-01-08
Chapter: Chapter 18May hindi inaasahang bisita si Emma noong araw na iyon.“So ikaw pala si Emma? Ikaw ang laging kasama ni Edward,” bati ng babae.Si Lara ang pumasok sa opisina ni Emma. Nakangiti siya, pero hindi matukoy ni Emma kung ano ang tunay na ibig sabihin ng ngiting iyon. Napakaganda ng babae— ramdam ni Emma na walang-wala siya sa ganda ni Lara.“Yes, Miss Lara. Ano po ang kailangan ninyo?” maayos na tanong ni Emma. Itinigil niya ang ginagawa at binaling ang buong atensyon sa babae, hindi niya alam kung bakit narito si Lara sa kanyang opisina.“Wala naman. Gusto ko lang makipagkaibigan sa’yo,” sagot ni Lara, nakangiti.Napakunot noo si Emma. “Kaibigan?” tanong niya, halatang nagtataka.Tumawa ng malakas si Lara.“Relax ka lang, Emma. Nagulat ka siguro sa bigla kong pagsulpot, pero huwag kang mag-alala. Hindi ako pumunta rito para makipag-away sa’yo. Kaibigan lang talaga. Nakuwento ka na rin ni Edward sa akin, kaya ayos lang kung maging magkaibigan tayo,” paliwanag ni Lara, habang nakangiti.Na
Terakhir Diperbarui: 2026-01-08
Chapter: Chapter 17“Anong pabango mo?” tanong ni Emma habang bahagyang lumalayo kay Edward na mahigpit na nakayakap sa kanya.“Ganito pa rin, gaya ng dati. Bakit?” sagot ni Edward.“Hindi ko gusto ang amoy. Nakakasuka,” diretsong sabi ni Emma.“Ha?” gulat na sabi ni Edward. Inamoy niya ang sarili. “Wala naman akong naamoy na mabaho ah. Mabango pa rin naman.”“Basta, lumayo ka muna sa akin. Palitan mo ’yan kung lalapit ka sa’kin,” iritableng saad ni Emma.“Okay ka lang ba?” nagtatakang tanong ni Edward habang tinititigan siya. “Kailan pa naging big deal sa’yo ang pabango? Noon naman, wala kang reklamo.”“Hindi ba pwedeng nagbago lang ang pang-amoy ko?” sagot ni Emma, bahagyang umiwas ng tingin.Saglit na napaisip si Edward, hindi pa rin maunawaan ang biglang pag-iwas ni Emma. Sa mga mata niya, may kung anong hindi sinasabi ang babae—isang lihim na pilit nitong itinatago.“Siya nga pala, aalis na ako mamaya. May trabaho pa ako sa shop,” sabi ni Emma.“Ihahatid na lang kita,” alok ni Edward.“Huwag na. Bak
Terakhir Diperbarui: 2026-01-07