ログインNagising si Faith sa ospital. Hindi niya alam kung sino ang nagdala sa kanya roon. Ang malinaw lang sa isip niya ay ang sinabi ng doktor.
Dalawang linggo na siyang buntis.
Hindi niya alam kung iiyak ba siya o matitigilan. Umiyak siya nang umiyak, akala ng doktor ay dahil sa tuwa.
Umuwi siyang lutang. Umiiyak pa rin hanggang sa makatulog.
Kinabukasan, pumasok pa rin siya kahit masakit ang ulo niya. Hindi siya pinayagang umabsent ni Theo. Pinahirapan na naman siya buong araw. Halos wala siyang naisubo.
Isang sagutan ang tuluyang nagpabagsak sa lahat. Sa unang pagkakataon, sumagot siya.
Hindi iyon nagustuhan ni Theo.
Sinakal siya nito. Ngunit hindi na siya tumahimik. Lumaban siya. Para sa batang dinadala niya.
Nang mabagsakan siya ng malakas na sampal, agad niyang naramdaman ang kirot sa puson. Natakot siya para sa bata.
Binitawan siya ni Theo matapos ang mabibigat na salita. Nang makaalis ito, doon lang siya muling umiyak.
Kailangan niyang umalis. Kailangan niyang mabuhay.
Tinawagan niya ang ina niyang kumupkop sa kanya. Sa gitna ng hikbi, hiniling niyang makauwi.
Nagpasa siya ng pagbibitiw kay Mrs. Saavedra. Tinanggap iyon nang may panghihinayang at sinabing bukas pa rin ang pinto kung gugustuhin niyang bumalik.
Hindi naging madali ang pag-uwi niya sa pamilya niya. Tinanggap siya ng pamilya, ngunit hindi ng lahat. Alam ni Faith kung bakit. Ampon lamang siya. Anak ng dating kasambahay.
Gayunman, nanindigan siya. Kahit buntis, nagtrabaho siya. Hanggang sa ikaanim na buwan niya ay dinugo siya. Pinagbawalan na siyang magpagod.
Nang isilang niya si Bullet, nagbago ang lahat. Parang liwanag ang bata sa buhay nilang lahat.
Lumipas ang mga taon. Hindi niya inaasahang muling makikita si Mrs. Saavedra. Sa unang tingin pa lang sa bata, alam na nitong apo niya iyon.
Nakiusap si Faith na itago ang lihim. Pumayag ang matanda, kapalit ang pagbabalik niya sa kompanya.
Pagbalik niya, iba na si Theo. Hindi na siya sinasaktan. Ngunit may pagitan na sa kanila.
Apat taon na niyang itinatago ang anak.
Ngunit alam ni Faith ang totoo.
Walang lihim ang hindi nabubunyag.
Nang matapos magsalita si Faith, nakita niyang umiiyak na si Patty. Pinupunasan nito ang mga luha sa pisngi at napangiwi pa habang umiiyak.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin?!” tanong nito, halos sabay sa pag-iyak.
Natawa si Faith sa sarili. Wala naman siyang nasabi tungkol sa lahat ng pinahirapan sa kanya ni Theo, pati sa pamilya niya. Masakit ang mga karanasan noon at hindi niya kayang balikan. Pero sa pagkakataong iyon, parang gumaan ang pakiramdam niya.
“Masyado kasing masakit noon kaya hindi ko nagawa kahit kanino,” mahina niyang sabi. “Ngayon… parang nakalimot na ako.” Ngumiti siya.
Bigla namang tumayo si Patty at bumalik na may hawak na tinidor at maliit na kutsilyo.
“Ano'ng gagawin mo riyan?” tanong ni Faith.
“Papatayin ko ang hayup na lalaking 'yon! Hayup siya! Matapos niyang abusuhin ka, paano ka niya haharapin?! Putulin ko siya!” galit na sabi ni Patty.
Napatawa lang si Faith sa labis na galit ng kaibigan. Ang sarap sa pakiramdam na may kasama siyang handang ipaglaban siya. Napaisip siya, kung noon pa lang niya nasabi kay Patty, mas madali kaya ang buhay niya noon?
Biglang tumunog ang cellphone niya. Inilabas niya ito at tiningnan kung sino ang tumatawag.
“Sino 'yan?” tanong ni Patty nang makita ang ngiti ni Faith.
“Wala lang,” sagot niya habang nakangiti. Tumawa lang siya at sinagot ang tawag.
“Nasaan ka?” malamig ang boses ni Theo.
Tiningnan ni Faith ang relo. “Sir, may apatnapung minuto pa bago ang trabaho,” sagot niya, hindi sinagot ang tanong.
