Sa gitna ng mundong puno ng pagdurusa at kahirapan, isang asawa ang naglalakbay sa daang puno ng sakripisyo para sa isang pag-ibig na di karapat-dapat. Sa kabila ng mga pagsubok at pagkakataon na sumuko, pinili niya paring manatili at magtiis para sa taong hindi nauunawaan ang halaga ng kanyang pagmamahal. Ngunit hanggang kailan siya magtitiis sa pag-asa ng pagbabago? Isang kwento ng pag-ibig, sakripisyo, at pag-asa ni Maricar na nagpapakita ng lakas at tapang ng pusong handang magmahal kahit na di ito kapalit ng karapat-dapat na pagmamahal.
View MorePROLOGUE
Isang anak na may pusong puno ng pag-aalala habang tahimik na pinagmamasdan ang kanyang ina, habang ito'y abala sa pag-aayos ng kanyang buhok. Napatuon ang kanyang pansin sa mga mata ng kanyang ina na namumugto, ramdam niya ang bigat ng mga responsibilidad na dala nito, ang pagod at kulang sa tulog na halata sa mukha nito. Ngunit sa kabila ng lahat, ang kanyang ina ay nagpapatuloy sa laban, patuloy na nagtitiis huwag lamang masira ang imahe ng kanilang pamilya. "Ngunit hanggang kaylan siya ganoon?,,,hanggang kaylan siya magtitiis? Hanggang kaylan siya umaasa na magkakaroon pa ng pag asang maging maayos pa ang lahat?" "Ma?!" malumanay na tawag niya sa kanyang Ina. "Hmm?!" sagot naman nito na di naman tumitingin sa halip abala parin ito sa pag susuklay ng kanyang buhok.Napabuntong hininga muna ang dalagita.
At ang pagsulyap ni Eunice sa malaking larawan ng kanyang ina at ama na nakakabit sa pader ng kwarto ay nagdulot ng halong lungkot at galit sa kanyang puso. Nakatitig siya sa mga ngiti ng kanyang mga magulang, na tila ba hindi na nagpapakita ng anumang kulay ng saya sa kasalukuyan. Ang mga alaala ng masayang pamilya ay nagbalik sa kanyang isipan, nagdulot ng sakit na hindi niya kayang tumbasan. Ngunit sa kabila ng lahat, ang kanyang ina ay nagpapatuloy sa laban, patuloy na nagsusumikap, at nagtitiis alang alang lamang sa kanilang pamilya. "Ngunit hanggang kylan siya ganon? Hanggang kaylan siya magtitiis?" Ang paulit ulit na mga tanong sa kanyang isipan. "Hanggang kylan ka po magtitiis Mama?" biglang napa hinto naman sa pagsusuklay ng buhok ang kanyang ina sa kanyang buhok, halatang nagulat sa tanong ng kanyang panganay na anak. At sa kabila ng kanyang pagpipilit na panatilihin ang kalmadong ekspresyon sa kanyang mukha. "A-anong... anong ibig mong sabihin anak?.... Eunice?" mahinahon ngunit naguguluhang tanong naman niya sa kanyang anak. habang pilit niyang hinahawi ang mga nagkakabuhul-buhol na iniisip sa kanyang isipan, at sinisikap na maunawaan kung saan nanggagaling ang ganitong klaseng tanong mula sa musmos na isipan ng kanyang anak, na sa kabila ng inosenteng mukha ay tila ba may nadarama at napapansin na sa mga nangyayari sa kanilang paligid. "Tumawag po ako kay Papa nakaraan gabi at ang sumagot ay ang babae niya." sagot ni Eunice, habang tila nakapako ang tingin sa kanyang ina, habang pilit na pinipigilan ang luhang nagbabadyang pumatak mula sa kanyang mga mata, Biglang nabitawan naman niya ang hawak hawak niyang suklay at nanginginig na mga kamay na napatuptop sa kanyang bibig. "Alam ko na po lahat lahat Mama, nagkaka problima na po kayo ni Papa, gusto na po bang makipag hiwalay ni Papa? Iiwan niya na ba tayo?" dere-deretsong tanong nito "Hi-hindi mo pa... alam mo anak.. hindi mo pa alam ang mga bagay na ganyan...kaya huwag kang magsasalita ng ganyan lalo na't ang Papa mo ang iyong tinutukoy." Halos mautal utal na wika naman niya ngunit halatang na din sa kanyang mga mata ang pag pigil ng mga luha na napapansin na din ng kanyang panganay na anak. Kaya bigla siya nitong niyakap. "Mama kung ano man po ang disesyon ni Papa hayaan niyo na po siya kaysa kayo ang nahihirapan at nasasaktan. Nasasaktan din po kami ni Lyca na nakikita ka namin na umiiyak tuwing gabi." na mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanyang ina."Kung sigaw sigawan na lang po kayo ni Papa, at kayo naman po ay nanatiling tahimik at umiiyak na lang po sa tabi parang nawawalan kami ng pag-asa. Sobrang nasasaktan po kami ni Lyca kapag ginaganon po kayo ni Papa." ang kanyang tinig puno ng lungkot.
"Lalo na kapag nakikita naming nanginginig na kayo sa takot at walang magawa kundi magpakababa para lamang mapatahimik siya. Sana po Mama, maintindihan niyo rin kung gaano kahirap para sa amin ang makita kayong nasa ganitong sitwasyon, kaya’t sana ngayong tapos na ang lahat, matuto na rin po kayong ipaglaban ang sarili niyo."
"Eunice?!" Tanging nasambit na lamang niya, naramdaman niya na ding na umiiyak ito. "May beses...may beses pang na...naririnig namin ni Lyca na pinapaalis ka nila Mama Lah at Tita Carol. Mama?.... Gusto ko pong lisanin niyo na po ang bahay na ito at kung anong buhay na meron ka dito. Dahil hindi ka po nararapat na naandito ka, ginagawa ka lang nila alila." patuloy ni Eunice habang ang luha'y patuloy na dumadaloy sa kanyang pisngi "Anak hindi mo alam kung ano ang mangyayari kapag umalis ako dito, matuturingan na isa lamang ako asawang talunan at duwag- "Iyon nga po ang tingin nila sa inyo kapag nanatiling ka lang po dito sa bahay, pero kung- "Anak' masyado ka pang bata para pag usapan natin ang bagay na iyan." "Mama, gusto na namin ni Lyca na maging malaya ka na.... Maging ikaw... dahil kapag nanatili ka lang na dito... Di magbabago ang mga tingin nila sayo kundi isang alila parin.""Eunice?! Anak?!" di na niya alam pa ang sasabihin tanging mga luha na lamang ang dumadaloy sa kanyang mga mata, nanlalabong napatingin naman siya sa salamin.
Ang mga alaala ay bumalik sa isipan ni Maricar habang nakatayo siya sa harap ng salamin. Natatandaan niya ang mga masasayang sandali kasama ang kanyang asawa at ang kanilang mga anak bago ang lahat ng ito. Isang napakatamis na ngiti ang dumapo sa kanyang labi habang iniisip ang mga lumipas na taon ng kanilang pagsasama.
Ngunit sa kabila ng lahat ng mga magagandang alaala, naroon din ang mga pait at sakit na dala ng mga nagdaang kaganapan. Ang bawat yakap at halik na dati'y puno ng pagmamahal ay tila naglaho na, pinalitan ng mga tanong at duda. At sa bawat pagtulog, ang kanyang mga panaginip ay puno ng mga tanong na walang kasagutan, at ang kanyang puso ay nagdurusa sa bawat oras na naglalakad sa landas ng pag-aalinlangan.
Napakatagal na ang kanilang relasyon sa pagitan ni Maricar at Nathan, ngunit tila ba sa isang iglap ay nagbago ang lahat. Ang tiwala na dati ay matibay, ngayon ay tila nababawasan na, at ang mga pangako ay tila hindi na sigurado. Sa kabila ng kanyang pagsisikap na panatilihin ang kanilang pamilya na buo, ang pag-ibig ay parang naglalaho na parang bula sa hangin.
Ang pilit na pagpapanggap ng saya ay nabaliwala sa mga gabi ng luha at pangungulila. Ang mga kalmadong pag-uusap ay napalitan ng mga masaklap na argumento at pananakit. Ngunit sa kabila ng lahat, isang bagay ang nanatiling hindi nagbabago, ang pagmamahal ng bilang isang ina sa kanyang apat na anak.
At hindi rin malilimutan ni Eunice ang mga gabing pagkikibit-balikat nila ng kanyang kapatid na si Lyca, habang pinakikinggan ang mga salitang sumisira sa kanilang puso at dangal ng kanilang ina. Sa tuwing maririnig niya ang mga sigaw ng kanila ama sa kanila ina at pagtatalo sa kabilang kwarto, ang pusong puno ng galit at pagkabalisa ni Eunice ay humihinaig na sana'y maging malaya na silang lahat lalo't na ang kanyang ina sa madilim na bahay na wala ng pag asa pang magkakulay.
