She was his secretary. Plain and simple. No complications. No problems. That was Cassandra's life before she started liking her Boss in ways she couldn't explain. Siya 'yung type ng girl na walang masyadong pakialam sa iba, pero when it comes to her Boss na laging cause ng headache niya, she loses her mind. Cassandra knew where this was leading her... but would she risk it? There's a possibility na she might lose the most stable work she ever had. But there was also a big possibility na she might lose her mind if she didn't risk it.
View More"KURYENTE, tubig, internet... Argh!" Pinalipad ko sa hangin ang lahat ng bills namin ni Calista. Pinulot naman iyon ng kakambal ko isa-isa.
We have the same facial structure. Both our eyes turns gray when kissed by the light, a pair of a thick lashes, a small and straight symmetrical nose, and a natural pink lips.
Pero hindi ko siya kamukha.
Siguro dahil mas mahaba ang itim na buhok niya at lumagpas na iyon sa kanyang mga balikat. Ang akin naman ay pixie-cut. No regrets. Mas magaan ang ganito.
"Mababayaran din natin yan." Pag-papalakas ni Calista sa loob ko. "Baka naman sana hindi ka na lang nag-resign?"
Umasim ang mukha ko, andito na naman kami. Ipinaliwanag ko naman na sa kanya kung bakit kinailangan kong mag-resign doon sa huli kong amo.
Letse naman kasi iyong boss ko, isa akong secretary hindi sexetary. Ang nakakasuka, may asawa pa ang boss niyang iyon at may-edad na.
Kaya heto ako ngayon, walang tumatanggap na kompanya sa akin dahil hindi maganda ang feedback na ibinigay ng dati kong boss.
"Hindi na naging healthy ang employee-employer relationship namin, Calista." I said in a monotone.
"Nanganganib na tayo, baka palayasin na tayo here."
"l know, Calista. Gagawa naman ako ng paraan. 'Wag ka nang mag-alala ako na ang bahala."
"Ito na lang ang naiwan sa atin ni Mama at Papa." Bulong ni Calista, umupo siya sa lumang sofa.
"Papasok na muna ako trabaho, Calista." Ngumiti siya, tumango, at tinalikuran ko siya.
It was an easy life for us 5 years ago. Kung hindi lang nadisgrasya ang mga magulang namin sa Mountain Province noong unang taon namin sa kolehiyo, siguro naging mas madali ang lahat.
Continue to breathe is easy, but moving on is hard.
Naalala ko pa din ang masasayang tawanan sa bawat sulok ng bahay. Namimiss ko ang pag-kumpuni ni Papa ng bisikleta ko tuwing nasisira iyon. Nakakamiss ang ngiti ni Mama tuwing nag-uuwi ako ng medal mula sa Sports fest. That was family.
Until the bus accident...
Naiwan kami ng mga magulang namin. We lived day by day through the financial assistance of the bus company that killed our parents. Tinulungan kami ng gobyerno sa scholarship pero hindi iyon naging sapat, kinailangan naming isangla ang bahay para magpatuloy pa sa pag-aaral. Ang kagandahan lang ay nakatapos kami ng sabay. Calista majored in Human Resource, samantalang ako ay Business Management. Wala nga lang business na pu-pwedeng imanage.
Sinunod ko ang passion ko. Doon ako namasukan sa may
kinalaman sa kinahihiligan ko, Outdoor Gear and Equipment store iyon. Hilig ko na ang sports simula pagkabata. I love adrenaline rush.
Humakbang ako sa medyo maputik na daanan namin. Tuwing umuulan kasi ay nagiging maputi ito. Kanina ay umulan kaya ganito ang daanan ngayon. Kitang kita ko ang bawat putik na dumidikit sa lumang sapatos ko. Lalabhan ko ito sa oras na makakakita na ako ng matutuluyan. Sa ngayon, pagkakasyahin ko muna ang isang libo ko sa paghahanap ng trabaho at matutuluyan.
