
Sweet Revenge, Fake Marriage
Limang taon ang binigay ni Aria Alcantara para sa fiancé niya; halos iikot na nga ang buhay niya rito. Pero nawasak ang lahat nang mahuli niya itong may relasyon pala sa sarili niyang kapatid. Mas matindi pa rito, nagawa pa siyang baligtarin ng dalawa. Pinalabas nilang si Aria ang may kasalanan, kaya tuluyan siyang itinakwil at pinalayas ng sarili niyang pamilya nang walang kahit ano.
Noong lugmok na lugmok na si Aria, nakatagpo niya sa isang bar si Ethan Vance—isang makapangyarihan at kinatatakutang CEO na binansagang "Billionaire Grim Reaper" sa mundo ng negosyo. Dahil hawak ni Aria ang isang sekretong dokumento na pwedeng magpabagsak sa mga nanloko sa kanya, naglakas-loob siyang lumapit at makipag-usap kay Ethan para humingi ng tulong at maghiganti.
Pero imbes na trabaho ang i-alok, isang kakaibang kasunduan ang ibinigay ni Ethan— isang kasal sa papel na puno ng panganib. Kailangan ng bilyonaryo ng asawa para makuha ang mana niya, habang si Aria naman ay kailangan ng backer at impluwensya para mapabagsak ang mga nanira sa kanya.
Sa gitna ng pekeng kasal, matitinding labanan sa business world, at tensyong unti-unting nahuhulog sa totohanan, mapipigilan kaya ni Aria na ma-fall kay Ethan? O ang paghihiganting ito ang tuluyang sisira sa kanilang dalawa?
Read
Chapter: CHAPTER 6ARIA ALCANTARA POVMabigat ang kamay na binitawan ko ang mamahaling fountain pen sa ibabaw ng mesa. Nakatitig lang ako sa dalawang pirma na magkatabi sa dulo ng Marriage Contract. Isang pirasong papel lang ’to, pero alam kong binago nito ang direksyon ng buhay ko habambuhay. Sa isang kurap, hindi na lang ako si Aria Alcantara na itinakwil at pinalayas; ako na ang asawa ni Ethan Vance."Good," maikling saad ni Ethan. Kinuha niya ang dokumento, mabilis na isinara ito, at ibinalik sa loob ng kanyang drawer. Susi agad ang sumunod. Ganoon siya kabilis at ka-kalkulado sa lahat ng bagay. "Now that the papers are signed, it’s time to fix your current situation. Saan mo balak tumuloy ngayon?"Tumingin ako sa bintana, pilit na itinatago ang bahagyang hiya. "Sa totoo lang, nakikituloy lang ako sa isang maliit na apartment ng dati kong kaklase sa labas ng siyudad. Pansamantala lang naman, habang inaayos ko pa ang mga susunod kong plano.""No," mabilis na agaw ni Ethan, ang boses niya ay walang pu
Last Updated: 2026-06-18
Chapter: CHAPTER 5ARIA ALCANTARA POVNarinig ko ang mahinang tunog ng pagsasara ng pinto sa labas. Umalis na ang secretary niya, at kasabay nito ang pagbaba ng matinding katahimikan sa buong 50th floor. Kami na lang dalawa ni Ethan Vance ang natira sa malawak at modernong opisina na ito.Lumakad siya pabalik sa gawi ko, pero hindi siya naupo sa swivel chair niya. Sa halip, sumandal siya sa gilid ng mesa, ilang dangkal lang ang agwat mula sa akin. Ipinasok niya ang magkabilang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. Ang matalim niyang tingin ay parang nagpapatagos sa kung anong natitirang tapang ko."You stole my flash drive, spent a night in my bed, and now you're offering to destroy your own family?" tanong niya, ang boses niya ay may mababang tono na nakakakilabot ngunit may kasamang kakaibang amusement."They are no longer my family," walang kurap kong sagot, pinapanatili ang lamig sa bawat salita. "I want them ruined, and you want their empire. Let's help each other."Bahagyang umangat ang sulok ng lab
Last Updated: 2026-06-16
