LOGIN𝘊𝘰𝘯𝘧𝘶𝘴𝘦
Gabi. Punong-puno ng katahimikan ang gabi ko, ang tanging naririnig ko lang ay ang ingay ng mga kuliglig sa labas. Hanggang ngayon ay nasa isipan ko pa rin ang sinabi ni Noel. Na pumapayag na siya sa plano kong hindi ituloy ang kasal tapos ay tutulungan niya pa ako. Dapat nga masaya ako ngayon at nag-iisip na ng plano para ihinto ang kasal. Pero imbis na plano ang isipin ay siya at ang dalagang kasama niya kanina ang naglalaro sa utak ko. Silang dalawa…magkahawak ang kamay at nagtatawanan. Iyong tawanan na sigurado akong hindi ko maibibigay… Binuksan ko ang pinto patungo sa balkonahe at napayakap sa sarili ko. Ang laylayan ng bestida ko ay sumasabay sa ihip ng hangin. Ang lalaking kanina ay nasa isip ko, ngayon ay nakikita kong nasa ilalim ng malaking puno. Pero hindi lang siya ang natanaw ko…si Ligaya—ang babaeng kasama niya kanina at ang sinasabing nobya niya. Nanliit ang mga mata ko sa eksenang nadatnan. Dalawa silang nag-uusap at parang sinusuyo ni Noel ang dalaga, marahang hawak ang siko niya pero ang dalaga ay lumalayo at napapailing. Hindi ko inaasahan ang mga susunod na pangyayari…mabilis na nagtagpo ang palad ng dalaga at ang pisngi ni Noel kaya’t ang nanliliit kong mata ay lumaki. Sakit ang bumalatay sa mukha ni Noel at hindi ko inaasahang umangat ang tingin niya at magtagpo ang mga mata namin. Nawala ang sakit sa mata niya, napalitan ng gulat at…takot? Mabilis pa sa alas kwatro akong pumasok pabalik at isinara ang pinto. Nagtungo agad sa aking kama. Isang katok ang nagpagising sa akin. Bumalik ako sa reyalidad. Nawala ang panaginip ko ng parang bula. May ideya ako kung sino ang kumakatok. Pagbuksan ko ba? Bakit naman siya kakatok? Tungkol sa plano? “Anong kailangan mo? Gabi na, Noel. Ipagpabukas mo na kung ano man ‘yan,” sambit ko sa likod ng pinto. Ayoko siyang pagbuksan. “Senyora, may importante akong sasabihin,” ramdam ko ang pagmamadali niya. Napabuga ako ng marahas na hangin. “Kung gusto mo talagang sabihin ngayong gabi, sabihin mo na. Hindi kita pagbubuksan ng pinto. Hindi nakatakas sa aking pandinig ang pagbunto ng hininga niya. “Senyora…gusto mo talagang hindi ituloy ang kasal?” Sandali akong natigilan sa itinanong niya. Sigurado naman na ako ah. “May rason ba?” “Para gustuhin ko?” “Kung may rason ba…ay papakasal ka?” dahan-dahan niyang bitaw. Hindi naman mainit ngayong gabi, pero bakit pinagpapawisan ako? Napalunok ako sa tinanong niya. Kung may rason ako para magpakasal ay sigurado akong magpapakasal ako. May rason naman ngayon. Pero napakababaw at hindi naman katanggap-tanggap. Pumikit ako at isinandal ang ulo sa pinto, nahihirapan na sa nangyayari sa damdamin ko. “Hindi. Kung ayan ang importanteng sinasabi mo matutulog nalang ako.” “Senyora…sabihin mo…anong tulong ang gusto mong makuha sa akin?” Kinagat ko ang pang ibabang labi. Kanina pa ako nag-iisip tungkol sa plano, pero ikaw at ang babaeng kasama mo ang nasa utak ko. Ayaw mawala. Gusto kong isigaw sa kan’ya ‘yon. “Sabihin mo ang totoo…na hindi ako ang gusto mo,” Pakiramdam ko parang may ibang katauhan na lumabas mula sa akin, dahil alam kong hindi ko sasabihin ang mga katagang iyan. “Ang totoo ha?” may pamamangha niyang tanong. “Sige…matulog ka na…senyora. Mapanaginipan mo sana ako.” nadugtungan ng mahinang pagtawa. Kumunot ang noo ko. “Bangungot iyon,” Umaga na naman at walang bago sa buhay ko. Patapos na kaming kumain ng agahan nang biglang pumasok si Noel. At ibang-iba suya sa Noel na nakita ko kagabi. Ngayon punong-puno ng kasiyahan ang mata, samantalang kagabi ay malungkot at madilim ang itsura. Mukhang dahil sa nangyari kagabi ay mangungulit na naman siya, kaya’t inunahan ko na. “Noel, huwag mo akong simulan—” “Don Leano, nais ko po kayong makausap,” Biglang nanlaki ang mata ko. Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Lolo at kay Noel. Punong-puno ng mga tanong ang isip lalo pa at parang hangin lang akong pinutol ni Noel sa pagsasalita. Tumango si Lolo at tumayo na. “Sige buti naman at ikaw na ang pumunta rito dahil may sasabihin din ako sa iyo.” Bumalik ang tingin ni Lolo sa akin at itunuro ang pinagkainan. “Mauna na ako, iha. Huwag mong hugasan ang mga pinagkainan. Hayaan mo silang maglinis ng kusina at huwag mong agawan ng trabaho.” Napangiwi ako at nakita ko ang maliit na ngiting sumusupil sa labi ni Noel. “Mauuna na po kami…mahal…” nanlaki ang mata kosa sinabi niya, habang ang isa nang-aasar na ngumiti. “Na senyora…” Si Lolo ay nakatingin lang sa amin na parang may sikreto kaming hindi sinasabi sa kan’ya. Pero hindi naman ata napansin ni Noel, dahil siya na ang nag-alok na lumabas na sila. Binabalak kong umakyat sa silid at mag espiya sa pinag-uusapan nila Lolo kaya hindi rin ako naglinis ng huhugasan na mga pinggan. Ang kaso may malakas na kalabog akong narinig sa sala. Lakad takbo ang ginawa ko, dahil baka may nabasag na gamit na naman ang mga kasambahay. Nagsalubong ang kilay ko ng madatnan si Mildred. Nakasalampak sa sofa at hawak-hawak ang isang napakalaking maleta. Ano na namang problema dala nito? “Anong ginagawa mo rito?” mataray kong tanong habang papalapit sa kan’ya. Isinandal niya ang gilid ng ulo niya sa sofa at ang inaantok na mga mata ay bumagsak sa akin. “Makikituloy ako rito at iyong kaibigan ko. Kaso wala pa siya eh, delay flight niya galing Seattle.” Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nito. “May kaibigan ka? From Seattle?” Kaibigan? Sa sama ng ugali niya. “Hoy! Sa ating dalawa ikaw ang friendless! Sige nga ilan ang kaibigan mo?!” Bumango na siya sa pagkakasalampak. Hindi ko binigyang atensyon ang pag a-alburoto niya, dahil may plano pa akong makinig sa usapan nila Lolo. “Hindi ko kailangan na may isa pang pepeste sa mansyon at sa buhay ko. Mag book ka nalang ng hotel, ako ang magbabayad!” Pagak siyang natawa. “Anong tingin mo sa akin hindi ko kayang magbayad ng kwarto sa isang hotel? Alam mo kaya ka binabansagang matandang dalaga eh, ang hilig mo ipagtabuyan mga tao rito,” Angat kilay ko siyang sinagot. “Dahil namemeste lang naman kayo,” Hindi niya na ako sinagot at isinalampak muli ang katawan sa sofa. Tulala lang siya at nakakapanibago dahil kinaya nuyang hindi magsalita sa loob ng tatlong minuto. Parang makina ang bunganga at ingay nito kaya sigurado akong may problema siya. “Ayos ka lang? Sabihin mo na ‘yan,” Wala akong sagot na nakuha. Bunting hininga lang ang ginawa niya. Tama nga ang hinala ko. Hindi naman pupunta ‘yan rito, kung walang nangyari sa buhay niyang napakagulo. “Senyora Frederica…” pag-agaw ng isang kasambahay sa atensyon ko. “Bakit?” Napalunok siya at nakayukong nagpatuloy. “May naghahanap po kasi kay Noel…” Doon na mas naagaw nito ang atensyon ko. “Sino? Kausap niya ang Lolo,” Napairap ako ng matagal na mag-isip ang kasambahay. Takot atang malaman ko kung sino ang naghahanap sa lalaking iyon. “Sino ang naghahanap, Roberta?” binanggit ko na ang ngalan niya kaya mas lalong nataranta ito. “Si Ligaya ho…” halos pabulong niya ng sambit. Lumapit ako sa kan’ya at dinungaw ang paligid. “Nasaan siya?” Lumilibot pa rin ang paningin ko sa labas, pero wala akong bultong makita. At ang kanina’y tahimik na si Mildred, biglang