
Divorcing My Husband, Marrying His Grumpy Billionaire Uncle
[𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗]
“Be mine tonight. Show me if you can handle a monster like me.”
Sa loob ng limang taon, nanatiling anino si Evorie Smith sa sarili niyang buhay may asawa. Akala niya, ang pagsailalim sa IVF ang magiging susi para mahalin siya ng asawang si Rafael Dadan, ngunit ang DNA result ay nagsiwalat ng malupit na katotohanan, ang batang si Ginger na apat na taon niyang inalagaan at minahal ay hindi niya tunay na anak. Ginamit lamang siya nina Rafael at ng kapatid na si Violet bilang surrogate para sa bunga ng kanilang kataksilan.
Habang nagpapakasasa ang dalawa sa kanilang bawal na pag-ibig, nagpasya si Evorie na tapusin ang pagiging martir. Sa gabi ng kanilang fifth wedding anniversary, na mas pinili ni Rafael na gugulin kasama si Violet, nilayasan ni Evorie ang mansiyon, bitbit ang poot. Hindi lang diborsyo ang kanyang pakay, kundi plano niyang sunugin ang mundo ng mga taong umabuso sa kanya.
Sinimulan niya ang paghihiganti sa pamamagitan ng pagsabotahe sa kasal ni Violet at ng bilyonaryong CEO na si Alistair Vanderbilt. Matapos ibunyag ang isang malaswang video ng dalawang taksil, hinarap ni Evorie ang bulag at malupit na groom. Naglatag siya ng mapangahas na deal, isang kasal kapalit ng pagkakaroon ng tagapagmana para sa lola ni Alistair. Pumayag agad si Alistair, ngunit may kondisyon.
“Be mine tonight. Show me if you can handle a monster like me.”
Wala nang atrasan. Gagawin ni Evorie ang lahat para mapabagsak sina Rafael at Violet, kahit pa ibigay ang kanyang katawan at kaluluwa sa lalaking kinaiinisan at kinatatakutan ng lahat.
Read
Chapter: Author's NoteKung nagustuhan ninyo ang story na ito, maraming salamat. Kung hindi niyo nagustuhan, maraming salamat pa rin. First and foremost, ito ang una kong story sa GoodNovel. At kahit baguhan pa lang ako, proud pa rin akong sabihin sa inyo na buong puso ko itong pinaghirapan mula sa unang chapter hanggang sa huling pahina. Hindi ko man naabot ang expectations ninyo, sana ay nag-iwan pa rin ng kahit kaunting kurot sa puso ninyo ang kuwento nina Evorie at Alistair matapos ninyo itong basahin. Once again, maraming-maraming salamat sa inyong suporta, oras, at pagbabasa. P.S. Sana mabigyan n'yo rin ng pagkakataon ang story nina Jane at Aviv. Baka magustuhan n'yo rin ang kuwento nila. ❤️
Last Updated: 2026-07-25
Chapter: Chapter 228 (FINALE)YDRAEL ALISTAIRDalawang linggo ang mabilis na lumipas matapos ang emosyonal na pagkikita nina Piper at Yshmael. Unti-unti nang bumabalik ang sigla at ngiti sa mga labi ng asawa ko. Kahit naroon pa rin ang lungkot sa kaniyang mga mata sa tuwing naaalala ang nawala naming anak, nakikita ko ang pagsisikap niyang magpatuloy at maging matatag para sa aming pamilya.At ngayong araw, napakaespesyal ng okasyon dahil kaarawan niya.“Alistair, sigurado ka bang kailangan pa nating umalis ng mansiyon para i-celebrate ang birthday ko?” tanong niya habang inaayos ko ang strap ng suot niyang eleganteng evening gown sa harap ng salamin. “Kahit simpleng dinner lang dito sa mansiyon kasama ang mga bata at mga malalapit nating kaibigan, sapat na sa 'kin 'yon.”Ngumiti ako at marahang hinalikan ang balikat niya mula sa likod.“Para naman maiba ang lokasyon ng celebration. Palagi na lang tayong nagse-celebrate ng birthday mo rito sa mansiyon, kaya naisip kong subukan naman natin sa ibang lugar,” pabulong
Last Updated: 2026-07-25