Chapter: CHAPTER 4ARIA ALCANTARA POVUmupo ako sa swivel chair sa tapat ng malaking mesa niya. Tuwid ang likod ko, balikat na nakababa, at mukhang kalmado kahit ang totoo ay nagwawala na ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba.Si Ethan Vance ay mas nakakatakot pala sa ilalim ng maliwanag na ilaw ng opisina kaysa sa madilim na sulok ng bar. Suot niya ang isang charcoal black na custom suit, walang kahit anong gusot, at ang bawat kilos niya ay may dalang bigat na nakakailang."I've read your basic profile from the reception," panimula niya, ang boses niya ay malalim at walang kahit anong emosyon habang nilalagyan ng pulang marka ang isang papel. "Aria Alcantara. Former chief financial auditor ng Alcantara Logistics. Sinasabi sa mga balita na pinalayas ka ng pamilya mo dahil sa isang malaking eskandalo. At ngayon, narito ka sa harap ko, nag-aapply bilang assistant ko. Ano sa tingin mo ang dahilan para tanggapin ko ang isang taong may madungis na pangalan?"Tinitigan ko siya nang diretso sa mga mata. Hindi a
Last Updated: 2026-06-16
Chapter: CHAPTER 3ARIA ALCANTARA POVNakatayo ako sa tapat ng naglalakihang salamin na pinto ng Vance Corporate Tower. Napakagara ng lobby—lahat ng tao rito ay mukhang pormal, abala, at mayayaman. Tiningnan ko ang sarili ko sa repleksyon ng salamin. Suot ko ang pinaka-decenteng business attire na natira sa lumang gamit ko, pero ramdam ko pa rin ang pagod sa mukha ko matapos ang ilang araw na walang maayos na tulog.Gayunpaman, pumasok ako nang may direksyon. Bitbit ko sa kanang kamay ang isang pulang envelope na naglalaman ng nakompletong report mula sa flash drive na napulot ko sa hotel suite.Dumiretso ako sa receptionist desk kung saan may tatlong babaeng naka-uniporme ng corporate suit."Good morning. I’m here to return something very important to Mr. Ethan Vance. It’s regarding the Alcantara Logistics audit report," diretsahan kong sabi sa isa sa kanila.Sandaling natigilan ang receptionist. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, halatang sinusuri kung isa lang ako sa mga impostor o nagpapapans
Last Updated: 2026-06-16
Chapter: CHAPTER 2ARIA ALCANTARA POVAng sumunod na natatandaan ko na lang ay ang magulong piraso ng mga alaala. Ang mabigat na hininga ng lalaki, ang marangyang amoy ng kanyang mamahaling pabango, at ang malamig na hangin ng gabi habang hihila niya ako pasakay sa isang marangyang kotse. Sobrang lakas ng tama ng alak sa akin kaya hindi ko na nagawang mag-isip nang matino. Ang alam ko lang, sa mga sandaling iyon, gusto kong takasan ang katotohanang itinakwil ako ng sarili kong pamilya dahil sa mga ahas na nagtaksil sa akin.Nang magising ako kinaumagahan, sinalubong agad ako ng isang matinding sakit ng ulo. Daig ko pa ang binukpukan ng martilyo. Napapikit ako nang mariin habang pilit na kinakapa ang paligid.Hindi ito ang kama ko. Masyadong malambot. At ang kumot ay gawa sa mamahaling silk na kulay charcoal grey.Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at napaupo ako nang mabilis nang mapagtanto kung nasaan ako. Isang malaking luxury hotel penthouse suite. Tumingin ako sa ilalim ng kumot. Laking pasal
Last Updated: 2026-06-16
Chapter: CHAPTER 1ARIA ALCANTARA POVHawak ko ang paper bag na naglalaman ng homemade lasagna na apat na oras kong niluto. Espesyal ang gabing ’to. It’s our fifth anniversary ni Jared, at ilang buwan na lang, ikakasal na kami. Plano kong isurpresa siya sa penthouse niya. Kilala si Jared bilang isa sa pinakamahusay na corporate lawyer sa bansa, at nitong mga nakaraang linggo, halos patayin niya ang sarili niya sa trabaho para sa pangarap naming kumpanya. Kaya naman kahit pagod ako mula sa sarili kong trabaho bilang isang financial auditor, heto ako, handang mag-celebrate kasama siya.Pagdating ko sa tapat ng pinto ng penthouse, napansin kong bahagyang nakabukas ito. Masyado talagang makalimutin ang lalaking ’to kahit kailan, saob ko sa sarili ko habang napapangiti. Pumasok ako nang dahan-dahan, sinusubukang huwag makagawa ng anumang ingay para hindi masira ang surpresa ko.Patawid na ako sa sala nang makarinig ako ng mga kakaibang tunog mula sa direksyon ng masters bedroom. Ungol. Mahihinang tawa. At p
Last Updated: 2026-06-16