Chapter: Chapter 4Nagising si Faith sa ospital. Hindi niya alam kung sino ang nagdala sa kanya roon. Ang malinaw lang sa isip niya ay ang sinabi ng doktor.Dalawang linggo na siyang buntis.Hindi niya alam kung iiyak ba siya o matitigilan. Umiyak siya nang umiyak, akala ng doktor ay dahil sa tuwa.Umuwi siyang lutang. Umiiyak pa rin hanggang sa makatulog.Kinabukasan, pumasok pa rin siya kahit masakit ang ulo niya. Hindi siya pinayagang umabsent ni Theo. Pinahirapan na naman siya buong araw. Halos wala siyang naisubo.Isang sagutan ang tuluyang nagpabagsak sa lahat. Sa unang pagkakataon, sumagot siya.Hindi iyon nagustuhan ni Theo.Sinakal siya nito. Ngunit hindi na siya tumahimik. Lumaban siya. Para sa batang dinadala niya.Nang mabagsakan siya ng malakas na sampal, agad niyang naramdaman ang kirot sa puson. Natakot siya para sa bata.Binitawan siya ni Theo matapos ang mabibigat na salita. Nang makaalis ito, doon lang siya muling umiyak.Kailangan niyang umalis. Kailangan niyang mabuhay.Tinawagan niy
最終更新日: 2026-01-19
Chapter: Chapter 3Nagising si Faith na parang may martilyong paulit-ulit na tumatama sa ulo niya. Parang sasabog ito sa sakit. Hindi muna siya gumalaw. Pinilit niyang huminga nang dahan-dahan, umaasang hihina ang kirot.May narinig siyang pagbukas ng pinto. Sinundan iyon ng boses ng isang babae.“Theo, wake up. We have an appointment para sa food tasting natin—Oh my god!”Napabalikwas si Faith sa sigaw na iyon. Napangiwi siya sa biglang pagsakit ng ulo. Ngunit mas lalong nanikip ang dibdib niya nang makita ang lalaking napabalikwas din sa tabi niya.Si Theo.Hubad.Napahiyaw si Faith sa gulat. Napatingin si Theo sa sarili niya, halatang doon lang niya napagtanto ang kalagayan niya. Mabilis itong tumayo at nagmamadaling nagsuot ng salawal.Muling napahiyaw si Faith nang mapagtantong wala rin siyang saplot. Agad niyang hinila ang kumot at ibinalot sa sarili, nanginginig ang mga kamay.“Theo…” basag ang boses ni Antonia habang nagsisimula itong humikbi. “Paano mo nagawa ito sa akin?”Tinakpan ni Antonia a
最終更新日: 2026-01-19
Chapter: Chapter 24 years ago.“Mga bobo kayong lahat!”Napatalon si Faith sa kinauupuan nang marinig na naman ang sigaw ng boss niya. Kay aga-aga ay nakasigaw na naman ito. Wala na ring bago roon. Halos oras-oras na lang niyang naririnig ang boses nito kapag nasa opisina siya.Ayos lang naman kay Faith, basta hindi siya ang sinisigawan.“LAHAT KAYO, TANGGAL! LUMABAS KAYO! NGAYON DIN!”Wala pang isang segundo ay bumukas ang pinto ng opisina ng boss niya at lumabas ang dalawang lalaki at isang babae. Lahat sila ay bagsak ang mga balikat. Diretso sa elevator ang dalawang lalaki, samantalang ang babae ay sandaling tumingin kay Faith nang may lungkot.“Demonyo talaga si Mr. Saavedra! Wala man lang awa! Paano mo natitiis magtrabaho rito?” sabi nito.Ngumiti na lamang si Faith at hindi na sumagot. Ilang sandali pa ay umalis na rin ang babae at sumakay sa elevator.Mag-iisang taon na rin si Faith bilang sekretarya ni Theodore Saavedra. Ayon sa mga tsismis, siya lang daw ang nagtagal sa posisyon. Ang mga nauna
最終更新日: 2026-01-19
Chapter: Chapter 1“Manang Fe, pagkatapos ng football training ni Bullet iuwi mo siya agad, ha? And please, huwag na huwag po kayong kakausap ng kung sino-sino. Dumeritso kayo agad dito sa bahay.”“May problema ba, iha?”Napatigil si Faith sa ginagawa niya dahil sa tanong ni Manang. Halata siguro nitong hindi siya mapakali, which was very unusual for her dahil parati siyang kalmado.Matapos niyang umuwi sa trabaho kahapon ay ipinasyal niya si Bullet sa park. At hindi niya inaasahan na naroon din ang boss niyang si Theodore Saavedra. Matagal na siyang sekretarya nito, mahigit tatlong taon din. Pero matapos nang may mangyari sa kanila at magbunga iyon, kinailangan ni Faith na lumayo para isilang ang anak niya nang walang nakakaalam kahit sino. Kababalik niya lang ng syudad tatlong buwan ang nakaraan.“Wala naman po, Manang. Basta sundin niyo na lang ang sinabi ko. Umuwi kayo kaagad ng bahay.”Tumango na lanb si Manang kahit halata sa mukha nito na marami pang tanonh. Binalingan naman ni Faith si Bullet na
最終更新日: 2026-01-19