
My Dream Lover, Came Back As My Boss
Tatlong babae. Tatlong bilyonaryo. Tatlong pag-ibig na isinulat ng tadhana.
Nagsimula ang lahat sa isang pag-ibig na puno ng pagsubok.
Book 1 – Sheena & Carlo
Isang simpleng babae ang umibig sa kanyang istrikto at malamig na bilyonaryong boss. Namuo ang pag-ibig. Ngunit bago nila natagpuan ang kanilang masayang wakas, kinailangan nilang harapin ang mga lihim ng nakaraan, kabilang ang katotohanang may isang kapatid pala si Sheena na matagal niyang hindi nakilala.
Book 2 – Antonette & Gabby
Sa Taiwan, nakilala ni Antonette Del Fuente ang bilyonaryong si Gabby Ong, ang vice president ng Ong Grand Hotel. Habang lumalalim ang kanilang damdamin para sa isa't isa, nagsimulang bumalik ang mga lihim na alaalang matagal ng nakabaon. Sa pagitan ng pag-ibig at katotohanan, kaya ba nilang piliin ang isa't isa kapag nabunyag na ang lahat?
Book 3 – Ruby & Enzo
Minsang iniwan ni Ruby ang lalaking nakatakda niyang pakasalan. Pinili niyang sumama sa isa pang bilyonaryo—ang publisher na si Enzo. Ngunit hindi lahat ng pagpili ay nagdudulot ng kapayapaan. Kapag muling nagkrus ang landas ng nakaraan at kasalukuyan, handa ba siyang harapin ang kapalit ng desisyong minsan niyang ginawa?
Tatlong kuwento ng pag-ibig.
Tatlong babaeng haharap sa sakit, pag-asa, at ikalawang pagkakataon.
At isang serye na magpapatunay na ang tunay na pag-ibig ay laging may tamang oras para matagpuan.
Baca
Chapter: Chapter 80. Sa Likod Ng PangarapNang dumating si Ruby sa Sanchez Media Corporation, marami na ang empleyadong abala sa kani-kanilang trabaho.Maaga pa lamang ay puno na ang lobby ng mga taong nagmamadali. May mga empleyadong may hawak na folders habang mabilis na naglalakad papunta sa kani-kanilang department. Ang ilan naman ay abala sa kanilang mga cellphone, marahil ay chine-check ang kanilang mga emails o schedule para sa buong araw.Tahimik na pumasok si Ruby sa glass door ng opisina.“Good morning!”Napangiti siya sa receptionist bago dumiretso sa elevator.“Good morning,” magiliw na sagot ng receptionist.Pagpasok ni Ruby sa elevator, bahagya siyang napabuntong-hininga. Tulad ng dati, alam niyang magiging mahaba na naman ang araw niya. Marami siyang kailangang asikasuhin at siguradong hindi siya makakaupo nang matagal.Pagbukas ng elevator sa kanilang floor, agad niyang nakita ang pamilyar na mukha.“Ruby!”Napalingon siya.“Ellen!”Lumapit agad sa kanya ang kaibigan at niyakap siya.“Late ka na naman ng three
Terakhir Diperbarui: 2026-09-18
Chapter: Chapter 79. The Price of Saying Yes“Hindi ko puwedeng piliin ang sarili ko dahil kailangan ako ng pamilya ko.” Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Ruby sa sarili sa tuwing haharap siya sa salamin. Nakatayo siya sa harap ng malaking salamin sa kanyang kuwarto habang pinagmamasdan ang sarili. Katatapos lamang niyang maligo at ngayon ay abala siya sa pag-aayos ng kanyang buhok. Maingat niyang sinuklay ang mahahabang hibla nito bago niya inayos ang ilang hibla na nakatakip sa kanyang mukha. Lunes ng umaga. Muli na naman siyang papasok sa trabaho. Sa Sanchez Media Corporation. Sa lugar kung saan araw-araw niyang kailangang harapin ang taong malapit na niyang pakasalan. Si Carlo Sanchez. Napabuntong-hininga siya nang mapatingin muli sa kanyang repleksyon. Next month na ang kasal nila. Ilang linggo na lamang at magiging Mrs. Sanchez na siya. Sa ibang babae, marahil ay isa iyong pangarap na unti-unting nagkakatotoo. Isang kasal sa isang lalaking halos lahat ay gustong makasama. Isang buhay na hindi na kailangang pag
Terakhir Diperbarui: 2026-09-14
Chapter: Chapter 78. The Man Behind The DeskFour months ago..."Ruby!"Napalingon si Ruby mula sa computer na ginagamit niya. "Yes?""May ipapasa ka pa ba sa akin bago lunch?"Tiningnan niya ang orasan sa dingding.11:47 a.m.Napabuntong-hininga siya. "Yes. Tatapusin ko na."Mabilis niyang inayos ang dokumentong nasa screen bago ito ipinadala sa email ng kanyang supervisor.Isa na namang umaga na halos hindi niya namalayan. Sabado nang araw na iyon. Supposedly ay day-off niya. Pero heto siya, nagtatrabaho pa rin bilang romance writer sa isang publishing company. Monday to Friday ay personal assistant siya ng kasintahan na si Carlo Sanchez. Tapos, pag uwi niya galing sa opisina subsob pa rin siya sa trabaho. Pagsusulat ng mga kwentong pag ibig. Tuwing sabado lamang siya pumapasok personally sa publishing company dahil iyon lang ang vacant time niya. Mabuti at pinayagan siya ng kanyang supervisor. Hindi naman nakapagtataka dahil silent performer siya. Wala man ang presensya niya, mataas naman ang ratings ng mga ginagawa niyang l
Terakhir Diperbarui: 2026-09-08
Chapter: Chapter 77. Story 3 ProloguePROLOGUENakaupo si Ruby sa harap ng salamin.Ilang minuto na siyang nakatitig sa sarili niyang repleksiyon, ngunit parang hindi niya makilala ang babaeng nakikita niya roon.Suot niya ang puting wedding gown na ilang linggo niyang pinag-isipan kung isusuot ba talaga niya.Sa likod niya ay abala ang mga taong tumutulong sa paghahanda ng kasal. May mga bulaklak, mga gamit, at mga dekorasyong nagsasabing ilang sandali na lamang at magiging asawa na siya ni Carlo Sanchez.Carlo.Ang lalaking minsan niyang minahal ng buong puso.Ang lalaking kasama niya ngayon na haharap sa altar.Napayuko si Ruby.Ilang beses niyang sinubukang kumbinsihin ang sarili na tama ang desisyon niyang ito.Na kailangan niyang ituloy.Na kailangan niyang kalimutan ang lahat ng ibang bagay at piliin ang buhay na matagal na niyang pinangarap. At magiging kasama niya si Carlo sa mga pangarap niyang iyon, pag mag-asawa na sila.Pero habang papalapit ang oras ng kasal, lalo lamang sumisikip ang dibdib niya. Parang nag
Terakhir Diperbarui: 2026-09-03
Chapter: Chapter 76. Story 2, The EndingLumipas ang ilang linggo matapos maayos ang lahat.Nakulong ang ama ni Jiha at nagsimula na ang paglilitis laban sa kanya. Naging saksi si Albert at isinuko ang lahat ng impormasyong hawak niya tungkol sa Project Orion.Sa wakas, nabigyan ng pagkakataong magsalita ang mga taong matagal ng naghihintay ng hustisya.Para kay Antonette, hindi na mababago ng anumang hatol ang mga nangyari sa kanyang mga magulang: sa kanyang ina at kinagisnan na ama.Hindi na sila maibabalik pa.Ngunit kahit ganoon, alam niyang hindi na mananatiling walang sagot ang kanilang pagkamatay.At hindi na niya kailangang dalhin mag-isa ang sakit ng nakaraan.Dahil nandiyan at kasama niya si Gabby.-Isang hapon, nasa dalampasigan si Antonette. Nakaupo siya sa isang malaking bato habang pinagmamasdan ang dagat. Maya-maya, may narinig siyang yabag sa likuran. Hindi na niya kailangang lumingon. Dahil alam na niya kung sino iyon.“Akala ko ba nasa hotel ka?” Tanong ni Antonette kay Gabby.Ngumiti si Gabby. “Hinahanap
Terakhir Diperbarui: 2026-08-30
Chapter: Chapter 75.The Long Hidden TruthDumating sina Grandma at Tito Albert sa resort nang hapon na iyon.Hindi na sila nag-aksaya ng oras. Alam ni Albert na dumating na ang araw na kailangan niyang harapin ang katotohanang matagal niyang tinatakasan.Nang makita niya si Gabby, agad siyang lumapit.“Gabby, may kailangan akong sabihin sa iyo.”Napatingin si Gabby sa tiyuhin.Kasama niya si Antonette na abala sana sa pag-aayos ng ilang dokumento para sa hotel, ngunit nang mapansin niyang seryoso ang mukha ni Albert, nanatili siya sa tabi ni Gabby.Huminga ng malalim si Albert.“Hindi aksidente ang nangyari sa barko noong araw na iyon.”Parang huminto ang mundo ni Antonette.“Anong ibig mong sabihin?” tanong niya.Tumingin si Albert kay Gabby bago muling humarap kay Antonette.“Ang barkong sinakyan ng mga tao mula sa baryo ay sinadyang pabagalin at sirain ang makina.”Nanlaki ang mga mata ni Antonette.“Kasama roon ang mga magulang ko…”Tumango si Albert.“Hindi ko alam noon na kasama pala sila.”Napaupo si Antonette.Nagsimu
Terakhir Diperbarui: 2026-08-28