author-banner
divinagraciawrite
Author

Novels by divinagraciawrite

Substitute Bride of Ruthless Tycoon

Substitute Bride of Ruthless Tycoon

"Uuwi na ako. Pumapayag na akong magpakasal sa anak ni Mr. Elizondo.” Mahal na mahal ni Rory ang kaniyang fiancé. Buong akala niya'y nahanap na niya sa piling ni Dale ang wagas at totoong pag-ibig. Ngunit sa pagbalik ng kaniyang pandinig, natuklasan niya ang isang masakit na katotohanan— mali pala siya ng pagkakakilala sa lalaki. Mananatili siyang pangalawa sa buhay nito dahil mas prioridad ni Dale ang adopted sister nitong si Samantha. Dalawang taon siyang nagtiis, nagpatawad, at naging maunawain. Ngayon na alam na niya kung sino ang mas mahalaga para kay Dale, panahon na rin siguro na unahin niya ang kaniyang sarili. Sa kaniyang pagbabalik sa Manila, napilitan siyang magpakasal kay Aeros Elizondo, isang makisig, guwapo ngunit malupit na CEO. Wala siyang ibang maramdaman para rito kung hindi kaba. Kahit na napakagwapo ng lalaki, mabigat naman ang presensya nito kaya't malaki ang kaniyang pag-aalinlangan. Paano nila malalampasan ang mga pagsubok bilang mag-asawa gayong tila napilitan lang din silang magsama? Ano ang kahinanatngan ng kanilang pagsasama? Posible kayang mahulog sa kaniya ang lalaki kahit na substitute bride lamang siya? Magmamahal kayang muli ang nasawi niyang puso kahit na marami siyang pag-aalinlangan? Ano ang mangyayari kung sa hindi inaasahang tagpo at pagkakataon, mahanap nila ang isa't isa na nahuhulog na sa kasunduang pagsasama?
Read
Chapter: Kabanata 7
Dalawang taon na nanatili siya sa Cagayan de Oro at isang taon na halos dumepende na lamang siya kay Dale. Hindi niya kailanman naisip na posible pa lang iwanan niya ang lugar na ito at palakasin ang kaniyang loob gamit ang galit na nararamdaman para sa taong dati ay lubos niyang minamahal.Habang pinagmamasdan ang ulap na kanilang nadadaanan, may kakaibang kirot sa kaniyang puso. Alam niyang pagkatapos ng nangyari, hindi na niya kayang balikan si Dale. Alam niyang hindi kagaya noon, madadaanan sa simpleng paghingi ng tawad ang lahat. Alam niyang mas malalim ang sugat at pagkadismayang ibinigay sa kaniya ng magkapatid na Dale at Samantha.Nariyan ang kaunting panghihinayang sa likod ng kaniyang isip. Dalawang taon na silang magkasintahan ni Dale. Akala niya'y matutuloy na ang engagement nilang dalawa at unti-unti na silang makakapagsettle down ngayong maayos na siya. Ngunit hindi pala.Nakakapanghinayang man ang dalawang taon, hindi na niya gustong isipin pa iyon. Mayroong mas mahalag
Last Updated: 2026-06-06
Chapter: Kabanata 6
Kabanata 6 Hawak-hawak na ni Rory ang kapirasong papel sa kaniyang kamay habang tinitingala ang flight board. Sampung minuto na lang ay sasakay na siya sa eroplano na magdadala sa kaniya sa Manila. Punong-puno ng mga tao ang Laguindingan Airport, may iilan na napapadaan sa harap niya at may iilan din na napapatigil para umupo sa mga katabing upuan malapit sa kaniya. May ilan na mag-isa sa pag-alis, may ilan naman na sinadyang samahan ng pamilya o kaibigan para maihatid man lang hanggang sa airport. Sobrang dami ng tao at hindi niya maiwasang hindi mapansin kung gaano kabilis tumakbo ang oras, ganoon din kung gaano kabagal ang pagpatak ng minuto. May kakaibang bigat sa kaniyang dibdib kahit na ilang araw na rin niyang pinag-iisipan ang kaniyang pag-alis. Sa mahigit dalawang taon niyang pananatili sa Cagayan de Oro, napamahal na siya sa lugar, sa mga tao, at sa kultura nito. Hindi lang naman si Dale ang dahilan kung bakit nakayanan niyang mabuhay ng malayo sa kaniyang pamilya. Ina
Last Updated: 2026-06-06
Chapter: Kabanata 5
