THE TYCOON'S ACCIDENTAL BABY

THE TYCOON'S ACCIDENTAL BABY

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-01-31
Oleh:  febbyflameOn going
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
9.9
24 Peringkat. 24 Ulasan-ulasan
111Bab
40.7KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Walang ibang choice si Fatima kundi tanggapin ang kapalaran na mismong ama niya ang may gawa. Dahil baon na sa utang ang kanilang pamilya ay sapilitan siyang ibinenta sa isang matandang lalaki upang pakasalan ito. Ngunit nang magising siya ay hindi matandang lalaki ang kaniyang nakita sa kaniyang tabi, bagkus isang guwapo at matipunong lalaki! Giovanni Samaniego is a tycoon billionaire. Nang malaman niyang magpapakasal muli ang kaniyang ama ay umuwi siya upang pigilan iyon. Ngunit hindi niya inaasahan na isang babae ang handog nito upang amuhin siya at kunin ang loob niya. Dala ng kalasingan ay tinanggap niya ang babae, ngunit ang hindi niya alam ay maling babae ang nasa kuwarto niya! Ang babaeng nakasama niya nang gabi iyon ay ang babaeng pakakasalan pala ng Daddy niya! ACCIDENTAL BABY, DESTINED LOVE!

Lihat lebih banyak

Bab 1

CHAPTER 01: BETRAYAL

“A–Ayoko po, Dad.”

Malakas na sampal ang tumama sa pisngi ni Fatima. Halos mabingi ang kaniyang tenga dahil sa sampal na ‘yon.

“Ang lakas ng loob mong humindi! Eh, kayo ng magaling mong ina ang dahilan kung kaya’t baon tayo sa utang ngayon!” galit na sigaw ni Baron, ang kaniyang ama.

Unti-unting tumulo ang luha sa kaniyang mga mata, hindi dahil sa sakit ng sampal na natanggap niya kundi dahil sa kung paano siya tratuhin ng sarili niyang ama.

“Pakakasalan mo si William, sa ayaw at sa gusto mo! Bayad ka na, Fatima, kaya huwag mo akong ipapahiya kung ayaw mong malintikan talaga sa akin!”

“D-dad, hindi ko po talaga kaya…” umiiyak niyang tugon. “Halos kaedad niyo na po ang lalaking ‘yon… ang tanda na niya po…” dagdag pa niya.

“Eh, ano kung matanda na siya? Mapera siya at inalis niya ang mga problema sa ating kompanya! Imbes na magreklamo ka dapat nga ay magpasalamat ka dahil isang mayamang negosyante ang mapapang-asawa mo!”

Napakuyom ng kamao si Fatima. Talagang bulag na ang kaniyang ama sa pera, ni hindi na nito naisip ang kapakanan niya.

“Umalis ka na, dahil ayokong ng makarinig pa ng reklamo galing sa ‘yo!”

Hindi na nagdalawang isip pa si Fatima at dali-dali na siyang tumalikod at naglakad palabas sa library room ng kaniyang ama. Pagkalabas niya ay naabutan niya ang kaniyang madrasta at half-sister sa pintuan na mukhang nakikinig sa pinag-uusapan nilang mag-ama.

“Don’t ever try to run away, Fatima, dahil kapag ginawa mo ‘yon ay tiyak na ipapahukay ko sa libingan ang labi ng Mommy mo at ipapatapon ko sa kung saan.’ pagbanta ni Lorena, ang kaniyang step-mother.

“Aww, you had no choice na talaga, Fatima. Paano ba ‘yan? Congrats na kaagad sa darating mong wedding sa s!” pang-aasar pa ni Danica, ang kaniyang half-sister.

Isang ngisi pa ang sumilay sa labi ni Danica bago tuluyang pumasok ng silid ang dalawa. Naiwan si Fatima na tuloy-tuloy lamang ang pag-agos ng kaniyang luha. Mabilis niyang nilisan ang lugar na ‘yon dahil ayaw na niyang makarinig pa ng masasakit na salita.

“Calm down na, Dad. Sigurado naman ako na hindi tatakas si Danica, takot niya lang na mawala ang buto ng Mommy niya.” sambit ni Danica.

“Talagang hindi dapat siya tumakas, dahil pag nagkataon tiyak tayong masisira lalo na at isang William Samaniego ang kausap ko.” tugon ni Baron.

“Honey, we will do everything para matuloy ang kasal. Milyon ang halagang nakasalalay kaya kami na ni Danica ang bahala sa kaniya.” wika ni Lorena.

Makikita ang pagngiti ng tatlo na animo’y may namumuo na silang plano sa kanilang isipan. Habang si Fatima ay umiiyak sa kaniyang silid, nakahiga at hawak ang litrato nila ng kaniyang ina.

Anim na taon na simula nang mamatay ito, ngayon na bente-tres na siya ay wala pa rin direksyon ang buhay niya. She wanted to become a fashion designer like her mother but her life ended like Cinderella. Lahat ay ibinawal sa kaniya ng kaniyang ama at ng kaniyang madrasta.

“Always stay at home.”

“Always follow us.”

“Sampid ka na lang sa bahay na ‘to!”

“Utang mo sa ‘kin ang buhay mo kaya huwag kang magreklamo!”

Ilan lamang ‘yan sa mga paulit-ulit niyang naririnig na salita mula sa sarili niyang ama, at ngayon ay balak siya nitong ipakasal sa isang matandang mayaman para lang makaahon muli ang kanilang kompanya.

“I guess nabuhay lang ako para sa kagutsuhan ng iba. How I wish you still alive, Mom, kasi natitiyak kong hindi mo ako hahayaan na masaktan at mahirapan tulad ng nangyayari sa buhay ko ngayon.” naluluha niyang sambit bago tuluyang bumigat ang talukap ng kaniyang mga mata, hanggang siya ay makatulog.

Nagising na lamang siya nang may bigla malakas na katok mula sa kaniyang pintuan. Pupungay-pungay pa ang kaniyang mga mata, bago tumayo at binuksan ang pinto.

Napakunot siya ng noo nang makita ang isang lalaki na may malaking pangangatawan.

“S-Sino ka?” kinakabahan niyang tanong.

Nakita niya ang pagsilay ng ngiti sa labi ng lalaki.

“Ikaw na siguro si Fatima?”

“B-Bakit? Sino ka ba? Anong kailangan mo?”

“Ako wala, pero ang Boss ko meron.”

Mabilis na kumilos ang lalaki, huli na bago niya pa maisarado ang pintuan. Kaagad siyang hinawakan nito sa magkabilaang braso.

“Bitawan mo ‘ko! Dad! Tulong!” sigaw niya kahit hindi naman siya sigurado kung tutulungan ba siya nito.

Mas malakas ang lalaki kumpara sa kaniya, kaya walang kahirap-hirap siya nitong naibaba mula sa ikalawang palapag. Nakita niya ang Daddy niya, si Lorena, at Danica na nakaupo, may takip ang mga bibig at nakatali ang mga kamay at paa.

“D-Dad…” mahina niyang sambit at saka siya tumingin kay Danica na kasalukuyang nahihirapan at umiiyak.

“Oh, paano ba ‘yan? Nakuha ko na ang kailangan namin, kaya iiwan na namin kayo, kayo na rin ang bahalang magtanggal ng tali sa mga kamay niyo.” saad ng lalaki at nagtawanan ang mga iba pa nitong mga kasama.

May dalawang lalaki ang lumapit sa kaniya at tinalian ang kaniyang mga kamay.

“Dad! No! Ayokong sumama!” malakas niyang sigaw.

Nakita niya ang pagpupumiglas ng Daddy niya na tila ba tutol din sa pagkuha sa kaniya. Sa sandaling ‘yon ay naramdaman niya ang pag-aalala ng kaniyang ama. Tinanggal naman ng isang lalaki ang takip sa bibig ng kaniyang ama.

“H-Huwag niyong sasaktan ang anak ko, parang awa niyo na…” sambit ng kaniyang ama.

“Hindi naman namin siya sasaktan. Naninigurado lang kasi si Boss na ligtas at buong-buo niyang makukuha ang anak mo.”

“P-Pero pumayag na ako sa kasunduan. Hindi ba niya kayang maghintay? Hindi pa kami maayos na nakakapag-usap ng anak ko.” sabay tumitig ito sa kaniya.

At that time ay nakikita niya sa mga mata ng Daddy niya ang pagsusumamo. Once again, she felt that her Dad wanted to protect her. 

“Hindi alam ni Daddy na kukunin ako, at ayaw niya rin akong ibigay.” wika ni Fatima sa kaniyang isipan habang natulo ang luha sa kaniyang mga mata.

“Hindi mo yata lubos na kilala si Boss at gusto mo siyang paghintayin.” sambig ng lalaki. “Patulugin na ang babaeng ito para wala tayong maging problema.” dagdag pa nito. 

May lalaking palapit muli sa kaniya at may dala na itong panyong puti. 

“N-No! Please, maawa po kayo!” umiiyak niyang sigaw.

Tinakpan ng lalaki ang kaniyang ilong at naamoy niya ang isang pabango na siyang unti-unting nakapagpahilo at palabo ng kaniyang mga mata. Kitang-kita niya pa kung paano magwala ang kaniyang Daddy, habang umiiyak si Lorena at Danica.

Isa lang ang tumatak sa isip niya nang mga sandaling iyon… 

“They didn't want me to be taken away by these men.” huling wika ni Fatima sa kaniyang isipan bago siya tuluyang mawalan ng malay.

Sa sandaling mawalan ng malay si Fatima ay siya namang pagkilos ng nga lalaki upang tanggalan ng tali at takip sa bibig sila Baron, Lorena, at Danica. 

“Ang sakit na ng kamay ko! Napakatagal niyong patulugin ang bobita na ‘yan!” reklamo pa ni Danica. 

“Ngayon, ay dalhin niyo na si Fatima kay William. Ayoko na ng sakit sa ulo, at siya na ang bahalang magkulong sa kaniya.” saad naman ni Baron. “Pakisabi na rin ay salamat sa dagdag na dalawang milyon.” nakangiti pa nitong sambit saka sinulyapan ng tingin ang walang malay na si Fatima.

“I saw in her eyes that she really believed that we didn't know what really happened.” sambit naman ni Lorena. “Poor Fatima, napakadaling pagkaisahan gaya ng Mommy niya.”

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

10
88%(21)
9
0%(0)
8
8%(2)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
4%(1)
9.9 / 10.0
24 Peringkat · 24 Ulasan-ulasan
Tulis Ulasan
user avatar
SweetCarla Ojoitna
no more update?
2025-04-19 18:44:58
0
user avatar
Sarah Smith
pa update po
2025-03-12 17:35:24
1
user avatar
Dong Yi
pls update po author
2024-12-10 22:23:06
1
user avatar
Flores
Maganda sa simula pa lang
2024-12-06 00:07:40
2
user avatar
Mary Joy Dela Cruz
Ang sama ni William! May gamot pa lang nilalagay kay Fatima kaya madali niya napasunod! Ughh! Kagigil!
2024-12-06 00:04:30
0
user avatar
Lanie Rosalceña
Hanggang dito na lang ba to Wala nang kasunod.
2024-11-20 23:30:47
2
user avatar
Ann And Angela
Gusto ko ang story ni Fatima at Gio! Nakaka-excite bawat chapters!
2024-10-15 05:17:24
1
user avatar
Mikaela
Super gandaaaa! More update pa sanaaa
2024-09-19 10:09:37
0
user avatar
Ma Sofia Amber Llanda
buti nmn nailigtas ni Giovanni c Fatima kaya LNG sana hndi cia makunan kawawa nmn cia author
2024-09-09 17:50:14
2
user avatar
Rachel Dela Vega Matucad
ang ganda ng story highly recommended chapter 16 pa lng pero ang intense na
2024-09-08 15:35:43
2
user avatar
Ma Sofia Amber Llanda
ang tagal Ng update
2024-08-31 07:22:06
3
user avatar
Je Ge Ni
sorry miss author, hnd ko n ma delete my old review
2024-08-24 16:42:58
2
user avatar
Ma Sofia Amber Llanda
sana Ms.author makabili ka na Ng bagong tablet para makapag update ka na kaabang abang Kung ano ang mangyayari ky Fatima
2024-08-24 13:35:26
1
user avatar
Cali
New reader here po sana po daily updates ito.. kaabang abang
2024-08-16 06:10:01
1
user avatar
Ma Sofia Amber Llanda
pa update nmn po author ang Ganda Ng story nla Fatima at Giovanni Sana nmn wag magtagumpay ang mag ama mga balak nila Kay Fatima
2024-08-11 15:36:56
1
  • 1
  • 2
111 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status