Chapter: Chapter 227YDRAEL ALISTAIRTahimik ang loob ng sasakyan habang binabagtas namin ang daan patungo sa piitan kung saan nakadetene si Yshmael. Nakatitig si Piper sa labas ng bintana, habang ang mga daliri niya ay walang tigil sa pagpisil sa sarili niyang palad.Bakas ang matinding kaba sa mukha niya.“Mabilis lang 'to, Piper,” mahinang wika ko habang mabilis na sumulyap sa kaniya sa rearview mirror. “Kung pakiramdam mo ay hindi mo pa kaya, pwede tayong bumalik.”Umiling siya at dahan-dahang humarap sa akin.“Hindi po, Daddy Ydrael... I mean, U-Uncle,” pilit siyang ngumiti kahit halatang nanginginig ang boses niya. “Gusto ko po siyang makita. Masyado na po akong naging matigas sa kaniya nitong mga nakaraang taon. Ayaw ko na pong magdalawang-isip pa.”“You can still call me Daddy, Piper,” ani ko. “Ayaw mo ba, na dalawa ang tatawagin mong daddy?”Isang maliit na ngiti lang ang isinukli niya.Bahagya rin akong napangiti. Kahit dalagita na si Piper at may sarili nang pag-iisip, unti-unti ko nang nakikit
Last Updated: 2026-07-25
Chapter: Chapter 226Mabigat ang bawat paghinga ko habang nakatitig sa asawa ko.Tatlong linggo na ang lumipas mula noong araw na iyon, ang araw na muntik na silang kunin ng kamatayan at ang gabing nawala ang anak naming hindi man lang nabigyan ng pagkakataong masilayan ang mundong ito.Umuusad na rin ang mga kasong isinampa ko laban kay Hannah, kabilang ang attempted murder laban sa asawa ko at kay Paula, at ang pagpatay sa anak namin. Sisiguraduhin kong sa kulungan na siya mabubulok.Marahan kong inilapag ang baso ng warm milk sa ibabaw ng coffee table sa harap ni Evorie. Nakaupo siya sa tabi ng malaking bintana sa aming silid, nakatanaw sa malayo at tulala na naman.“Wifey...” mahina kong tawag bago ako naupo sa tabi niya. Hinawakan ko ang malamig niyang kamay. “Kinausap ko ang investigator at ang mga pulis kanina. Nalaman ko na ang buong detalye kung paano nabitag ni Hannah si Paula.”Bahagyang gumalaw ang mga daliri ni Evorie, pero nanatili siyang nakati
Last Updated: 2026-07-24
Chapter: Chapter 225YDRAEL ALISTAIR“I'm sorry, Mr. Vanderbilt. The baby didn't survive,” paumanhing saad ni Dra. Salazar pagkalabas niya ng kuwarto kung saan naroon ang asawa ko. “Masyadong matindi ang naging epekto ng pagkahulog niya sa hagdan at ng matinding stress na naranasan ng katawan niya. Pero stable na ang lagay ni Mrs. Vanderbilt.” Sandali siyang tumigil. “Maiwan ko muna kayo. May mga pasyente pa akong aasikasuhin.”Nanghihina akong napaupo sa bench sa labas ng kuwarto. Napahilamos ako ng mukha gamit ang dalawang kamay bago napahilot sa sentido. Pakiramdam ko'y pinupunit ang dibdib ko sa sobrang sakit.Kung hindi ko sana siya hinayaang magpunta roon sa subdivision nang mag-isa, ligtas sana ang anak namin.“Kuya Alistair!”Naidako ko ang tingin sa dulo ng hallway. Nagmamadaling lumapit sina Ness at Lindsey, bakas ang matinding kaba sa mga mukha nila.“Kumusta? Anong nangyari kay Ate Evorie?” bungad ni Ness, halos hingal sa pagmamadali.
Last Updated: 2026-07-24
Chapter: Chapter 224Bago pa man tuluyang bumaon ang patalim sa dibdib ko, mabilis kong nasalo ang magkabilang pulso ni Hannah. Napasigaw ako sa tindi ng pwersang ibinibigay niya habang pilit kong itinutulak paitaas ang mga kamay niya.“Mamatay ka na, Evorie!” sigaw niya, nanlilisik ang mga mata. Buong bigat ng katawan niya ang ipinang-iipit sa akin sa makitid na hallway.“H-Hannah, itigil mo na 'to!” sigaw ko habang pilit iniiwas ang mukha ko sa patalim na ilang pulgada na lang ang layo.Sa gilid ng paningin ko, nakita ko si Paula. Nakatulala lang siya sa tabi, nanginginig at hindi alam kung paano kami aawatin.“Paula! Help me!” sigaw ko habang buong lakas na pilit itinutulak palayo ang mga kamay ni Hannah. Pero mas malakas siya.Bago pa man makagalaw si Paula, malakas akong naitulak ni Hannah sa hagdan. Doon ako nawalan ng balanse.Hindi ko napigilan ang paggulong sa hagdan. Naririnig ko ang lagutok ng katawan ko sa bawat pagbagsak hanggang sa mala
Last Updated: 2026-07-23

Married to My Fiancé's Tattooed Billionaire Uncle
[𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗]
“Kailangan mong gampanan ang tungkulin bilang isang tapat na asawa at bigyan ako ng tagapagmana,” malamig na kondisyon ng tiyuhin ng dapat sana niyang mapapangasawa, na buong puso naman niyang tatanggapin basta’t hindi siya tuluyang maikasal sa taksil niyang groom.
★★★
Isang gabi bago ang kanyang kasal, muntik nang mapahamak si Jane sa tinatahak niyang liblib na daan nang harangin siya ng mga armadong lalaki. Sa gitna ng matinding panganib, desperado siyang tumawag sa kanyang fiancé na si Kian. Pero sa halip na tulong, pangungutya ang natanggap niya habang nasasaksihan ang kataksilan nito kasama ang sarili niyang pinsan na si Scarlet.
Durog sa dobleng pagtataksil, dumating si Aviv Averoné, ang tiyuhin ni Kian, at iniligtas siya mula sa kapahamakan. Dahil sa galit at desperasyon, nakiusap si Jane na ito na lamang ang pumalit bilang groom niya.
Isang katahimikan ang namayani matapos ang kanyang pakiusap. Ngunit kalaunan ay pumayag din si Aviv kapalit ng isang malamig na kondisyon: kailangan niyang gampanan ang tungkulin bilang isang tapat na asawa at bigyan ito ng tagapagmana.
Inakala ni Jane na ang kasal nila ni Aviv ay isa lamang malamig na transaksyon. Pero unti-unti niyang napagtanto na higit pa sa isang kasunduan ang nais nitong mabuo sa pagitan nila.
Ngayong pag-aari na siya ng makapangyarihang tiyuhin ng kanyang dating fiancé, isang bagong laro ng pag-ibig at pagnanasa ang magsisimula.
Sa pagitan ng malamig na kasunduan at nagbabagang emosyon, mahahanap ba ni Jane ang tunay na kaligtasan sa piling ng lalaking kanyang pinili?
Read
Chapter: Author's NoteMaraming-maraming salamat po sa pagbabasa ng story nina Jane at Aviv. 💕 Finally, nakarating din tayo sa ending! Natagalan akong tapusin ang story na ito kasi parang hindi ko pa kayang bitawan. Pero kailangan ko na rin talagang i-let go ang story nila para makapagsulat naman ako ng panibagong story. Sana nagustuhan niyo rin ang story nina Kian at Madison. Hindi ko rin inakala na magkakaroon pala sila ng sarili nilang happy ending. 🥹 Pero kung hindi niyo man nagustuhan ang story, maraming-maraming salamat pa rin sa pagbabasa at pagbibigay nito ng chance. Once again, maraming-maraming salamat sa lahat ng suporta, oras, at pagmamahal na ibinigay ninyo sa story na ito. Sobrang naa-appreciate ko po kayo. ❤️ At sana, huwag ninyong kalimutang mag-iwan ng review o komento. I highly appreciate every single one of them. Malaking bagay sa akin ang bawat feedback ninyo. 💕 See you on my next story! 🥰
Last Updated: 2026-10-08
Chapter: Chapter 270 (FINALE)Jane POV Halos hindi ko na siya makilala. Ibang-iba na siya sa dating Scarlet na laging maayos, maarte, at punong-puno ng poise. Ngayon, payat na payat na siya, haggard, gusgusin, at marumi ang suot na damit na halatang ilang taon nang hindi naalagaan. Para siyang taong matagal nang tumakas sa isang mental facility. “Aviv! Kian! Jane! Madison!” sigaw ni Scarlet sa camera habang nanlilisik ang mga mata. “Tumingala kayo sa top deck!” Mabilis kaming tumakbo papunta sa open deck at sabay-sabay na tumingala. Naroon nga si Scarlet sa gilid ng railing, hawak ang dalawang bata. Isang maling galaw lang at puwede niyang ihulog sina Azi at Kiana sa malalim na karagatan o saktan gamit ang kutsilyong hawak niya. “Scarlet, pakiusap! Huwag mong idamay ang mga bata!” pagsusumamo ni Madison habang umiiyak at mahigpit na nakakapit kay Kian. “Inosente sila! Kung galit ka sa amin, kami ang harapin mo!” “Shut up, Madison!” hysterical na sigaw ni Scarlet, sabay tawa nang malakas at matinis, isang
Last Updated: 2026-10-08
Chapter: Chapter 269Jane POV “Kaya pala kahit anong kulit ko na magpakasal na kayo ulit ni Aviv, huwag na ninyong hintaying makalakad pa ang kambal, pero hindi niyo ginagawa... Kasi ito pala ang plano ninyong dalawa. Ang magkaroon ng double wedding, tama ba ako?” ani Madison habang magkasabay kaming naglalakad sa mahabang red carpet ng Cathedral. Pareho kaming may hawak na eleganteng bridal bouquet na gawa sa white peonies at lily of the valley. Nakasuot ako ng floor-length lace ballgown na pinalamutian ng maliliit na kristal, habang si Madison naman ay parang isang diyosa sa kaniyang figure-hugging mermaid wedding gown na may mahabang veil na maayos na nakalatag sa likuran niya. Sa dulo ng aisle, naghihintay ang dalawang lalaking nagmamay-ari ng aming mga puso. Sina Aviv at Kian. Napakagwapo nilang dalawa. Si Aviv ay nakasuot ng midnight blue bespoke tuxedo na may black satin lapel. Mukha siyang matangkad, elegante, at kagalang-galang, pero kahit gaano siya ka-powerful na bilyonaryo sa paningin ng i
Last Updated: 2026-10-08
Chapter: Chapter 268Madison POV Nangatog ang mga tuhod ko. Kinuha ko ang bulaklak habang hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko kay Kian. Ang mga mata niya ay puno ng pangungulila, pagmamahal, at tila pagsusumamong sana ay bigyan ko pa siya ng pagkakataon. I miss him so much. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit. Gusto ko siyang halikan, pero kasabay ng lahat ng iyon ay ang biglang pag-akyat ng sama ng loob na ilang taon kong kinimkim. Bigla kong naalala ang pangako niya. Nangako siyang babalik siya pagkalipas ng tatlong taon, pero hindi niya ginawa. Pinaghintay niya ako na parang wala lang ang lahat ng pangakong binitiwan niya sa akin noon. “Bakit ngayon ka lang umuwi? You promised me na uuwi ka after three years, pero hindi mo ginawa!” gigil kong saad habang nanginginig ang boses ko. Sinubukan ko siyang itulak palayo, pero hindi man lang siya natinag. Sa halip, mas lalo pa niyang idinikit ang katawan niya sa akin, dahilan par
Last Updated: 2026-10-07
Chapter: Chapter 267Madison POVHabang nakatitig ako sa bintana ng sasakyan habang binabagtas namin ang daan patungong Averoné Estate, ramdam na ramdam ko ang pagod at jet lag mula sa napakahabang biyahe ko galing Paris.Hapon na nang lumapag ang eroplano ko sa Metropolis. Matindi ang traffic at mahaba pa ang biyahe, kaya gabi na nang tuluyan akong makarating sa malawak na estate ng mga Averoné.Gusto ko sanang dumiretso muna sa bahay para makapagpahinga at makapagpalit ng damit, pero mas nangibabaw ang pangungulila ko sa anak ko. Sa tuwing may lakad ako abroad para sa ilang business trips at modeling commitments, madalas magpahatid si Kiana sa Averoné Estate dahil sina Azi at Ace lang naman ang gusto niyang kalaro kapag wala ako.Pagkababa ko ng sasakyan, inayos ko ang trench coat ko at huminga nang malalim bago pumasok sa malaking pintuan ng mansiyon.Tahimik ang malawak na foyer. Pagkapasok ko sa lounge, nakita ko sina Aviv at Jane na magkatabing nakaupo
Last Updated: 2026-10-07
Chapter: Chapter 266Aviv POV“And now, ladies and gentlemen,” pormal at maawtoridad na anunsyo ng host mula sa gilid ng stage, “let us welcome the President and CEO of Del Austria Enterprise, one of the youngest self-made female billionaires in the region—Mrs. Mary Jane Del Austria-Averoné!”Isang malakas at nagkakaisang palakpakan ang umalingawngaw sa buong bulwagan.Maya-maya, nakita ko nang umakyat sa stage ang asawa ko. Suot niya ang isang eleganteng fitted black blazer na may matching tailored trousers, simple pero classy ang blouse na nakasuot sa loob, at isang pares ng pointed heels na lalong nagbigay sa kaniya ng polished at intimidating na aura.Inayos niya ang microphone, hawak ang clicker sa kanang kamay, at ngumiti nang may natural na kumpiyansa sa harap ng libo-libong investors na nakatutok sa kaniya.I couldn't take my eyes off her.Habang nagsisimula siyang magsalita at ipinapaliwanag ang multi-billion expansion project niya para sa next-generation tech-logistics at sustainable infrastruct
Last Updated: 2026-10-06