
Thorns of the Past (Playful Fate Series #1)
Marriage is sacred and must be because of love…but in our family it is all about business and connections. I don’t want to get married and the last time that I let cupid in my heart I was left alone, like a girl who lost her favorite doll.
Miss Michin. Ang bansag sa pinakamasungit sa mga apo ni Don Leano—si Frederica Liora Leano, panganay sa pamilya at sa mga magpipinsan, strikta, mahigpit, at prangka kung magsalita. Parang walang pagmamahal sa katawan. Matandang dalaga kung umasta at manamit. Hindi gusto na magpakasal, dahil hanggang ngayon ay may mga nakabaon pa ring tinik sa kan’yang puso mula sa nakaraan. Ngunit…sa isang iglap lahat ng iyon ay nawala.
Aksidente. Dahil sa isang aksidenteng halik ay magpapakasal siya at kanino? Sa estrangherong hardinero nila na si Noel. Si Noel, palasagot, matapang, at hindi siya inuurungan. Napunta si Frederica sa sitwasyong iniiwasan niya. Gusto niyang tumakbo at umalis sa buhay na iginuhit na ng kan’yang Lolo.
Pero paano kung sa gitna ng pagtakbo niya ay madapa siya sa maiinit na bisig ng kanilang hardinero? Anong mangyayari kung unti-unti na niyang pinapapasok si kupido sa sarado niyang puso? Panibagong sakit? Panibagong tinik? O mas babaon ang tinik ng kan’yang nakaraan? Paano kung sa mga maiinit na bisig ay may madiskubre siyang malamig na katotohanan? Makakatakbo pa kaya ang kan’yang mga paa? O tulad noon ay magiging batang nawalan ng manika?
Read
Chapter: Chapter 5𝘏𝘦𝘭𝘱Umaga.Maaga na naman ako bumangon para paglutuan si Lolo, kahit may sama pa rin ang loob ko sa kaniya dahil sa mga plinaplano niya ay naroon pa rin ang pag-aalaga ko sa kaniya. Hindi ko nga ata kayang magalit sa kaniya, kahit na ano pa mang ilihim o iplano niya sa aking hindi ko papayagan ay ‘di ko matitiis na huwag siyang paglutuan. Isang presensya ang naramdaman ko, hindi ko nalang pinansin dahil baka isa sa mga kasambahay iyon. Pinagpatuloy ko nalang ang paghahalo sa sopas na niluluto ko. “Magandang umaga, senyora ko,” nakakasira ng araw ang boses ni Noel. Isang matalim na tingin ang ginawad ko sa nagliliwanag niyang ngiti. “Pwede ba, Noel. Ang aga-aga pa, huwag kong sirain ang umaga ko.”Mahina siyang natawa, sabay nakangusong lumapit sa akin. “Ako kaya ang pinaka magandang bungad sa umaga mo, senyora ko. Anong ginagawa mo?”Dumungaw siya sa niluluto ko at halos mahigit ko ang aking paghinga, dahil ilang dipa nalang ay mahahalikan na naman niya ako. Napaiwas ako ng
Last Updated: 2026-01-21
Chapter: Chapter 4𝘗𝘭𝘢𝘯Siya ang unang nakapasok sa kusina, habang ako ay nakasunod lamang at nasa likuran niya. Ewan ko bakit ba ako sumama sa kaniya, hindi naman ako sumasabay sa mga trabahador. Hindi sa ayoko, pero iba kasi ang pagkain nila, sa pagkain namin ni Lolo. Iba rin ang lugar kung saan sila kumakain. Porket alam ng mga kasamahan niyang magpapakasal kami ay hindi sila nagtaka na wala ito ngayon at kasama nilang kumakain? “Manang, ano pong ulam?” sambit niya, inakbayan si Manang. Walang galang talaga ang isang ito. Tinuro naman ni Manang ang mga nakatakip. “Ito kaldereta at sinigang.”Si Noel kinalimutan atang kasama niya ako at bunuksan ang mga kaldero, inilapit pa ang mukha at napapikit. Masarap siguro? Mukhang napansin ako ni Manang at nanlaki ang matang tumingin sa akin. “Oh ikaw pala senyorita. Ano pong ginagawa niyo rito?”Sasagot na sana ako, kaso inunahan ako ng lalaki. “Sabay kaming kakain, nang.” ngingiti niyang sabi. Kumunot ang noo ni Manang sa narinig. Kahit ako nagtatak
