LOGINKumalma si Levi at muling nagsalita. "Please, Iv, calm down. We can talk it out properly. If this goes on, the misunderstanding between us will just go worse.""Kahit ano'ng paliwanag ang gagawin mo'y sirang-sira na ako sa publiko dahil sa sakit ng aking ama." Nagpunas ng luha si Ivory. "Dahil sa iyong ina hindi naging madali ang buhay ko bilang asawa mo. Oo, hindi ako nagugutom, may mga mamahaling gamit at kaya kong puntahan ang mga lugar na gusto ko, pero ang pagkatao ko ay parang anino na nababalot ng dilim. Nilunok ko ang mga pang-iinsulto mula sa family mo dahil umaasa akong darating ang time na mamahalin mo rin ako at matitigil lahat ng pangungutya. Hindi nangyari, Levi. Hanggang sa bumalik si Chesca. Ano sa palagay mo ang iisipin ko?""Naniniwala ka talagang hindi kita mahal? Kung wala akong nararamdaman para sa iyo, bakit pa hahanapin at dadalhin sa tabi ko? Ano'ng mapapala ko kung ibubunyag ko ang sakit ng tatay mo? Kung gusto kong mawala ka sa buhay ko, hindi ba mas madalin
Lumapit si Levi at banayad na hinaplos ang buhok ni Ivory. Bigla namang naging emosyonal ang babae, hindi dahil nagtatampo siya kundi sa inis na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin niya napapirma sa annulment papers ang asawa niya. Pigil-pigil ang paghikbi, tinabig niya ang kamay ng lalaki at nahiga. "Umalis ka na, okay lang ako rito. Baka may trabaho ka pa sa opisina, ayaw kong makaabala. Sasabihin na naman ng mommy mo na perwesyo lang ang dulot ko sa iyo." "Nag-alala ako, inisip kong baka nasaktan ka." Pinapakalma siya ni Levi, mahinahon ang boses nito at naroon ang pag-iingat.Umakyat si Greg kasama ang grupo ng mga bodyguard. Sumenyas si Levi na walang mag-iingay. "Maghanda kayo ng makakain at dalhin doon sa may pool," utos ng lalaki sa mga katulong.Naramdaman nitong na may mali, pero hindi ito nangahas na pilitin siyang magsalita."I will stay with you. Matulog ka muna, gigisingin kita once the food is ready at the pool.""Bakit pinaakyat mo rito ang mga bantay? Grou
Binuksan ni Greg ang pinto ng maliit na villa pero natigilan ito nang makita ang bulwagan. Mabilis na lumingon ang sekretary/bodyguard at lalong kinabahan nang makita ang ekspresyon ni Levi. Kaagad nitong itinabi ang sarili sa gilid ng pintuan. Pumasok si Levi at agad dumilim ang mukha. Magulo ang entrance hall ng mansion, kalat-kalat sa sahig ang mga piraso ng papel, ilang upuan ang nakatumba, at basag ang iilang decorative flower pots na nasa counter. Kalat-kalat sa malinis na sahig ang mga halaman at itim na lupa.Kumunot ang noo ni Levi. "Nasaan ang mga kasambahay at ang mga tagalinis? Hinahayaan lang nilang ganito ang bahay?"Bukod sa kalat at maruming sahig, ang dami ring bubog."Did you see those? Paano kung may masugatan? Paano kung maapakan iyan ng asawa ko? Si Ivory ay nagsusuot lang ng malambot na tsinelas dito sa bahay at hindi iyon tumitingin sa sahig pag naglalakad."Kaagad nagpulasan ang mga kasambahay. Ang iba ay hiningal pa at halata ang takot."What happened here?"
Pagkaalis ng mainhouse ay hindi agad umuwi si Levi sa Miracle Graden. Pumunta muna siya sa kompanya para pagalitan ang mga tauhan at alamin kung sino ang nag-leak ng impormasyon, 'yong mga kunwari sumusunod pero sa likod nakikipagsabwatan kay Claudia.Si Don Aurello ay ilang taon nang nakatira sa resthouse at karamihan ng mga gawain ay naipasa na kay Levi. Karaniwan, hinihingi lang nito ang summary ng proyekto at sinisilip ang mga importanteng plano. Isa sa dahilan ay kulang na talaga ito sa lakas. Malapit na rin itong mag-ninety at may cancer pa, kahit gaano ito kahalaga bilang pundasyon ng Malthe, hindi na nito kayang makipagsabayan sa normal na tao. Sa kabilang banda, nakialam din si Levi at sadyang hinaharangan ang mga balita, umaasa na maging smooth ang paglipat ng mana, kaysa maghintay na lang na kusa itong ibigay ng matanda. Pero ngayon nakapupunta si Claudia para magsumbong kay Don Aurello nang hindi man lang nakakatanggap ng balita si Levi. Ang unang problema na kinaharap n
Dumating na parang bagyo si Claudia. Hindi lang marami ang dalang bodyguards, bawat isa sa mga ito ay may dalang stun gun at napapaligiran ng ilang sekretarya na may dalang mga dokumento at files. Halatang handang-handa ito. Pero ang mga pang-iinsulto, paulit-ulit pa rin. Una, minamaliit nito ang pinagmulan ni Ivory, tapos ikukumpara siya kay Chesca. Aminado naman siyang malayo ang agwat nilang dalawa. Pero naririndi na siya sa gasgas na mga salita ng kaniyang biyenan. May kalyo na ang puso niya kaya hindi na siya apektado pa."Hindi ka karapat-dapat, lumayas ka na sa pamilya ko ngayon din! Sinungaling ka, may sakit sa pag-iisip pala ang pamilya mo. Alam ko noong sinabihan kita na nagpapanggap ka lang na baliw, iyon pala totoo talagang may sakit ka sa utak."Pero ngumisi lamang si Ivory. "Bakit hindi mo pagsabihan ang anak mo na palayain ako at nang matapos na ang problema mo? Akala mo ba gusto kong manatili sa piling niya?""Ang yabang mo pa rin? Tingnan natin kung hanggang kailan k
Nagkunwaring humikbi si Ivory at sisinghot-singhot na humilig sa dibdib ni Levi. Pagkahilig ay umirap siya. "Palagay mo magsusumbong si Chesca sa mommy mo?" tanong niya sa asawa. Mas maigi kung iyon ang gagawin ng babaeng iyon. Kailangan niya ng mas dagdag na pressure para tuluyan nang pumayag ang lalaki sa annulment. "Ivory, listen to me." Levi cupped her face and stared her directly. His eyes were unfathomable, up close, he possessed a cold hardness like an inorganic substance, making him difficult to see through. "If you want, I can distance myself from Chesca. In fact, after we ger married, I basically stayed away from places where socialites are rampant." Mahinahon itong nagsalita. "Who are you trying to fool? Yong si Gino lagi akong sinisendan ng mga larawan ninyo, kasama ang sinu-sinong mga babae." Umismid siya."That's business, most of them are representatives from the investors." "Rep na pang-seduce sa iyo? Para i-shortcut ang investments, I know." She brushed him off.B
Huminga ng malalim si Ivory. Sabagay, bakit pa ba siya magtataka kung alam ni Levi na parating siya? Sa tatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa'y kabisado na niya kahit papaano ang kakayahan at pwersa nito. Masyado itong maingat kahit sa pinakamaliit na detalye. Tuwing lumalabas ay may kasam
Sa guest room natulog si Ivory. Mahimbing at tuluy-tuloy ang tulog niya sa buong magdamag. Nakaalis na ng bahay si Levi pagkagising niya. Habang kumakain napansin niya si Manang Laura na tila may gustong sabihin pero nag-aatubili."May problema ba, Manang?" tanong niya sa kasambahay."Nag-away po
Pagpanhik ni Levi ng sala, nadatnan niya si Ivory na naghihintay. Nasa anyo nito ang pagkainip, pero nang magtagpo ang mga mata nila ay napansin niya ang pamilyar na kinang doon kasabay ang matamis na ngiti. Naglakad ito papalapit. "Maaga ka yata ngayon, dapat sinabi mo at nang nakapaghanda kami s
Hindi papayag si Ivory na basta na lang ibasura. Tatlong taon silang kasal ni Levi, kung wala siyang magagawa para pantay na mahahati ang property, nangangahulugan lamang iyon na ang pananatili niya sa piling ng lalaki ay walang saysay. Parang lubid kung saan nakasabit ang mga alimasag, kung titing







