The Mafia Boss' Runaway Bride

The Mafia Boss' Runaway Bride

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-01-17
Oleh:  Queenregina1994On going
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
10Bab
399Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

A perfect wedding and a full of love and faithfulness marriage is one of the things that Blythe Sabrina Blanca looked forward to. Sa mundong puro failed marriage ang nasaksihan niya gusto niyang maging kasalungat no’n ang kapalaran ng buhay-asawa niya. Pero hindi nakiayon sa kanya ang tadhana dahil isang pangyayari ang nagdulot ng malaking problema sa pamilya niya na nagtulak sa kanya para pakasalan si Grayson Luchavez, the eldest grandson of her grandfather’s close friend. Kailangan niyang gawin iyon para makatulong sa pamilya niya, lalo pa’t malubha ang kaniyang ama. Hindi niya kayang maging pabigat sa pamilya lalo pa’t naturingan pa naman siyang pinakamatalino sa limang magkakapatid. Her dream wedding and marriage life vanished in that instant. But what if their marriage will work even, it’s started wrong and loveless? Will she take the risk?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1

"Here's your favor, sis. Make sure my return, okey? Kailangan ko 'yong color peach, para akma naman sa pastel vibe ng modelling theme." Sabi pa ni ate Adeline habang sinusuklayan ang buhok ko. Kaharap namin ang malaking salamin na nakakabit sa wall ng sala. Kakatapos lang naming maghapunan.

"Okey, te. Thanks, nga pala sa fund. Gusto kasi nila kagawad na ma-advance ang pageant natin sa barangay." Sabi ko pa habang pinipindot ang mobile phone habang namimili ng pastel dress ni ate Adeline.

Iyon ang exchange favor niya sa akin since ako naman ang may free access sa isang shopping app. We deal to have a monthly favor all the time, ewan ko ba pero nakakasundo ko si ate Adeline from make-ups, dresses, colognes at sa mga bagay-bagay. I am Blythe Sabrina Blanca, ang ika-apat na anak nila Papa RoRoberto at Mama Lorena Blanca, hindi kami mayaman. Sakto lang, dating pulis si papa at ngayon nga'y retired na. Si mama naman, ay isang akitibong public-servant, isang kapitana sa lugar namin dito sa La Miranda, Santa Rizal, Cavite.

"Teka nga lang," sabay tayo ko mula sa pagkaka-upo at hinarap ko siya. "Ate, bili mo 'ko ng bagong laptop ah," pagpapa-sweet ko pa sa pinakamamahal kong kapatid.

"Psst, Sabrina, tama na nga 'yan, puro ka na lang luho, alam mo namang may maintenance pa si papa, 'di ba?" saway naman ni ate Matilda na nasa malapad na sofa at komportableng naka-upo. Tumayo ako at tinabihan siya, siniksik ko pa ang ulo na parang naglalambing. "Ate naman, sira na po 'yong laptop ko, isang tiklop po n'on baka hindi na mabuksan, alam mo naman, since high school pa 'yon." Nakanguso kong pahayag.

"Pero, alam mo namang gipit pa tayo ngayon, 'di ba?" ulit pa ni ate Matilda. Bilang panganay kasi, alam niya ang pagba-budget sa lahat, siya kasi ang aming auditor kumbaga sa lahat. Magaling siya since isa siyang guro at honestly, siya ang isa sa mga tutor ko since elementary. Malaki ang utang na loob ko sa mga kapatid ko sa pag-abot ko sa kung anuman ang narating ko ngayon. Well, wala pa pala since unstable pa ang job ko ngayon. Okey, let me clarify, graduate ako sa college ng Law pero mas ninais kong hindi muna magtrabaho since nariyan naman sina ate Matilda na isang guro, si ate Adeline na isang modelo, at si ate Wendy na maraming inaambag sa pamamahay, of course ayoko namang maging pabigat, pero hindi pa kasi ako handa na iwan sila mama at papa. Mas attached ako sa kanila, lalo pa't alam kong sakitin ako noon, at madalas ako ang inuuna nila, siguro nga'y rason iyon kung bakit ako ganito ka-spolied sa kanilang lahat.