Last Updated: 2026-01-21
Chapter: Chapter 3𝘍𝘪𝘯𝘥Mabilis akong umalis nang malaman ko ang desisyon ni Lolo. Hindi ko alam ang pumasok sa isip niya at uyon pa talag ang naging desisyon niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at ang buong kalamnan ko ay nararamdaman ko ang pangangatog. Wala ang isip ko sa nilalakaran at hinahayaan ko nalabg ang mga paa na dalhin ako sa kung saan man nito nais. At nakita ko nalang ang sarili kong nasa veranda ng mansyon. Pinikit ko ang aking mata at dinama ang simoy ng hangin, nililipad na ang buhok ko, pati ang bestida kong mahaba ay napapaangat, ngunit hindi ko inalintana, gusto ko lang huminga nang malalim at makapag-isip. “Bakit ba ayaw mong magpakasal sa akin? Gwapo naman ako, hindi ka na lugi,” narinig ko mula sa aking likuran ang hardinero—si Noel. Inayos ko ang sarili at binigyan siya ng matalim na tingin. “Pwede ba, siraulo lang ang magpapakasal dahil aksidenteng nahalikan. Hindi ko alam bakit pinapalaki iyon, aksidente lang ang nangyari!” galit kong saad sa kan’ya. Tatawa-tawa n
Last Updated: 2026-01-21
Chapter: Chapter 2𝘔𝘢𝘳𝘳𝘪𝘢𝘨𝘦“Handa ka bang panindigan ang ginawa mo?” nagulat ako sa biglang tanong ni Lolo. Andito kami ngayon sa loob ng silid-aklatan at nakaupo sa mahabang sofa, habang si Lolo naman ay nakaupo sa sofa na nasa gilid habang nasa likuran niya ang lawyer niya. Hindi ko alam bakit ba sinasabi ni Lolo iyan. Akala ba niya ito ang unang beses na mahalikan ako at umaasta siyang buntis ako ngayon na kailangan panindigan?“Lo, ano bang sinasabi niyo? Anong paninindigan? Bakit naman kailangan niya akong panindigan?” alma ko sa kan’ya. Nanlilisik ang mga matang tumitig sa akin si Lolo, “Pwede ba, Frederica! Hindi pwedeng hayaan ko lang na may lalaking humalik sa iyo, baka malaman pa ng mga kakilala ko at akalain nilang pinapabayaan ko ang mga apo ko!”Napahawak ako sa aking sentido, dahil sa mahaba niyang sinabi. Minsan talaga ay nakakalimutan kong over protective siya sa amin. “Lo, hindi naman ito ang unang halik ko. Hayaan niyo na.” napatingin silang lahat sa akin at napahawak nalan
Last Updated: 2026-01-21
Chapter: Chapter 1𝘒𝘪𝘴𝘴 “Manang, hindi pa ho ba kumukulo ang takure?” tanong ko kay Manang Wilma, isa sa mga pinagkakatiwalaan naming kasambahay. Nagluluto kasi ako kaya’t sa isang kalan ay nakasalang ang takure, para sa mainit na tubig at nang makapagtimpla ng kape ni Lolo. Ako ang nag-aasikaso ng agahan namin, dahil ayaw niyang gumagawa ako ng gawaing bahay. Ito nalang ang magagawa ko para naman hindi ako biglaang ma-stroke. Habang hinahalo ang niluluto ay nakita ko sa gilid ng aking mata si Manang na binuksan ang takip ng takure—-hindi na kasi gumagawa ng matinis na ingay dahil sa katandaan, tapos ayaw pa ni Lolo bumili ng bago, dahil noon pa mang nabubuhay si Lola ay ito na ang gamit. Lumingon sa akin si Manang. “Opo, senyora. Tawagin ko na po ba ang senyor?” Tango na lamang ang naging sagot ko kay Manang, dahil tumalikod din ako upang kumuha ng sandok at mangkok. “Napaka sarap mo talagang magluto, Frederica,” halos mapangiwi ako nang banggitin ni Lolo ng buo ang ngalan ko. May palay
Last Updated: 2026-01-21