author-banner
justins ortega
Author

Novels by justins ortega

The Billionaire's Abandoned Wife

The Billionaire's Abandoned Wife

Anim na taon nang kasal si Elisse kay Nicholai Vergara at sa araw mismo ng kanilang ika-anim na anniversary ay umaasa siyang darating si Nicholai ngunit natupok ng apoy ang pag-asa niya ng hindi ito dumating at mag-isa siyang naghintay sa wala. Ngunit nang makauwi ay bumungad kay Elisse ang mas masakit na katotohanan dahil ang asawa niya ay masayang kayakap ang babaeng alam niyang simula pa lang ay mahal na ni Nicholai. Muling bumalik kay Elisse ang ala-ala matapos mawalan ng anak ilang taon na ang nakaraan, walang mahingan ng tulong at iniwan ng sariling asawa para sa ibang babae na naging dahilan para mawala ang anak nila. Ngunit paano kung sa oras na tuluyan na siyang sumuko at gustong makipag-divorce ay saka lamang napagtanto ni Nicholai ang halaga ng babaeng matagal niyang binalewala? "For six years, I waited for you, Nicholai. I spent years fighting for our marriage while you were fighting for someone else. This time, I'll choose myself.” Puno ng hinanakit na sabi ni Elisse sa lalaking minahal niya ng lubos.
Read
Chapter: Chapter 5
"Elisse, sa wakas natauhan ka rin."Masayang ngumiti si Ma'am Victoria habang hawak ang kamay ng kanyang paboritong estudyante. "Napakatalino at napakagaling mo. Sayang ang talento mo kung ikukulong mo lang ang sarili mo sa pamilya. Natutuwa ako na nagdesisyon kang bumalik."Bahagyang napangiti si Elisse bilang sagot."Bukas, pumunta ka sa studio. Pag-usapan natin ang pagbabalik mo.""Sige po, Ma'am Victoria. Magpahinga na po kayo. Dadalaw ako bukas."Pagkatapos nilang magpaalam ay ibinaba ni Elisse ang telepono. Pakiramdam niya ay matagal na hindi naging magaan ang dibdib niya nang ganito. Naghanda na siyang maligo at magpahinga upang maging handa sa panibagong simula kinabukasan.Ngunit nang silipin niya ang pangunahing cellphone, nakita niyang sunod-sunod ang mga notification. Dose-dosenang missed calls at maraming mensahe—lahat galing kay Nicholai. Napatingin siya sa mga ito nang ilang segundo bago tumambad ang isang mensahe:[Tawagan mo ako.]Napangiti siya nang mapait. Kung dati
Last Updated: 2026-06-30
Chapter: Chapter 4
"Elisse, sa wakas natauhan ka rin."Masayang ngumiti si Ma'am Victoria habang hawak ang kamay ng kanyang paboritong estudyante. "Napakatalino at napakagaling mo. Sayang ang talento mo kung ikukulong mo lang ang sarili mo sa pamilya. Natutuwa ako na nagdesisyon kang bumalik."Bahagyang napangiti si Elisse bilang sagot."Bukas, pumunta ka sa studio. Pag-usapan natin ang pagbabalik mo.""Sige po, Ma'am Victoria. Magpahinga na po kayo. Dadalaw ako bukas."Pagkatapos nilang magpaalam ay ibinaba ni Elisse ang telepono. Pakiramdam niya ay matagal na hindi naging magaan ang dibdib niya nang ganito. Naghanda na siyang maligo at magpahinga upang maging handa sa panibagong simula kinabukasan.Ngunit nang silipin niya ang pangunahing cellphone, nakita niyang sunod-sunod ang mga notification. Dose-dosenang missed calls at maraming mensahe—lahat galing kay Nicholai. Napatingin siya sa mga ito nang ilang segundo bago tumambad ang isang mensahe:[Tawagan mo ako.]Napangiti siya nang mapait. Kung dati
Last Updated: 2026-06-30
Chapter: Chapter 3
Bukod pa roon, gusto ng Daddy niya si Sophia kaya naging malapit din ang loob niya rito."Gusto ko si Auntie Sophia na maging mommy ko!"Paulit-ulit na sigaw ni Liam habang umiiyak."Umalis ka na! Ayoko sa'yo! Umalis ka!"Parang dinudurog ang puso ni Elisse sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng anak, ngunit wala siyang magawa. Hindi siya nangahas na pagsabihan ito dahil kagagaling lang ni Liam sa panganib at hindi puwedeng ma-stress. Dahil dito, tahimik na lamang siyang lumabas ng silid.Paglingon niya sa bintana, nakita niyang masayang nakayakap si Liam kay Sophia habang nakangiti nang malaki. Napapikit si Elisse dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman, ngunit kahit gaano ito kahirap, hindi niya kayang talikuran ang anak. Dugo niya si Liam at bahagi ito ng kanyang buhay.Siya ang pinakamahalagang taong naiwan sa kanya sa mundong ito, kaya anuman ang sabihin ni Liam, hinding-hindi niya magagawang pabayaan ang sarili niyang anak. Sa kabutihang-palad ay wala na ito sa panganib at kail
Last Updated: 2026-06-30
Chapter: Chapter 2
Bago sila umalis ay malamig na inutusan ni Nicholai ang kasambahay."Alagaang mabuti si Ethan dahil kapag may nangyaring masama sa kanya, huwag ka ng magpapakita sa akin bukas.""Opo, Sir." Agad na sagot ng kasambahay.Alam niyang seryoso si Nicholai dahil sa bahay na ito, kitang-kita ng lahat ang pagkakaiba ng pagtrato nito kay Ethan at sa sariling anak nitong si Liam.Kahit kaunting sama ng loob ay hindi nito hahayaang maranasan ni Ethan. Samantalang si Liam… ay napabuntong-hininga na lamang ang kasambahay ng maisip ang isang bata. Pagkatapos noon ay sabay na umalis sina Nicholai at Sophia papuntang ospital.…..Samantala, halos mabaliw sa pag-aalala si Elisse habang karga-karga ang walang malay na si Liam patungo sa emergency room."Doktor! Tulungan n'yo po ang anak ko!" Nanginginig ang boses niya habang umiiyak.Maging ang mga taong naroon ay napapatingin sa kanya dahil sa labis na pagkataranta.Mabilis na sinuri ng doktor ang bata bago ito isinakay sa stretcher. "Dalhin agad sa
Last Updated: 2026-06-30
Chapter: Chapter 1
Ngayon ang araw ng ika-anim na anniversary ng kasal nina Elisse at Nicholai Vergara.Matagal na inasam ni Elisse na kahit sa espesyal na araw na ito ay makasama niya ang asawa at anak nila bilang isang masayang pamilya ngunit gaya ng nakasanayan, hindi na naman siya binigyang pansin ni Nicholai.Panay ang tawag niya rito ngunit ni isa ay wala itong sinagot, kanina pa siya naghihintay rito sa restaurant at pasara na rin ngunit wala pa rin ang lalaki. Unti-unting nabalot ng kirot ang puso ni Elisse.Sapat na siguro ‘yon, ayaw na niyang maghintay pa. Ano pa bang silbi ng mga effort niya kung hindi naman ito pinapansin ni Nicholai? Tulad ng mga pagkaing nakahain sa harapan niya, wala na rin siyang balak pang manatili sa kasal na ito kasama ang lalaking matagal niyang minahal na hindi siya magawang suklian.Sa wakas ay nakapagdesisyon na si Elisse, panahon na para magising siya sa panaginip na mahigit ilang taon niyang pinanghawakan.Agad niyang tinawagan si Attorney Santos."Attorney, pa
Last Updated: 2026-06-30
You may also like
Savage (Tagalog)
Savage (Tagalog)
Romance · Samarra Blair
57.9K views
The CEO’s Broken Vow
The CEO’s Broken Vow
Romance · alittletouchofwinter
57.7K views
Divorce Me Now, Mr. Peters!
Divorce Me Now, Mr. Peters!
Romance · Athengstersxx
57.5K views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status