
The Billionaire’s Abandoned Fiancée
Sa gabi ng engrandeng debut ng kumpanya ni Rafael Cain Santillan sa stock market, tila wala nang makakapigil sa kanyang tagumpay, hanggang sa biglang dumating ang kanyang asawa na si Pia, tangan ang isang sobre: divorce papers… at isang bantang kayang wasakin ang lahat ng kanyang pinaghirapan.
Tatlong buwan bago nito, natuklasan ni Pia ang isang pagtataksil na mas malala pa sa simpleng pangangaliwa, lihim na bumuo si Rafael ng sariling pamilya kasama ang mismong adopted step-sister niya na si Wynona, at may anak pa silang itinago sa dilim. Halos mamatay sa isang aksidente at itinuring na walang halaga, tuluyang nagbago si Pia. Ang dating mapagmahal na asawa ay napalitan ng isang babaeng malamig, matalim, at handang gumanti.
Habang unti-unting inaagaw nina Rafael at Wynona ang kanyang tahanan, karera, at maging ang tiwala ng sariling pamilya, tahimik na binabawi ni Pia ang kapangyarihang matagal niyang hinayaan na maagaw sa kanya. Gamit ang kanyang koneksyon, talino, at impluwensya sa mundo ng negosyo at agham, pinaplano niya ang perpektong pagbagsak, iaangat niya si Rafael sa rurok ng tagumpay… para doon mismo siya tuluyang wasakin sa harap ng buong mundo.
Ngunit sa gitna ng kanyang paghihiganti, muling babalik ang isang lalaking minsan niyang iniwan, ang kanyang makapangyarihang dating kasintahan mula sa Switzerland, na magtatanong ng isang mapanakit na katotohanan:
Si Rafael nga ba ang pinakamalaking pagkakamali ng kanyang buhay?
Sa mundong pinaghaharian ng pera, kapangyarihan, at pagtataksil, hindi na si Pia ang babaeng inaapi, siya na ang bagyong dudurog sa lahat ng humamak sa kanya.
Read
Chapter: Kabanata 5Kinabukasan, pagpasok ni Pia sa kumpanya, tila may nagbago sa ihip ng hangin. Wala na ang mga pagbati ng mga empleyado; sa halip, mga bulungan at mapanuyang tingin ang sumalubong sa kanya. Pagdating niya sa kanyang opisina, tumambad sa kanya si Luz, ang sekretarya ni Rafael na matagal nang may lihim na pagnanasa sa asawa niya na abalang nagliligpit ng gamit.“Ma’am Pia, ayan na po ang mga kalat niyo. Inilagay ko na sa kahon para hindi na kayo mahirapan,” bungad ni Luz na may matinis na ngiti. “Mula ngayon, Specialist na lang po kayo. At sa policy ni Boss Rafael, ang mga Specialist ay walang sariling kwarto. Mas praktikal daw po ito para sa kumpanya.”Tiningnan ni Pia ang kahon sa sahig. Ang kanyang mga folders, ang picture frame ng kasal nila ni Rafael (na nakataob at basag ang salamin), at ang maliit na halaman na apat na taon niyang inalagaan, lahat ay nakatambak na parang basura sa gilid.“Matagal naman po kayong walang silbi rito noon, kaya bakit niyo pa kailangan ng opisina?” dag
Last Updated: 2026-04-29
Chapter: Kabanata 4“Hello? Papa…”“Nasa daan ka na ba papuntang Green Fairy?” Mababa pero punung-puno ng poot ang boses ng kanyang ama. “Ilang beses ko na bang sasabihin sa’yo, huwag kang didikit sa Faye na ’yan! Laging gulo ang hatid ng babaeng ’yan sa reputasyon natin! At ikaw, Pia... kailan ka ba titigil sa pagiging sentimyental? Pati ba naman ’yung soup na pinaghirapan ni Yana, ginawa mo pang issue? Pinahiya mo ang bata! Kapatid mo si Wynona, Pia. Even if she’s adopted, you grew up together!”Hindi makapaniwala si Pia. Ang sarili niyang ama, mas pinaniniwalaan ang mga “ahas” kaysa sa anak na muntik nang mamatay.“Pumunta ka agad dito sa Lakeview Villa sa Tagaytay. Ngayon din.” Click. Pinatayan siya ng tinitingalang haligi ng tahanan.Pagkalipas ng apatnapung minuto, narating ni Pia ang eksklusibong mansyon sa Tagaytay. Si Mang Rudy ang nagbukas ng gate, at sa isang sulyap pa lang, binigyan na siya nito ng babala. Alam na ni Pia ang eksena: Isang huwarang pamilya sa harap ng bulag na hari.Sa maluwa
