LOGINHe's her enemy but he possessed her first love's face. Paano mo itututok sa kalaban ang hawak mong baril kung taglay nito ang mukhang nakaukit sa iyong puso't isipan? Dalawang katauhan na may iisang mukha na kayang patibukin ang pusong minsan nang nawasak. Maaari bang ipagpapatuloy ang naudlot na damdamin ng taong nagtataglay ng kaparehong mukha ng taong minsan ay kinuha sa iyo ng pagkakataon? Ano ang pipiliin mo? Pamilya o pag-ibig?
View MoreNang muli akong magmulat ng mga mata ay ang nag-alalang mukha ni Mommy ang una kong nakita bago tumuon ang pansin ko sa seryosong mukha ni Daddy."Thank God you're okay! You make me worried, baby," naluluhang wika ni Mommy bago ako mahigpit na niyakap." I've talked to Dr. Pierre, we have scheduled your consultation," walang emosyong pahayag ni Daddy na bahagyang lumapit sa kinahihigaan ko.Maingat akong pinakawalan ni Mommy at binigyan ng masuyong ngiti."Dad, I'm okay. Hindi ko na kailangan si Dr. Pierre.""It's a direct order from me!" dumagundong ang galit na boses ni Daddy."Francis, please... hayaan mo munang magpahinga ang anak mo," mahinahong baling dito ni Mommy."Jade, masyadong tumitigas na ang ulo niyang anak mo!""Intindihin mo naman ang pinagdadaanan niya.""Jade, walang jewel na mahina ang loob at nagpapatalo sa emosyon! Dapat ay 'di ulo ang pinapatigas niyang anak mo kundi ay ang kalooban at puso!" madiing sabi ni Daddy.Malungkot na napapailing na lang si Mommy habang
Pagak akong napatawa habang napahiga ulit sa kamang kinaroroonan ko.Tiyak mag-aapoy na naman sa galit si Papa pag malaman nitong nakidnap ako ng kalaban.Mariin kong naikuyom ang mga palad nang muli ay maalala ang mukha ng Blake Veñarez na iyon.Hindi pwedeng ito si Royz kahit napakaimposibleng halos pinagbiyak sila na bunga. Bago pa muling tumulo ang luha ko sa alaala ni Royz ay maliksi akong bumangon upang lumapit sa pintuan.Tulad nang inaasahan ay naka-lock naka-lock ito mula sa labas kaya lumapit ako sa bintana.Sa tantiya ko ay nasa ikalimang palapag ang kinaroroonan ko. May mga rehas na bakal na nakaharang sa bawat bintana kaya imposibleng makadaan ako roon pababa.Mula sa kinaroroonan ay wala akong mamataang ibang establishment na malapit. Puro kakahuyan iyong naaabot ng tanaw ko. Mukhang nandito ako sa isa sa mga head quarter ng kalaban. Pare-pareho lang talaga mag-isip ang mga sindikato. Inaakala nilang mas ligtas ang lugar kapag walang gaanong tao.Iyon ang kaibahan ni
Wala sa sariling naglalakad ako, hinayaan ko ang mga paa kong dalhin ako sa lugar na alam na alam ng mga ito.ROY (ROYZ) ZALDEForever in my heart.Parang lantang gulay akong napaupo sa puntod niya."Royz, malapit ko nang matupad ang pangarap natin... malapit na akong maging teacher," lumuluha kong kausap sa taong hindi ko na muli pang mayayakap.Sa buhay kong laging may mga matang nakabantay ay itong kinaroroonan ni Royz ang takbuhan ko sa tuwina. Kapag nandito ako ay pakiramdam ko'y hindi ako sinusundan nang kahit na sino sa pamilya ko.Dito, nailalabas ko ang totoong ako dahil tanging si Royz lang iyong nandito, kasama ko. Hindi ko man siya nakikita ay nararamdaman ko ang presensya niya.Isang kaluskos ang nagpaangat ng mukha ko. Agad akong naging alerto.Kahit ni minsan ay walang ni isa sa pamilya ko na nagtangkang umisturbo sa'kin'pag nandito ako sa lugar na ito ay walang kasiguruhang hindi gagawin iyon ng sinuman sa kalabanan namin.Isang lalaki ang nakatayo sa 'di kalayuan ko
Pagkatapos ng ilang palitan ng putok at mga pagsabog ay sa wakas dumating ang back-up namin.Iglap lang ay nakontrol din ng mga tauhan ni Kuya Onyx ang mga kalaban at tulad ng utos niya ay may isang itinirang buhay.Pagdating namin sa Jewel's Tower kung saan ay isinasagawa ang mga illegal transactions ng mafia ay agad kaming dumiretso interrogation room.Nadatnan namin doon ang naiwang buhay kanina na kalaban.May tama ito ng baril pero hindi naman fatal, 'di niya iyon ikamamatay. Pero sa nakaabang na pagpapahirap sa kanya ay tiyak hihilingin niya na lang na mamatay.Isang 5 star hotel ang Jewel's Tower pero sa likod niyon ay isa itong malaking imperyo ng sindikato.Isa lang ito sa mga balwarte ng De Jesus Organization na nagkalat sa buong mundo."Si Papa?" agad na tanong ni Kuya sa nadatnang tauhan.Agad na nagsuot ng rubber gloves si Kuya, hudyat iyon na sisimulan na niya ang pagtatanong sa nahuli namin."Parating na ang Master, Boss," sagot ng tauhan kay Kuya."Ok, madaliin na nati






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews