author-banner
Jd Martis
Jd Martis
Author

Novels by Jd Martis

The CEO's Little Matchmaker

The CEO's Little Matchmaker

‎Anim na taon matapos maghiwalay sina Celestine at Alessandro dahil sa isang malaking hindi pagkakaunawaan, pilit na bumabangon si Celestine at naghahanap ng bagong trabaho. Ngunit hindi niya inaasahang ang kumpanyang pupuntahan niya para sa interview ay pagmamay-ari mismo ng lalaking minsang sumira sa kanyang puso, si Alessandro Virelli. ‎ ‎Habang pilit na iniiwasan ni Celestine si Alessandro, gagawin naman nito ang lahat upang muling mapalapit sa kanya. Sa tulong ng makulit at adorable na si Sophia, ang adopted daughter ni Alessandro, unti-unting nagbabalik ang damdaming akala nila’y tuluyan nang nawala. Ngunit bago nila muling matagpuan ang pagmamahalang minsang nawala, kailangan muna nilang harapin ang mga lihim, maling akala, at sakit na naghiwalay sa kanila.
Read
Chapter: Chapter 122
Celestine’s POVMatapos ang isang masaya at tahimik na hapunan kasama ang mga bata, umakyat ako sa aming silid upang maligo.Ang mainit na tubig na dumadaloy sa aking likod ay nakatulong upang maalis ang matinding pagod ng nakalipas na dalawang araw. Nagsuot ako ng simpleng panggabing damit na gawa sa sutla at dahan-dahang lumabas ng banyo habang pinapatuyo ng tuwalya ang aking basang buhok.Paglabas ko, nakita ko si Alessandro na nakaupo sa gilid ng aming malaking kama. Nakasalamin siya habang hawak ang ilang folder ng mga dokumento. Subalit halatang hindi naman talaga siya nagbabasa. Matigas ang kaniyang pagkaka-upo, nakatagaytim ang kaniyang panga, at ang kaniyang mga mata ay nakatitig sa bakanteng kalawakan na para bang napakalayo ng kaniyang iniisip.Umupo ako sa tapat ng salamin at kinuha ang aking suklay."My love," mahinang panimula ni Alessandro, bumasag sa katahimikan ng silid.Napatigil ang kamay ko sa pagsuklay. Tumin
Last Updated: 2026-10-04
Chapter: Chapter 121
Sophia’s POVNapakunot ang noo ko. Automatic na naging alerto ang pakiramdam ko habang nakatitig kay Mr. Valderama.How does he know my dad?Sure, sikat si Dad sa business world, pero iba ang paraan ng pagbanggit ni Mr. Valderama sa pangalan niya. It sounded personal, heavy, at may halong kakaibang pait na hindi ko maipaliwanag."Hmm... he's okay," sagot ko habang dahan-dahang umaatras nang kaunti. "Bakit niyo po naitanong, Mr. Valderama? Magkakilala po ba kayo ni Dad?"Isang mabagal at misteryosong ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi. Bahagya niyang inayos ang cuffs ng kaniyang suit jacket. "We go way back, Sophia. Your father and I used to—""Sophia!"Isang madiin, malamig, at napakalakas na boses ang sumira sa katahimikan ng bakanteng hallway.Nalingon ako pabalik. Nakatayo sa dulo ng koridor si Dad. Suot pa niya ang kaniyang pormal na polo shirt at slacks, pero wala na ang kaniyang suit jacket. His jaw was clenched tight, and his dark eyes were burning with an intensity that ma
Last Updated: 2026-10-03
Chapter: Chapter 120
Sophia’s POVKinaumagahan, alas-siyete na ng umaga pero wala pa rin sina Mom at Dad.Nakatayo ako sa may kusina habang inaayos ang baon ni Celone. Si Yaya Linda naman ay halatang balisa habang nagtitimpla ng gatas. Buong gabi kaming hindi nakatulog nang maayos ni Celone dahil bigla na lang nawala sina Mom matapos 'yong matinding away nila kagabi."Ate Sophia... di ba talaga sila uuwi?" mahinang tanong ni Celone habang nakatitig sa cereal bowl niya, handa na namang maiyak."Uuwi 'yon, Celone. Huwag kang mag-alala," pagsisinungaling ko. Pero sa totoo lang, naghahanda na ako sa utak ko kung paano kami mag-eexplain sa school kapag nagtanong ang guidance counselor.Biglang narinig ang tunog ng bumukas na napakalaking main door.Mabilis akong lumabas ng kusina, nakahanda ang dibdib ko sa pinakamalalang eksena, akala ko hiwalay na sila o kaya may dala nang abogado si Dad. Pero nang makita ko silang dalawa na pumasok sa living room, napatigil ako sa gitna ng silid.Gulo-gulo ang buhok ni Dad.
Last Updated: 2026-10-03
Chapter: Chapter 119
Celestine’s POVHumarurot ang sasakyan sa gitna ng madilim at tahimik na kalsada. Nakasandal ang ulo ko sa malamig na salamin ng bintana habang umiikot pa rin ang paligid dahil sa dami ng nainom ko. I was waiting to see the familiar high gates of our mansion, pero nagtaka ako nang lumiko ang SUV patungo sa isang eksklusibong residential tower sa Puerto Rosario.It was one of Alessandro’s private penthouses, isang lugar na matagal na naming hindi napupuntahan."Bakit tayo nandito?" asik ko habang pilit na itinutulak ang door ng sasakyan. "Ayoko rito, Alessandro. I want to go home to my children!"Hindi siya sumagot. Binuksan niya ang dior sa side ko, unceremoniously pulled me out, at hawak ang aking pulso habang hila-hila ako pabalik sa private elevator. Galit ang kaniyang boses sa bawat paghinga, at ang kaniyang hawak sa akin ay mahigpit parang ayaw niya akong pakawalan kahit isang segundo.Nang makapasok kami sa loob ng penthouse, marahas niyang isinarado ang door at ibinalandra ako
Last Updated: 2026-10-01
Chapter: Chapter 118
Celestine’s POVAng mga salita ni Sophia ay parang matatalim na salamin na dumaan at dumurog sa kaibuturan ng aking puso.Habang naririnig ko ang marahas na pagbalandra ng doir ng kaniyang kwarto sa ikalawang palapag, pakiramdam ko ay nawalan ako ng hangin. I stood there in the middle of the sprawling, ice-cold living room, trembling uncontrollably as tears blurred my vision. I turned my head slowly to look at Alessandro. Nakatunganga lang siya habang nakatitig sa hagdan, his face completely drained of color, his usual intimidating, unyielding posture shattered into pieces. His hands were frozen in mid-air as if he were trying to reach for the children who had just rejected us.For the first time in eight years of our marriage, the invincible Alessandro Virelli looked completely defeated.Pero hindi ko na kayang manatili roon para panoorin siyang madurog, dahil nararamdaman kong sabay kaming nawawasak. Ang amoy ng mansyon, ang nakakabinging katahimikan, at ang mabigat na kasalanan na
Last Updated: 2026-10-01
Chapter: Chapter 117
Sophia’s POVKinabukasan, matapos ang malaking away nina Mom at Dad sa living room, maagang nagising ang buong bahay. It was Sunday—the day of their company’s much-anticipated annual Charity Gala.Unang bumaba si Dad, dressed in a bespoke charcoal suit that fits him perfectly. He looked completely composed and powerful, as if the heated argument from the night before had never happened. Wala ni isang bakas ng pagod, inis, o galit sa kaniyang mukha. His expression remained calm and unreadable.Maya-maya, sumunod si Mom. Breathtaking as always, she descended the staircase wearing a deep emerald silk dress that flowed elegantly with every step. Her hair was swept into a flawless chignon, revealing her delicate features and giving her an effortlessly sophisticated appearance.Kung hindi mo sila kilala, you would never guess that just hours ago, the two of them had been standing in the same room, exchanging words that could have shattered the silence of the entire house."Good morning, swe
Last Updated: 2026-09-29
A Sip of Sin

A Sip of Sin

‎Dr. Judeious “Riot” Montenegro, 32, is a respected and confident obstetrician-gynecologist na sanay laging in control hanggang sa makilala niya si Cinderella. ‎ ‎What was supposed to be a simple checkup becomes the moment his self-control starts to fall apart. Pero hindi sang-ayon ang makapangyarihang pamilya ni Riot. Para sa kanila, walang lugar ang isang babaeng walang diploma, yaman, o kilalang apelyido sa mundo nila. ‎ Can Cinderella rewrite her own fairy tale, or will reality prove na hindi lahat ng Cinderella ay nagkakaroon ng happily ever after?
Read
Chapter: Chapter 20
CINDERELLA’S POVMula sa pagkakadilat ng mga mata ko, ang unang nakita ko ay ang maaliwalas na liwanag ng umaga na dahan-dahang tumatama sa kwarto namin. Ang liwanag na iyon ay parang nagpapaalala sa akin na hindi na ako nananaginip.Lunes na!Ito na 'yung araw na sobrang kinatatakutan ko nitong mga nakaraang araw. Ito 'yung Lunes na iniisip ko pa lang kagabi ay pinalilipad na agad ang libo-libong paruparo sa tiyan ko. Pero kakaiba ang gising ko ngayon. Maayos at tahimik ang tulog ko, at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, tila nawala ang mabigat na bara sa dibdib ko. Marahil ay dahil sa panatag na pakiramdam na ibinigay sa akin ni Dok, o kaya naman sa paraan ng pag-aalaga niya sa akin.Dahan-dahan akong bumangon mula sa malambot na kama. Isinuot ko ang aking pambahay na tsineleas at naglakad palabas ng kuwarto. Maya-maya pa, agad na humalik sa ilong ko ang napakabango, nakagugutom, at mainit na amoy ng pagkain mula sa kusina.Nakatayo doon si Riot sa tapat ng kalan. Nakasuot siya ng
Last Updated: 2026-09-02
Chapter: Chapter 19
RIOT'S POV Pumutok ang liwanag ng araw ng Linggo, at mula sa kusina, narinig ko na agad ang kaluskos ng mga gamit sa sala. Bukas na ang unang araw ng klase ni Cindy sa Westmoor College. Paglabas ko ng room ko, natagpuan ko si Cindy na nakaupo sa gitna ng carpet. Naka-hanay sa harap niya ang lahat ng bago niyang school supplies. Dahan-dahan niyang pinalilitaw ang dulo ng bawat pastel pink highlighter, tinititigan ito nang ilang segundo, bago maingat na itatabi pabalik sa loob ng kanyang pencil case. "Maaga ka pumasok sa kwarto kagabi, tapos maaga ka ring nagising ngayon," nakangiti kong bati habang lumalapit at nauupo sa tabi niya. Napatingin siya sa akin. Wala ang dating takot o pagpapanic sa mukha niya, pero halatang balisa siya sa kanyang sariling, tahimik na paraan. "Inaayos ko lang 'yung mga gamit, Riot," mahinang sagot niya. Hinawakan niya ang gilid ng kanyang bagong backpack. "Hindi kasi ako makatulog nang maayos. Iniisip ko lang na bukas na talaga." Inabot ko ang kanyang
Last Updated: 2026-08-29
Chapter: Chapter 18 (SPG)
RIOT'S POV Lumipas ang tatlong araw, at gaya ng ipinangako ni Roman, pumasok ang pinakahihintay kong balita. "Nagawa ko na, bro," proud na sabi ni Roman sa telepono noong isang araw. "Westmoor College, one of the best private universities in the city. Ang sabi ng VP for Academic Affairs, nagawan nila ng paraan para sa special admissions category under an adult learning alternative program. Gumawa lang ng kaunting magic sa background papers at home-school credit equivalents." Hindi ko alam kung magkano ang ginastos o sinong Santo ang tinawagan ni Roman sa board of trustees, pero hindi na mahalaga 'yon. Ang mahalaga, nakatayo na ako ngayon sa gitna ng sala habang pinagmamasdan ang limang malalaking paper bag na puno ng gamit ni Cindy para sa pag-aaral. "Uy Dok! Ano 'yang mga 'yan?" mahinhin na tanong ni Cindy habang lumalabas ng silid-tulugan. "Your school supplies," nakangiti kong sagot. Lumapit ako at isinulat ang pangalan niya sa isang mamahaling pastel pink binder. "May mga note
Last Updated: 2026-08-28
Chapter: Chapter 17
