LOGINKung nagustuhan ninyo ang story na ito, maraming salamat. Kung hindi niyo nagustuhan, maraming salamat pa rin. First and foremost, ito ang una kong story sa GoodNovel. At kahit baguhan pa lang ako, proud pa rin akong sabihin sa inyo na buong puso ko itong pinaghirapan mula sa unang chapter hanggang sa huling pahina. Hindi ko man naabot ang expectations ninyo, sana ay nag-iwan pa rin ng kahit kaunting kurot sa puso ninyo ang kuwento nina Evorie at Alistair matapos ninyo itong basahin. Once again, maraming-maraming salamat sa inyong suporta, oras, at pagbabasa. P.S. Sana mabigyan n'yo rin ng pagkakataon ang story nina Jane at Aviv. Baka magustuhan n'yo rin ang kuwento nila. ❤️
YDRAEL ALISTAIRDalawang linggo ang mabilis na lumipas matapos ang emosyonal na pagkikita nina Piper at Yshmael. Unti-unti nang bumabalik ang sigla at ngiti sa mga labi ng asawa ko. Kahit naroon pa rin ang lungkot sa kaniyang mga mata sa tuwing naaalala ang nawala naming anak, nakikita ko ang pagsisikap niyang magpatuloy at maging matatag para sa aming pamilya.At ngayong araw, napakaespesyal ng okasyon dahil kaarawan niya.“Alistair, sigurado ka bang kailangan pa nating umalis ng mansiyon para i-celebrate ang birthday ko?” tanong niya habang inaayos ko ang strap ng suot niyang eleganteng evening gown sa harap ng salamin. “Kahit simpleng dinner lang dito sa mansiyon kasama ang mga bata at mga malalapit nating kaibigan, sapat na sa 'kin 'yon.”Ngumiti ako at marahang hinalikan ang balikat niya mula sa likod.“Para naman maiba ang lokasyon ng celebration. Palagi na lang tayong nagse-celebrate ng birthday mo rito sa mansiyon, kaya naisip kong subukan naman natin sa ibang lugar,” pabulong
YDRAEL ALISTAIRTahimik ang loob ng sasakyan habang binabagtas namin ang daan patungo sa piitan kung saan nakadetene si Yshmael. Nakatitig si Piper sa labas ng bintana, habang ang mga daliri niya ay walang tigil sa pagpisil sa sarili niyang palad.Bakas ang matinding kaba sa mukha niya.“Mabilis lang 'to, Piper,” mahinang wika ko habang mabilis na sumulyap sa kaniya sa rearview mirror. “Kung pakiramdam mo ay hindi mo pa kaya, pwede tayong bumalik.”Umiling siya at dahan-dahang humarap sa akin.“Hindi po, Daddy Ydrael... I mean, U-Uncle,” pilit siyang ngumiti kahit halatang nanginginig ang boses niya. “Gusto ko po siyang makita. Masyado na po akong naging matigas sa kaniya nitong mga nakaraang taon. Ayaw ko na pong magdalawang-isip pa.”“You can still call me Daddy, Piper,” ani ko. “Ayaw mo ba, na dalawa ang tatawagin mong daddy?”Isang maliit na ngiti lang ang isinukli niya.Bahagya rin akong napangiti. Kahit dalagita na si Piper at may sarili nang pag-iisip, unti-unti ko nang nakikit
Mabigat ang bawat paghinga ko habang nakatitig sa asawa ko.Tatlong linggo na ang lumipas mula noong araw na iyon, ang araw na muntik na silang kunin ng kamatayan at ang gabing nawala ang anak naming hindi man lang nabigyan ng pagkakataong masilayan ang mundong ito.Umuusad na rin ang mga kasong isinampa ko laban kay Hannah, kabilang ang attempted murder laban sa asawa ko at kay Paula, at ang pagpatay sa anak namin. Sisiguraduhin kong sa kulungan na siya mabubulok.Marahan kong inilapag ang baso ng warm milk sa ibabaw ng coffee table sa harap ni Evorie. Nakaupo siya sa tabi ng malaking bintana sa aming silid, nakatanaw sa malayo at tulala na naman.“Wifey...” mahina kong tawag bago ako naupo sa tabi niya. Hinawakan ko ang malamig niyang kamay. “Kinausap ko ang investigator at ang mga pulis kanina. Nalaman ko na ang buong detalye kung paano nabitag ni Hannah si Paula.”Bahagyang gumalaw ang mga daliri ni Evorie, pero nanatili siyang nakati
