LOGINHabang nag uusap si Pia at Faye sa telepono, biglang pumasok si Rafael at ibinababa niya na ang tawag.
“Finally, gising ka na.”
Pumasok si Rafael. Naka-dark gray na tailored suit ito, mukhang fresh at napakakisig, tila hindi ito ang lalaking nakita ni Pia sa Baguio na parang hayop kung umangkin kay Wynona. Walang bakas ng puyat, walang bakas ng konsensya. Ang kanyang mga mata ay nananatiling malamig, ngunit may bahid ng pekeng pag-aalala na pang-Oscar ang dating.
“World-class na ipokrito,” bulong ni Pia sa kanyang isipan.
“Pia, guess who came to visit? Gusto nilang masiguradong okay ka. May dala silang surprise, homemade healing soup para gumaling ka agad,” saad ni Rafael.
Napansin ni Pia: apat na taon na silang kasal, pero “Pia” pa rin ang tawag nito sa kanya. Parang isang hamak na empleyado o katulong na walang halaga.
“Wynona, Yana, pasok na kayo. Gising na si Pia niyo.”
Dahan-dahang pumasok si Wynona habang hawak ang kamay ni Yana. Halos tumigil ang tibok ng puso ni Pia nang makita ang suot ng kapatid, ang limited edition na Chanel dress na hiningi ni Pia kay Rafael noong birthday niya pero sinabi ng lalaking “masyadong magarbo.” Ngayon, suot ito ng kabit niya. Si Yana naman ay parang isang prinsesa sa kanyang Disney dress, kumpleto sa mga diamond clips na kislap ng katotohanan ang hatid.
“Hi Tita Pia… ito po, ginawa namin para sa inyo! Special healing soup. Si Mommy Wyn ang nag-prepare, ako ang nag-mix,” sabi ni Yana nang may napakatamis na ngiti. Iniabot nito ang thermos kay Rafael.
“Tingnan mo, Pia. Ang bait ni Yana. Bata pa lang, marunong na mag-alaga,” puna ni Rafael habang isinasalin ang mainit na sopas sa plato. “Dati sa bahay, lagi niyang ginagawa ’yan para sa amin ni Wyn kapag pagod kami.”
“Swerte niyo talaga kay Kuya Rafael, Ate! Napaka-supportive niya sa amin,” dagdag ni Wynona. Ang boses ay malambing pero ang mga mata ay puno ng panunuya, tila sinasabing: ‘Ayan ang asawa mo, pinagsisilbihan kami.'
“Subukan mo, Tita Pia. Ginawa ko po ’yan nang buong-puso,” pamimilit ng bata.
Dahil sa pagod at para matapos na ang eksena, kumuha si Pia ng isang kutsara. Ngunit paglunok niya ng pangatlong kutsara, biglang parang may apoy na sumiklab sa kanyang lalamunan. Namamaga ang kanyang dila, hindi siya makahinga, at nanginginig ang kanyang buong katawan.
“A… allergic… mangga…” pilit niyang nasabi bago tuluyang mabulunan. Tumumba siya sa kama habang ang monitor ay nag-iingay na parang sirena.
Agad na nagkagulo ang mga medical staff. Habang tinutusukan siya ng epinephrine at nilalagyan ng oxygen mask, malabo man ang paningin, dinig na dinig ni Pia ang malamig na boses ni Rafael.
“Bakit ba hindi mo sinabi agad na allergic ka? Ang drama mo talaga, Pia! Ginawa namin ’to nang maayos para sa’yo, tapos gagawa ka ng eksena? You’re ruining the moment!” reklamo ni Rafael.
Mas inalala pa nito ang “effort” nila kaysa sa buhay ng asawa.
Niyakap ni Wynona si Yana na biglang humagulgol nang malakas. “Tita Pia, sorry po… hindi ko alam! Daddy, bakit po galit si Tita? Ang sama ko po ba?”
Nawala agad ang kunwaring-aalala ni Rafael para kay Pia. Binalingan niya ang bata at hinalikan sa noo. “Huwag kang iiyak, baby. Daddy’s here. Hindi kita iiwan.” Lumingon siya kay Pia nang may matinding pandidiri. “Akala ko hindi ka ganito kababa, Pia. Ang immature mo. Bata lang si Yana, nagpakita ng pagmamahal pero tinakot mo? Wala kang puso.”
“Kuya, huwag mo nang pilitin si Ate Pia,” singit ni Wynona habang nakakapit nang mahigpit sa braso ni Rafael. “Pero Ate, sana maintindihan mo… inosente lang si Yana. Ang sama mo naman para mag-react nang ganyan sa harap ng bata.”
“Pia, tapos na ang papeles sa residency nila. Ihahatid ko lang sila pauwi. Ayusin mo ang ugali mo bago ako bumalik,” huling hirit ni Rafael bago tuluyang lumabas. Nag-iwan pa si Wynona ng isang mapanuring ngiti bago isara ang pinto.
Pagkalipas ng limang araw, dumating si Faye kasama si Atty. Garcia. Dala nila ang makapal na dokumento.
“Bestie, heto na ang pinakamasarap na pasalubong sa buong mundo,” biro ni Pia habang inaabot ang mga papeles.
Matapos ikwento ni Pia ang nangyari, mula sa residency ni Wynona hanggang sa “lason” na sopas, halos isang oras na nagmura si Faye. “Sige nga, Pia, kailan ka pa naging santo? Bakit hindi mo sinampal ang dalawang 'yan?!”
“Magdidivorce na rin naman kami, Faye. Hayaan mo silang magsaya sa ngayon,” tipid na sagot ni Pia.
“Pero 'yung bracelet, Pia! ’Yung auction piece na daang milyon ang halaga? Nakita ko sa post ni Wynona, suot-suot niya! Iyon ang hiningi mo kay Rafael noong anniversary niyo, 'di ba? Sabi niya hindi niya nabili!” sigaw ni Faye sa galit. “Ang kapal talaga ng mukha ng step sister na ‘yan!”
Tumawa nang mapait si Pia. “Kailangan niya ang pirma ko para sa PSE listing. Kaya sisiguraduhin kong kailangan niyang bawiin at ibalik sa akin ang bracelet na ’yan nang lumuluhod. Isipin mo ang mukha ni Wynona kapag hinubad ni Rafael ang alahas sa mismong braso niya para lang ibigay sa akin.”
“May divorce papers ka na, pero sabi ni Atty. Garcia, madulas ang hayop na 'yan pagdating sa yaman. Paano mo siya uubusin?”
Hinaplos ni Pia ang Divorce Agreement. “Bibigyan ko siya ng regalo… sa pinaka-perfect na timing.”
“May anak at asawa na siya sa labas, ano pang hinihintay mong timing?!”
“Matagal na niyang pangarap na ma-list ang kumpanya niya sa Stock Exchange. Gusto niyang maging hari ng industriya.” Umiling si Pia at ngumiti nang nanlalamig. “Tutulungan ko pa nga siyang umakyat sa pinakatuktok. Dahil kapag nandoon na siya, sa harap ng lahat ng investors, camera, at ng buong mundo... doon ko ibabagsak ang regalong ito.”
“Ang divorce papers. At ang lahat ng ebidensya ng kababuyan nila.”
Kinabukasan, pagpasok ni Pia sa kumpanya, tila may nagbago sa ihip ng hangin. Wala na ang mga pagbati ng mga empleyado; sa halip, mga bulungan at mapanuyang tingin ang sumalubong sa kanya. Pagdating niya sa kanyang opisina, tumambad sa kanya si Luz, ang sekretarya ni Rafael na matagal nang may lihim na pagnanasa sa asawa niya na abalang nagliligpit ng gamit.“Ma’am Pia, ayan na po ang mga kalat niyo. Inilagay ko na sa kahon para hindi na kayo mahirapan,” bungad ni Luz na may matinis na ngiti. “Mula ngayon, Specialist na lang po kayo. At sa policy ni Boss Rafael, ang mga Specialist ay walang sariling kwarto. Mas praktikal daw po ito para sa kumpanya.”Tiningnan ni Pia ang kahon sa sahig. Ang kanyang mga folders, ang picture frame ng kasal nila ni Rafael (na nakataob at basag ang salamin), at ang maliit na halaman na apat na taon niyang inalagaan, lahat ay nakatambak na parang basura sa gilid.“Matagal naman po kayong walang silbi rito noon, kaya bakit niyo pa kailangan ng opisina?” dag
“Hello? Papa…”“Nasa daan ka na ba papuntang Green Fairy?” Mababa pero punung-puno ng poot ang boses ng kanyang ama. “Ilang beses ko na bang sasabihin sa’yo, huwag kang didikit sa Faye na ’yan! Laging gulo ang hatid ng babaeng ’yan sa reputasyon natin! At ikaw, Pia... kailan ka ba titigil sa pagiging sentimyental? Pati ba naman ’yung soup na pinaghirapan ni Yana, ginawa mo pang issue? Pinahiya mo ang bata! Kapatid mo si Wynona, Pia. Even if she’s adopted, you grew up together!”Hindi makapaniwala si Pia. Ang sarili niyang ama, mas pinaniniwalaan ang mga “ahas” kaysa sa anak na muntik nang mamatay.“Pumunta ka agad dito sa Lakeview Villa sa Tagaytay. Ngayon din.” Click. Pinatayan siya ng tinitingalang haligi ng tahanan.Pagkalipas ng apatnapung minuto, narating ni Pia ang eksklusibong mansyon sa Tagaytay. Si Mang Rudy ang nagbukas ng gate, at sa isang sulyap pa lang, binigyan na siya nito ng babala. Alam na ni Pia ang eksena: Isang huwarang pamilya sa harap ng bulag na hari.Sa maluwa
Bahagyang natawa si Pia, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling nanlalamig. Tutulungan niya si Rafael. Gagamitin niya ang lahat ng koneksyon ng Papa niya, ang mga bilyonaryong kumpare, ang mga regulators, at ang bawat pabor na nakatago sa bulsa ng pamilya nila para siguraduhing ang listing ng kumpanya ni Rafael sa Philippine Stock Exchange (PSE) ay magiging usap-papanuorin sa buong Asya.Dahil sa mismong araw na iyon, sa harap ng mga kumukutitap na flash ng media at sa rurok ng tagumpay ni Rafael, doon niya ilalabas ang kanyang “regalo.” Ang divorce papers na may kasamang mga larawan ng kanilang kalaswaan. Dudurugin niya ang reputasyon ni Rafael Cain Santillan hanggang sa maging abo ito.Hanggang gabi silang nagkwentuhan ni Faye sa ospital. Habang nagdidilim ang langit sa labas, kinapa ni Pia ang kanyang phone at binuksan ang Instagram. Isang bagong post mula kay Rafael ang bumungad sa kanya.Larawan ito ng main conference room ng kumpanya. Ang caption: “One step closer to the dre
Habang nag uusap si Pia at Faye sa telepono, biglang pumasok si Rafael at ibinababa niya na ang tawag.“Finally, gising ka na.”Pumasok si Rafael. Naka-dark gray na tailored suit ito, mukhang fresh at napakakisig, tila hindi ito ang lalaking nakita ni Pia sa Baguio na parang hayop kung umangkin kay Wynona. Walang bakas ng puyat, walang bakas ng konsensya. Ang kanyang mga mata ay nananatiling malamig, ngunit may bahid ng pekeng pag-aalala na pang-Oscar ang dating.“World-class na ipokrito,” bulong ni Pia sa kanyang isipan.“Pia, guess who came to visit? Gusto nilang masiguradong okay ka. May dala silang surprise, homemade healing soup para gumaling ka agad,” saad ni Rafael.Napansin ni Pia: apat na taon na silang kasal, pero “Pia” pa rin ang tawag nito sa kanya. Parang isang hamak na empleyado o katulong na walang halaga.“Wynona, Yana, pasok na kayo. Gising na si Pia niyo.”Dahan-dahang pumasok si Wynona habang hawak ang kamay ni Yana. Halos tumigil ang tibok ng puso ni Pia nang makit
Sa gitna ng nakabibinging palakpakan sa loob ng main hall ng Philippine Stock Exchange, nananatiling tila estatwa ng yelo si Rafael Cain Santillan. Bagaman gabi ito ng kanyang tagumpay, ang opisyal na listing ng kanyang kumpanya, walang bakas ng init o saya sa kanyang mga mata. Hawak niya ang kristal na baso ng whisky, ang kanyang tindig ay puno ng awtoridad na nagpapakaba sa sinumang lumapit.Ngunit ang tensyon sa silid ay nagbago nang bumukas ang malaking pinto.Pumasok si Pia. Hindi siya ang dating mahinhin at sunud-sunurang asawa na laging nakatayo sa likod ni Rafael. Ngayon, suot niya ang isang pulang-pulang gown na tila apoy sa gitna ng mga taong nakasuot ng itim at abo. Dire-diretso siyang naglakad, bawat tunog ng kanyang takong ay umalingawngaw hanggang sa makarating siya sa harap ng kanyang asawa.Hindi siya nagsalita. Sa halip, kinuha niya ang baso ng whisky mula sa kamay ni Rafael at dahan-dahang ibinuhos ang laman nito sa mamahaling sapatos ng lalaki. Isang puting sobre an







