LOGINAng sinabi niyang magpapahangin lang ay isang linggo niyang hindi nakita sa office ng boss. Naglilinis pa rin naman si Erica pero isang linggo na itong absent. Lunes nang hindi na nakapagtiis si Erica na magtanong kay Samuel kung nasaan ba si Elias at kung bakit isang linggo na itong wala.“He's out of the country, Erica. I don't know when he will come back,” sagot ni Samuel sa kanya.“May trabaho ba siya doon?”Nagulat pa si Samuel sa biglaang pagtatanong ni Erica.“Nagpapahangin lang, Erica. Mahirap suyuin 'yon kapag nagtatampo, nangingibang-bansa siya.”Nagtatampo? Bakit nagtatampo si Elias? Ganoon ba magtampo ang mga mayayaman, sa ibang bansa pupunta? Paano naman kaming mga mahirap at walang pera? tanong ni Erica sa sarili.“Nagtatampo?”“I'm just kidding. He visited Hong Kong for personal business.”Medyo matamlay si Erica sa tuwing pumapasok siya sa opisina ng boss at ang tanging nakikita lamang ay ang swivel chair nitong walang nakaupo. Nililinis pa rin iyon ni Erica para hindi
“Banned? Nag-away ba kayo, Sir? Bakit ayaw mo siyang papuntahin sa office n’yo?” nakakunot ang noo na tanong ni Erica sa kanya.“Why are you curious? Looking forward to his next visit?”Napaawang ang mga labi ni Erica habang matinding titig ang ibinibigay sa kanya ng boss.“Curious lang naman ako sa mga kapatid mo,” sagot ni Erica. Umiwas siya ng tingin dahil hindi niya nakayanan ang klase ng titig na ibinigay nito sa kanya.“Sa mga kapatid ko pero si Kuya Gregory lang ang tinanong mo,” mayroong tunog ng pagtatampo ang boses nito.“Gregory ang pangalan niya?” excited na tanong ni Erica at muling tumingin sa mga mata ng boss.Napahilamos ito at tila pinagsisihan pa na nasabi nito ang pangalan ng kanyang Kuya.Naisip ni Erica kung bakit tinatago nito ang pangalan ng mga kapatid nito sa kanya dahil hindi naman niya kukulamin ang mga iyon.“Leandro ang pangalan ng panganay namin. And yeah, the second one is Gregory,” sagot nito na tila labag na labag pa sa loob na sabihin iyon.Ihinatid m
Maraming tao ang gustong magkaanak. Pero siyempre, may porsyento rin doon ang mga taong walang planong magkaroon ng anak o pamilya. Kay Elias, mali ba ang humiling na sana ay magbago ang isip nito? Sana dumating ang araw at magising na lang ito na gusto nang bumuo ng pamilya at magkaroon ng anak."Saan ko ilulugar ang anak ko sa buhay niya?"Naawa si Erica para sa kanyang anak. Pakiramdam niya ay hindi na magkakaroon ng pagkakataon ang bata na makilala ang sariling ama. Pero sisiguraduhin ni Erica na ibibigay niya rito ang pagmamahal na nararapat para sa kanya, kahit silang dalawa lang, at kahit walang ama na tatayo sa gilid nito upang gabayan ito sa kanyang paglaki.Mas una nilang madadaanan ang bahay ni Samuel. Pumasok sila sa isang subdivision at huminto sa dalawang palapag na bahay na kulay pink ang labas at may malapad na bakuran. Sa labas ng gate ay nakatayo na si Samuel. Nakalagay sa bewang nito ang isang kamay at hawak ang cellphone.Umangat ang tingin ni Samuel nang mapansin
Palipat-lipat ang tingin ni Erica sa kanilang dalawa.Ang babae ay nakasuot ng kulay pula na sleeveless top at terno niyon ang isang pencil skirt na mukhang makikita na ang underwear nito.Nang lumabas ang babae sa elevator ay humakbang na agad si Erica para pumasok at iniwan si Elias. May bisita pala ito, mabuti na lang at uuwi na siya.Sinundan ng tingin ni Erica ang kamay ng babae na umakbay kay Elias, na ngayon ay hilaw na nakangiti sa kanya.“You didn't visit me in my condo so I came here to surprise you!”“Mauna na po ako, Sir!” paalam ni Erica at kumaway pa siya rito.Bahala na sila kung ano ang gagawin nila sa loob ng condo. Ang mahalaga ay may dala siyang fries na paboritong pagkain ni Eli.Dahan-dahang sumara ang pinto ng elevator.“Erica! Wait!”Hindi na nagawang maiharang ng boss ang kamay sa pinto dahil tuluyan na itong sumara.Alam ni Erica kung ano ang gagawin ng mga ito sa loob ng condo ni Elias. Ang ganda nung babae at iyon ang mga tipo nito, mga magaganda at parang m
Ang mga tawa ni Erica ay napalitan ng sigaw nang tuluyang malaglag ang tuwalya na nagsisilbing takip sa pribadong parte ng katawan ng boss.Nag-loading pa ang utak ni Erica at tatlong segundo siyang napatitig sa ari nito bago niya tinakpan ang kanyang mga mata. Ang taas ng ari nito, nasa normal na size pa ba 'yon? Nung unang beses na nagtalik silang dalawa, gulat na gulat din si Erica nang makita iyon. Muntikan pa siyang umatras dahil natakot siya sa sobrang laki niyon. Inisip niya kung kakasya ba 'yon sa kanyang pagkababae o hindi, at pumasok pa sa isip niya na baka hindi na siya mabuhay. Sa una lang masakit, may napunit sa loob ng kanyang pagkababae, pero kalaunan ay napalitan din iyon ng kiliti at sarap, 'yong tipong napapatirik ang mga mata sa sobrang sarap.Kaso, nung umaga naman ay parang dinaanan ng truck ang kanyang pagkababae. Ilang araw siyang hindi nakalakad nang maayos at paika-ika ang lakad. Nagsinungaling pa si Erica kay Lolo nang tanungin siya nito kung ano ang nangyari
“Ang bibig mo, Sir!” malakas na sigaw ni Erica na umalingawngaw yata sa buong hallway.Natatawa siya nitong hinila papunta sa loob ng condo.“Just kidding.”Malaki ang condo ni Elias. May mahaba at maliit na sofa na kulay cream, may center table, at may nakapatong na vase sa gitna na wala namang laman na bulaklak.May maliit na bar counter na nakita si Erica at sa likod niyon ay ang kusina. Dalawang pinto ang kanyang napansin, kung saan malamang ay ang kwarto nito ang isa doon.“Ito na pala ang mga lalabhan mo, Erica. Mostly mga damit ko lang 'yan dito sa condo ko.”Kaunti lamang iyon, parang nasa limang piraso lang ng damit at iilang mga piraso ng pantalon at shorts.Pagkatapos ilibot ni Erica ang kanyang mga mata sa kabuuan ng condo ay inilipat niya ang tingin sa boss. Napalunok na lamang siya nang makita ang katawan nito. Ngayon lang niya napansin na tumutulo pa pala ang tubig mula sa buhok nito hanggang sa katawan.“Saan po ako pwedeng maglaba, Sir?” tanong ni Erica habang pilit n
Hindi pa rin makapaniwala si Erica kay Elias. Nalilito na siya sa inaasta nito. Pumasok siya sa office nito at agad na kumunot ang kanyang noo.Ano’ng nangyayari sa office nito? Ang dami na namang punit-punit na mga papel sa mahabang sofa. Mayroon din siyang namataan na mga nakakalat na bote ng bee
"Tapos ko na pong linisin ang lahat, Sir," wika ni Erica nang malagay niya sa loob ng basurahan ang lahat ng mga kalat na nasa sofa kanina.Nagtataka pa rin siya kung bakit ganoon kadami ang mga kalat na nandoon gayong nung umalis siya ay malinis na ang office nito."Do you want coffee? Or juice, w
Hindi akalain ni Erica na makikita niya ulit ang lalaking nakauna sa kanya. Wala siyang sinabihan kung sino ang ama ng anak niya. Kahit nang tanungin siya ni Lolo ay wala siyang pangalan na maisagot rito.Ngayon lang ulit nagkrus ang landas nila matapos ang dalawang taon. Ito ang pinakahuli niya. H
“Sigurado ka na ba dito, Erica? May panahon ka pa para mag back- out,” wika ni Sanya. Kahit naglalagay ito ng lipstick sa labi nito ay nakuha pa nitong lumingon kay Erica.“Wala ng atrasan ‘to, Sanya. Uunahin ko pa ba ang hiya ko kung nag- aagaw buhay na ang Lola ko?” sagot niya.Nasa loob pa silan