Sumakay ako ng dyip para magtungo sa iilang mapagaaplyan ko ng trabaho. Nakita ko sa dyaryo iyong mga tindahang nangangailangan ng iba't-ibang trabaho.
Kumatok ako sa isang opisina. Ayon sa dyaryong nabasa ko, kailangan daw nila ng sekretarya. Ang pagiging sekretarya o kahit saleslady sa isang ticketing office ay okay na sa akin iyon.
Pinasadahan ako ng tingin ng security guard. Tinitigan niya ang maputik kong sapatos at ang damit kong inaayos ko agad ang mga gusot.
"Anong kailangan mo, miss?" Ngumisi siya sa akin.
Ibinalandra ko sa harap niya ang dyaryo. "Nakita ko po sa dyaryo na ito na kailangan niyo raw ng saleslady-"
Pinutol na ako ng babaeng naka-mini skirt at may I.D sa ticketing office na iyon. "Walang hiring dito, miss. Doon ka na lang kaya sa club? Mukha kang p****k, eh."
"Ah? Pero sabi kasi dito sa-"
"Miss, ang sabi ko, wala nga. Kahapon nakakuha na kami ng isa kaya don ka na sa club! Sige na at madudumihan lang ang tiles namin dito! Lumayas ka dito!"
Padabog na sinarado ng babae ang pintuan ng ticketing office. Bumuntong hininga ako at tumingin sa aking sarili. Siguro ay huhugasan ko na lang muna itong sapatos ko at magpapalit lang ng mas pormal na damit.
Naghanap ako ng pampublikong CR. Tiniis ko ang baho sa loob. para lang maging maayos ang aking sarili. Tinanggal ko ang aking t-shirt at nagpalit ako ng blouse na hindi kumportable ngunit pormal. Pinalitan ko rin ang pantalon ko ng mas maayos at iyong walang putik.
Umiling ako at inisip na may isang libong piso ako.
Nagpatuloy ako sa paghahanap ng trabaho. Sinubukan ko ang mga fast food chain na panay ang direkta sa akin sa isang malaking kumpanya. Pangatlong Jollibee ko na ito sa araw na ito. Manager ang palaging kumakausap sa akin habang tinuturo ang malaking building sa malayo.
"Miss, wala po kaming hiring dito sa oras ngayon. Ang mabuti pa, doon ka mag apply sa Palma Group of Companies dahil mass hiring doon ngayon. May job fair pa nga!" Anang Manager.
Napangiwi ako sa sinabi ng babae na manager. Hindi ko alam kong totoo ba iyon o binobola niya lang ako para makaalis na ako sa kanila. Ganunpaman ay tumango na lang ako. Wala na akong choice.
Tinitigan ko ang rooftop ng napakalaking gusaling iyon sa malayo. Matayog iyon at pakiramdam ko ay hindi ako matatanggap doon.
"Maraming salamat po." Sabi ko at napatingin ako sa mga kumakain ng malulutong na fried chicken.
Napalunok ako at napagtanto kong ala una na nga pala at wala pa akong almusal at tanghalian.
Tumingala ako sa menu ng fast food chain na iyon para tingnan kung magkano iyong mga kinakain ng mga tao rito.
Sa huli ay nagdesisyon na lang akong umalis doon.
Bumili ako ng skyflakes sa nagtitinda sa labas at nagsimulang maglakad sa building na sinasabi pa kanina ng mga Manager na nadadaanan ko.
Habang naglalakad ay kumakain ako. At kahit kumakain ako ay kumakalam parin ang sikmura ko. Kaya 'to, Cassandra! Mamaya, kapag nagkaroon na ako ng trabaho ay kakain ako ng marami! lyon ang pangako ko sa aking sarili.