Kabanata 5Nagising si Rory na sobrang sakit ng katawan, lalo na ng kaniyang balikat na binalot na ng gauze. Sinubukan niyang bumangon, nahihilo siya at alam niyang ilang minuto na lang ay siguradong aakyat na ang asido sa kaniyang lalamunan. Nasapo niya ang kaniyang noo na mayroon din palang gauze. Inilibot niya ang tingin at nakitang walang ibang tao sa loob ng silid kung hindi siya lang. Noong una’y hindi niya pa alam kung nasaan siya, ngunit nang maalala ang huling pangyayari bago siya tuluyang mawalan ng malay ay saka niya napagtanto na posibleng nasa ospital siya at nakaconfine.Sinubukan niyang ibaba ang mga paa sa gilid ng higaan, ngunit bago pa tuluyang makatapak sa tiled floor ay narinig na niyang bumukas ang pinto. Wala sa sarili siyang napalingon at nang makita ang pamilyar na doktor ay napaawang ang bibig.Dr. Tuscano.“Where are you going?” Nagtaas ng kilay ang lalaking doktor nang makita siya sa gilid ng higaan.Ibinuka niya ang bibig, ngunit wala pa ring boses na lum
Last Updated: 2026-06-05
Chapter: Kabanata 4
Agad na nagmarka sa kaliwang pisngi ni Samantha ang kaniyang palad. Hindi agad nakakilos ang babae sa pinaghalong gulat at pagkalito sa nangyari.Ngunit ilang sandali lang, napabaling ito ng tingin sa kaniya. Buong mukha nito ang agad na namula at ang mga mata nito’y napuno ng galit at poot.“Walanghiya ka!”Iniangat ni Samantha ang kanang kamay para gumanti ng sampal ngunit masyadong mabagal ang babae kaya mabilis niya iyong nahuli sa ere. Mahigpit niyang hinawakan ang pulsuhan nito na agad na nagpalukot ng mukha ni Samantha.Sinubukan nitong bawiin ang kamay, binitiwan niya naman iyon at muntik pa itong mawalan ng balanse. Ngunit bago tuluyang makabawi, muli niyang sinampal sa kabilang pisngi ang babae.Agad na bumaling sa kabilang direksyon ang mukha ni Samantha at ang mahaba at medyo makapal na kulot na buhok sa gilid ng mukha ay sumabog at tinakpan na ang buong mukha nito.Hindi makagalaw ang mga taong nanonood sa kanila. Lahat sila ay nagulat sa unang sampal ni Rory. Ngunit sa
Last Updated: 2026-06-05
Chapter: Kabanata 3
Ilang beses nang naimagine ni Rory ang muli nilang pagkikita ni Samantha. Sa kaniyang imahinasyon at gawa-gawang senaryo, sa pagkikita nilang muli ni Samantha ay lalapit ito sa kaniya at hihingi ng tawad sa lahat ng nagawa nito sa kaniya. May luha pa sa mga mata ng babae habang inaamin nito ang lahat ng nga pagkakasala at hihingi ito ng tawad upang maging maayos na silang dalawa.Ayaw niya mang makitang muli si Samantha, alam niyang parte pa rin ng pamilya ni Dale ang babae. Ayaw niyang ipagdamot kay Dale ang karapatan nitong makasama ang kapatid kahit na malaki ang naging kasalanan nito sa kaniya.Ngunit sa mga sandaling ito, naunawaan niyang hindi pa rin pala talaga nagbabago si Samantha.Gusto niyang pumihit paharap sa babae, pero pinigilan niya ang sarili.Humakbang palapit si Dale sa kaniya at sinubukang hawakan ang kaniyang braso. Para bang gusto nitong ilayo siya kay Samantha. O baka gusto nitong ilayo si Samantha sa kaniya.“Samantha, you should go. Habang hindi ka pa napapans
Last Updated: 2026-06-05
Chapter: Kabanata 2
Ilang segundo na tinititigan lamang ni Rory ang mensahe ng kaniyang ina.Kaya siya lumayo at nagpokus sa pagbabasa ng mensahe nito dahil akala niya’y may nangyaring masama rito.Simula noong umalis siya ng Manila at piniling manirahan dito sa Cagayan de Oro ay hindi na sila gaanong nag-uusap ng kaniyang ina. Alam niyang nagtatampo ito sa kaniyang pagrerebelde kaya’t mas pinipiling maging malamig sa kaniya.Muli niyang binasa ang mga naunang mensahe galing sa kaniyang ina.Nalulugi na ang kompanya ng kaniyang Tito Christian— ang bagong asawa ng kaniyang Mommy— at ang tanging paraan para maisalba ang kompanya sa mabilis nitong pagkakalugmok ay isang arrange-marriage sa mga Elizondo. Kapalit ng pagpapakasal ng anak ni Christian Rodrigo ay tutulong ang mga Elizondo na mabawi muli ang kompanya sa pagkalugi nito.Napakunot-noo siya. Hindi siya isang Rodrigo. Isa siyang Del Real, hindi niya pinabago ang kaniyang apelyido kahit noong nakiusap ang kaniyang ina na baguhin iyon noong pinakasala
Last Updated: 2026-06-05
You may also like
Coincidentally Fated
Coincidentally Fated
Romance · Aila tan
5.7K views
Sinner's Confessions
Sinner's Confessions
Romance · Artista Kho
5.7K views
White Lies
White Lies
Romance · QueenVie
5.7K views
It's Not Goodbye
It's Not Goodbye
Romance · Spinel Jewel
5.7K views
Chasing The CEO's Peculiar Wife
Chasing The CEO's Peculiar Wife
Romance · Madam Ursula
5.7K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status