
Ninong Elias Got Me Pregnant
Dalawang taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin nakakalimutan ni Erica ang gabing nagbago ng lahat. Isang umagang iniwan niya ang lalaking hindi niya kilala, dala ang perang kinuha mula sa pitaka nito at ang lihim na kalaunan ay magiging bunga ng isang anak na babae. Simula noon, mag-isa niyang itinaguyod ang bata, walang alam sa tunay na pagkakakilanlan ng ama.
Sa unang araw niya bilang janitress sa isang mataas na gusali, inatasan siyang linisin ang opisina ng CEO sa top floor. Doon niya nabasa ang pangalang matagal nang pamilyar sa kanya, si Elias Samonte, ang ninong na hindi kailanman nagpakita sa kanyang buhay. Ngunit ang mas malaking pagkabigla ay nang harapin siya ng lalaking nasa loob ng opisina.
Sa isang iglap, bumalik ang alaala ng gabing pilit niyang kinalimutan. Ang lalaking nakatayo sa harap niya ay ang estrangherong naging ama ng kanyang anak. At sa muling pagtatagpong iyon, malinaw na ang nakaraan na kanyang tinakbuhan ay hindi pa tapos sa kanya.
Read
Chapter: Chapter 13Maraming tao ang gustong magkaanak. Pero siyempre, may porsyento rin doon ang mga taong walang planong magkaroon ng anak o pamilya. Kay Elias, mali ba ang humiling na sana ay magbago ang isip nito? Sana dumating ang araw at magising na lang ito na gusto nang bumuo ng pamilya at magkaroon ng anak."Saan ko ilulugar ang anak ko sa buhay niya?"Naawa si Erica para sa kanyang anak. Pakiramdam niya ay hindi na magkakaroon ng pagkakataon ang bata na makilala ang sariling ama. Pero sisiguraduhin ni Erica na ibibigay niya rito ang pagmamahal na nararapat para sa kanya, kahit silang dalawa lang, at kahit walang ama na tatayo sa gilid nito upang gabayan ito sa kanyang paglaki.Mas una nilang madadaanan ang bahay ni Samuel. Pumasok sila sa isang subdivision at huminto sa dalawang palapag na bahay na kulay pink ang labas at may malapad na bakuran. Sa labas ng gate ay nakatayo na si Samuel. Nakalagay sa bewang nito ang isang kamay at hawak ang cellphone.Umangat ang tingin ni Samuel nang mapansin
Last Updated: 2026-08-25
Chapter: Chapter 12Palipat-lipat ang tingin ni Erica sa kanilang dalawa.Ang babae ay nakasuot ng kulay pula na sleeveless top at terno niyon ang isang pencil skirt na mukhang makikita na ang underwear nito.Nang lumabas ang babae sa elevator ay humakbang na agad si Erica para pumasok at iniwan si Elias. May bisita pala ito, mabuti na lang at uuwi na siya.Sinundan ng tingin ni Erica ang kamay ng babae na umakbay kay Elias, na ngayon ay hilaw na nakangiti sa kanya.“You didn't visit me in my condo so I came here to surprise you!”“Mauna na po ako, Sir!” paalam ni Erica at kumaway pa siya rito.Bahala na sila kung ano ang gagawin nila sa loob ng condo. Ang mahalaga ay may dala siyang fries na paboritong pagkain ni Eli.Dahan-dahang sumara ang pinto ng elevator.“Erica! Wait!”Hindi na nagawang maiharang ng boss ang kamay sa pinto dahil tuluyan na itong sumara.Alam ni Erica kung ano ang gagawin ng mga ito sa loob ng condo ni Elias. Ang ganda nung babae at iyon ang mga tipo nito, mga magaganda at parang m
Last Updated: 2026-08-25
Chapter: Chapter 11Ang mga tawa ni Erica ay napalitan ng sigaw nang tuluyang malaglag ang tuwalya na nagsisilbing takip sa pribadong parte ng katawan ng boss.Nag-loading pa ang utak ni Erica at tatlong segundo siyang napatitig sa ari nito bago niya tinakpan ang kanyang mga mata. Ang taas ng ari nito, nasa normal na size pa ba 'yon? Nung unang beses na nagtalik silang dalawa, gulat na gulat din si Erica nang makita iyon. Muntikan pa siyang umatras dahil natakot siya sa sobrang laki niyon. Inisip niya kung kakasya ba 'yon sa kanyang pagkababae o hindi, at pumasok pa sa isip niya na baka hindi na siya mabuhay. Sa una lang masakit, may napunit sa loob ng kanyang pagkababae, pero kalaunan ay napalitan din iyon ng kiliti at sarap, 'yong tipong napapatirik ang mga mata sa sobrang sarap.Kaso, nung umaga naman ay parang dinaanan ng truck ang kanyang pagkababae. Ilang araw siyang hindi nakalakad nang maayos at paika-ika ang lakad. Nagsinungaling pa si Erica kay Lolo nang tanungin siya nito kung ano ang nangyari