****
Si Maricar, ay isang mapagmahal na ina at asawa, Sa loob ng labing-tatlong taon na pagsasama nila ng kanyang asawa na si Nathan, ipinakita niya ang walang-katapusang pagmamahal at sakripisyo para sa kanyang pamilya.
Sa pagiging isang ina, si Maricar ay nagbibigay-buhay sa kanyang apat na anak ng pag-asa at pagmamahal. Hindi lang siya nagbibigay ng pisikal na pangangailangan, kundi pati na rin ng emosyonal at moral na suporta. Tuwing umaga, siya ang unang bumabangon upang ihanda ang almusal para sa kanyang mga anak, at sa gab namani, siya ang huling matutulog matapos siguruhing na maayos na ang lahat paras sa bagong umaga.
Bilang isang asawa, ang kanyang pag-ibig ay parang isang halaman na patuloy na lumalago at namumukadkad. Sa bawat pagsubok na kanilang pinagdadaanan, siya ay palaging nariyan at handang maging katuwang at tagapagtanggol ng kanyang asawa. Hindi lang siya nagpapakita ng pagmamahal sa magandang panahon, kundi lalo na sa mga panahon ng unos at kahirapan.
Ngunit kahit na ang kanyang pagmamahal ay nagiging patas at walang hanggan, ang kanyang kwento ay hindi perpekto. Sa likod ng kanyang ngiti at pagmamalasakit ay ang mga hindi nakikitang sakripisyo at paghihirap. Ang kanyang pagiging ina at asawa ay puno ng pagpapakumbaba at pagbibigay, kahit pa ito ay hindi palaging naaapreciate at pinahahalagahan ng mga taong nasa paligid niya kahit na ang kanyang asawa.
Tanging sa kanyang mga anak lamang siya nakakaramdam ng buong pagmamahal at pag-aalaga.
THIRD PERSON:“Maricar!” sigaw ng pamilyar na tinig habang papalapit sa direksyon niya. “Si Kathlyn oh! Ang sungit-sungit sa akin! Hindi naman siya ganyan sa'yo nung ikaw pa ‘yung nagmo-model sa kanya!”Parang batang nagsusumbong si Lisa, buhat ang bag habang halos mauna pa sa lahat sa paglapit kay Maricar. May dala itong halong inis at tawa sa mukha, parang naghahanap ng kakampi.Napailing si Maricar, saka ngumiti nang may halong tuwa. “Eh paano ba naman daw kasi, aba’y kayong dalawa ni Miguel, pasaway talaga,” sabay tingin kay Miguel na nakayuko lang at tila umiiwas ng tingin. “Sinabihan na ngang huwag lumalabas ng dis-oras ng gabi. Lalo na’t sikat na kayong dalawa. Dapat kayong maging ehemplo sa mga baguhan—hindi problema sa schedule ni Kathlyn.”“Saktong-sakto,” singit ni Kathlyn, lumapit habang naka-pamaywang, halatang hindi pa rin tapos ang inis. “Kung alam niyo lang kung ilang manager ang tinawagan ko kagabi kakahanap sa inyo. Akala ko na-kidnap na kayo!” na may pag amba pa nga
THIRD PERSON:Kahit mabibigat ang mga paa, pinilit pa rin ni Maricar na humakbang papasok sa dating tahanan nila ni Nathan. Bawat yapak niya sa loob ng bahay ay tila may kasamang pasaning hindi makita—parang binabalikan ng bawat sulok ang mga alaala nilang mag-iina.Pagpasok pa lamang sa sala, agad na bumungad sa kanya ang katahimikang naglalaman ng mga alaala, masaya at masakit. Sa mga dingding, sa upuan, sa lamesa, lahat may kwento, lahat may iniwang damdamin.Napahinto siya sa tapat ng sofa kung saan madalas silang magkasama ng mga bata. Doon na rin niya naramdaman ang mabigat na kirot sa kanyang dibdib. Parang hinaplos ng nakaraan ang puso niya, marahan pero masakit. Isa-isang nagsulputan ang alaala ng mga sigawan, tampuhan, at matatalim na salitang binitiwan ni Nathan. Paano siya minamaliit. Paano siya pinapalampas. Paano siya hindi pinapakinggan.Napapikit siya. Napakapit sa dibdib. Ramdam niya ang pagkuyom ng damdamin, parang sinasakal ng mga alaala.Pero sa gitna ng sakit, lum
