Share

Kabanata 4

Author: foxyviper
last update publish date: 2026-04-29 10:50:36

“Hello? Papa…”

“Nasa daan ka na ba papuntang Green Fairy?” 

Mababa pero punung-puno ng poot ang boses ng kanyang ama. “Ilang beses ko na bang sasabihin sa’yo, huwag kang didikit sa Faye na ’yan! Laging gulo ang hatid ng babaeng ’yan sa reputasyon natin! At ikaw, Pia... kailan ka ba titigil sa pagiging sentimyental? Pati ba naman ’yung soup na pinaghirapan ni Yana, ginawa mo pang issue? Pinahiya mo ang bata! Kapatid mo si Wynona, Pia. Even if she’s adopted, you grew up together!”

Hindi makapaniwala si Pia. Ang sarili niyang ama, mas pinaniniwalaan ang mga “ahas” kaysa sa anak na muntik nang mamatay.

“Pumunta ka agad dito sa Lakeview Villa sa Tagaytay. Ngayon din.” Click. Pinatayan siya ng tinitingalang haligi ng tahanan.

Pagkalipas ng apatnapung minuto, narating ni Pia ang eksklusibong mansyon sa Tagaytay. Si Mang Rudy ang nagbukas ng gate, at sa isang sulyap pa lang, binigyan na siya nito ng babala. Alam na ni Pia ang eksena: Isang huwarang pamilya sa harap ng bulag na hari.

Sa maluwag na sala, nakaupo sina Rafael, Wynona, at Yana sa paligid ni Papa Jolo. Si Rafael ay parang maamong tupa na naghahain ng tsaa, habang si Wynona ay nakasandal sa balikat ni Rafael, sa harap mismo ng kanilang ama na tila ba sila ang mag-asawa.

Lumapit si Pia, pero wala man lang bakanteng puwang para sa kanya sa sofa. Lahat sila ay komportable, habang siya ay nakatayo na parang estranghero. Napansin ni Pia ang suot ng ama niya, isang brand new na Balenciaga at isang jade bracelet na kumikinang sa pulso nito. Suhol ni Rafael.

“Anak,” simula ni Papa habang hinahaplos ang balikat ni Rafael na tila ito ang tunay niyang tagapagmana. “Alam ko na ang nangyari. Nagkamali si Rafael sa sampal... pero tingnan mo naman, dinala niya agad ang kapatid mo dito. Binilhan pa niya ako ng jade na ’to bilang peace offering. Napakabait ni Rafael, Pia. Marunong rumespeto sa nakatatanda.”

Umiling si Papa, bakas ang pagkadismaya kay Pia. “Mag-asawa kayo; normal ang nagkakasakitan. Pero ’yung ginawa mo kay Yana? Ang bata-bata pa nung apo ko, ginawan ka ng pagkain para gumaling ka, tapos sisigawan mo? Ang sama ng ugali mo, Pia. Masyado kang matigas.”

Halos mabulunan si Pia sa sarili niyang laway. Siya ang biktima, siya ang muntik mamatay sa allergy, pero ang mga regalo ni Rafael ay sapat na para burahin ang lahat ng kasalanan nito sa mata ng kanyang ama.

“May isa pa palang kailangang ayusin,” dagdag ng ama. “Gusto ni Rafael na ibigay mo ang posisyon mo bilang Business Development Director sa kumpanya.”

“Kanino?” malamig na tanong ni Pia.

Tumikhim si Rafael, hindi tumitingin nang diretso kay Pia. “Kay Wynona... mas kailangan niya ng exposure. May MBA siya mula sa top school sa abroad. Mas ‘fresh’ ang perspective niya para sa kumpanya natin.”

“Market Research ang major ko, Papa. Ako ang nagpalago ng departamentong ’yan!” depensa ni Pia.

“Pero wala kang Master’s degree tulad ni Wynona!” pagputol ng ama niya. “Tumakas ka noon sa abroad nang walang diploma, ’di ba? Ang posisyon mo ngayon ay nakuha mo lang dahil asawa mo si Rafael. Kaya mag-adjust ka. Magiging specialist ka na lang sa ilalim ni Wynona. Matuto ka sa kapatid mo.”

Agad na tumayo si Wynona at hinalikan sa pisngi si Papa. “Papa Jolo, ang bait niyo po! Gusto ko po talagang tulungan si Ate Pia para hindi na siya masyadong stress sa trabaho... baka kasi kaya siya laging galit ay dahil pagod siya. Atsaka kahit adopted lang ako, gusto ko pa rin makatulong.” Pa-awa na sabi nito.

“Wynona, tunay na kita na anak, alam mo naman ‘yan!” tuwang-tuwang sabi ng ama habang kinalong si Yana. “Rafael, gusto ko nang makahawak ng apo mula sa inyo ni Pia. Mag-effort naman kayo!”

“Gagawin namin ’yan, Papa,” sagot ni Rafael habang nakakalokong sumusulyap kay Pia. Ang tingin niya ay nagsasabing: “Kahit anong gawin mo, hawak ko sa leeg ang tatay mo.”

Tinalikuran sila ni Pia. Hindi niya kaya ang baho ng hangin sa loob. Hinabol siya ni Rafael hanggang sa parking, para lang sa palabas kay Papa na nakatanaw sa bintana.

“Pia! Pia, wait!” Hinawakan ni Rafael ang kanyang braso nang mahigpit. “Ganito na lang, anong gusto mo? Pera? Alahas? I’ll give you anything, basta manatili ka sa pwesto mo bilang specialist at huwag mo nang guluhin si Wynona. Para sa pamilya ’to.”

Tinitigan siya ni Pia. Ang lalaking ito ay handang ubusin ang dignidad niya para lang mailuklok ang kabit nito.

“Sige. Bibigyan kita ng pagkakataon,” wika ni Pia. Nakahinga nang maluwag si Rafael. “Gusto ko ng isang bilyon. Cash. Ngayon din.”

Nabigla si Rafael. “Isang bilyon?! Mag-asawa tayo, Pia! Saan ko kukunin ’yan?”

“Kukunin mo sa lihim na offshore account mo na itinatago niyo ng Mama mo. ’Yung pondong inilaan mo para sa ‘future’ mo with whom,” bulong ni Pia na nagpanatirik sa mga mata ni Rafael. “Isang bilyon kapalit ng posisyon ko, ng sampal mo, at ng muntik nang pagpatay sa akin. Isang oras, Rafael. Kapag wala ang pera, tatawagan ko ang lahat ng board members at sasabihin ko ang totoo.”

Nanginig ang mga kamay ni Rafael. Alam niyang hindi nagbibiro si Pia. Pagkalipas ng apatnapung minuto, pumasok ang notification sa phone ni Pia. +1,000,000,000.00 PHP. Said ang pondong pinaghirapan ni Rafael para sa pamilya nila ni Wynona.

Habang nagmamaneho palayo nang may malamig na ngiti, tinawagan ni Pia ang isang international number.

“Diyos ko! Boss? Is it really you? Akala ko nakalimutan mo na kami!” sigaw ng boses sa kabilang linya.

“Natapos na ang bakasyon ko sa impyerno,” malamig na wika ni Pia. “’Yung bagong formula ng gamot na hinihingi niyo sa laboratoryo sa Switzerland... sabihin mo sa kanila, handa na ako. I’m back.”

Hindi alam ni Rafael, hindi alam ni Wynona, at lalong hindi alam ng Papa niya... na ang "walang silbing diploma" na hinahanap nila ay wala lang kumpara sa bilyong dolyar na halaga ng utak ni Pia sa mundo ng global pharmaceuticals.

Nagsisimula pa lang ang tunay na ganti.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire’s Abandoned Fiancée    Kabanata 5

    Kinabukasan, pagpasok ni Pia sa kumpanya, tila may nagbago sa ihip ng hangin. Wala na ang mga pagbati ng mga empleyado; sa halip, mga bulungan at mapanuyang tingin ang sumalubong sa kanya. Pagdating niya sa kanyang opisina, tumambad sa kanya si Luz, ang sekretarya ni Rafael na matagal nang may lihim na pagnanasa sa asawa niya na abalang nagliligpit ng gamit.“Ma’am Pia, ayan na po ang mga kalat niyo. Inilagay ko na sa kahon para hindi na kayo mahirapan,” bungad ni Luz na may matinis na ngiti. “Mula ngayon, Specialist na lang po kayo. At sa policy ni Boss Rafael, ang mga Specialist ay walang sariling kwarto. Mas praktikal daw po ito para sa kumpanya.”Tiningnan ni Pia ang kahon sa sahig. Ang kanyang mga folders, ang picture frame ng kasal nila ni Rafael (na nakataob at basag ang salamin), at ang maliit na halaman na apat na taon niyang inalagaan, lahat ay nakatambak na parang basura sa gilid.“Matagal naman po kayong walang silbi rito noon, kaya bakit niyo pa kailangan ng opisina?” dag

