LOGINIsang gabi ang tuluyang nagpabago sa buhay ni Darlene Flores, isang simpleng empleyada na sanay nang isakripisyo ang sariling kaligayahan para sa taong mahal niya. Sa araw ng engrandeng birthday party ng CEO ng kanilang kumpanya, nasaksihan niya ang panloloko ng kaniyang nobyong si Jovert. Dahil sa labis na sakit, nilunod niya ang sarili sa alak, hindi alam na ganoon din ang mangyayari sa istrikto at makapangyarihang CEO na si Matthew Sterling. Sa gitna ng kalasingan at isang mapait na hindi pagkakaunawaan, nagkrus ang kanilang mga landas sa isang gabing hindi na nila mababawi. Kinaumagahan, pareho silang nagising sa isang malaking pagkakamali. Para kay Matthew, isa lamang itong bitag na inisip niyang isinagawa ni Darlene upang mapalapit sa kaniya. Dahil dito, ginawa niya ang lahat upang pahirapan ang dalaga, hindi alam na si Darlene ang tunay na biktima ng pagkakataon. Ngunit mas lalo pang gumulo ang lahat nang matuklasan ni Darlene na nagdadalang-tao siya. Nang makumpirmang si Matthew ang ama ng kaniyang dinadala, napilitan ang CEO na pakasalan siya, hindi dahil sa pag-ibig, kundi dahil sa responsibilidad at sa pagnanais na mabigyan ng kumpletong pamilya ang kanilang magiging anak. Sa isang pagsasamang nagsimula sa galit, maling akala, at obligasyon, unti-unting mabubuksan ang mga lihim ng nakaraan. Habang lumalalim ang kanilang pagsasama, matutuklasan ni Matthew na ang babaeng matagal niyang hinusgahan ang siyang handang magsakripisyo para sa iba, at si Darlene naman ay kailangang piliin kung kaya pa ba niyang ibigay muli ang kaniyang puso sa lalaking minsang sumira sa kaniyang pagkatao. Maaari bang mamukadkad ang tunay na pag-ibig mula sa isang gabing nagsimula sa pagkakamali? O mananatili na lamang silang mag-asawang pinagbigkis ng responsibilidad at ng batang kanilang binuo?
View MoreDarlene's POV
Birthday ng CEO namin ngayon. Napakabihira naming makita ang CEO ng kumpanya. Matangkad, matipuno, gwapo, at laging seryoso ang ekspresyon. Isa siya sa mga taong kahit hindi nagsasalita ay kayang patahimikin ang buong paligid. Napakaistrikto niya at halos lahat ng empleyado ay takot lapitan siya. Tanging tuwing kaarawan lamang niya kami nagkakaroon ng pagkakataong makita siya nang personal dahil taun-taon siyang naghahanda ng isang marangyang selebrasyon para sa lahat ng empleyado. Punong-puno ng ilaw at dekorasyon ang buong bulwagan. May live band, masasarap na pagkain, at masasayang tawanan ang maririnig sa bawat sulok. Nang umakyat sa entablado ang CEO, agad na napunta ang lahat ng atensyon sa kaniya. Kasama niya ang kaniyang kasintahang si Tina, isang sikat at napakagandang fashion model. Habang magkatabi silang nakangiti at magkahawak-kamay, hindi ko napigilang mapangiti. Bagay na bagay sila. Parang mga karakter sa isang fairy tale na nabuhay sa totoong mundo. Halata sa paraan ng pagtitig ng CEO kay Tina kung gaano niya ito kamahal. Hindi niya alintana ang dami ng taong nakatingin habang marahan niyang inayos ang buhok ng nobya at hinawakan ang kamay nito. Napabuntong-hininga ako. "Sana all," bulong ko sa sarili habang pilit na ngumingiti. May boyfriend din naman ako. Si Jovert. Pero