THIRD PERSON:Sa bawat channel ng balita, sa radyo, sa social media, iisa ang laman ng ulat.Karumal-dumal na Trahedya sa Selebrasyon ng Valdez Corporation:Isang di-malilimutang trahedya ang sumira sa dapat sana’y matagumpay na selebrasyon ng Valdez Corporation, kung saan opisyal na ipinakilala si Maricar Valdez bilang bagong CEO. Sa harap ng daan-daang bisita, media, at mga personalidad sa negosyo, naganap ang isang insidente ng karahasan na ikinagimbal ng lahat.Binawian ng buhay si Nathan Villanueva, matapos nitong harangin ang bala na dapat sana’y para kay Maricar. Ang bumaril, si Ericka, ang naging kasintahan ni Nathan, ay lumusob sa okasyon habang may dalang baril at tila wala sa sarili.Ayon sa mga saksi, puno ng galit at panibugho ang kilos ni Ericka. Itinutok nito ang baril kay Maricar habang sumisigaw ng mga akusasyon at hinanakit. Ngunit bago pa man niya maiputok ang baril, mabilis na sumugod si Nathan at ginamit ang sariling katawan upang harangin ang bala—isang kabayanih
⚠️ Trigger Warning: This chapter contains themes of grief, emotional trauma, and implied violence. Reader discretion is advised.THIRD PERSON:Ang bawat hakbang niya’y mabigat, tila sinasalubong ng galit ang bawat pulgada ng sahig. Ang bawat tingin niya’y naglalagablab, punô ng hinanakit, punô ng pagkawasak.Walang umimik. Lahat ay natigilan. Isa-isang napaatras ang mga tao. Ang dating masiglang selebrasyon ay biglang naglaho, napalitan ng malamig at nakakakilabot na tensyon.Si Maricar, nanatiling nakatayo—napako ang tingin kay Ericka, na ngayo’y unti-unting inaangat ang hawak na baril... direkta sa direksyon niya.Mabilis na gumalaw si Alejandro, pilit siyang haharangin, pero mas lalong itinutok ni Ericka ang baril, kasabay ng mas lalong nanlilisik na mga mata.“Sige, subukan n’yong kumilos—may babagsak sa inyo.” Matigas. Matinis. Puno ng galit at poot ang tinig ni Ericka. Para bang bawat salitang lumalabas sa bibig niya’y punô ng pangakong kapahamakan.Tila tumigil ang oras sa buon
⚠️ Trigger Warning: This chapter contains themes of grief, emotional trauma, and implied violence. Reader discretion is advised.THIRD PERSON:"Ang kapal ng mukha mo!!!" galit na sigaw ni Ericka habang nakatitig sa screen kung saan kitang-kita niya si Maricar—nakangiti, pinapalakpakan, kinikilala ng lahat bilang bagong CEO ng Valdez Corporation. Sa bawat flash ng camera at bawat palakpak ng mga bisita, tila ba unti-unting dinudurog ang kanyang dignidad.Nanginginig ang kanyang mga kamay sa sobrang galit. Ang dibdib niya’y kumakabog, punô ng poot, inggit, at pagkasuklam."Uupo ka lang d'yan na parang walang kasalanan? Na parang wala kang inagaw?!" sigaw niya muli, halos sumisigaw sa kawalan, habang naglalakad paikot ng sala, parang mababaliw sa damdaming kumukulo sa dibdib.Bigla, isang putok ng baril ang umalingawngaw.Napapitlag si Ericka, agad na napakapit sa dibdib habang mabilis na naghanap ng pinanggalingan ng tunog. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig."Ayy!! Diyos ko po!!
THIRD PERSON:Matapos bilhin ni Don Sebastian ang kompanya ni Don Rafael, napagkasunduan ng mga board member na pag-isahin ito sa Valdez Corporation sa ilalim ng pamumuno ni Maricar Valdez.Ngunit bago pa man siya pormal na ipakilala bilang bagong CEO, mas pinili ni Maricar na unahin muna ang pagsasaayos ng lahat ng gusot sa kompanya ni Don Rafael. Isa-isa niyang hinarap ang mga problema, mula sa mga pending na kaso, pabaya sa sistema, hanggang sa mga empleyadong sapilitang tinanggal at hindi nabigyan ng tamang sahod. Sa kabila ng limitadong kapangyarihang hawak niya noon, tumulong si Maricar sa abot ng kanyang makakaya, personal niyang kinausap ang mga empleyado, nakipag-negosasyon sa mga supplier, at pinilit itama ang mga mali sa loob ng kumpanya.Ang lalim ng malasakit na iyon ang lalong nagbigay ng respeto at paghanga sa kanya ng mga board member, lalo na ng kanyang Lolo, si Don Sebastian. Ngunit higit sa lahat, tumatak sa kanilang isipan ang kundisyon na sinabi mismo ni Maricar b
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments