ログインNagising si Faith na parang may martilyong paulit-ulit na tumatama sa ulo niya. Parang sasabog ito sa sakit. Hindi muna siya gumalaw. Pinilit niyang huminga nang dahan-dahan, umaasang hihina ang kirot.
May narinig siyang pagbukas ng pinto. Sinundan iyon ng boses ng isang babae.
“Theo, wake up. We have an appointment para sa food tasting natin—Oh my god!”
Napabalikwas si Faith sa sigaw na iyon. Napangiwi siya sa biglang pagsakit ng ulo. Ngunit mas lalong nanikip ang dibdib niya nang makita ang lalaking napabalikwas din sa tabi niya.
Si Theo.
Hubad.
Napahiyaw si Faith sa gulat. Napatingin si Theo sa sarili niya, halatang doon lang niya napagtanto ang kalagayan niya. Mabilis itong tumayo at nagmamadaling nagsuot ng salawal.
Muling napahiyaw si Faith nang mapagtantong wala rin siyang saplot. Agad niyang hinila ang kumot at ibinalot sa sarili, nanginginig ang mga kamay.
“Theo…” basag ang boses ni Antonia habang nagsisimula itong humikbi. “Paano mo nagawa ito sa akin?”
Tinakpan ni Antonia ang mukha at tuluyan nang umiyak.
Doon lang lubusang pumasok sa isip ni Faith ang lahat. Iisang kama. Hubad silang dalawa. Bumalik sa alaala niya ang mga tunog, ang mga galaw, ang mga nangyari kagabi.
Parang gumuho ang mundo niya.
“Antonia, hindi ito katulad nng iniisip mo,” nanginginig na sabi ni Theo. Halatang hindi nito alam kung lalapit ba o mananatili sa kinatatayuan.
“Nagpapatawa ka ba? Kitang-kita ng dalawang mata ko!” galit na sigaw ni Antonia. “Ipaliwanag mo nga kung ano ito! Huwag mong sabihing nagdasal lang kayo rito at pareho kayong hubad!”
Hindi nakapagsalita si Theo. Si Faith ang binalingan ni Antonia.
“Faith… hindi ko akalaing magagawa mo ito,” umiiyak nitong sabi. “Ikaw pa.”
Hindi napigilan ni Faith ang sariling maiyak. Parang nilalamon siya ng hiya at pagsisisi. Hindi niya akalaing hahantong siya sa ganito. Sa babaeng ikakasal. Sa boss niya.
“Antonia, pakinggan mo muna,” sabi ni Theo. “Walang nangyari sa amin.”
Napatingin si Faith sa kanya. Hindi siya makapaniwala. Kahit ganito na, magsisinungaling pa rin?
Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi ni Theo. Namula agad ang balat nito.
“Huwag mo akong gawing tanga!” sigaw ni Antonia. Pagkatapos ay tumingin ito kay Faith. “Sabihin mo. May nangyari ba o wala?”
Kahit sa gitna ng sakit, nakita ni Faith ang pag-asa sa mga mata ni Antonia. Kahit nasaksihan na nito ang lahat, umaasa pa rin ito.
Tumingin si Faith kay Theo. Nakiusap ang mga mata nito. Isang kasinungalingan lang, tapos na ang lahat. Pero hindi niya kaya.
“M-Meron,” mahina niyang sabi.
Parang tinamaan ng kidlat ang paligid. Mas lumakas ang iyak ni Antonia. Napapikit si Faith, ramdam ang bigat ng galit ni Theo sa kanya.
Inalis ni Antonia ang singsing sa daliri at ibinato iyon sa dibdib ni Theo.
“I'm canceling the wedding,” nanginginig nitong sabi. “Don’t ever come to see me. Goodbye.”
Nakatitig lang si Theo sa singsing. Hindi ito gumalaw. Si Faith naman ay nanigas sa kinatatayuan, takot na takot sa susunod na mangyayari.
Kilala niya si Theo. Alam niya kung gaano ito kalupit.
Bigla nitong ibinato ang singsing at malakas na nagmura. Isang iglap lang at nasa harap na siya ni Faith. Mahigpit nitong sinakal ang leeg niya.
Nanlabo ang paningin ni Faith. Kumapit siya sa kamay nito, ibinaon ang mga kuko, pero hindi ito bumitaw.
“Huwag mong kalimutan ito,” mababang sabi ni Theo. “Gagawin kong impiyerno ang buhay mo.”
Marahas siyang binitawan ni Theo bago nagbihis at lumabas.
Bumagsak si Faith sa kama, umiiyak, hawak ang leeg. Alam niyang magmamarka ang mga daliri nito.
Kinabukasan, tinakpan niya ng scarf ang pasa sa leeg. Pinilit niyang ngumiti sa lahat, pero nang makarating siya sa palapag ng opisina ng punong ehekutibo, halos manginig siya sa kaba.
Hindi na siya pinaghintay pa. Tumunog agad ang intercom.
“Secretary Faith, come over.”
Pumasok siya at agad niyang nakita ang tambak na papeles sa mesa.
“Gusto ko ng kopyang nasa kompyuter,” malamig na sabi ni Theo. “Ipadala mo sa akin. Huwag kang uuwi hangga’t hindi tapos.”
Halos manghina siya sa dami ng papel. Nang hindi siya kumilos, tumingin si Theo sa kanya, naglalagablab ang galit.
“Ano pang hinihintay mo?”
Nanginig ang mga labi ni Faith. Kinuha niya ang mga papel at lumabas.
Nang oras na ng tanghalian, tumayo siya para kumain, ngunit bumukas ang pinto ng opisina ni Theo.
“Saan ka pupunta?”
“Kakain po,” mahina niyang sagot.
“Tapos mo na ba ang ipinapagawa ko?”
Umiling siya.
“Kung ganoon, huwag kang aalis sa mesa mo.”
Nang maglakas-loob siyang magsalita, malakas siyang sinampal ni Theo. Napaupo siya sa sahig, nalasahan ang dugo sa labi.
“Pinapasahod kita,” malamig nitong sabi. “Ito pa lang ang simula.”
Umalis si Theo.
Nanatili si Faith sa sahig, umiiyak. Masakit ang pisngi, masakit ang leeg, at mas masakit ang puso.
Nagpatuloy ang ganoong araw-araw na eksena sa pagitan ni Faith at ni Theo. Araw-araw siyang pinahihirapan. Madalas ay halos hindi na siya makakain at makauwi. Natuto na lang siyang magbaon ng biskuwit at ekstrang damit dahil may mga gabing hindi na siya nakakatayo sa puwesto niya hangga’t hindi natatapos ang lahat ng ipinapagawa nito.
Hindi rin lingid sa kanya ang mga ginagawa ni Theo sa loob ng opisina. Halos araw-araw ay may iba’t ibang babaeng pumapasok doon. Mula sa mesa niya, malinaw na malinaw niyang naririnig ang mga halakhak, halinghing, at ungol. Minsan ay napapapikit na lang siya, nilulunok ang pagduduwal.
Isang araw, may dinala na naman itong bagong babae. Rinig na rinig ni Faith ang boses nito, at kahit ayaw niya, kusa pa ring pumapasok sa isip niya ang mga eksena.
Hindi niya kinaya.
Tinakpan niya ang bibig at tumakbo papunta sa banyo. Halos wala nang laman ang sikmura niya pero patuloy pa rin siyang sumusuka. Nang matapos, hinugasan niya ang bibig at tumingin sa salamin.
Halos hindi niya makilala ang sarili. Gusot ang buhok. Putla ang mukha. Nangayayat na siya. Parang unti-unti siyang nauubos.
Nag-angat siya ng tingin at doon siya napahinto. Nasa may pintuan si Theo, nakasandal, nakatingin sa repleksiyon niya sa salamin. Kinabahan siya. Mabilis siyang humarap, ayaw niyang talikuran ito.
“Hindi ba sinabi kong huwag kang aalis sa mesa mo hangga’t hindi tapos ang trabaho mo?” malamig na tanong nito.
Lumapit si Theo. Kusang umatras si Faith hanggang sa maramdaman niya ang lababo sa likod niya. Wala na siyang matakbuhan.
Napasinghap siya nang hawakan nito ang pisngi niya. Lalong bumigat ang dibdib niya nang ilapit nito ang mukha.
Sinunggaban siya nito ng halik. Mariin. Masakit. Itinikom ni Faith ang bibig at pilit na umiwas kahit halos sugatan na ang mga labi niya. Nang tumagal at hindi pa rin siya sumunod, bigla siyang sinampal ni Theo.
Napaupo siya sa sahig matapos nitong iwanan ang banyo.
Tahimik siyang umiyak. Pakiramdam niya, araw-araw ay may bagong sugat sa katawan niya. Kung hindi sa trabaho, sa kamay naman ni Theo. May mga sandaling inakala niyang papatayin siya nito.
Hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay.
Nagising si Faith sa ospital. Hindi niya alam kung sino ang nagdala sa kanya roon. Ang malinaw lang sa isip niya ay ang sinabi ng doktor.Dalawang linggo na siyang buntis.Hindi niya alam kung iiyak ba siya o matitigilan. Umiyak siya nang umiyak, akala ng doktor ay dahil sa tuwa.Umuwi siyang lutang. Umiiyak pa rin hanggang sa makatulog.Kinabukasan, pumasok pa rin siya kahit masakit ang ulo niya. Hindi siya pinayagang umabsent ni Theo. Pinahirapan na naman siya buong araw. Halos wala siyang naisubo.Isang sagutan ang tuluyang nagpabagsak sa lahat. Sa unang pagkakataon, sumagot siya.Hindi iyon nagustuhan ni Theo.Sinakal siya nito. Ngunit hindi na siya tumahimik. Lumaban siya. Para sa batang dinadala niya.Nang mabagsakan siya ng malakas na sampal, agad niyang naramdaman ang kirot sa puson. Natakot siya para sa bata.Binitawan siya ni Theo matapos ang mabibigat na salita. Nang makaalis ito, doon lang siya muling umiyak.Kailangan niyang umalis. Kailangan niyang mabuhay.Tinawagan niy
Nagising si Faith na parang may martilyong paulit-ulit na tumatama sa ulo niya. Parang sasabog ito sa sakit. Hindi muna siya gumalaw. Pinilit niyang huminga nang dahan-dahan, umaasang hihina ang kirot.May narinig siyang pagbukas ng pinto. Sinundan iyon ng boses ng isang babae.“Theo, wake up. We have an appointment para sa food tasting natin—Oh my god!”Napabalikwas si Faith sa sigaw na iyon. Napangiwi siya sa biglang pagsakit ng ulo. Ngunit mas lalong nanikip ang dibdib niya nang makita ang lalaking napabalikwas din sa tabi niya.Si Theo.Hubad.Napahiyaw si Faith sa gulat. Napatingin si Theo sa sarili niya, halatang doon lang niya napagtanto ang kalagayan niya. Mabilis itong tumayo at nagmamadaling nagsuot ng salawal.Muling napahiyaw si Faith nang mapagtantong wala rin siyang saplot. Agad niyang hinila ang kumot at ibinalot sa sarili, nanginginig ang mga kamay.“Theo…” basag ang boses ni Antonia habang nagsisimula itong humikbi. “Paano mo nagawa ito sa akin?”Tinakpan ni Antonia a
4 years ago.“Mga bobo kayong lahat!”Napatalon si Faith sa kinauupuan nang marinig na naman ang sigaw ng boss niya. Kay aga-aga ay nakasigaw na naman ito. Wala na ring bago roon. Halos oras-oras na lang niyang naririnig ang boses nito kapag nasa opisina siya.Ayos lang naman kay Faith, basta hindi siya ang sinisigawan.“LAHAT KAYO, TANGGAL! LUMABAS KAYO! NGAYON DIN!”Wala pang isang segundo ay bumukas ang pinto ng opisina ng boss niya at lumabas ang dalawang lalaki at isang babae. Lahat sila ay bagsak ang mga balikat. Diretso sa elevator ang dalawang lalaki, samantalang ang babae ay sandaling tumingin kay Faith nang may lungkot.“Demonyo talaga si Mr. Saavedra! Wala man lang awa! Paano mo natitiis magtrabaho rito?” sabi nito.Ngumiti na lamang si Faith at hindi na sumagot. Ilang sandali pa ay umalis na rin ang babae at sumakay sa elevator.Mag-iisang taon na rin si Faith bilang sekretarya ni Theodore Saavedra. Ayon sa mga tsismis, siya lang daw ang nagtagal sa posisyon. Ang mga nauna
“Manang Fe, pagkatapos ng football training ni Bullet iuwi mo siya agad, ha? And please, huwag na huwag po kayong kakausap ng kung sino-sino. Dumeritso kayo agad dito sa bahay.”“May problema ba, iha?”Napatigil si Faith sa ginagawa niya dahil sa tanong ni Manang. Halata siguro nitong hindi siya mapakali, which was very unusual for her dahil parati siyang kalmado.Matapos niyang umuwi sa trabaho kahapon ay ipinasyal niya si Bullet sa park. At hindi niya inaasahan na naroon din ang boss niyang si Theodore Saavedra. Matagal na siyang sekretarya nito, mahigit tatlong taon din. Pero matapos nang may mangyari sa kanila at magbunga iyon, kinailangan ni Faith na lumayo para isilang ang anak niya nang walang nakakaalam kahit sino. Kababalik niya lang ng syudad tatlong buwan ang nakaraan.“Wala naman po, Manang. Basta sundin niyo na lang ang sinabi ko. Umuwi kayo kaagad ng bahay.”Tumango na lanb si Manang kahit halata sa mukha nito na marami pang tanonh. Binalingan naman ni Faith si Bullet na