RIOT’S POVNakatingin ako kay Cindy habang payapa siyang natutulog sa kama. Marahan kong inayos ang ilang strands ng buhok na humaharang sa kaniyang mukha. Pumasok ang liwanag ng umaga mula sa bintana, at sa kabila ng lahat ng kaguluhang nangyari kahapon kasama sina Mommy at Charlotte, pakiramdam ko ay ngayon lang naging tahimik ang buhay ko.Tahimik, pero may kailangang ayusin.Dahan-dahan akong tumayo at lumabas ng kuwarto bitbit ang telepono ko. Pumasok ako sa balkonahe at agad na hinanap ang numero ng matalik kong kaibigan.I dialed Roman’s number. Dalawang ring pa lang ay sinagot na niya agad."Hey, man. Napatawag ka? Balita ko mainit ang ulo ng pamilya mo ngayon, ah?" bungad ng boses ni Roman sa kabilang linya.I rolled my eyes. Hindi ko alam kung paano kumalat agad ang nangyari, pero sa pamilya ko talaga, walang sikreto ang nagtatagal."I need a favor, Roman," seryoso kong panimula, walang paligoy-ligoy. "I need you to pull some strings for me.""Ano? Bro, mukhang tinamaan ka n
Last Updated: 2026-08-09
Chapter: Chapter 16
CINDERELLA’S POVNagmumulat pa lang ang mga mata ko pero ramdam ko na agad ang malaking pagbabago sa katawan ko.Wala na ang nakakalyong init sa noo ko at hindi na rin mabigat ang aking ulo. Dahan-dahan akong umupo sa malambot na kama habang maingat na itinutulak ang kumot. Masakit pa rin nang kaunti ang ibabang bahagi ng katawan ko kapag gumagalaw, pero hindi na katulad ng matinding kirot kaninang madaling-araw.Nasaan si Riot?Wala na siya sa tabi ko, pero ang kaniyang pamilyar at mababangong amoy ay nakatatak pa rin sa mga unan.Dahan-dahan kong ibinaba ang mga paa ko sa sahig. Bahagya pa akong napahawak sa headboard dahil sa kaunting pagkahilo, pero pilit kong inayos ang sarili ko. Inayos ko ang suot na t-shirt ni Riot na umaabot hanggang sa gitna ng aking hita at marahang lumabas ng silid.Agad na humalik sa ilong ko ang masarap na amoy ng mainit na sabaw at napipritong pagkain.Sa malawak at malinis na kusina, nakita ko si Riot. Nakatalikod siya sa akin, walang suot na pang-itaa
Last Updated: 2026-08-09
Chapter: Chapter 15
CINDERELLA'S POVAko, mag-aaral ng college? Gusto kong umiyak sa matinding halong gulat at saya na biglang lumapot sa dibdib ko. Nanatili akong tahimik habang pilit kong inuunawa ang bawat salitang lumabas sa labi ni Dok.Nakatitig lang ako sa kanya, natigilan sa tanong niya habang hinihintay ang sagot ko.Gusto ko. Diyos ko, gustong-gusto ko!Agad na pumasok sa isip ko ang lahat ng pang-aapi at masasakit na salitang ipinamukha sa akin ni Mrs. Eleanor. Masakit, pero alam kong iyon ang masalimuot na katotohanan. Wala akong maipagmamalaki. Wala man lang ni isang pirasong papel o titulo na nakadikit sa pangalan ko para patunayang may halaga ako sa mundong ito.Pero higit sa kagustuhan kong patunayan ang sarili ko sa pamilya niya, may isang alaala na matagal nang nakabaon sa puso ko ang biglang sumulpot.Nangyari iyon noong labing-apat na taong gulang pa lang ako. Nagawa kong makatakas mula sa madilim at mabahong basement ng tiyahin ko. Halos gumapang ako sa takot, ngunit nang makalapit a
Last Updated: 2026-08-08
Trapped by the Governor

Trapped by the Governor

Single mother at stripper si Karolina Korkova, ginagawa ang lahat para mapagamot ang anak niyang may cancer. Ngunit matapos niyang masaksihan ang makapangyarihang Gobernador Alejandro Volkov Delgado na pumatay ng isang lalaki, napilitan siyang tanggapin ang alok nitong contract marriage kapalit ng pagpapagamot sa kanyang anak. Ang kasal na nagsimula sa takot at pamimilit ay nauwi sa isang mapanganib na obsession. Sa mundong puno ng kapangyarihan, dugo, at lihim, makakatakas pa kaya si Karolina sa lalaking tinatawag niyang asawa?
Read
Chapter: Epilogue
They say love at first sight is rare. But no one ever warns you that the same glance that steals your heart can also leave you with the cruelest choice of your life. Alejandro fell in love the moment he saw Karolina in the VIP room of a stripper club. Friday night iyon. Birthday ni Roman, at doon nila napiling mag-celebrate. Ironically, doon din nila nalaman na nagtatrabaho pala roon si Roman. Actually, iba-iba naman talaga ang trabaho ng kaibigan nila. He's a government agent... or whatever. Who cares, anyway? Ang alam lang nila, naroon siya para gawin ang trabaho nito. Samantalang si Karolina? Isa siya sa mga stripper ng club. Napasandal si Aldous, ang kakambal niya, sa sofa habang nakatitig kay Karolina. Napailing pa ito at napangisi. "Look at that woman," sabi nito, bilib na bilib sa nakikita. "Fucking goddess." Bahagyang natawa si Roman. "Well, obviously. Everyone's crazy about her," sabi niya habang iniikot ang baso ng whiskey sa kamay. "Siya ang pinakamalaking hatak ng cl
Last Updated: 2026-07-23
Chapter: Chapter 65
Nakatayo ang lumang Meat Processing Plant sa pinakagitna ng masukal at matagal nang abandonadong industrial zone ng Puerto Rosario. Isa itong napakalaking gusaling bakal at semento na matagal nang nilamon ng kalawang, panahon, at katahimikan. Basag ang karamihan sa mga bintana, nakalaylay ang mga lumang conveyor chains, at ang mga dingding ay nababalot ng lumot at tuyong dugo ng mga hayop na noon ay kinakatay roon. Sa gitna ng malakas na buhos ng ulan, mistulang isa itong higanteng halimaw na tahimik na nag-aabang ng susunod nitong mabibiktima. Walang ilaw sa labas. Tanging ang paminsan-minsang kidlat na humahati sa kalangitan ang nagbibigay-liwanag sa madilim na estruktura. Mula sa loob ay maririnig ang paos na ugong ng isang lumang generator, the only sign that the place was still alive. Kasabay nito ang mahinang pagpatak ng tubig mula sa sirang bubong at ang nakabibinging katahimikan bago ang unos. Ilang metro ang layo, dahan-dahang huminto ang convoy ng mga Delgado. Sunod-su
Last Updated: 2026-07-22
Chapter: Chapter 64
Lumipas ang limang oras. Limang oras ng purong impyerno para kay Alejandro.Sa loob ng security command center ng kapitolyo, nagkakagulo ang lahat. Ang dating tahimik at organisadong silid ay napuno ng ingay ng mga radyo, sunod-sunod na ring ng telepono, at mabilis na pagpindot ng mga keyboard ng mga IT experts at intelligence team.Ngunit sa kabila ng lahat ng tao at kagamitang itinapon ni Alejandro sa paghahanap, wala pa ring ni isang bakas.Nawala ang itim na van sa mga blind spot ng lumang highway patungong kabundukan. Walang nakakita. Walang nag-report. Tila ba nilamon ng lupa si Karolina at Landon.Nakatayo si Alejandro sa harap ng malaking mapa ng probinsya. Hukot ang kanyang mga balikat, at ang kanyang polo na dati’y maayos ay nakatupi na sa mga braso. Malalim ang kaitiman sa ilalim ng kanyang mga mata. Sa bawat minutong lumilipas na wala siyang balita, unt-unting pinapatay ng takot at galit ang kanyang sistema."Governor," lumapit ang kanyang Chief of Police, nanginginig ang
Last Updated: 2026-07-22
Chapter: Chapter 63
Lumipas ang ilang linggo.Mas lalo nang lumaki ang tiyan ni Karolina. Halos pitong buwan na ang kanyang dinadala, at dahil unti-unti nang bumabalik ang sigla niya, nagsimula na rin siyang mamili ng mga gamit para sa kanilang magiging anak.Sa loob ng opisina ng Gobernador, isinara ni Alejandro ang isang makapal na folder bago tumingin sa asawa."I'm sorry, sweetheart."Napatingin si Karolina. "Hmm?""I promised I'd go shopping with you today." Bahagya itong napabuntong-hininga. "But the council moved an emergency budget meeting. Kailangan kong tapusin 'to bago mag-alas singko."Ngumiti si Karolina at marahang hinawakan ang pisngi nito. "It's okay. Hindi naman mauubos ang mall.""I still don't like the idea of you going without me."Napailing siya. "Hindi naman ako mag-isa. May security detail naman."Tahimik na tinitigan siya ni Alejandro bago tuluyang sumuko."Fine." Tumayo ito at marahang yumuko upang halikan ang noo niya. "But promise me one thing.""What?""Don't leave the guards.
