Mag-log inCelestine's POV
Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa screen ng phone ko. Nakalagay na roon ang salitang ‘Following’ sa tapat ng pangalan ni Alessandro, at kasabay noon ay lumabas na ang mga posts niya sa feed ko."Hindi pwede," bulong ko sa sarili ko habang nanginginig ang mga daliri ko.Bigla akong nag-panic. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko at bumilis nang sobra ang tibok ng puso ko. Kakasabi ko lang kanina sa isip ko na ayoko siyang i-accept dahCelestine's POVNapatitig ako sa huling mensahe niya sa screen ng phone ko. Halos maramdaman ko ang pag-akyat ng init mula sa leeg ko hanggang sa magkabila kong pisngi."Ang kapal talaga ng mukha nito," bulong ko sa sarili ko habang mabilis na nagta-type ng isasagot. Kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko bago pa niya isipin na sobrang apektado ako sa kanya at nagseselos ako sa kapatid niya.celestine.m: Excuse me? Hindi no! Bakit ko naman iisipin 'yan? Hindi lang talaga ako lumapit kasi ayoko makaistorbo sa usapan niyo.Pinindot ko ang send at huminga nang malalim, pilit na pinapakalma ang tibok ng puso ko. Tumayo ako saglit para kunin ulit ang ice cream sa study desk ko. Medyo tunaw na ang gilid nito dahil nakalimutan ko kanina noong nag-panic ako, pero kinuha ko pa rin at bumalik sa kama.Wala pang limang segundo ay nag-vibrate na naman ang phone ko.alessandro.d: Sure, kung 'yan ang sabi mo.Inirapan ko ang screen
Celestine's POVNanlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa screen ng phone ko. Nakalagay na roon ang salitang ‘Following’ sa tapat ng pangalan ni Alessandro, at kasabay noon ay lumabas na ang mga posts niya sa feed ko."Hindi pwede," bulong ko sa sarili ko habang nanginginig ang mga daliri ko.Bigla akong nag-panic. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko at bumilis nang sobra ang tibok ng puso ko. Kakasabi ko lang kanina sa isip ko na ayoko siyang i-accept dahil naiinis ako at ayokong magmukhang sabik, tapos ngayon ay aksidente ko pang napindot ang confirm button! At ang mas malala pa, dahil naka-follow back na rin ako, lalabas na sa notifications niya na tinanggap ko na ang request niya!"Anong gagawin ko? I-unfollow ko kaya? O i-remove follower?" tarantang tanong ko sa sarili ko habang naglalakad nang pabalik-balik sa maliit na espasyo sa tabi ng kama ko.Nakalimutan ko na ang ice cream na hawak ko at ipinatong ko na lang iyon sa
Celestine's POVSa wakas, natapos din ang nakakabaliw na major exam namin. Paglabas ko ng university gate, huminga ako nang malalim habang binabagtas ang mahabang sidewalk pauwi sa dorm. Pakiramdam ko ay tuyong-tuyo na ang utak ko sa dami ng sinagutan ko kanina, kaya gusto ko na lang talagang umuwi, maligo, at matulog nang maaga.Habang marahang naglalakad, hawak ko ang phone ko sa kanang kamay. Nakabukas ang Instagram app ko at nakatitig ako sa pending follow request mula kay @alessandro.d. Kanina pa ito simula noong matapos ang exam ko, pero hindi ko pa rin pinipindot ang confirm button. Ewan ko ba. Ayoko lang magmukhang sobrang sabik o madaling makuha, lalo na at binanggit niya kanina sa hallway na nag-follow siya. Napangiti ako nang bahagya sa sarili ko habang naaalala ang mukha niya kanina bago ako pumasok sa exam room.Pero biglang nawala ang magandang mood ko nang may marinig akong tumawag sa pangalan ko mula sa likuran."Celestine! Sandali
Alessandro's POVPagdating ko sa sarili naming building, mabilis akong umakyat sa third floor kung saan nakapwesto ang classroom namin. Kakaunti pa lang ang mga blockmates ko sa loob nang pumasok ako, at nandoon na sa harapan ang professor namin na si Mr. Kanlas, abala sa pag-aayos ng laptop at projector sa ibabaw ng teacher's desk. Dumiretso ako sa pinakadulong row malapit sa bintana at inilapag ang backpack ko sa katabing bakanteng upuan para walang tumabi sa akin.Ilang minuto lang ang lumipas ay napuno na rin ang room at nagsimula nang magsalita si Mr. Kanlas. Noong una ay akala ko magbibigay siya ng surprise quiz o magpapa-recitation tungkol sa last topic namin, pero laking pasalamat ko nang sabihin niyang tungkol lang pala sa final project proposal ang announcement niya ngayong umaga. Naka-upload na rin daw sa student portal ang buong guidelines, deadline, at rubrics na kailangan naming sundin.Napakibit-balikat na lang ako at isinandal ang likod ko sa upuan. Hindi na ako masyad
Alessandro's POVAlas-sais pa lang ng umaga nang magising ako. Hindi na ako naghintay na tumunog ang alarm ko sa phone; kusa na lang nagmulat ang mga mata ko habang madilim pa nang bahagya sa labas ng malalaking bintana ng apartment ko.Ang unang ginawa ko? Inabot ko agad ang phone ko sa ibabaw ng bedside table.Binuksan ko ang screen at dumiretso sa Inst4gram ko, umaasang may makikita akong bagong notification. Pero pagbukas ko ng activity tab, walang kahit anong mensahe o follow back mula kay Celestine. Binisita ko ulit ang profile niya, at nakalagay pa rin doon ang salitang ‘Requested’.Napatitig ako sa screen nang ilang segundo, bahagyang nakakunot ang noo. "What the hell," mahinang bulong ko sa sarili ko habang sumasandal sa headboard ng kama.Hindi ako sanay sa ganito. Sa tuwing may babaeng nakakakuha ng IG handle ko o kung ako mismo ang nag-a-add sa kanila, ilang minuto lang ay may message na agad akong natatanggap o naka-follow ba
Alessandro's POVTahimik ang buong apartment pagpasok ko. Isinara ko ang door, inilagay ang susi sa maliit na tray sa gilid ng entrance, at dumiretso sa malawak na sala. Malaki ang unit na ito, may mataas na kisame, dark gray na mga pader, at malalaking bintana kung saan tanaw ang mga ilaw ng siyudad sa labas. Minimalist lang ang ayos dito: isang malaking black leather couch, wooden coffee table, at isang malinis na study desk sa gilid malapit sa bintana. Dito ako mas nakakapag-isip nang maayos, malayo sa ingay ng campus.If you're wondering why I'm still in college when I'm already pushing thirty, well, I'm twenty-eight, actually. This isn't my first degree, either. Natapos ko na kasi 'yung una, and I guess I got bored with life kaya naisipan kong mag-aral ulit. Nothing wrong with that, right?Ibinaba ko ang backpack ko sa sahig at hinubad ang navy blue hoodie ko, naiwan ang plain black shirt na suot ko sa loob. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng mala







