Partager

Kabanata 5

Auteur: foxyviper
last update Date de publication: 2026-04-29 10:51:05

Kinabukasan, pagpasok ni Pia sa kumpanya, tila may nagbago sa ihip ng hangin. Wala na ang mga pagbati ng mga empleyado; sa halip, mga bulungan at mapanuyang tingin ang sumalubong sa kanya. Pagdating niya sa kanyang opisina, tumambad sa kanya si Luz, ang sekretarya ni Rafael na matagal nang may lihim na pagnanasa sa asawa niya na abalang nagliligpit ng gamit.

“Ma’am Pia, ayan na po ang mga kalat niyo. Inilagay ko na sa kahon para hindi na kayo mahirapan,” bungad ni Luz na may matinis na ngiti. “Mula ngayon, Specialist na lang po kayo. At sa policy ni Boss Rafael, ang mga Specialist ay walang sariling kwarto. Mas praktikal daw po ito para sa kumpanya.”

Tiningnan ni Pia ang kahon sa sahig. Ang kanyang mga folders, ang picture frame ng kasal nila ni Rafael (na nakataob at basag ang salamin), at ang maliit na halaman na apat na taon niyang inalagaan, lahat ay nakatambak na parang basura sa gilid.

“Matagal naman po kayong walang silbi rito noon, kaya bakit niyo pa kailangan ng opisina?” dagdag ni Luz, na tila lalong tumapang ang dila. “Mas mabuting ibigay na ito kay Director Wynona. Siya ang may utak at tunay na nagtatrabaho. Buti na lang tinitiis ka pa rin nila pagkatapos ng drama mo sa ospital... imagine, ipinagluto ka na ng soup nina Yana, tapos nag-inarte ka pa.”

Biglang bumukas ang pinto. Lumabas si Wynona na naka-full corporate look, isang Prada suit na kulay emerald green. Isang set pa lang nito ay siguradong nagkakahalaga ng mahigit kalahating milyon.

Napansin ni Wynona ang titig ni Pia at ngumiti nang nanunuya. “Ate Pia, do mo ba nagustuhan ang suit ko? Welcome gift ito ni Kuya Rafael. Sabi niya, deserve ko raw ang pinakamahal dahil ako ang magliligtas sa kumpanya. Umabot ng seven hundred thousand pesos pati ang sapatos. Hindi ka naman siguro magagalit, ‘di ba? Para naman ito sa future ni Yana... sa totoong pamilya.”

“Seven hundred thousand lang?” walang emosyong sagot ni Pia. “Mukhang kuripot pa rin pala si Rafael hanggang ngayon.”

Nabigla sina Wynona at Luz. Akala nila ay iiyak si Pia.

“Ako mismo ang nag-utos kay Rafael na bilhin ang suit na ’yan,” pagsisinungaling ni Pia nang may awtoridad. “Bilang asawa at owner, tungkulin kong bigyan ng disenteng damit ang bagong Director na galing sa probinsya para hindi naman tayo mapahiya sa mga kliyente. Mukha ka kasing kawawa noong dumating ka, Wynona.”

Nangigigil si Wynona pero bago pa siya makasagot, hinarap ni Pia si Luz. “Dahil inilipat mo ang gamit ko nang walang paalam, ayusin mo ang mga ’yan sa bago kong desk. Siguraduhin mong walang kahit isang gasgas, o sisiguraduhin kong sa kalsada ka maghahanap ng trabaho bukas.”

“Ma’am Pia, secretary ako ni Boss Rafael, hindi niyo!” singhal ni Luz.

“Tama si Luz, Ate,” singit ni Wynona. “Specialist ka lang ngayon. Mas mababa pa ang rank mo kay Luz. At saka, ungrateful ka talaga. Pagkatapos ng lahat ng ginawa namin sa ospital—”

“Ano’ng gulo ito?” Isang baritono at seryosong boses ang pumutol sa usapan. Si Rafael.

Agad na kumapit si Wynona sa braso ni Rafael, dinidikit ang dibdib sa braso ng lalaki sa harap ng lahat. Tiningnan ni Rafael si Pia, tila naghihintay na makita itong magselos o magmakaawa. Pero si Pia? Nakatayo lang ito, mukhang reyna sa gitna ng mga basura.

“Boss, si Ma’am Pia po, pinapabalik ang gamit niya sa Director’s office at pinagtitripan ako,” sumbong ni Luz.

“Kuya,” malambing na sabi ni Wynona. “Marami akong gagawin para sa future ni Yana. Kailangan ko si Luz. Huwag naman sanang maging pabigat si Ate Pia rito.”

Nagdalawang-isip si Rafael. Ang tingin niya kay Pia ay puno ng pandidiri. “Luz, tulungan mo si Wynona. Pia, ikaw na ang mag-ayos ng sarili mong kalat. Huwag kang gumagawa ng eksena, nakakahiya sa mga empleyado.”

Hindi nagulat si Pia. Inaasahan na niya ang pambabastos na ito. Ngunit bago pa sila makatalikod, tumunog ang intercom sa mesa ni Luz.