YDRAEL ALISTAIR“I'm sorry, Mr. Vanderbilt. The baby didn't survive,” paumanhing saad ni Dra. Salazar pagkalabas niya ng kuwarto kung saan naroon ang asawa ko. “Masyadong matindi ang naging epekto ng pagkahulog niya sa hagdan at ng matinding stress na naranasan ng katawan niya. Pero stable na ang lagay ni Mrs. Vanderbilt.” Sandali siyang tumigil. “Maiwan ko muna kayo. May mga pasyente pa akong aasikasuhin.”Nanghihina akong napaupo sa bench sa labas ng kuwarto. Napahilamos ako ng mukha gamit ang dalawang kamay bago napahilot sa sentido. Pakiramdam ko'y pinupunit ang dibdib ko sa sobrang sakit.Kung hindi ko sana siya hinayaang magpunta roon sa subdivision nang mag-isa, ligtas sana ang anak namin.“Kuya Alistair!”Naidako ko ang tingin sa dulo ng hallway. Nagmamadaling lumapit sina Ness at Lindsey, bakas ang matinding kaba sa mga mukha nila.“Kumusta? Anong nangyari kay Ate Evorie?” bungad ni Ness, halos hingal sa pagmamadali.
Bago pa man tuluyang bumaon ang patalim sa dibdib ko, mabilis kong nasalo ang magkabilang pulso ni Hannah. Napasigaw ako sa tindi ng pwersang ibinibigay niya habang pilit kong itinutulak paitaas ang mga kamay niya.“Mamatay ka na, Evorie!” sigaw niya, nanlilisik ang mga mata. Buong bigat ng katawan niya ang ipinang-iipit sa akin sa makitid na hallway.“H-Hannah, itigil mo na 'to!” sigaw ko habang pilit iniiwas ang mukha ko sa patalim na ilang pulgada na lang ang layo.Sa gilid ng paningin ko, nakita ko si Paula. Nakatulala lang siya sa tabi, nanginginig at hindi alam kung paano kami aawatin.“Paula! Help me!” sigaw ko habang buong lakas na pilit itinutulak palayo ang mga kamay ni Hannah. Pero mas malakas siya.Bago pa man makagalaw si Paula, malakas akong naitulak ni Hannah sa hagdan. Doon ako nawalan ng balanse.Hindi ko napigilan ang paggulong sa hagdan. Naririnig ko ang lagutok ng katawan ko sa bawat pagbagsak hanggang sa mala
“Here are the papers,” ani Rafael sabay abot ng folder sa akin. Pagkatanggap ko, agad kong sinilip ang laman. May pirma na iyon kaya bahagya akong napangiti bago napatingin sa kanya.Kung ako ay magaan ang pakiramdam dahil sa wakas ay pumirma na siya, kabaliktaran naman ang emosyon sa mukha niya. H
“Pwede ba tayong dumaan sa drive-thru?” baling ko kay Rafael. “Oo naman,” agarang sagot niya. Kaagad niyang iminaniobra ang kotse patungo sa pinakamalapit na fast food chain. “Ayaw kong umuwi sa mansiyon na walang pasalubong kay Ginger. Ganoon pa rin naman siguro ang paborito niya, sweet spaghetti
Evorie Eve“I… I d-did nothing,” utal na wika ni Rafael, ang kanyang tinig ay nanginginig habang ang takot ay malinaw na mababasa sa kanyang mga mata. Marahan akong napahiwalay sa pagkakayakap kay Alistair, pilit na itinatago ang tensyon na namamayani sa aking dibdib.“Nagsasabi ba siya ng totoo, m
Evorie Eve12:45 AM. Nagising akong wala na sa kama si Ali. Kanina lang, bandang 11:00, nasilayan ko pa siyang mahimbing na natutulog. Bakit bigla siyang naglaho?Tumungo ako sa banyo para tingnan kung naroon siya, pero dahil hindi naka-lock ang pinto, siguradong walang tao sa loob. Pumasok na lang