“Papapasok ka ba ngayon?” tanong muli ni Theo.
Napataas ang kilay ni Faith. Ano na naman ang problema nito? Hindi niya nakasanayan na ganito siya hanapin o tanungin.
Kinabahan siya sa pag-iisip. Puwede ba nitong alamin kung sino ang ama ni Bullet? O kung tungkol sa nakaraang pagkikita nila sa mall?
“Faith?” tawag sa kanya.
Tumigil siya at sumagot, “Yes, Sir.”
May narinig siyang buntong-hininga. “Magdala ka ng kape pagdating mo.”
Binaba na ang linya bago siya nakapagsalita. Mabuti na lang, hindi naman namana ni Bullet ang ugali ng ama niya.
“Ano'ng sinabi niya?” tanong ni Patty nang itinago ni Faith ang phone.
“Hinahanap niya ako,” sagot niya.
“Tingin mo, may alam na siya?”
Napangiti si Faith sa pag-aalala ng kaibigan. Mahal ng kaibigan niyang Patty ang anak niyang si Bullet, at alam niya na maraming nagmamahal sa anak niya kahit wala ang ama.
“Siguro wala pa. Alam mo naman si Theo, hindi siya aaksaya ng oras kung may alam na siya,” sagot ni Faith.
“Ano na'ng plano mo?”
Napahinto si Faith sa tanong. Hindi niya alam ang gagawin. Nahahati ang isip niya. Kapag naaalala niya ang ginawa sa kanya ni Theo noon, gusto niyang itago ang anak sa kanya. Ayaw niyang makilala ni Theo ang anak. Pero kapag naiisip niyang lumalaki si Bullet na walang ama, naaawa siya. Alam niya ang pakiramdam ng lumaki nang wala ang magulang.
“Basta, nandito lang ako,” sabi ni Patty. “Kung gusto mong itago uli si Bullet sa ama niya, susuportahan pa rin kita. Para sa ikabubuti ni Bullet ang desisyon mo.”
Napangiti si Faith at niyakap siya. “Salamat, Patty.”
Pakiramdam niya ay sobrang gaan matapos ang paglabas niya sa coffee shop. Tama ang ginawa niyang sabihin ang lahat kay Patty.
Agad siyang pumunta sa opisina. Nang makarating, pumunta muna siya sa pantry at nagtimpla ng kape para kay Theo.
Kumatok siya ng tatlong beses sa opisina bago pumasok, kahit hindi sumagot si Theo. Naabutan niya itong abala sa mga papeles.
“Ito ang kape mo, Sir,” sabi ni Faith habang inilalagay sa harap niya.
May ibinigay si Theo sa kanya na papeles. “Gawin mo itong report. Kailangan ko ito para sa presentation bukas.”
“Yes, Sir,” sagot ni Faith, habang nakatitig pa rin si Theo sa kanya.
“Anong schedule ko ngayon?” tanong niya habang sumandal sa swivel chair, pero nakatuon pa rin ang mga mata sa kanya.
Kinabahan si Faith. “Meron po kayong lunch meeting kay Mr. Freddie Sy. Sa ala-una y medya, business proposal meeting sa British investors. At alas-tres, meeting sa board of directors.”
“’Yan lang?”
“Yes, Sir.” Huminga siya nang malalim.
Naghintay pa siya ng iba pang sasabihin ni Theo, pero nanatiling nakatitig sa kanya. Kinurot-kurot niya ang mga daliri para maibsan ang kaba. Nang mapansin ni Theo, tumigil siya sa pagkurot.
“May kailangan ka pa ba, Sir?” tanong niya, pero tahimik lang si Theo. “Kung ’yan lang, aalis na ako,” sabi ni Faith, nagmamadaling lumiko.
Ngunit bago niya mabuksan ang pinto, tumigil siya.
“Bullet Gallego... That's your son's name?”
Napatigil si Faith. Agad siyang humarap sa kanya, halos himatayin sa sobrang kaba nang marinig ang buong pangalan ng anak niya.
“S-Sir?” nauutal. Huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili pero lalo lang siyang kinabahan.
“Siguraduhin mo lang na nagsasabi ka ng totoo, Faith,” malamig na sabi ni Theo. “Alam mo naman kung paano ako magalit, ‘di ba?”
Tumango si Faith at dali-daling lumabas ng opisina. Naupo siya sa puwesto niya at napasabunot sa buhok.