malayong-malayo ang relasyon namin sa nakikita ko sa entablado. Kailanman ay hindi siya naging sweet sa akin. Hindi niya ako ipinapakilala sa mga kaibigan niya, ni minsan ay hindi niya ako ipinost sa social media. Kapag magkasama kami sa labas, pakiramdam ko ay para lang akong anino na naglalakad sa tabi niya. Minsan naiisip ko... Nahihiya kaya siya sa akin? Hindi naman kasi ako kagandahan. Wala rin akong mamahaling damit o branded na bag. Palagi lang akong nakasuot ng simpleng blouse at lumang pantalon. Mas inuuna ko kasing gastusan ang pangangailangan namin kaysa sa sarili kong luho. Paulit-ulit na akong sinasabihan ng mga kaibigan kong sina Bea. "Darlene, ginagamit ka lang ni Jovert." "Ginagawa ka lang niyang ATM." "Hindi ka mahal niyan." Hindi ko sila pinapakinggan. Dahil mahal ko si Jovert. Sa tuwing may kailangan siya, ako ang unang tumutulong. Kapag kapos siya sa pera, ako ang sumasalo. Kapag may problema siya, ako ang unang nilalapitan. At ako namang tanga... Palaging nandiyan. Ilang beses ko na rin siyang nahuling nagtataksil. May mga babaeng katext. May mga litrato. May mga chat na malinaw na malinaw ang ibig sabihin. Pero sa tuwing umiiyak siya at humihingi ng tawad... Pinapatawad ko. Dahil umaasa akong balang araw ay magbabago siya. Pero hanggang kailan? Naputol ang pag-iisip ko nang maramdamang naiinitan ako sa loob ng bulwagan. Tahimik akong lumabas at nagtungo sa hallway upang makahinga. Hindi ko inaasahang sa simpleng paglabas na iyon... Magbabago ang buong buhay ko. Pagdating ko sa madilim na bahagi ng hallway, bigla akong napahinto. Parang tumigil ang oras. Nanlamig ang buo kong katawan. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Naroon si Jovert. At sa harapan ko mismo... Masaya siyang nakikipaghalikan kay Mia. Mahigpit ang pagkakayakap niya rito habang nagtatawanan pa sila sa pagitan ng kanilang mga halik. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Unti-unting nabasag ang puso ko. Masakit. Sobrang sakit. Pakiramdam ko'y may humahawak sa dibdib ko at dahan-dahang pinipiga ang puso ko hanggang mawalan ako ng hininga. Gusto kong sumigaw. Gusto kong lapitan sila at tanungin kung bakit. Pero wala akong nagawa. Nanatili lang akong nakatayo habang unti-unting namumuo ang mga luha sa aking mga mata. Huminga ako nang malalim. Pinilit kong lunukin ang lahat ng sakit. Hindi ako gagawa ng eksena. Hindi ko ibibigay sa kanila ang kasiyahang makita akong wasak. Kaya marahan kong pinunasan ang aking mga luha, pilit na ngumiti kahit nanginginig ang aking labi, saka dahan-dahang tumalikod. Tahimik akong lumayo. Iniwan ko sila sa kadilimang iyon... Habang dala-dala ko ang isang pusong tuluyan nang nadurog. Ipinagpatuloy ko ang pag-inom mula sa aking baso, tila ba sa bawat lagok ay unti-unti kong nilulunod ang sakit na sumasakal sa aking dibdib. Umaasa akong kahit panandalian lang, mababawasan ang kirot na iniwan ng pagtataksil ni Jovert. "Uy, dahan-dahan naman!" nag-aalalang saway sa akin ni Rhian habang hinahawakan ang braso ko upang pigilan akong muling uminom. "Hayaan mo na nga siya, Rhian! Minsan lang naman. Hayaan mong ma-enjoy ni Darlene ang gabi. Cheers!" masayang sabat ni Andy, ang