"Okey, h'wag na lang, pero swap na lang tayo, ate ah?" lambing ko pa kay ate Matilda na siyang ikinatampal ng kanang palad niya sa noo ko.

"Ikaw na bata ka ah, ang kulit mo talaga. Pati laptop ko, aarborin mo, hindi ba sa'kin din naman galing 'yang luma na gamit mo?" nakangiting pahayag nito sa akin. Ngumiti ako at mas siniksik pa ang mukha sa braso n'ya.

"Sige na ate...please," pangungulit ko pa.

"Stop it, I'll buy you, okey? Nang matahimik ka." Sabat ni ate Adeline na nakatingin lang sa amin.

"Oh, ano na naman bang kinukulit n'yang si Sabrina?" sabat ni ate Wendy na may dalang malaking bowl, nangangamoy iyon.

"Oy! Popcorn!" mabilis na sambit ko saka pa sinunggaban ang dala nito.

"Oy, dahan-dahan! Ano ka ba naman, Sabrina. Ang takaw mo talaga!" saway ni ate Wendy na umupo na rin sa tabi ko.

Aapat kami sa maluwang na sofa habang nakatingin sa malaking TV sa harapan namin, bagong bili 'yon nila ate Matilda at ate Adeline, since sila ang may malaking sahod sa pamilya.

Nang biglang magtaray si ate Adeline dahil nilapag ko ang mga binti ko sa legs niya. Habit ko na kasi iyon since bata pa ako, sabi nga nila mama at papa, I am the apple of the eye of the family. I know how to put color on every scene, kumbaga, panira at makulit.

"Yuck! Itabi mo nga 'yang paa mo, Sabrina. Disgusting! Mas mabuti pang doon ka muna sa kusina nang makahugas ka na. Kanina pa kita pinapahugas ah, dinadaan mo na lang kami lagi sa mga hirit mo!" pagmiminaldita si ate Adeline na siyang nakasanayan ko na. I know she had this pitchy voice, pero mas naririnig ko ang pagiging mabait niya sa tono niyang iyon.

"Hmmm, objection, your honor!" kantyaw ko pa na siyang rason upang lumaki ang ilong ni ate Adeline. Naku-kyutan ako sa mukha niya kapag gan'on eh.

"Sabby!" naiinis na sambit nito sabay bato ng isang popcorn sa ulo ko. Natatawa naman sina ate Matilda at ate Wendy sa tabi ko nang biglang may dumating.

"Oh, nand'yan ka na pala, Franchesca." Bungad ni ate Matilda sa bunso namin. Magkasunod kami ni Franchesca, siya ang pang-lima at bunso sa amin. Pero, mas malayo ang loob namin sa kaniya dahil sa mga rasong kami lang ang nakaka-alam.

"Hi." Tipid na sambit niya sa amin.

"Kumain ka na?" pag-uulit na tanong ni ate Matilda sabay tayo papuntang kusina.

"Ikaw na lang kaya maghugas ng plato, ate Wendy?" kulit ko pa kay ate na siyang rason upang tumayo ito at umiwas, alam niyang naglalambing lang ako.

Umiling lang ito at mabilis na nawala sa paningin ko. Kaya ang ending, ako na lang ang naghugas, for once.

Nasa kusina ako nang makita ko si ate Wendy na nagbabasa ng libro. May dala itong baso ng gatas at maingat na umiinom. Tahimik lang ito kaya wala sa isip ko itong ginulat.

"Oh, hotdog na malaki't malasa!" tawang-tawa pa ako nang makitang pigil niyang nalunok ang mainit na inumin niya.

"Gaga kang bata ka!" natatawa ako habang nakisalo sa gatas niya. Uminom ako nang walang pasabi.

"Yuck, 'bat walang asukal 'yan, ate?" reklamo ko saka pa nag-gesture ng pandidiri sa dila.

"Sinabi ko bang uminom ka sa gatas ko?" seryosong sambit nito sa mababang tono. Alam kong napipikon na ito kaya mabilis pa ako sa alas kwatrong nawala sa paningin niya at nagtungo sa may banyo. It is already 10 o'clock in the evening kaya sure ako na wala ng tao ang gumagamit doon. Si ate Adeline lang naman kasi ang matagal magbanyo, marami pa kasi itong orasyon sa loob.