  • The Billionaire’s Abandoned Fiancée    Kabanata 4

    “Hello? Papa…”“Nasa daan ka na ba papuntang Green Fairy?” Mababa pero punung-puno ng poot ang boses ng kanyang ama. “Ilang beses ko na bang sasabihin sa’yo, huwag kang didikit sa Faye na ’yan! Laging gulo ang hatid ng babaeng ’yan sa reputasyon natin! At ikaw, Pia... kailan ka ba titigil sa pagiging sentimyental? Pati ba naman ’yung soup na pinaghirapan ni Yana, ginawa mo pang issue? Pinahiya mo ang bata! Kapatid mo si Wynona, Pia. Even if she’s adopted, you grew up together!”Hindi makapaniwala si Pia. Ang sarili niyang ama, mas pinaniniwalaan ang mga “ahas” kaysa sa anak na muntik nang mamatay.“Pumunta ka agad dito sa Lakeview Villa sa Tagaytay. Ngayon din.” Click. Pinatayan siya ng tinitingalang haligi ng tahanan.Pagkalipas ng apatnapung minuto, narating ni Pia ang eksklusibong mansyon sa Tagaytay. Si Mang Rudy ang nagbukas ng gate, at sa isang sulyap pa lang, binigyan na siya nito ng babala. Alam na ni Pia ang eksena: Isang huwarang pamilya sa harap ng bulag na hari.Sa maluwa

  • The Billionaire’s Abandoned Fiancée    Kabanata 3

    Bahagyang natawa si Pia, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling nanlalamig. Tutulungan niya si Rafael. Gagamitin niya ang lahat ng koneksyon ng Papa niya, ang mga bilyonaryong kumpare, ang mga regulators, at ang bawat pabor na nakatago sa bulsa ng pamilya nila para siguraduhing ang listing ng kumpanya ni Rafael sa Philippine Stock Exchange (PSE) ay magiging usap-papanuorin sa buong Asya.Dahil sa mismong araw na iyon, sa harap ng mga kumukutitap na flash ng media at sa rurok ng tagumpay ni Rafael, doon niya ilalabas ang kanyang “regalo.” Ang divorce papers na may kasamang mga larawan ng kanilang kalaswaan. Dudurugin niya ang reputasyon ni Rafael Cain Santillan hanggang sa maging abo ito.Hanggang gabi silang nagkwentuhan ni Faye sa ospital. Habang nagdidilim ang langit sa labas, kinapa ni Pia ang kanyang phone at binuksan ang Instagram. Isang bagong post mula kay Rafael ang bumungad sa kanya.Larawan ito ng main conference room ng kumpanya. Ang caption: “One step closer to the dre

  • The Billionaire’s Abandoned Fiancée    Kabanata 2

    Habang nag uusap si Pia at Faye sa telepono, biglang pumasok si Rafael at ibinababa niya na ang tawag.“Finally, gising ka na.”Pumasok si Rafael. Naka-dark gray na tailored suit ito, mukhang fresh at napakakisig, tila hindi ito ang lalaking nakita ni Pia sa Baguio na parang hayop kung umangkin kay Wynona. Walang bakas ng puyat, walang bakas ng konsensya. Ang kanyang mga mata ay nananatiling malamig, ngunit may bahid ng pekeng pag-aalala na pang-Oscar ang dating.“World-class na ipokrito,” bulong ni Pia sa kanyang isipan.“Pia, guess who came to visit? Gusto nilang masiguradong okay ka. May dala silang surprise, homemade healing soup para gumaling ka agad,” saad ni Rafael.Napansin ni Pia: apat na taon na silang kasal, pero “Pia” pa rin ang tawag nito sa kanya. Parang isang hamak na empleyado o katulong na walang halaga.“Wynona, Yana, pasok na kayo. Gising na si Pia niyo.”Dahan-dahang pumasok si Wynona habang hawak ang kamay ni Yana. Halos tumigil ang tibok ng puso ni Pia nang makit

  • The Billionaire’s Abandoned Fiancée    Kabanata 1

    Sa gitna ng nakabibinging palakpakan sa loob ng main hall ng Philippine Stock Exchange, nananatiling tila estatwa ng yelo si Rafael Cain Santillan. Bagaman gabi ito ng kanyang tagumpay, ang opisyal na listing ng kanyang kumpanya, walang bakas ng init o saya sa kanyang mga mata. Hawak niya ang kristal na baso ng whisky, ang kanyang tindig ay puno ng awtoridad na nagpapakaba sa sinumang lumapit.Ngunit ang tensyon sa silid ay nagbago nang bumukas ang malaking pinto.Pumasok si Pia. Hindi siya ang dating mahinhin at sunud-sunurang asawa na laging nakatayo sa likod ni Rafael. Ngayon, suot niya ang isang pulang-pulang gown na tila apoy sa gitna ng mga taong nakasuot ng itim at abo. Dire-diretso siyang naglakad, bawat tunog ng kanyang takong ay umalingawngaw hanggang sa makarating siya sa harap ng kanyang asawa.Hindi siya nagsalita. Sa halip, kinuha niya ang baso ng whisky mula sa kamay ni Rafael at dahan-dahang ibinuhos ang laman nito sa mamahaling sapatos ng lalaki. Isang puting sobre an

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status