Hindi pa nakakaabot sa building na iyon ay natoon na agad ang pansin ko sa isa pang fast food chain na nangangailangan ng daw ng crew. Kinuha ko ang pape na nakapaskil sa kanilang pintuan at dumiretso na sa loob. Humalimuyak ang amoy ng burger sa jollibee. Mas lalong kumalam ang sikmura ko. Pinilit kong huwag sumilip sa mga plato ng mga kumakain doon at dumiretso na sa loob.
"Nandito po ba ang Manager niyo?" Tanong ko sa mukhang iritadong crew.
"Nasa loob siya, teh." Aniya sabay turo sa isang pintuan na may nakalagay: Authorized Person Only.
Pumasok ako sa loob ng pintuang iyon at inilahad ko kaagad ang aking resume. Pinapanood ko ang Manager na nasa cellphone.
"O... Okay. Got it!" Anang lalaking manager.
Sumulyap siya sa akin ng dalawang beses at para siyang nakakita ng multo. Binaba niya agad ang kanyang cellphone.
"Anong maipaglilingkod ko sa'yo, miss?" Tanong niya.
Ibinalandra ko ang papel na nakapaskil kanina sa pintuan nila. "Nakita ko po ito sa labas."
Kinuha niya ang resume ko.
"Walang hiring dito." Aniya pagkatapos pasadahan ng tingin ang aking resume.
"Po? E, nakapaskil 'to sa labas?"
Hinablot niya ang papel na dala dala ko at pinunit iyon sa harapan ko. "Wala dito. Sa Palma lang!" Aniya.
Tumango ako. "Okay po. Salamat!"
Tumalikod ako ngunit hindi ko napigilang umirap. Kitang kita na kailangan nila ng crew. Bigla na lang walang hiring? Ang malas ko naman talaga ngayong araw na ito! Alas dos na at ipinangako ko pa naman sa sarili ko na pag tungtong ng alas tres ay maghahanap na ako ng matutuluyan. Last shot na itong Palma na ito.
Maglalakad na sana ako nang mag-ring ang cellphone ko. Tumalikod muna ako para silipin iyon at nawalan ako ng gana nang makita ang pangalan ng kakambal ko. Tiyak na madidismaya siya kapag nalaman niyang wala pa akong nahahanap na trabaho nangangako pa naman ako na seseryosohin ko na ang lahat ngayong araw.
"Asan ka?" Bungad ni Calista sa kabilang linya.
"Dito sa Quiapo."
"Tamang tama, punta ka ngayon sa opisina ko, may ibibigay ako sa'yo." Nahimigan ko ang excitement sa kanyang tono.
"N-ngayon na na? Naghahanap pa ako ng trabaho." Sabi ko para mukhang busy.
"Ayun na nga, bibigyan kita ng endorsement letter, meron kasing naghahanap ng secretary na CEO ng isang kumpanya, gusto nya lang ng taga-type ng sasabihin nya maghapon, taga-linis ng opisina at taga-timpla ng kape. Alam mo ba kung magkano ang sahod? P 30,000! Mas malaki pa yun sa sahod kol At alam mo ba kung anong oras ang pasok? 8AM to 3PM lang!" naririnig ko ang pabulong ngunit nakatawa niyang sabi.
Nanlaki naman ang mata ko. "T—t—thirty thousand?" naimagine ko ang pagtango ni Calista sa kabilang linya dahil hindi na siya muling nag-salita.
Mabilis kong nilisan ang Quiapo pagkatapos ng tawag.
Kung naniniwala si Calista na maganda itong oportunidad, kailangan ko ring maniwala. Saka na lang ako mag-hahanap ng trabahong gusto ko.
Sinalubong ako ng kakambal ko sa ibaba ng opisina niya, isang employment agency iyon. Her jet black hair swayed with her hips as she walk in her tall stilettos paired to her A-line dress dark blue uniform. Halos ihampas niya sa mukha ko ang envelop na hawak at hindi man lang ako kinumusta.
"College graduate na hindi tanga. That is what the President of Palma Real Estate is exactly looking. Ngayon ko pa lang naipost iyan sa Job-online. I am sure, tomorrow, applicants will swarm at our doorstep. I made sure na ikaw ang una kong ipadala doon sa kompanya."
