author-banner
Kuya AP
Author

Novels by Kuya AP

ANNULMENT SERVED: Once A Substitute Wife, Turned Into QUEEN

ANNULMENT SERVED: Once A Substitute Wife, Turned Into QUEEN

Akala ni Ivory, pag nag-file siya ng annulment kay Levi, matatahimik na ang buhay niya. Pero mali siya. Sa mundo nilang tatlo, siya ang naging kontrabida. Si  Franchesca ang tunay na mahal ng asawa niya at siya ay panakip-butas lamang, substitute noong mga panahong wasak na wasak ang puso ni Levi dahil sa pag-alis ng ex-girlfriend nito. Kung ihahambing niya sa mga kwentong nabasa niya: dapat siyang mabaliw sa selos, apihin ng lahat, at iwan nang luhaan.  Pero sorry sila. Nasa reyalidad siya ngayon.  Hindi siya papayag maging extra sa love story ng iba. Hindi siya ang iiyak sa gilid habang ang asawa niya at ang babae nito ay naghahalikan sa gitna. This time, siya ang magdidikta ng kapalaran niya at sisimulan niya sa annulment. "Baliw ako? Hindi. Nagising lang ako sa katotohanang matagal na akong ginawang tanga."
Read
Chapter: Chapter 5 - stalking her husband
Sa guest room natulog si Ivory. Mahimbing at tuluy-tuloy ang tulog niya sa buong magdamag. Nakaalis na ng bahay si Levi pagkagising niya. Habang kumakain napansin niya si Manang Laura na tila may gustong sabihin pero nag-aatubili."May problema ba, Manang?" tanong niya sa kasambahay."Nag-away po ba kayo ni Sir? Aburido kasi siya kanina at hindi kumain ng agahan."Naintindihan niya ang pag-aalala ng katulong. Nagsimula itong magtrabaho rito pagkatapos ng kasal nila ni Levi. Kung maghiwalay sila, malamang apektado rin ang trabaho ng kasambahay."May napag-usapan lang kami." Tumango si Manang Laura at umurong para bigyan siya ng privacy habang inuubos ang pagkain sa kaniyang pinggan. Tatlong araw araw na sunud-sunod, hindi na naman umuwi ng bahay si Levi. Tumindi ang ligalig ni Ivory lalo na nang mag-send ng chat ang detectives.- Nag-host ng dinner party si Mr. Malthe sa isang summer resort at ayon sa coverage ng media ay nakapangalan sa Malthe Enterprise. Dumalo ang ilang politiko,
Last Updated: 2026-05-14
Chapter: Chapter 4 - loveless bed
Pagpanhik ni Levi ng sala, nadatnan niya si Ivory na naghihintay. Nasa anyo nito ang pagkainip, pero nang magtagpo ang mga mata nila ay napansin niya ang pamilyar na kinang doon kasabay ang matamis na ngiti. Naglakad ito papalapit. "Maaga ka yata ngayon, dapat sinabi mo at nang nakapaghanda kami sa kitchen."Malamig na tikhim na itinugon ni Levi. Kahit sa simpleng kilos ay hindi maikukubli sa tindig niya ang intimidation. They said, even his eyes can knocked down a tiger and suffocate an elephant.Umiwas ng titig sa kaniya si Ivory, ganito ang ginagawa nito para hindi niya mabasa kung ano ang tumatakbo sa utak ng asawa. Humagod pababa sa kaniyang damit ang paningin nito at kunyari ay tutulungan siyang hubarin ang kaniyang coat."Magbihis ka muna sa itaas," sabi nito at tumingkayad para tanggalin ang coat niya. Akmang tatalikod na ang babae pero hinablot niya ito sa braso at kinuha rito ang coat, ibinigay sa katulong na naroon saka humakbang patungong hagdanan.Kumapit si Ivory sa bra
Last Updated: 2026-05-14
Chapter: Chapter 3 - gathering evidence
Hindi papayag si Ivory na basta na lang ibasura. Tatlong taon silang kasal ni Levi, kung wala siyang magagawa para pantay na mahahati ang property, nangangahulugan lamang iyon na ang pananatili niya sa piling ng lalaki ay walang saysay. Parang lubid kung saan nakasabit ang mga alimasag, kung titingnan ay may pakinabang pero ang totoo ay walang kwenta."Kung mamatay ako, ibig sabihin may nangyaring homicide. Si Levi ang magiging primary suspect. Take note, Lucille, maglikom ka ng mga katibayan, tulungan mo akong gumanti at nang mapunta sa ating dalawa ang mana.""Okay, I got it. Gusto ko 50% ha?" Tango ni Lucille."Magandang ideya," nag-thumbs up si Ivory at nagkatawanan silang magkaibigan. Maya-maya pa ay nagpatuloy na sa seryosong discussion para sa kaniyang annulment. Dahil walang pre-nuptial agreement, maraming terms and conditions ang kailangang baguhin. Binawi ni Lucille ang mga dokumento at inayos."Malaki ang pakinabang sa iyo na wala kayong prenup ni Levi. Kung susumahin nati
Last Updated: 2026-05-14
Chapter: Chapter 2 - the annulment plan
Kahit umalis ng maaga si Levi ay wala namang problema iyon kay Ivory. Sa mga mata niya, busy lagi ang lalaki kaya hindi siya umaangal at naghangad ng extra sa attention na ibibigay nito. Nasa peak na ang market value ng Malthe Enterprise pero tambak pa rin ang trabaho ni Levi tuwing nasa opisina. Processing documents, coordination meetings, going to various grassroots field trips, even hopping to another cities. Minsan, kapag nagtagal ito sa isang lugar, tatawagan siya ng assistant para sumunod. Isa sa mga rason ay para ipakita sa ibang investors at potential business partners at mga kaibigan na maayos ang samahan nilang mag-asawa. Napapakinabangan din nito sa mga social event ang presensya niya. Second reason, para sa libog ng lalaki. Para sa pagnanasa nito at init ng katawan. Ayaw nitong gumamit ng ibang babae. Maingat ito at pihikan. Umiiwas ito sa gulo, higit sa lahat, inaalala nito ang damdamin para kay Franchesca kaya ayaw nitong masangkot sa eskandalo. Takot itong malaman ng
Last Updated: 2026-05-14
Chapter: Chapter 1 - the love returns
Bumalik na sa Pilipinas ang true love ni Levi Duetrich Malthe.Hindi mawala sa utak ni Ivory ang balitang iyon. Umaalog ang ulo niya sa kaiisip at ilang araw na siyang hindi makatulog. Ang eyebags niya, halos magkulay uling na at nagmistulang black-eye sa palibot ng kaniyang mga mata. Gaya ngayon, madaling araw na pero dilat na dilat pa rin siya at hindi niya ma-control ang galit. Pati kamay niya ay para bang may sariling buhay na kusa na lang lumipad at dumapo sa mukha ni Levi habang mahimbing itong natutulog. Pupungas-pungas na nagising ang lalaki at nagmulat. Ang matalim na tingin ay mabilis na naglakbay sa buong silid. Pero nang dumako sa kaniya ang mga mata nito'y kaagad naging banayad ang titig ng asawa. "Iv, I dream that someone hit me," pabulong nitong angal. Hinapit siya nito para sumandal sa matigas nitong dibdib. "Siguro, dahil hindi ka rito sa mga bisig ko natulog kaya ako binangungot." Bahagya itong ngumiti at malagkit na tumitig kay Ivory.May dumaang pagkalito sa mg
Last Updated: 2026-05-14
You may also like
The Tycoon's Twins
The Tycoon's Twins
Romance · SenyoritaAnji
128.7K views
Arranged Marriage To My Boss
Arranged Marriage To My Boss
Romance · xMissYGrayx
127.4K views
Your Hero Your Lover ( Tagalog )
Your Hero Your Lover ( Tagalog )
Romance · Kara Nobela
125.1K views
BILLIONAIRE'S TREASURED MISTAKE
BILLIONAIRE'S TREASURED MISTAKE
Romance · Siobelicious
125.1K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status