Last Updated: 2026-04-29
Chapter: Kabanata 3Bahagyang natawa si Pia, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling nanlalamig. Tutulungan niya si Rafael. Gagamitin niya ang lahat ng koneksyon ng Papa niya, ang mga bilyonaryong kumpare, ang mga regulators, at ang bawat pabor na nakatago sa bulsa ng pamilya nila para siguraduhing ang listing ng kumpanya ni Rafael sa Philippine Stock Exchange (PSE) ay magiging usap-papanuorin sa buong Asya.Dahil sa mismong araw na iyon, sa harap ng mga kumukutitap na flash ng media at sa rurok ng tagumpay ni Rafael, doon niya ilalabas ang kanyang “regalo.” Ang divorce papers na may kasamang mga larawan ng kanilang kalaswaan. Dudurugin niya ang reputasyon ni Rafael Cain Santillan hanggang sa maging abo ito.Hanggang gabi silang nagkwentuhan ni Faye sa ospital. Habang nagdidilim ang langit sa labas, kinapa ni Pia ang kanyang phone at binuksan ang Instagram. Isang bagong post mula kay Rafael ang bumungad sa kanya.Larawan ito ng main conference room ng kumpanya. Ang caption: “One step closer to the dre
Last Updated: 2026-04-29
Chapter: Kabanata 2Habang nag uusap si Pia at Faye sa telepono, biglang pumasok si Rafael at ibinababa niya na ang tawag.“Finally, gising ka na.”Pumasok si Rafael. Naka-dark gray na tailored suit ito, mukhang fresh at napakakisig, tila hindi ito ang lalaking nakita ni Pia sa Baguio na parang hayop kung umangkin kay Wynona. Walang bakas ng puyat, walang bakas ng konsensya. Ang kanyang mga mata ay nananatiling malamig, ngunit may bahid ng pekeng pag-aalala na pang-Oscar ang dating.“World-class na ipokrito,” bulong ni Pia sa kanyang isipan.“Pia, guess who came to visit? Gusto nilang masiguradong okay ka. May dala silang surprise, homemade healing soup para gumaling ka agad,” saad ni Rafael.Napansin ni Pia: apat na taon na silang kasal, pero “Pia” pa rin ang tawag nito sa kanya. Parang isang hamak na empleyado o katulong na walang halaga.“Wynona, Yana, pasok na kayo. Gising na si Pia niyo.”Dahan-dahang pumasok si Wynona habang hawak ang kamay ni Yana. Halos tumigil ang tibok ng puso ni Pia nang makit
Last Updated: 2026-04-29
Chapter: Kabanata 1Sa gitna ng nakabibinging palakpakan sa loob ng main hall ng Philippine Stock Exchange, nananatiling tila estatwa ng yelo si Rafael Cain Santillan. Bagaman gabi ito ng kanyang tagumpay, ang opisyal na listing ng kanyang kumpanya, walang bakas ng init o saya sa kanyang mga mata. Hawak niya ang kristal na baso ng whisky, ang kanyang tindig ay puno ng awtoridad na nagpapakaba sa sinumang lumapit.Ngunit ang tensyon sa silid ay nagbago nang bumukas ang malaking pinto.Pumasok si Pia. Hindi siya ang dating mahinhin at sunud-sunurang asawa na laging nakatayo sa likod ni Rafael. Ngayon, suot niya ang isang pulang-pulang gown na tila apoy sa gitna ng mga taong nakasuot ng itim at abo. Dire-diretso siyang naglakad, bawat tunog ng kanyang takong ay umalingawngaw hanggang sa makarating siya sa harap ng kanyang asawa.Hindi siya nagsalita. Sa halip, kinuha niya ang baso ng whisky mula sa kamay ni Rafael at dahan-dahang ibinuhos ang laman nito sa mamahaling sapatos ng lalaki. Isang puting sobre an
Last Updated: 2026-04-29