"Hindi ba bawal ang ginawa mo?"
Ngumuso siya, ang kanyang buhok ay marahas niyang hinawi patungo sa likuran.
"Alam kong bawal, pero uunahin ko pa ba ang rules? Kung mabubuking ako edi tanggalin." Kinuha ng kakambal ko ang kamay ko at tiningnan ko ang mga matang kagaya ng akin, mapusyaw talaga ang pagiging gray noon kapag nasisikatan ng araw "Kaya kailangan mong seryosohin ito, Cassandra. Please. Isasakripisyo ko ang pangalan ko para sa'yo, makuha mo lang ang trabahong to. Sige na, pumunta ka na doon at hanapin mo ang contact na ibinigay ko sa'yo for interview. I am rooting for you. Para sa nakasanglang bahay!"
"Para sa bahay!" Masigla ko pang itinaas ang kamao ko kahit na ang internal organs ko ay sumasakit sa pressure na makuha ang trabaho. Hindi pupwedeng madisappoint si Calista!
I got this!
WE went to a restaurant that Jascha's mother booked.Mula sa glass walls ay nakita ko agad ang pamilya ni Jascha na tahimik na nakaupo sa mga lamesa. Some of his relatives were here and it seems like the whole restaurant were booked for us.The whole place went silent as we entered. I flashed a smile and everyone smiled awkwardly in return. 'Mga apo.." Granny called. Lumapit kami sa kanyang lamesa kung nasaan ang Mommy at Daddy ni Jascha."Kumusta ka?" Aleana asked me. "Okay lang po, Tita. Medyo hirap nang maglakad pero nakakapasok pa ako sa opisina."Meico and Tonio set up a small office. Sa Nemesis din naman iyon at binigyan kami ng maliit na space ni Jascha para sa sarili naming business."Oh, the perfume business." Granny smiled with acknowledgement. "Napakacute ng business mo, Cass. Bagay na bagay sa personality mo."Tumango ako, "Padadalhan ko po kayo ng samples kapag nailabas na ang first batch, Tita, Granny. Wala pa kaming scent na panlalaki kaya hindi pa kita mabibigyan Tito
BUMANGON ako sa kama at hindi na kami naghiwalay pa ni Jascha. Magkatalikuran kaming nagbihis at saka patakbong bumaba ng bahay dala lamang ang overnight bag. We played alternative music to keep us occupied while were on the road. Binaybay namin ang mahabang kalsada paakyat ng Antipolo at nagbakasakali kaming magbook sa isang Cafe na merong bed and breakfast."Magkasama kami ng room." Mabilis kong sinabj sa receptionist na hindi mapawi ang ngiti."Oo naman, Ma'am..""Sinisiguro ko tang, I don't really want to stay in a room, alone." Ulit ko.Napatingin ako kay Jascha nang may mapaglarong ngiti, lumapit ako sa kanya para bumulong, "Hm, mukhang tumaas ang confidence mo doon. I don't want to be eaten by the demon. That's it.""Ako din naman." Umakbay sa akin si Jascha. Umakyat kami ng isang palapag patungo sa hotel room na napili namin. The hotel room doesn't need to be so high to have a breathtaking view. Ang malaking bintana ay nakapaharap sa ibaba kung saan makikita ang metro. The roo
DIRE-DIRETSO ako papalabas kahit naririnig kong sumisigaw ang kakambal ko. Mabuti at nakakuha agad ako ng taxi at nagpahatid ako sa lugar kung nasaan daw dapat ako.Nasisilaw ako sa repleksyon ng araw sa wind chimes na display sa pintuan ng bahay. llang minuto na akong nakatayo doon nang walang ginagawa. Hindi ko matanawan si Sirius mula sa loob. Alanganin kong pinindot ang doorbell. Nakatatlong pindot ako nang bumukas ang pinto ni Jascha, napalunok ako."Cassandra." There's no warmth or any trace of smile on his face when he saw me."H-hi.." Umangat ang isang palad ko."Jascha!" Isang babae na nakasuot lang ng pantulog ang sumilip sa pinto at hinila ang kamay ni Jascha. Napasinghap ako.Kaya naman pala hindi na ako binalikan ng walanghiya! May ibinabahay na agad?!"Cassandra."Agad kong hinila ang malaking maleta na bitbit ko papalayo."Cass!" The wheels of my luggage made rough noises against the road. Mas marahas na paghila, mas nilalamon ang boses ni Cass sa ingay.Hindi ako lumin
THE DAYS may not always be happy and sunny, but for me, I was at peace. Nag-iintay ako ng delubyong babagsak muli sa harapan ko isang linggo na ang nakakaraan pero wala din namang nangyari. Sumubo ako ng pomelo na isinawsaw ko sa patis at sili, napangiwi si Meico at Tonio habang pinapanood ako."Ah! Ang baboy mol" Maarteng napapikit si Tonio.Napangiwi ako at ibinaba ang pomelo na hawak ko. Nalungkot ako sa pandidiri nila."Sorry.." I burped."Hoy!" Mula sa likuran ay binatukan ni Calista si Tonio, "Palibhasa wala kang matres! Ganyan talaga ang naglilihi. Sige lang Cassandra, kumain ka pa." Inilahad sa akin ni Calista ang karagdagang pomelo. I smiled and eat happily. At least my twin accepts me for who I am."Okay, fine! Pupwede na ba nating pag-usapan ang future?" Tanong ni Tonio."Babalik ako sa States.." Paalala ko."Babalik tayo sa States pero hindi muna ngayon, you have to limit your travel dahil ang ibang nagbubuntis nga ng kambal ay kailangan ng bedrest. Sorry pero bawal tayong
"PUMIKIT.."I did as I told."Tapos dumilat ka.""Pikit.. Tapos dilat. Pikit ulit tapos dilat.." Tumigil ako sa pagsunod."Ano ba? Sabi ko pikit! Ba't di ka pumikit!""Niloloko mo ba ako?""Hindi nga. Akala ko ba naniniwala ka sa'kin?""No. My wife believes you." Huminga ako ng malalim at saka pumikit. Sinunod ko si Dr. Lester Concepcion.Pagkagaling sa Ilocos, dumiretso agad ako dito. Tell me I am crazy. Malapit na talaga akong mabaliw dahil sa mga nangyayari sa akin. My life was not like this months ago nang hindi pa bumabalik si Cassandra, maayos na sana ako noon. Pakiramdam ko, okay lang untiuntiin ang muling pagbangon. The only thing that matters to me was to go back and handle my business, she was out of the picture and part of the memory that I have lost. She did not stay, so I did not bother knowing her.Pero nang dumating siya kasama na ang gulong ito, nauhaw ako sa katotohanan. Ramdam kong mahalaga siya. Ramdam kong kailangan niya ako. But having no idea who she really is in
UMUNGOL ako sa matinding pananakit ng ulo.Dark, it was so dark. Naririnig ko ang ugong ng aircon at ang mahinang tawanan mula sa labas.Napabalikwas ako. Nasaan ako?Pinakiramdaman ko ang aking sarili ko, wala akong nararamdamang pananakit ng katawan bukod sa pananakit ng ulo marahil dahil sa malalim na pagtulog.My hands traveled to my body and my eyes widened to find out that I am completely naked! Binuksan ko ang ilaw ng lampshade at nakahinga ako ng maluwag nang mapansin kong naroon pa din ako sa hotel room ko.I heard a groan, agad kong nilingon kung sino iyon at ganon na lang ang gulat ko nang makita ko doon si Geo sa tabi ko, kagaya ko ay wala din siyang malay."Geo..." Agad ko siyang kinalabit. "Hey, Geo." But to no avail, wala talaga siyang malay.The drink. That was the last thing I remember. Tumayo ako agad para hanapin ang mga damit ko. Nasa ganoong ayos nang bumukas ang pinto mula sa adjacent room ni Jascha. If I was horrified, Jascha was ten times more. Agad akong napal
"YOU HEARD, Stephanie. Include Cassandra's name in the list of contestants for Miss DVC." Buong awtoridad na sambit ni Jascha habang nagsusumiksik ako sa kanyang kili-kili dahil sa pagpahiya. Yung boss ko pa talaga ang nag-rehistro sa pangalan ko. Baka isipin nila na isa iyong emotional blackmail kahit deserve ko naman talaga ang titulo. Paano na lang kapag nanalo ako? lisipin nilang luto ang pageant kahit wala naman talagang papantay sa karakas ko sa mga nandirito."Okay Sir.." Nginitian ako ni Stephanie pero umiwas akong muli ng tingin dahil tiyak kong namumula pa ang mga mata ko dahil sa luha.Nang makaalis kami sa HR Department, nanatili ako sa likod ni Jascha habang naglalakad, nahihiya."Psst.. Cassandra.." Naririnig kong bulong ni Jax, tipid ko siyang nilingon pagkatapos ay bumalik sa pagkakayuko. Hanggang sa makarating kami sa opisina ni Mikel, nanatili akong ganon."Water?" Alok ni Jascha nang makaupo na ako sa aking puwesto at ipinatong ang bag sa lamesa.Umiling ako pero tu
"ANG HAROT HAROT kasi! Ayan ang napapala mol" Inginudngod ako ni Lexy sa kaharap kong mixture ng polvoron na ipapamahagi ko bukas para madami ang magchi-cheer sa akin sa Miss DVC. Akala ng Jascha na yan, magpapaawat ang kagandahan ko sa paghahanash niya!"Bakit? Ikaw ba ang pinahiya? Ako naman di ba? Akala ko ba tutulungan ako non? Gusto lang ata akong soplakin non para makaganti. Ano bang ginawa ko kay Jascha?" Sunod sunod na tanong ko. Natulala sa akin si Lexy at nakapamewang na napailing."l don't know. I wish I know. I tried to ask pero mukhang sa inyong dalawa lang ang dahilan ng break up niyo eh." Napakamot ng ulo si Lexy na halatang naguguluhan din."Sa daldal kong ito, nailihim ko pa sa iyo?""Maybe because it is too painful.. You changed a lot when you broke up." Nakuha ni Lexy ang atensyon ko dahil sa kanyang sinabi."Gaya ng?""Well, surprisingly, you became better, strong, independent woman. Hindi ko nga iniisip na mabubuhay kang wala si Jascha. But you made it, you are se
MAGBA-BRA o tatanggalin ang bra? Eh paano yun kapag natukso? Eh di kasalanan ko na naman. Mas lalo lang siyang magagalit sa akin!Eh paano naman kung magka-breast cancer ako dahil matutusok ako ng bra wire kapag natutulog?Ang tagal kong nag-iisip sa harap ng salamin habang nakaambang tatanggalin ang hook ng bra ko. Tsk, hindi ko na nga lang tatanggalin. Ako na lang ang magaadjust. Isang gabi lang naman ito. Tumalikod na ako at lalabas na sana ng banyo nang matigilan.Humarap akong muli sa salamin at pinagmasdan ang suot kong pajama, hindi naman ito revealing kaya dapat hindi manggigil si Jascha sa presensya ko. Walang wala naman ang pananamit ko kumpara sa damit ni Gwen. Nung highschool pa lang kami, pa-sexy na yon eh. Lagi nga niya akong binubully dahil magastos daw ako sa tela. Aktibista ata yun ng mga sinulid at silk worms kaya galit na galit sa mga matataba na nakakaconsumo ng maraming tela. Anong kayang adbokasiya niya? 'Kungangmga ahas nga kinakaibigan mo pa. Mga uuod pa kaya?
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments