Mag-log inNang mapansin ni Enzo Pineda ang singsing sa daliri ni Ruby, tila may kung anong humila sa atensiyon niya palayo sa usapan nila.Kanina lamang ay nakangiti siya habang pinakikinggan ang paliwanag nito tungkol sa isang bagong romance manuscript. Nakakatuwa si Ruby kapag pinag-uusapan ang pagsusulat. Nagiging masigla ang mga mata nito, mas nagiging natural ang mga kilos, at tila nakakalimutan nito ang lahat ng pagod sa trabaho.Ngunit ngayon, ang singsing na nasa kaliwang kamay nito ang hindi niya maalis sa paningin.Isang simpleng singsing na may maliit na diyamante.Hindi naman iyon kalakihan, ngunit sapat para sabihin sa sinumang makakakita na may lalaking nag-alok ng pangakong habambuhay sa babaeng nasa harapan niya.“Enzo?”Napakurap siya nang tawagin siya ni Ruby.“Ha?”“May problema ba sa manuscript ko? Kanina ka pa nakatingin sa akin.”Napangiti siya at agad na ibinalik ang tingin sa mga pahinang
Sabado ng umaga sa Pineda Publishing House.Hindi tulad ng mga karaniwang araw, mas kaunti ang mga empleyadong naroon. May ilan na kailangang tapusin ang kanilang mga gawain bago ang susunod na linggo, habang ang iba naman ay abala sa paghahanda ng mga bagong manuscript na nakatakdang ilathala.Sa ikalawang palapag, nakaupo si Ruby sa isang desk malapit sa malaking bintana. Nasa harapan niya ang laptop, ilang dokumento, at isang makapal na folder na naglalaman ng mga suhestiyon para sa susunod na koleksiyon ng romance novels.Bahagyang nakatali ang mahaba niyang buhok, at paminsan-minsan ay inaayos niya ang ilang hibla nito habang nagbabasa sa screen.“Grabe,” reklamo niya habang nakatitig sa isang pahina. “Bakit parang mas mahirap pang mag-edit ng manuscript kaysa gumawa ng sarili kong kuwento?”“Dahil masyado kang mabait sa mga characters mo.”Napatingin siya sa lalaking biglang sumulpot sa tabi ng desk niya.Si Enzo Pineda.May hawak itong paper cup ng kape at isang supot ng pandes
Sabado, pagkasunod ng isang linggo.“Good morning, Miss Romance Writer.”Hindi pa man naibababa ni Ruby ang bag sa kanyang desk ay narinig na niya ang pamilyar na boses mula sa kabilang bahagi ng opisina.Napalingon siya.Si Enzo iyon, nakaupo sa kanyang karaniwang puwesto habang may hawak na paper cup ng kape. Nakasuot ito ng simpleng polo shirt at dark pants, at tila wala pa ring pakialam sa dami ng trabahong naghihintay sa kanila.“Good morning,” sagot niya bago inayos ang mga gamit sa mesa.“Wow. Ang bait mo ngayon.”Napatingin siya rito. “Anong ibig mong sabihin?”“Usually, may kasamang insulto ang good morning mo sa akin.”Napatawa si Ruby.“Gusto mo ba?”“Depende. May bago ka bang maiisip?”“Mayabang.”Tumango si Enzo at humigop ng kape.“There it is. Now my day is complete.”Napailing si Ruby habang binubuksan ang laptop.Hindi niya alam kung bakit tila natutuwa ang lalaki sa tuwing tinatawag niya itong mayabang. Kung ibang tao ang gumawa niyon, baka matagal na siyang nawalan
Napahawak sa dibdib si Aya.“Oh my gosh!”Napatingin si Enzo sa kaniyang kapatid, saka kay Lawrence na halatang nagtataka rin sa reaksiyon nito.“Nanalo ba siya sa raffle na hindi natin alam?”“Enzo, tumahimik ka nga!”Lalo siyang natawa..“Okay, sorry. Go ahead. I'm listening.” Sapagdaka ay wika ni Enzo.Hindi na siya pinansin ni Aya. Halos hindi siya mapakali habang nakatingin kay Lawrence. Si Aya ang kapatid nilang autistic, at siya ang dahilan kung bakit naipatayo ang Publishing Company nila dahil mahilig itong magbasa ng novels. “Kuya, hindi mo alam kung gaano ko kamahal ang mga kuwento niya!”“Talaga?” tanong ni Lawrence.“Talaga! Favorite author ko siya!”Nagliwanag ang mga mata ni Aya habang inilalabas ang kaniyang cellphone.“Wait, ipapakita ko sa inyo.”Mabilis siyang nagbukas ng gallery at nagsimulang maghanap ng mga larawan.“Look!”Iniharap niya ang cellphone sa mga kapatid.Naroon ang ilang screenshot ng mga pabalat ng nobelang isinulat ni Ruby. May mga kuwentong tungko
“Lawrence, may sasabihin ako sa iyo.”Hindi agad sumagot si Lawrence. Nakaupo siya sa likod ng malawak na mesa sa loob ng kaniyang opisina, abala sa pagbabasa ng ilang dokumentong kailangang lagdaan bago matapos ang araw. Bahagya lamang niyang itinaas ang tingin sa kambal na kapatid na nakasandal sa sofa.“Ano iyon?”“About Ruby Fernandez.”Huminto ang kamay ni Lawrence sa paggalaw. Dahan-dahan niyang ibinaba ang hawak na dokumento at tiningnan si Enzo.“Anong mayroon kay Ruby?”Napangiti si Enzo. “Grabe naman ang tanong mo. Para kang may balak agad akong kasuhan.”“Enzo.”“Yes, brother?”“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Marami pa akong kailangang gawin.”Napatawa si Enzo sa malamig na tono nito.Ibang-iba talaga sila ng ugali. Kung si Lawrence ay seryoso sa halos lahat ng bagay, siya naman ay mahilig magbiro at gawing magaan ang anumang sitwasyon. Maging sa mga pagkakataong dapat siyang magpaliwanag, madalas ay nauuna pa rin ang kaniyang mga biro.Ngunit sa pagkakataong iyon, m
Kailangan niyang magluto, maglinis, at tingnan kung may mga bayarin silang kailangang asikasuhin. Wala siyang panahon para sa mga hindi planadong lakad. Pero ngayon, habang naglalakad sa tabi ni Enzo, napansin niyang hindi pala masamang bagalan nang kaunti ang kanyang mga hakbang. “Ruby?” “Hmm?” “Can I ask you something?” “Depende.” “Why do you work so hard?” Napahinto ang mga hakbang niya. Ilang segundo siyang hindi sumagot. Ï2 Marami siyang maaaring sabihin. Maaari niyang sabihin na kailangan niya ng pera. Na may mga gastusin silang hindi puwedeng ipagpaliban. Na hindi sapat ang suweldo niya sa Sanchez Media para matustusan ang lahat ng pangangailangan ng pamilya niya.
Pagpasok nila sa loob ng opisina, agad itong naupo sa upuan nito, na bumalik sa dati nitong cold, distant, unreadable aura. Habang si Sheena ay nakatayo pa rin, tahimik at hawak ang tablet. Pero hindi niya maayos ang sarili niya dahil sa kalabog ng dibdib na nararamdaman... Ang kabang hindi n
Lumapit pa si Carlo. “At ngayon?” mababa ang boses. “Who do you see?” patuloy nito. Hindi siya makagalaw. Hindi makasagot. - Bigla siyang nagising. Hinihingal. Pawis. Kumakabog ang dibdib. “Ano ba yon?…” tanong niya sa sarili at napahawak siya sa dibdib. Parang hindi pa rin nawala an
Pagbalik ni Sheena sa desk niya, iba na ang pakiramdam niya. Now she knew... May dahilan kung bakit siya tinatrato ng ganito. Hindi siya ñ ni Carlo. Hindi dahil siya si Sheena. Kundi dahil .... Kamukha niya ang taong sumira rito. Huminga siya ng malalim. At saka pumikit. “Hindi ako si Ruby,
“Others get consideration,” malamig na pagpapatuloy ni Carlo, hindi inaalis ang tingin sa kanya. “They get adjustments. Second chances.” “You won’t.” Narinig niyang sabi nito. Hindi niya alam kung bakit ganun ang nasabi ng boss niya sa kanya Oo, CEO ito at boss niya. Assistant lang siya nit