“Boss Rafael! Tumawag ang CEO ng Filinda International. Gusto raw nilang makipag-meeting tungkol sa premium pharmaceutical line ngayong alas-dos ng hapon!”

Nanlaki ang mga mata ni Rafael. Ang Filinda ay isang dambuhalang kumpanya sa Switzerland na apat na taon na niyang nililigawan pero laging nadedma.

“Ang galing, Boss!” tili ni Luz. “Si Director Wynona lang pala ang kailangan para mapansin tayo! Hindi gaya ng iba rito na apat na taon nang dekorasyon lang!”

Ngumiti si Rafael at hinawakan ang kamay ni Wynona. “Wynona, ikaw talaga ang swerte ko!”

“Boss...” putol ng staff sa kabilang linya. “Sinabi po ng Filinda na kay Pia Santillan lang sila makikipag-usap. Specific nilang binanggit na kapag wala si Pia, kanselado ang deal at iba-blacklist ang kumpanya natin sa buong Europe.”

Natahimik ang buong paligid. Ang ngiti ni Wynona ay naglaho; ang mukha ni Rafael ay namutla.

“Pero hindi na Director si Pia!” hirit ni Luz, tila hindi matanggap ang narinig.

Sinamaan siya ng tingin ni Rafael. Napalunok siya at humarap kay Pia. “Pia... ikaw ang hinahanap nila. Pumunta ka roon. Ayusin mo ang pakikipag-usap. Huwag mong ipahiya ang kumpanya.”

“Anong title ko sa meeting?” hamon ni Pia habang nakataas ang kilay.

“Director pa rin, siyempre,” mabilis na sagot ni Rafael.

“Salamat. Luz, ibalik mo ang lahat ng gamit ko sa loob ng opisina. At siguraduhin mong itatapon mo ang lahat ng gamit ni Wynona sa labas ng pintong ito. Ngayon din.” Binalingan niya ang kapatid niyang ahas. “Kahit anong suit pa ang isuot mo, Wynona, amoy probinsya ka pa rin. Maiwan ko na kayo.”

Alas-dos ng hapon, dumating si Pia sa Filinda Experience Center. Pagpasok niya sa meeting room, bumungad sa kanya si Manager Zelovia, pero may isang lalaking nakaupo sa tabi nito.

Naka-de kwatro ang lalaki, may hawak na baso ng scotch, at may awra ng kapangyarihan na tila kayang pabagsakin ang isang gobyerno sa isang pitik lang. Nang mag-angat ito ng tingin, tila tumigil ang mundo ni Pia.

Ang kanyang Ex-fiancé mula sa Switzerland. Ang lalaking iniwan niya apat na taon na ang nakalipas para pakasalan si Rafael.

“Long time no see, Pia,” malamig na bati nito. “Are you finally ready to admit you made a mistake choosing that piece of trash?”

Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Sa harap niya ay ang nag-iisang Azriel Blaze Huxley, ang lalaking binabanggit lang sa bulungan ng mga makapangyarihan. CEO ng isang imperyo sa real estate na kayang magpatumba ng buong lungsod sa isang pirma, at ang may pinakamalaking bahagi sa global pharmaceutical industry na kumokontrol sa bilyong dolyar na daloy ng mundo.

Ang lalaking kanyang iniwan dahil sa isang misunderstanding.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • The Billionaire’s Abandoned Fiancée    Kabanata 5

    Kinabukasan, pagpasok ni Pia sa kumpanya, tila may nagbago sa ihip ng hangin. Wala na ang mga pagbati ng mga empleyado; sa halip, mga bulungan at mapanuyang tingin ang sumalubong sa kanya. Pagdating niya sa kanyang opisina, tumambad sa kanya si Luz, ang sekretarya ni Rafael na matagal nang may lihim na pagnanasa sa asawa niya na abalang nagliligpit ng gamit.“Ma’am Pia, ayan na po ang mga kalat niyo. Inilagay ko na sa kahon para hindi na kayo mahirapan,” bungad ni Luz na may matinis na ngiti. “Mula ngayon, Specialist na lang po kayo. At sa policy ni Boss Rafael, ang mga Specialist ay walang sariling kwarto. Mas praktikal daw po ito para sa kumpanya.”Tiningnan ni Pia ang kahon sa sahig. Ang kanyang mga folders, ang picture frame ng kasal nila ni Rafael (na nakataob at basag ang salamin), at ang maliit na halaman na apat na taon niyang inalagaan, lahat ay nakatambak na parang basura sa gilid.“Matagal naman po kayong walang silbi rito noon, kaya bakit niyo pa kailangan ng opisina?” dag

  • The Billionaire’s Abandoned Fiancée    Kabanata 4

    “Hello? Papa…”“Nasa daan ka na ba papuntang Green Fairy?” Mababa pero punung-puno ng poot ang boses ng kanyang ama. “Ilang beses ko na bang sasabihin sa’yo, huwag kang didikit sa Faye na ’yan! Laging gulo ang hatid ng babaeng ’yan sa reputasyon natin! At ikaw, Pia... kailan ka ba titigil sa pagiging sentimyental? Pati ba naman ’yung soup na pinaghirapan ni Yana, ginawa mo pang issue? Pinahiya mo ang bata! Kapatid mo si Wynona, Pia. Even if she’s adopted, you grew up together!”Hindi makapaniwala si Pia. Ang sarili niyang ama, mas pinaniniwalaan ang mga “ahas” kaysa sa anak na muntik nang mamatay.“Pumunta ka agad dito sa Lakeview Villa sa Tagaytay. Ngayon din.” Click. Pinatayan siya ng tinitingalang haligi ng tahanan.Pagkalipas ng apatnapung minuto, narating ni Pia ang eksklusibong mansyon sa Tagaytay. Si Mang Rudy ang nagbukas ng gate, at sa isang sulyap pa lang, binigyan na siya nito ng babala. Alam na ni Pia ang eksena: Isang huwarang pamilya sa harap ng bulag na hari.Sa maluwa

  • The Billionaire’s Abandoned Fiancée    Kabanata 3

    Bahagyang natawa si Pia, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling nanlalamig. Tutulungan niya si Rafael. Gagamitin niya ang lahat ng koneksyon ng Papa niya, ang mga bilyonaryong kumpare, ang mga regulators, at ang bawat pabor na nakatago sa bulsa ng pamilya nila para siguraduhing ang listing ng kumpanya ni Rafael sa Philippine Stock Exchange (PSE) ay magiging usap-papanuorin sa buong Asya.Dahil sa mismong araw na iyon, sa harap ng mga kumukutitap na flash ng media at sa rurok ng tagumpay ni Rafael, doon niya ilalabas ang kanyang “regalo.” Ang divorce papers na may kasamang mga larawan ng kanilang kalaswaan. Dudurugin niya ang reputasyon ni Rafael Cain Santillan hanggang sa maging abo ito.Hanggang gabi silang nagkwentuhan ni Faye sa ospital. Habang nagdidilim ang langit sa labas, kinapa ni Pia ang kanyang phone at binuksan ang Instagram. Isang bagong post mula kay Rafael ang bumungad sa kanya.Larawan ito ng main conference room ng kumpanya. Ang caption: “One step closer to the dre

  • The Billionaire’s Abandoned Fiancée    Kabanata 2

    Habang nag uusap si Pia at Faye sa telepono, biglang pumasok si Rafael at ibinababa niya na ang tawag.“Finally, gising ka na.”Pumasok si Rafael. Naka-dark gray na tailored suit ito, mukhang fresh at napakakisig, tila hindi ito ang lalaking nakita ni Pia sa Baguio na parang hayop kung umangkin kay Wynona. Walang bakas ng puyat, walang bakas ng konsensya. Ang kanyang mga mata ay nananatiling malamig, ngunit may bahid ng pekeng pag-aalala na pang-Oscar ang dating.“World-class na ipokrito,” bulong ni Pia sa kanyang isipan.“Pia, guess who came to visit? Gusto nilang masiguradong okay ka. May dala silang surprise, homemade healing soup para gumaling ka agad,” saad ni Rafael.Napansin ni Pia: apat na taon na silang kasal, pero “Pia” pa rin ang tawag nito sa kanya. Parang isang hamak na empleyado o katulong na walang halaga.“Wynona, Yana, pasok na kayo. Gising na si Pia niyo.”Dahan-dahang pumasok si Wynona habang hawak ang kamay ni Yana. Halos tumigil ang tibok ng puso ni Pia nang makit

  • The Billionaire’s Abandoned Fiancée    Kabanata 1

    Sa gitna ng nakabibinging palakpakan sa loob ng main hall ng Philippine Stock Exchange, nananatiling tila estatwa ng yelo si Rafael Cain Santillan. Bagaman gabi ito ng kanyang tagumpay, ang opisyal na listing ng kanyang kumpanya, walang bakas ng init o saya sa kanyang mga mata. Hawak niya ang kristal na baso ng whisky, ang kanyang tindig ay puno ng awtoridad na nagpapakaba sa sinumang lumapit.Ngunit ang tensyon sa silid ay nagbago nang bumukas ang malaking pinto.Pumasok si Pia. Hindi siya ang dating mahinhin at sunud-sunurang asawa na laging nakatayo sa likod ni Rafael. Ngayon, suot niya ang isang pulang-pulang gown na tila apoy sa gitna ng mga taong nakasuot ng itim at abo. Dire-diretso siyang naglakad, bawat tunog ng kanyang takong ay umalingawngaw hanggang sa makarating siya sa harap ng kanyang asawa.Hindi siya nagsalita. Sa halip, kinuha niya ang baso ng whisky mula sa kamay ni Rafael at dahan-dahang ibinuhos ang laman nito sa mamahaling sapatos ng lalaki. Isang puting sobre an

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status