bakla naming officemate, sabay taas ng kaniyang baso. Napangiti ako at marahang itinama ang baso ko sa kanila. "Cheers..." Muli akong uminom. Hindi ko napigilang matawa nang mahina sa mga kalokohan ni Andy. Unti-unti nang umiinit ang pakiramdam ko. Ramdam kong tumatalab na ang alak sa sistema ko. Kahit paano, gumagaan ang mabigat kong dibdib at tila unti-unting namamanhid ang pusong kanina lang ay halos madurog sa sakit. Sa unang pagkakataon ngayong gabi, nakahinga ako nang maluwag. Habang abala ang lahat sa pagkain, pag-inom, at pagsasayaw, kusa namang napadako ang aking paningin sa entablado. Naroon pa rin ang aming CEO. Si Matthew Sterling. Matangkad, matipuno, at napakaguwapo. Kahit simpleng itim na suit lang ang suot niya, kitang-kita pa rin ang kaniyang karisma. Tahimik lamang siyang nakatayo ngunit sapat na iyon upang makuha ang atensyon ng buong bulwagan. Katabi niya ang kaniyang kasintahan na si Christina Perez, isa sa pinakasikat na fashion model sa bansa. Napakaganda nito—makinis ang kutis, elegante ang tindig, at parang perpekto sa bawat anggulo. Habang nakangiti silang magkatabi, para silang mga karakter sa isang romance movie. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung epekto ba iyon ng alak o ng sakit na nararamdaman ko, pero bigla akong napaisip. Cheater din kaya siya kung naging boyfriend ko siya? Napatitig ako kay Matthew habang tahimik na tinatanong ang sarili. Napangiti ako nang mapait. Siguro... Sino nga ba naman ang hindi matutuksong humanap ng iba kung katulad kong ordinaryo, pangit, at baduy ang magiging nobya? Wala akong makinis na kutis na tulad ni Christina. Wala rin akong mamahaling damit, branded na bag, o perpektong mukha na kinahuhumalingan ng mga lalaki. Isa lang akong simpleng empleyado na halos hindi mapansin sa dami ng tao. Marahil... Hindi nga ako sapat. Napailing ako sa sarili kong iniisip. "Ano bang pinagsasasabi mo, Darlene?" bulong ko habang napapangiti nang mapait. Imposible. Napakaimposible. Ang isang lalaking tulad ni Matthew Sterling ay hinding-hindi lilingon sa isang babaeng katulad ko. Magkaibang-magkaiba ang aming mundo. Siya ang CEO ng Sterling Corporation. Ako? Isa lamang akong ordinaryong empleyada na madaling palitan. Kahit siguro dumaan ako sa harapan niya araw-araw... Hindi man lang niya mapapansin ang presensya ko.Jessa POVInilabas ni Roy ang lahat ng kanyang pananabik sa akin nang gabing iyon, hanggang sa pareho kaming bagsak at hinihingal sa ibabaw ng kama. Habang mahimbing siyang natutulog sa aking tabi at nakakulong ang aking bewang sa kanyang mga bisig, nakatitig lang ako sa kisame.Tahimik. Walang ibang naririnig kundi ang mabigat niyang paghinga.Bahagya kong hinaplos ang aking mga labi na medyo namamaga pa mula sa kanyang mga halik. Naramdaman ko ang pagod sa aking katawan, ngunit ang isip ko ay ayaw makipagtulungan para matulog.Kinabukasan, maaga akong nagising para mag-ayos. Tinitigan ko ang aking sarili sa salamin. Isang simpleng corporate attire, maayos na makeup, at ang ngiti na pilit kong ginagawang perpekto araw-araw. Walang bakas ng kagabi. Walang bakas ni Roy."Alis na ako, baby," bulong ni Roy habang binibigyan ako ng halik sa pisngi bago siya maunang umalis para sa kanyang biyahe."Mag-ingat ka," sagot ko nang may kasamang matamis na ngiti—ang ngiting kabisado na niya.Pagp
Jessa POV“Jessa, napaniwala mo ba si Matthew sa pag-iyak mo? Sa tingin mo, nakukuha mo na ba ang loob niya?”Napangiti ako habang nakatingin sa salamin.“Oo. Nakuha ko naman na ang loob niya,” sagot ko.“Good. Kailangan masira mo ang pagsasama ng mag-asawang iyan. Lalo na si Matthew. Kailangan siyang masira.”Bahagya akong natahimik.“Okay. Sige.”“Remember, Jessa. Huwag kang magmadali. Unti-unti lang.”“Alam ko.”“Good.”Natapos ang tawag.Dahan-dahan kong ibinaba ang cellphone ko sa mesa.Tahimik ang kwarto.Pero hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina.Si Matthew.Nang yakapin ko siya...Napapikit ako sandali.Ang bango niya.Hanggang ngayon, parang naaamoy ko pa rin ang pabango niya.Napatingin ako sa sarili ko sa salamin.Inayos ko ang buhok ko at pinagmasdan ang mukha ko.Ngumiti ako.“Yes…”Mas lalo akong gumanda pagkatapos ng plastic surgery.Matagal kong pinangarap na magkaroon ng ganitong itsura.At dahil may pagkakahawig ako kay Victoria, mas naging madali para sa akin
Matthew POVPagkatapos ng meeting ko, lumabas muna ako ng office para makalanghap ng hangin.Sa garden area ng building, may nakita akong nakaupo sa isang bench.Si Jessa.Napansin kong nakayuko siya at tila pinupunasan ang mga mata niya.“Jessa?”Mabilis siyang napatingin sa akin.“Sir.”Lumapit ako.“Umiiyak ka ba?”Umiling siya pero halatang namumula ang mga mata.“Hindi ko kasi akalain, Sir, na isa lamang akong intern ay maranasan ang mga ganung bagay.”Napatingin ako sa kanya.“Anong nangyari?”“May mga naririnig po akong sinasabi ng ibang employees. Parang kasalanan ko pa po na kamukha ko siya.”Napabuntong-hininga ako.Hindi ko siya masisi kung nasaktan siya.Wala naman siyang ginagawa.“Jessa, hindi mo kasalanan kung ano ang sinasabi ng ibang tao.”Tumahimik siya.“Hey.”Tumingin siya sa akin.“Ako na ang bahala.”“Sir?”“Mag-a-announce ako sa lahat. Ayoko ng mga ganyang tsismis sa office.”Nagulat siya.“Pero Sir, baka isipin nila—”“I don't care.”Umiling ako.“Hindi ako pap
Anonymous POV Pinanood ko mula sa malayo sina Matthew at Darlene hanggang sa tuluyang mawala ang sasakyan nila sa kalsada. Napangiti ako. Maayos ang naging takbo ng plano. Hindi ko kailangang sirain agad ang pagsasama nila. Sapat nang magkaroon ng kaunting pagdududa. Lumapit si Jessa. “Paano po kung hindi tayo magtagumpay?” Napatingin ako sa kanya. “Bakit mo nasabi?” “Mukhang mahal na mahal ni Matthew si Darlene.” “Sigurado akong ganoon.” “Kung ganoon, bakit kailangan pa niya akong lumapit sa kanya?” “Hindi mo kailangang akitin siya.” Napakunot-noo siya. “Then what do you want me to do?” “Magtrabaho ka lang nang maayos. Maging natural ka.” “Yun lang?” “Sa ngayon.” Napatingin siya sa direksyong pinanggalingan nina Matthew. “Hindi ba siya magtatanong?” “Hayaan mong siya ang magdesisyon kung ano ang iisipin niya.” Tahimik si Jessa. “Pero ayoko pong mapasama si Darlene.” “Wala kang gagawin laban sa kanya.” Umiling ako. “Ang mga tanong ang bahala.” Napabuntong-hin












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews