Share

Kabanata 3

Penulis: foxyviper
last update Tanggal publikasi: 2026-04-29 10:50:07

Bahagyang natawa si Pia, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling nanlalamig. Tutulungan niya si Rafael. Gagamitin niya ang lahat ng koneksyon ng Papa niya, ang mga bilyonaryong kumpare, ang mga regulators, at ang bawat pabor na nakatago sa bulsa ng pamilya nila para siguraduhing ang listing ng kumpanya ni Rafael sa Philippine Stock Exchange (PSE) ay magiging usap-papanuorin sa buong Asya.

Dahil sa mismong araw na iyon, sa harap ng mga kumukutitap na flash ng media at sa rurok ng tagumpay ni Rafael, doon niya ilalabas ang kanyang “regalo.” Ang divorce papers na may kasamang mga larawan ng kanilang kalaswaan. 

Dudurugin niya ang reputasyon ni Rafael Cain Santillan hanggang sa maging abo ito.

Hanggang gabi silang nagkwentuhan ni Faye sa ospital. Habang nagdidilim ang langit sa labas, kinapa ni Pia ang kanyang phone at binuksan ang I*******m. Isang bagong post mula kay Rafael ang bumungad sa kanya.

Larawan ito ng main conference room ng kumpanya. Ang caption: “One step closer to the dream. Grateful for the support system that keeps me going. #PSEBound #FamilyFirst”

Pero sa repleksyon ng salamin sa likod ni Rafael, kitang-kita ang isang babaeng naka-blazer, mahaba ang buhok, at ang mga kamay ay nakapulupot sa bewang ng lalaki habang ang ulo ay nakasandal sa balikat nito.

Si Wynona.

Hindi iyon pagkakamali. Sinadya iyon. Isang tahimik na deklarasyon ng giyera habang siya ay nakahiga sa kama ng ospital. Napangiti nang malamig si Pia. “Salamat sa ebidensya, Rafael. Isasama ko 'to sa compilation.”

Tatlong linggo ang nakalipas. Nakalabas na si Pia sa ospital. Sa halip na si Rafael, ang personal driver ng kanyang Papa na si Mang Rudy ang sumundo sa kanya. Pagdating sa kanilang mansyon, sinalubong siya ng mga pulang rosas. May note: “Welcome home, Pia. Sorry, I’m busy with the board meeting. Move forward tayo. Love you always.”*

Hindi man lang tinignan ni Pia ang mga bulaklak. “Mang Rudy, itapon mo 'yan sa basurahan sa labas. Nakakasuka ang amoy.”

Pagpasok niya sa loob, hindi ang pamilyar na amoy ng kanyang paboritong lavender candle ang bumungad sa kanya. Amoy “Vanilla Musk”—ang pabango ni Wynona.

Nanlaki ang mga mata ni Pia. Wala na ang Italian leather sofa na pinasadya niya. Ang crystal chandelier mula sa Paris? Pinalitan ng isang modernong gold fixture na mukhang mumurahin. 

Ang custom-made dining table ay wala na rin.

“Ma’am… si Ma’am Wynona po ang nag-utos,” nanginginig na sabi ni Manang Lita. “Sabi niya, masyado raw ‘heavy’ at ‘old-fashioned’ ang taste niyo. Pinalitan niya lahat para raw maging ‘homey’ para sa kanila ni Yana.”

Hindi na sumagot si Pia. Dire-diretso siyang umakyat sa master bedroom. Pabalibag niyang binuksan ang pinto at doon ay tumambad sa kanya ang mas malalang eksena.

CRASH!

Nakatayo si Yana sa harap ng kanyang vanity mirror. Ang maliit na sling bag nito ay punung-puno ng mga kwintas, hikaw, at mamahaling relo ni Pia. Suot pa nito ang diamond tiara na mana ni Pia sa kanyang yumaong ina.

“Nahuli kita,” malamig na sabi ni Pia. 

“Nagnanakaw ka ng mga gamit ko, bata ka.”

Natakot si Yana pero agad na nagbago ang mukha nito. “Hindi po! Naglalaro lang ako! Sabi ni Mommy Wyn, sa amin na raw ang lahat dito!”

“Sa inyo?” Hinila ni Pia ang bag at pilit na kinuha ang tiara. “Magnanakaw na ang nanay mo, pati ba naman ikaw?”

“Ano’ng ginagawa mo sa anak ko?!” Isang boses ang umalingawngaw mula sa pinto.

Bago pa makakilos si Pia, tumili si Yana nang napakalakas na parang kinakatay. Patakbong lumapit si Wynona at sinunggaban ang bata. Kasunod niyon, isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Pia.

PAK!

Tumabingi ang mukha ni Pia. Ang asawa niya—ang lalaking nangako ng proteksyon—ay nanampal sa kanya sa harap ng kabit nito.

“Pia! Sumosobra ka na! Inaatake mo ang bata dahil lang sa alahas?!” galit na sigaw ni Rafael. 

“Nag-effort silang ayusin ang bahay para maging kumportable ka, tapos ganito ang isasalubong mo?”

Nanginginig ang panga ni Pia. Hindi siya umiyak. Sa halip, lumingon siya at buong lakas na binuweltahan ng sampal si Rafael.

PAK!

Mas malakas, mas malutong. Nabigla si Rafael. Napahawak siya sa kanyang pisngi.

“Ate! Bakit mo sinampal si Kuya?!” tili ni Wynona habang yakap si Yana. “Ang sama mo! Wala kang utang na loob! Kami na nga ang nag-alaga sa bahay mo habang nandoon ka sa ospital at nag-iinarte!”

“Inaalagaang magnakaw?” turo ni Pia sa nagkalat na alahas. “Iyan ang anak mo, Wynona. Kinulimbat ang mga mana ko kay Mama. At ikaw, Rafael... huling beses mo na akong nasaktan. Wala kang kwentang lalaki.”

“Pia, intindihin mo naman!” bulyaw ni Rafael, pilit na naggagaslight. “Bata lang si Yana! Gusto lang niyang maging katulad mo kaya niya isinuot ang tiara! Bakit ba napaka-insecure mo sa isang pitong taong gulang? Kapatid mo pa rin si Wynona sa papa mo! Ito ang bagong normal natin kung gusto mong manatiling asawa ko!”

Napatawa nang mapait si Pia. “Bagong normal? Ang manakawan at masampal sa sarili kong bahay?” Tumawa siya. “Ang lahat ng yaman dito’y galing kay mama.”

Tumingin siya kay Wynona na ngayon ay nakasandal na sa balikat ni Rafael, nagpapaawa. “At ikaw, Wynona. Ang kapal ng mukha mong palitan ang mga gamit ko. Akala mo ba dahil nakahiga ka sa kama ko, ikaw na ang may-ari ng bahay na 'to?”

“Kuya, oh... nagagalit si Ate Pia sa mga binitbit kong furniture,” bulong ni Wynona. “Gusto ko lang naman maging ‘fresh’ ang start natin.”

Sumigaw si Pia: “Manang Lita! Mang Rudy!”

Mabilis na tumakbo ang mga katulong.

“Lahat ng basurang ipinasok ng babaeng ito rito, ang mga sofa, ang mga dekorasyon, pati ang mga damit nila, itapon niyo sa gitna ng kalsada. Ngayon din! Kapag may natira kahit isang piraso, lahat kayo fired!”

“Pia, huwag kang mag-eskandalo!” awat ni Rafael.

“Huwag mo akong hawakan!” bulyaw ni Pia. “Ito ang bahay ko. Pera ng Mama ko ang ipinambili rito. Kung gusto niyo ng 'homey' vibe, humanap kayo ng sarili niyo sa ilalim ng tulay!”

Tinalikuran niya sila at lumabas ng kwarto. Habang nagmamaneho palayo, hindi na niya mapigilan ang paghagulgol. Hindi dahil sa sakit ng sampal, kundi dahil sa poot na nararamdaman niya para sa kanyang sarili dahil minahal niya ang isang demonyo.

Tinawagan niya si Faye. “Buksan mo ang bar. Gusto kong malunod sa alak hanggang sa makalimutan kong magkapatid kami ng ahas na 'yan.”

“On the way na ako, bestie. Isasara ko ang buong Green Fairy para sa’yo lang.”

Ngunit bago pa siya makarating, tumunog ang phone niya. Isang pangalan ang lumitaw na nagpabilis ng tibok ng puso niya.

Caller ID: Papa.

Alam na ni Pia. Ang sampal ni Rafael ay nakarating na sa pandinig ng kanyang ama. At sa pamilya nila, kapag may nasaktang isa, lahat ay handang pumatay. Oras na para sa mas madugong hakbang.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire’s Abandoned Fiancée    Kabanata 5

    Kinabukasan, pagpasok ni Pia sa kumpanya, tila may nagbago sa ihip ng hangin. Wala na ang mga pagbati ng mga empleyado; sa halip, mga bulungan at mapanuyang tingin ang sumalubong sa kanya. Pagdating niya sa kanyang opisina, tumambad sa kanya si Luz, ang sekretarya ni Rafael na matagal nang may lihim na pagnanasa sa asawa niya na abalang nagliligpit ng gamit.“Ma’am Pia, ayan na po ang mga kalat niyo. Inilagay ko na sa kahon para hindi na kayo mahirapan,” bungad ni Luz na may matinis na ngiti. “Mula ngayon, Specialist na lang po kayo. At sa policy ni Boss Rafael, ang mga Specialist ay walang sariling kwarto. Mas praktikal daw po ito para sa kumpanya.”Tiningnan ni Pia ang kahon sa sahig. Ang kanyang mga folders, ang picture frame ng kasal nila ni Rafael (na nakataob at basag ang salamin), at ang maliit na halaman na apat na taon niyang inalagaan, lahat ay nakatambak na parang basura sa gilid.“Matagal naman po kayong walang silbi rito noon, kaya bakit niyo pa kailangan ng opisina?” dag

  • The Billionaire’s Abandoned Fiancée    Kabanata 4

    “Hello? Papa…”“Nasa daan ka na ba papuntang Green Fairy?” Mababa pero punung-puno ng poot ang boses ng kanyang ama. “Ilang beses ko na bang sasabihin sa’yo, huwag kang didikit sa Faye na ’yan! Laging gulo ang hatid ng babaeng ’yan sa reputasyon natin! At ikaw, Pia... kailan ka ba titigil sa pagiging sentimyental? Pati ba naman ’yung soup na pinaghirapan ni Yana, ginawa mo pang issue? Pinahiya mo ang bata! Kapatid mo si Wynona, Pia. Even if she’s adopted, you grew up together!”Hindi makapaniwala si Pia. Ang sarili niyang ama, mas pinaniniwalaan ang mga “ahas” kaysa sa anak na muntik nang mamatay.“Pumunta ka agad dito sa Lakeview Villa sa Tagaytay. Ngayon din.” Click. Pinatayan siya ng tinitingalang haligi ng tahanan.Pagkalipas ng apatnapung minuto, narating ni Pia ang eksklusibong mansyon sa Tagaytay. Si Mang Rudy ang nagbukas ng gate, at sa isang sulyap pa lang, binigyan na siya nito ng babala. Alam na ni Pia ang eksena: Isang huwarang pamilya sa harap ng bulag na hari.Sa maluwa

  • The Billionaire’s Abandoned Fiancée    Kabanata 3

    Bahagyang natawa si Pia, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling nanlalamig. Tutulungan niya si Rafael. Gagamitin niya ang lahat ng koneksyon ng Papa niya, ang mga bilyonaryong kumpare, ang mga regulators, at ang bawat pabor na nakatago sa bulsa ng pamilya nila para siguraduhing ang listing ng kumpanya ni Rafael sa Philippine Stock Exchange (PSE) ay magiging usap-papanuorin sa buong Asya.Dahil sa mismong araw na iyon, sa harap ng mga kumukutitap na flash ng media at sa rurok ng tagumpay ni Rafael, doon niya ilalabas ang kanyang “regalo.” Ang divorce papers na may kasamang mga larawan ng kanilang kalaswaan. Dudurugin niya ang reputasyon ni Rafael Cain Santillan hanggang sa maging abo ito.Hanggang gabi silang nagkwentuhan ni Faye sa ospital. Habang nagdidilim ang langit sa labas, kinapa ni Pia ang kanyang phone at binuksan ang Instagram. Isang bagong post mula kay Rafael ang bumungad sa kanya.Larawan ito ng main conference room ng kumpanya. Ang caption: “One step closer to the dre

  • The Billionaire’s Abandoned Fiancée    Kabanata 2

    Habang nag uusap si Pia at Faye sa telepono, biglang pumasok si Rafael at ibinababa niya na ang tawag.“Finally, gising ka na.”Pumasok si Rafael. Naka-dark gray na tailored suit ito, mukhang fresh at napakakisig, tila hindi ito ang lalaking nakita ni Pia sa Baguio na parang hayop kung umangkin kay Wynona. Walang bakas ng puyat, walang bakas ng konsensya. Ang kanyang mga mata ay nananatiling malamig, ngunit may bahid ng pekeng pag-aalala na pang-Oscar ang dating.“World-class na ipokrito,” bulong ni Pia sa kanyang isipan.“Pia, guess who came to visit? Gusto nilang masiguradong okay ka. May dala silang surprise, homemade healing soup para gumaling ka agad,” saad ni Rafael.Napansin ni Pia: apat na taon na silang kasal, pero “Pia” pa rin ang tawag nito sa kanya. Parang isang hamak na empleyado o katulong na walang halaga.“Wynona, Yana, pasok na kayo. Gising na si Pia niyo.”Dahan-dahang pumasok si Wynona habang hawak ang kamay ni Yana. Halos tumigil ang tibok ng puso ni Pia nang makit

  • The Billionaire’s Abandoned Fiancée    Kabanata 1

    Sa gitna ng nakabibinging palakpakan sa loob ng main hall ng Philippine Stock Exchange, nananatiling tila estatwa ng yelo si Rafael Cain Santillan. Bagaman gabi ito ng kanyang tagumpay, ang opisyal na listing ng kanyang kumpanya, walang bakas ng init o saya sa kanyang mga mata. Hawak niya ang kristal na baso ng whisky, ang kanyang tindig ay puno ng awtoridad na nagpapakaba sa sinumang lumapit.Ngunit ang tensyon sa silid ay nagbago nang bumukas ang malaking pinto.Pumasok si Pia. Hindi siya ang dating mahinhin at sunud-sunurang asawa na laging nakatayo sa likod ni Rafael. Ngayon, suot niya ang isang pulang-pulang gown na tila apoy sa gitna ng mga taong nakasuot ng itim at abo. Dire-diretso siyang naglakad, bawat tunog ng kanyang takong ay umalingawngaw hanggang sa makarating siya sa harap ng kanyang asawa.Hindi siya nagsalita. Sa halip, kinuha niya ang baso ng whisky mula sa kamay ni Rafael at dahan-dahang ibinuhos ang laman nito sa mamahaling sapatos ng lalaki. Isang puting sobre an

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status