nagsalita ng mga hindi ko inaasahang marinig. “Magpapakasal na ako…” Bigla akong napaharap sa kan’ya. Natuod at halos hindi malakad. Bakit magpapakasal siya? Anong nangyari? May nobyo siya? Nobya? Buntis ba siya? Kailan pa? “Ay ito na po pala si Noel…” otomatiko namang gumalaw ang leeg ko paangat. Nakita ko nga si Noel na pababa at kinausap na ng kasambahay. Hindi nawala ang saya sa mga mata niya at ang nakakaasar na tingin niya sa akin. Ako naman ay sigurado akong naroon pa rin ang gulat sa mga mata, dahil nga sa binitawang balita nitong si Mildred. “Hanap ka ni Ligaya. Umiiyak siya eh,” hindi nakatakas sa aking pandinig ang huling sinambit ng kasambahay at nakita ko rin ang biglang pag-iba ng emosyon ni Noel. Ang kaninang masaya, ngayon naman ay nag-aalala na. Walang paa-paalam siyang umalis. Gusto ko siyang sundan, pero hindi ko maigalaw ang mga paa dahil hanggang ngayon ay tulala pa rin sa kawalan si Mildred. Lito. Litong-lito ako at hindi ko mawari kung sino ang uunahin. Gusto kong harapin at malaman ang totoong namamagitan kay Noel at Ligaya, pero ayoko ring iwanan si Mildred na mukhang hindi na rin alam ang nangyayari sa buhay.Greetings “Bakit naman ako magtatampo dahil sa hilaw niyong bisita. Wala namang kainggit-inggit do’n,” yamot na sambit ni Noel. Hindi man niya ipinapakita ay nababasa ko ang bawat galaw niya. Umiwas siya ng tingin sa akin, hindi makatagal sa mga tingin ko. Iyon palang ang ginagawa niya ay halata kong may kakaiba na. Kaya hindi niya ako pwedeng paandaran ng ganiyan, dahil parang…paunti-unti ay…nakakabisado ko n ata siya. Pilit kong tinatago ang ngiting nais pakawalan ng labi ko. “Wala akong sinabi na naiinggit ka. Ang sinasabi ko kung nagtatampo ka dahil mas pinanigan ko siya kesa sa iyo,” paliwanag ko. Lumunok siya at hindi pa rin tumitingin sa akin. “Sanay na akong wala kang tiwala sa akin, senyora. Hindi na ako nagtaka ng siya ang panigan mo,” Hindi ko inaasahan na iyon pa rin ang sasabihin niya sa akin. Tila nga masama ang loob niya, dahil sa naging aksyon ko. Alam ko naman na may mali rin ako at gusto kong kahit papaano ay bumawi sa kaniya. Hindi ko maintindihan ang s
SulkyLumipas ang dalawang araw at hindi ako pinapansin ni Noel, madalang ko rin siyang makita sa mansyon. Sa hindi ko malamang dahilan ay parang may kulang sa mga araw na lumipas, siguro ay masyado akong nasanay sa pang-iinis at pang-aasar niya sa akin. Si Lindon umuwi na pabalik sa bansa niya, habang si Mil naman ay narito pa rin ang mga gamit pero lumuwas papuntang Manila. Ang lolo naman ay madalang ko rin makita, kaya hindi rin ako nagluluto ng agahan. Wala akong narinig mula kay lolo kung nasaan siya, hindi ko rin naman kasi pinapakielaman lalo na at sigurado akong tungkol sa negosyo. Masyadong payapa ang araw ko at parang hindi ako mapakali sa kama ko. Paikot-ikot sa kwarto, at gumugulong sa kama. Sa ganiyan ko labg napapalipas ang oras. Sumapit ang tanghali. Napagdesisyonan kong lumabas at pumunta sa hardin, mahapdi man sa balat ang hangin at tirik ng araw ay hindi ako nagpatinag. Para lang kasi akong nahihila na pumunta roon kahit wala nman akong gagawin. Ang nadatnan ko a
BrawlHabang nakadungaw kami sa lawak ng planta ng pamilya namin ay naririnig ko ang bawat mahihinang himig ng aking katabi. Nakatayo kami ngayon at baka dahil din sa hangin kaya naririnig ko siya. “Bakit ba bulong ka nang bulong tuwing nagsasalita si Lindon?” hindi ko na mapigilang punain siya. Ang loko naman ay parang wala lang sa kaniya ang sinabi ko. Pinagmumukha pa akong sinungaling sa mga tingin niya. “Nagkataon lang,” ngumuso siya. Umirap ako sa kawalan at pinagkrus ang braso. “Pwede ba Noel, wala kang maloloko rito.” Umiling ako. Dahilsa sinabi ko ay ibinaba niya ang mukha at pinantay sa tenga ko, upang bunulong. “Hindi ka ba naiinis sa kaniya?”Naghahanap pa ng kakampi. “Mas nakakainis ka,” asik ko. Mahina siyang natawa, tumabingi at may sumilay ang nang-aasar na ngiti. “Bakit ba naiinis ka sa asawa mo?”At hindi ko siya pinansin. Bahala siya. Kinabukasan.“Good morning, Ms. Leano,” si Lindon agad ang bumungad sa umaga ko. Lumabas ako ng kusina, pero hindi ako ang n
𝘏𝘶𝘴𝘣𝘢𝘯𝘥 Morning. “Good morning. Aalis muna kami, I will tour him around,” paalam sa akin ni Mildred. Napatingin ako sa labas ng bintana dahil sa kaniya. Hindi naman ganoon kainit kahit na alas nuebe na ng umaga, mukha ring malamig pa ang simoy ng hangin kaya baka masarap pang magliwaliw. Tutal hindi naman gaano ako lumalabas, maganda sigurong samahan ko sila. Bumalik lang ang tingin ko sa kanila ng magsalita si Lindon may hawak na tubigan at katabi ni Mildred. “Ms. Leano, you won't come with us? It will be great if madami tayo,” he said enthusiastically. He is right. Dapat ko rin silang samahan, dahil bisita sila kahit pa si Mildred. “Nah. Hindi sasama ‘yan, Lindon,” pagharang ni Mildred na nagpairap sa akin sa kawalan. Ang hilig manguna ng babaitang ito. “I’ll come. Nakakahiya naman sa bisita kung hindi siya ipapasyal ng nakatira,”Lumabas na kami at nasa labas ng kwadra—bahay ng mga kabayo. Gusto ko sana silang ayain na mag horse back riding, pero bumulong sa akin si
𝘙𝘦𝘭𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘴𝘩𝘪𝘱 Pinili. Hindi ko alam kung anong meron sa akin at mas pinili kong sundan sina Noel. Hindi naman ako ganito, alam ko sa sarili kong pamilya muna bago ang iba at ang sarili, pero parang sa pagkakataong ito nawawala ang prinsipyo kong iyon. “Mil, may pupuntahan lang ako. Sasabihan ko si manang na ihatid ka sa maayos na kwarto.” sabi ko habang naglalakad paalis. “Saan ka pupunta?” nahimigan ko ang pagtatakha sa tono niya. Itinuro ko ang labas gamit ang nguso. “Diyan lang…sa hardin.” At ngayon naman ay nagsisinungaling na ako sa kaniya. Kung meron man sa mga pinsan ko na pinagkakatiwalaan ko, iyon ay siya…si Mildred. Siguro ay dahil alam kong hindi na dapat muna dagdagan ang iniisip niya. Natagpuan ko ang mga sarili na sinusundan si Noel hanggang pagpasok sa isang maliit na kubo. Sa loob ng kubo ay may mga kwarto, nagtago pa muna ako sa isang pinto dahil baka marinig ang mga yabag ko at sumilip mula roon upang tignan kung saan muli papasok si Noel
𝘊𝘰𝘯𝘧𝘶𝘴𝘦 Gabi. Punong-puno ng katahimikan ang gabi ko, ang tanging naririnig ko lang ay ang ingay ng mga kuliglig sa labas. Hanggang ngayon ay nasa isipan ko pa rin ang sinabi ni Noel. Na pumapayag na siya sa plano kong hindi ituloy ang kasal tapos ay tutulungan niya pa ako. Dapat nga masaya ako ngayon at nag-iisip na ng plano para ihinto ang kasal. Pero imbis na plano ang isipin ay siya at ang dalagang kasama niya kanina ang naglalaro sa utak ko. Silang dalawa…magkahawak ang kamay at nagtatawanan. Iyong tawanan na sigurado akong hindi ko maibibigay… Binuksan ko ang pinto patungo sa balkonahe at napayakap sa sarili ko. Ang laylayan ng bestida ko ay sumasabay sa ihip ng hangin. Ang lalaking kanina ay nasa isip ko, ngayon ay nakikita kong nasa ilalim ng malaking puno. Pero hindi lang siya ang natanaw ko…si Ligaya—ang babaeng kasama niya kanina at ang sinasabing nobya niya. Nanliit ang mga mata ko sa eksenang nadatnan. Dalawa silang nag-uusap at parang sinusuyo ni