Kumatok ako ng tatlong beses, walang sumagot kaya pumasok ako.

"A—no ba Sabrina! pwede bang kumatok ka muna? Hindi naman kailangan ng formula iyon 'di ba?" reklamo ni Franchesca na nagsisipilyo sa harap ng sink.

"Sorry, hindi ko kasi narinig…"

"Narinig? Eh hindi nga ako sumagot 'di ba? Nagsisipilyo ako oh!"

"Hindi kasi nakasarado." Pinal na sambit ko na siyang ikinatahimik niya.

"Don't worry I'll make another bathroom for us to use, nang hindi tayo nag-aagawan sa iisang banyo." Walang emosyon na sambit ko, honestly, may matalas na dila itong si Franchesca kaya madalas kaming nagkakatampuhan.

"If you have a work, I wish." Sambit nito saka pa tinapos ang pagmumog at nilampasan ako.

"Wait..." tawag ko kay Franchesca sabay hila sa braso niya.

"Let's talk."

"In another time, na lang." Higit niya saka pa iniwan ako sa aking kinatatayuan. Nakita ni ate Matilda ang pag-uusap namin kaya nagkatinginan na lang kami.

"Just understand her, she's our youngest," mahinang sambit ni ate na siyang ikinatango ko lang. I know that Franchesca didn't open up to us whenever we're gathering to some occasions, she doesn’t blend in the pack, usually, mag-isa lang ito sa harap ng laptop niya. At madalas, iniintindi na lang namin ito kahit pa medyo nagtutunog bastos na siya sa aming lahat.

"Let's go to bed, maaga pa tayo bukas sa simbahan." Ginayak niya ang hagdanan at tila hinihintay akong makasabay. When it comes to my sisters, mas maalalahanin si ate Wendy para sa akin, maasikaso naman si ate Matilda at ang masipag ay si ate Adeline. Minsan nga, nagseselos ako kay Franchesca, kasi nagagawa niya ang gusto niya. She can do whatever she wants in life, she doesn't care to anyone who could talk on her back. She's outrageous and sure in life, samantalang ako, hindi ko alam. I don't know for now, ayokong mapahiya ako sa pamilya ko, lalo pa't ako ang family's pride nila. I'm afraid to lose their trust, I'm afraid to disappoint them, lalo pa't ako ang tinuringan nilang matalino, samantalang si ate Matilda naman talaga ang tutor ko. I am afraid to commit, to commit any possible situation to lose my family. Takot ako.

Hindi ko na lang namalayan na nasa kwarto na pala ako nila ate Adeline at ate Wendy, nakahiga na silang dalawa, kaya pinatay ko na ang ilaw at isinara ang pinto. "Goodnight," mahinang anas ko sa kawalan.

Napunta naman ako sa kabilang kwarto. Marahang sinilip ko sina ate Matilda at Franchesca, masayang nag-uusap ang mga ito na tila naghaharutan sa topic nila, siguro'y mga bagong nakilala yata ni Franchesca sa work niya. It's their routine every night, mapait akong ngumiti, I don't know when is the last time when I talked Franchesca with my normal voice, madalas kasi nagtatalo at nagkakatampuhan kami.

Marahang isinara ko ang pinto at tinungo ang gitnang kwarto nila papa at mama. Doon ako natutulog, madalas ako ang tumatabi sa kanila, I don't care if I am now 24 years old, as long na katabi ko sila, I feel secured and safe to anything or anyone. Marahan akong sumampa sa malapad na king sized bed at pumagitna kina mama at papa. Tanaw ko ang payapang pagtulog nila kaya dahan-dahan akong humiga at yumakap sa kanila. Amoy ko ang pamilyar na pabango ni mama at ang pamada sa buhok ni papa, my calming scent everytime I close my eyes. "Matulog ka na, anak." Dinig kong sambit ni mama habang noo'y nakapikit.

"Good night, palangga," dugtong naman ni papa na marahang hinalikan ang noo ko. Patago akong ngumiti at hinimlay ang pagod na katawan. Kung may kayamanan man ako sa puntong ito, iyon ay ang pamilyang mayroon ako bilang isang Blanca.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
10 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status