Last Updated: 2026-07-22
Chapter: Chapter 62
Tahimik na ang buong Capitol. Halos lahat ng empleyado ay nakauwi na, at tanging mahihinang yabag ng mga guwardiya at ang tunog ng air conditioner ang maririnig sa malawak na opisina ng gobernador. Abala si Alejandro sa pagpirma ng mga dokumentong nakasalansan sa kanyang mesa, habang si Karolina naman ay nakaupo sa mahabang leather sofa. Nakahawak siya sa kanyang anim na buwang buntis na tiyan habang paminsan-minsang napapangiwi. Hindi pa rin siya makapaniwalang anim na buwan na ang kanyang dinadala. Pakiramdam niya'y kailan lang nang malaman niyang buntis siya, at kasabay noon, tuluyan din niyang nawala ang anak niyang si Jed. Napahawak siya sa kanyang tiyan at napangiti nang mapait. Habang lumalaki ang sanggol sa kanyang sinapupunan, mas lalo rin niyang nami-miss ang kanyang munting anghel. Ilang minuto ang lumipas bago siya napabuntong-hininga. "Sweetheart..." Hindi tumingin si Alejandro, ngunit agad siyang sinagot. "Hmm?" "Masakit na paa ko." Kaagad nitong ibinaba ang hawak
Last Updated: 2026-07-20
Chapter: Chapter 61
Ang pribadong hardin ng mga Delgado ay ginawang isang elegante at napakagandang venue para sa selebrasyon. Napuno ito ng mga dekorasyong puti at ginto, habang sa gilid ay nakatayo ang isang malaking backdrop na may nakasulat na, "Boy or Girl?", katabi ang isang napakalaking balloon box na naghihintay sa pinakahihintay na gender reveal. Unlike the grand events hosted by influential families, this celebration was intentionally kept intimate. Only the people closest to Alejandro and Karolina were there. Present sa selebrasyon sina Doña Emilia, Mommy Beck, Jane, Aldous, Romano, at ang pinakamalalapit na kaibigan ni Alejandro—sina Riot, Roman De Luca, Sebastian Laurent, Tobias Kane, Roman Vincent Castellano, at Silas Moril Moretti, na minsan na ring nakilala ni Karolina noon. Habang nagkukuwentuhan ang lahat, hindi maiwasang mapangiti ni Karolina. Hindi niya akalaing mararanasan niya ang ganitong klaseng selebrasyon. Noong ipinagbubuntis niya sina Ely at Jed, walang gender reve
Last Updated: 2026-07-19
You May Also Like
A Night With Stevenson
A Night With Stevenson
Romance · Bratinela17
47.2K views
Raising The Billionaire's Child
Raising The Billionaire's Child
Romance · Yohanna Leigh
47.1K views
THE GLASS QUEEN (TAGALOG)
THE GLASS QUEEN (TAGALOG)
Romance · Ashley Grace
47.1K views
Owned You
Owned You
Romance · Ms. El
47.0K views
The Rejected Wife
The Rejected Wife
Romance · Madam Ursula
47.0K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status