Last Updated: 2026-08-10
Chapter: Chapter 10“Ang bibig mo, Sir!” malakas na sigaw ni Erica na umalingawngaw yata sa buong hallway.Natatawa siya nitong hinila papunta sa loob ng condo.“Just kidding.”Malaki ang condo ni Elias. May mahaba at maliit na sofa na kulay cream, may center table, at may nakapatong na vase sa gitna na wala namang laman na bulaklak.May maliit na bar counter na nakita si Erica at sa likod niyon ay ang kusina. Dalawang pinto ang kanyang napansin, kung saan malamang ay ang kwarto nito ang isa doon.“Ito na pala ang mga lalabhan mo, Erica. Mostly mga damit ko lang 'yan dito sa condo ko.”Kaunti lamang iyon, parang nasa limang piraso lang ng damit at iilang mga piraso ng pantalon at shorts.Pagkatapos ilibot ni Erica ang kanyang mga mata sa kabuuan ng condo ay inilipat niya ang tingin sa boss. Napalunok na lamang siya nang makita ang katawan nito. Ngayon lang niya napansin na tumutulo pa pala ang tubig mula sa buhok nito hanggang sa katawan.“Saan po ako pwedeng maglaba, Sir?” tanong ni Erica habang pilit n
Last Updated: 2026-08-10
Chapter: Chapter 9“Para sa akin ba 'to, Sir?”Sinulyapan ni Elias saglit si Samuel. “Hindi, para kay Samuel talaga 'yan, ipapasukat ko lang sa 'yo,” sarkastikong wika ni Elias.At nadamay pa nga si Samuel.“Seryoso na kasi, Sir! Nagtatanong nang maayos ang tao, ganyan ang isasagot n'yo sa akin?”Kinuha ni Erica ang isang box at tiningnan din iyon. Ang isa ay itim at ang isa naman ay kulay puti, parehas lang ng design. Nike ang brand nung sapatos, at kahit hindi itanong ni Erica sa boss, alam niyang hindi basta-bastang nabibili iyon sa kanto. Original ang sapatos at alam niyang mahal.“Sa akin ba talaga 'to, Sir?” paulit-ulit na tanong ni Erica.“Ayaw mo ba? Ibibigay ko na lang kay Samuel.”Si Samuel ay napapakamot na lang sa kanyang ulo sa tuwing nadadamay ang kanyang pangalan.“Mahal 'to, Sir. Hindi ko kailangang bayaran 'to.”“Sino bang may sabing babayaran mo 'yan? Bigay ko na sa 'yo 'yan, Erica. Isukat mo kung kasya, size 7 'yan. Maliit kasi ang paa mo, pero pwede naman nating palitan kung hindi ka
Last Updated: 2026-08-06
Chapter: Chapter 8Nabunutan ng tinik si Erica nang lumiko na silang dalawa papunta sa bahay nila. Isang taong gulang pa lang ang anak ng isang kapitbahay nila at sa tuwing wala siya ay doon dumedede ang kanyang anak.Maswerte rin si Erica sa kanyang mga kapitbahay na tinutulungan ang kanilang pamilya. Dahil sa mga ito ay medyo napapadali ang buhay nila.Hinintay muna ni Erica na makaalis ang sasakyan ng boss bago siya umalis upang hindi makita ng mga ito na hindi siya pumasok sa bahay na iyon.Nang mawala ang sasakyan sa kanyang paningin ay lumipat ang tingin ni Erica sa kanyang paa. May gumuhit na maliit na ngiti sa kanyang mga labi nang makitang hindi man lang umabot sa kalahati ang kanyang paa sa tsinelas na suot.“Erica, nandito ka na pala. Pinuntahan ko na si Eli at pinadede sa akin dahil kanina pa iyak nang iyak,” sabi ni Lorena, ang kapitbahay nila.“Salamat, Ate Lorena. Medyo ginabi lang kasi ako ngayon sa trabaho,” sagot ni Erica.Napatingin si Lorena sa sapatos na hawak ni Erica. “Nasira na n
Last Updated: 2026-08-06