Nagising si Faith sa ospital. Hindi niya alam kung sino ang nagdala sa kanya roon. Ang malinaw lang sa isip niya ay ang sinabi ng doktor.Dalawang linggo na siyang buntis.Hindi niya alam kung iiyak ba siya o matitigilan. Umiyak siya nang umiyak, akala ng doktor ay dahil sa tuwa.Umuwi siyang lutang. Umiiyak pa rin hanggang sa makatulog.Kinabukasan, pumasok pa rin siya kahit masakit ang ulo niya. Hindi siya pinayagang umabsent ni Theo. Pinahirapan na naman siya buong araw. Halos wala siyang naisubo.Isang sagutan ang tuluyang nagpabagsak sa lahat. Sa unang pagkakataon, sumagot siya.Hindi iyon nagustuhan ni Theo.Sinakal siya nito. Ngunit hindi na siya tumahimik. Lumaban siya. Para sa batang dinadala niya.Nang mabagsakan siya ng malakas na sampal, agad niyang naramdaman ang kirot sa puson. Natakot siya para sa bata.Binitawan siya ni Theo matapos ang mabibigat na salita. Nang makaalis ito, doon lang siya muling umiyak.Kailangan niyang umalis. Kailangan niyang mabuhay.Tinawagan niy
Nagising si Faith na parang may martilyong paulit-ulit na tumatama sa ulo niya. Parang sasabog ito sa sakit. Hindi muna siya gumalaw. Pinilit niyang huminga nang dahan-dahan, umaasang hihina ang kirot.May narinig siyang pagbukas ng pinto. Sinundan iyon ng boses ng isang babae.“Theo, wake up. We have an appointment para sa food tasting natin—Oh my god!”Napabalikwas si Faith sa sigaw na iyon. Napangiwi siya sa biglang pagsakit ng ulo. Ngunit mas lalong nanikip ang dibdib niya nang makita ang lalaking napabalikwas din sa tabi niya.Si Theo.Hubad.Napahiyaw si Faith sa gulat. Napatingin si Theo sa sarili niya, halatang doon lang niya napagtanto ang kalagayan niya. Mabilis itong tumayo at nagmamadaling nagsuot ng salawal.Muling napahiyaw si Faith nang mapagtantong wala rin siyang saplot. Agad niyang hinila ang kumot at ibinalot sa sarili, nanginginig ang mga kamay.“Theo…” basag ang boses ni Antonia habang nagsisimula itong humikbi. “Paano mo nagawa ito sa akin?”Tinakpan ni Antonia a
4 years ago.“Mga bobo kayong lahat!”Napatalon si Faith sa kinauupuan nang marinig na naman ang sigaw ng boss niya. Kay aga-aga ay nakasigaw na naman ito. Wala na ring bago roon. Halos oras-oras na lang niyang naririnig ang boses nito kapag nasa opisina siya.Ayos lang naman kay Faith, basta hindi siya ang sinisigawan.“LAHAT KAYO, TANGGAL! LUMABAS KAYO! NGAYON DIN!”Wala pang isang segundo ay bumukas ang pinto ng opisina ng boss niya at lumabas ang dalawang lalaki at isang babae. Lahat sila ay bagsak ang mga balikat. Diretso sa elevator ang dalawang lalaki, samantalang ang babae ay sandaling tumingin kay Faith nang may lungkot.“Demonyo talaga si Mr. Saavedra! Wala man lang awa! Paano mo natitiis magtrabaho rito?” sabi nito.Ngumiti na lamang si Faith at hindi na sumagot. Ilang sandali pa ay umalis na rin ang babae at sumakay sa elevator.Mag-iisang taon na rin si Faith bilang sekretarya ni Theodore Saavedra. Ayon sa mga tsismis, siya lang daw ang nagtagal sa posisyon. Ang mga nauna
“Manang Fe, pagkatapos ng football training ni Bullet iuwi mo siya agad, ha? And please, huwag na huwag po kayong kakausap ng kung sino-sino. Dumeritso kayo agad dito sa bahay.”“May problema ba, iha?”Napatigil si Faith sa ginagawa niya dahil sa tanong ni Manang. Halata siguro nitong hindi siya mapakali, which was very unusual for her dahil parati siyang kalmado.Matapos niyang umuwi sa trabaho kahapon ay ipinasyal niya si Bullet sa park. At hindi niya inaasahan na naroon din ang boss niyang si Theodore Saavedra. Matagal na siyang sekretarya nito, mahigit tatlong taon din. Pero matapos nang may mangyari sa kanila at magbunga iyon, kinailangan ni Faith na lumayo para isilang ang anak niya nang walang nakakaalam kahit sino. Kababalik niya lang ng syudad tatlong buwan ang nakaraan.“Wala naman po, Manang. Basta sundin niyo na lang ang sinabi ko. Umuwi kayo kaagad ng bahay.”Tumango na lanb si Manang kahit halata sa mukha nito na marami pang tanonh. Binalingan naman ni Faith si Bullet na







