Se connecter"Elisse, sa wakas natauhan ka rin."
Masayang ngumiti si Ma'am Victoria habang hawak ang kamay ng kanyang paboritong estudyante. "Napakatalino at napakagaling mo. Sayang ang talento mo kung ikukulong mo lang ang sarili mo sa pamilya. Natutuwa ako na nagdesisyon kang bumalik."
Bahagyang napangiti si Elisse bilang sagot.
"Bukas, pumunta ka sa studio. Pag-usapan natin ang pagbabalik mo."
"Sige po, Ma'am Victoria. Magpahinga na po kayo. Dadalaw ako bukas."
Pagkatapos nilang magpaalam ay ibinaba ni Elisse ang telepono. Pakiramdam niya ay matagal na hindi naging magaan ang dibdib niya nang ganito. Naghanda na siyang maligo at magpahinga upang maging handa sa panibagong simula kinabukasan.
Ngunit nang silipin niya ang pangunahing cellphone, nakita niyang sunod-sunod ang mga notification. Dose-dosenang missed calls at maraming mensahe—lahat galing kay Nicholai. Napatingin siya sa mga ito nang ilang segundo bago tumambad ang isang mensahe:
[Tawagan mo ako.]
Napangiti siya nang mapait. Kung dati, baka agad siyang tumawag pabalik; kung dati, baka buong gabi siyang hindi makatulog kakahintay ng tugon mula rito. Pero ngayon, wala na siyang nararamdaman.
Tahimik niyang inilapag ang cellphone sa mesa at hindi na muling tiningnan pa. Hindi na siya ang dating Elisse na umiikot ang mundo kay Nicholai.
---
Kinabukasan, maagang nagtungo si Elisse sa Hidden Beauty Villa bitbit ang ilang mamahaling regalo para sa kanyang guro. Pagbukas pa lamang ng pinto, agad na siyang niyakap ni Ma'am Victoria.
"Alam na alam mo talaga kung paano ako pasayahin," natatawang sabi nito habang tinitingnan ang malaking lata ng Jamaican Blue Mountain Coffee. "Napakamahal nito. Huwag ka nang bibili ng ganito sa susunod."
Makahulugang ngumiti si Elisse. "Munting pasasalamat lang po iyon. Masaya ako kapag masaya kayo."
Nang makapasok siya sa loob, bumungad ang isang mahabang hapag kainan na punong puno ng pagkain. Lahat ay paborito niya. Natigilan siya. Parang may humawak sa kanyang puso.
"Naalala mo pa po?" tanong niya nang mahina.
Tumawa si Ma'am Victoria. "Siyempre naman. Nung estudyante ka pa lang, napakapili mo na sa pagkain. Itong sabaw, ayaw mong masyadong mainit. Itong dessert, ayaw mong sobrang matamis. At itong manok, gusto mo walang kahit anong lansa. Lahat iyan, pinaayos ko ayon sa panlasa mo."
Biglang namuo ang luha sa mga mata ni Elisse. Nagulat si Ma'am Victoria. "Naku, bakit ka umiiyak? Kung hindi mo gusto, papapalitan natin."
Mabilis na umiling si Elisse at napatawa habang pinupunasan ang mga luha. "Hindi po. Gustong gusto ko po."
Hindi niya alam kung bakit bigla siyang naging emosyonal. Marahil dahil napakatagal na mula nang may taong nagbigay pansin sa mga gusto at ayaw niya. Sa loob ng anim na taon ng pagsasama nila ni Nicholai, kabisado niya ang lahat tungkol dito. Alam niya kung anong pagkain ang gusto nito, anong kulay ang paborito nito, anong oras ito natutulog, at anong klaseng kape ang iniinom nito.
Ngunit si Nicholai? Ni minsan ay hindi man lang nito sinubukang alamin kung ano ang gusto niya. Maging ang sarili niyang pamilya ay hindi rin naging sandalan niya. Mas pinaboran ng mga magulang niya ang nakababatang kapatid na lalaki at itinuring siyang parang ATM na maaaring hingan ng pera anumang oras.
Ngunit si Ma'am Victoria, wala man silang relasyon sa dugo, ito pa ang taong tunay na nagmamalasakit sa kanya. Napangiti si Elisse habang pilit na pinipigilan ang pagluha.
"Salamat po."
Marahang hinaplos ng matanda ang kanyang pisngi.
"Silly girl. Mula bata ka pa, nakikita na kita. Para na kitang anak, kaya hindi mo kailangang magpasalamat sa akin."
Napayuko si Elisse. Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, malinaw niyang nakita ang katotohanan. Napakadaling malaman kung sino ang tunay na nagmamahal sa iyo at kung sino ang hindi, matagal lang niyang piniling magbulag-bulagan.
Mahal siya ng kanyang guro. Ngunit hindi siya mahal ng asawa niya. Hindi siya mahal ng anak niya. At hindi rin siya mahal ng sarili niyang pamilya. Masakit man, iyon ang katotohanan, at ayaw na niyang takasan pa iyon.
---
Matapos ang tanghalian ay pinag-usapan nila ang tungkol sa trabaho. Bago siya umalis ay seryosong tumingin si Ma'am Victoria sa kanya.
"Sigurado ka na ba?"
"Tungkol saan po?"
"Sa hiwalayan."
Hindi nag-atubili si Elisse. "Opo. Matagal ko na po itong pinag-isipan. Iyon na lang ang pinakamabuting desisyon. Pagkatapos nito, gusto ko nang ituon ang oras ko sa sarili ko at sa karera ko."
Tumango si Ma'am Victoria. "Anuman ang mangyari, nasa likod mo ako. Pinakilos ko na rin ang team."
Napakunot noo si Elisse. "Team?"
Ngumiti ang kanyang guro. "Ipinakalat ko na ang balitang babalik na si Ember J."
Nanlaki ang kanyang mga mata. Ang pangalang iyon ang minsang naging alamat sa mundo ng fashion design, at siya ang may-ari nito.
"Pareho pa rin ang studio. Pareho pa rin ang mga assistant. Ang kailangan mo lang gawin ay bumalik at magdisenyo. Hayaan mong ako ang bahala sa iba."
Napuno ng emosyon ang puso ni Elisse. Marahan siyang yumuko. "Maraming salamat po."
---
Samantala sa Vergara Mansion, katatapos lamang suriin ng pribadong doktor si Liam. Matapos lagyan ng suwero ang bata, lumabas ito ng silid at agad na nagpadala ng mensahe kay Elisse.
[Ma'am, maayos na po ang kondisyon ni Liam. Kailangan lang pong bantayan ang pagkain niya at ituloy ang schedule ng suwero.]
Ilang segundo lamang ang lumipas, dumating agad ang sagot.
[Salamat, Dok. Pakibantayan pa rin siya.]
Ngunit nang mag angat ng tingin ang doktor ay muntik na siyang mapaatras. Nakatayo pala sa likod niya si Nicholai, tahimik at malamig na nakatitig sa screen ng cellphone niya. Napalunok ang doktor.
"U ulat lang po iyon kay Ma'am."
Hindi nagsalita si Nicholai. Ilang segundo itong nakatingin sa mensahe bago nagsalita nang may lalim sa boses.
"Tanungin mo kung nasaan siya."
Natigilan ang doktor. "Po?"
"Tanungin mo."
Wala siyang nagawa kundi sumunod.
[Ma'am, nasaan po kayo ngayon?]
Walang sagot. Makalipas ang ilang minuto ay nagpadala ulit ng mensahe ang doktor.
[Ma'am, nasaan po kayo?]
Ngayon ay sumagot si Elisse, ngunit hindi para sa doktor. Kundi para kay Nicholai.
[Sabihin mo sa kanya na nasa kumpanya ako. Kung gusto niya akong makita, pumunta siya rito.]
Napayuko ang doktor. Samantala, ang temperatura sa paligid ni Nicholai ay tila biglang bumaba. Hindi ito nagsalita, ngunit halatang hindi maganda ang timpla nito. Ilang segundo ang lumipas bago siya tumingin sa mayordomo.
"Ihanda ang sasakyan." Malamig na boses na sabi ni Nicholai.
"Saan po tayo pupunta, Sir?"
"Sa headquarters."
---
Sa labas ng pinakamataas na gusali sa buong siyudad, tahimik na nakatayo si Elisse habang nakatingala. Dati, pinapangarap niyang umakyat sa tuktok kasama si Nicholai dahil akala niya ay kailangan niya ito upang marating ang taas na iyon. Ngunit ngayon, naiintindihan na niya ang lahat. Kaya niyang makarating roon nang siya lang, mag isa.
Pumasok siya sa gusali at lumapit sa receptionist. "Pakisabi sa assistant ng presidente na dumating na si Elisse."
Nagulat ang receptionist. Noon kasi, palagi niyang sinasabi na dumating na si Mrs. Vergara. Ngunit ngayon, ayaw na niyang marinig ang titulong iyon. Pakiramdam niya ay para lamang siyang isang baging na nakakapit sa malaking puno na si Nicholai. Nakakahiya at nakakasakal.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating si Miguel Reyes, ang executive assistant ni Nicholai. Magalang itong yumuko sa kanya.
"Ma'am, naghanda kami ng refreshments sa private lounge ni Sir."
Umiling si Elisse. "Hindi na kailangan. Sa reception room na lang ako maghihintay."
Pagkatapos ay tumingin siya kay Miguel. "At isa pa, huwag mo na akong tawaging Mrs. Vergara. Elisse na lang."
Isang tingin pa lamang ay agad nang naunawaan ni Miguel ang ibig sabihin noon. "Yes, Miss Elisse."
Tahimik siyang sumunod. Matagal na niyang nakikita ang nangyayari sa pagitan nina Elisse, Nicholai, at Sophia, at alam niyang darating din ang araw na mapapagod si Elisse. Matapos siyang ihatid sa reception room ay nagtungo si Miguel sa elevator. Tinatayang sampung minuto pa bago dumating ang kanyang boss.
At nang bumukas ang pinto ng elevator, lumabas si Nicholai. Katulad pa rin ng dati, makisig, mataas, at makapangyarihan. Ngunit sa unang pagkakataon sa loob n
g maraming taon, may kakaibang lungkot at pagkabalisa sa mga mata nito. Iyon ang bagay na hindi kailanman inaasahang makita ni Miguel Reyes.
"Elisse, sa wakas natauhan ka rin."Masayang ngumiti si Ma'am Victoria habang hawak ang kamay ng kanyang paboritong estudyante. "Napakatalino at napakagaling mo. Sayang ang talento mo kung ikukulong mo lang ang sarili mo sa pamilya. Natutuwa ako na nagdesisyon kang bumalik."Bahagyang napangiti si Elisse bilang sagot."Bukas, pumunta ka sa studio. Pag-usapan natin ang pagbabalik mo.""Sige po, Ma'am Victoria. Magpahinga na po kayo. Dadalaw ako bukas."Pagkatapos nilang magpaalam ay ibinaba ni Elisse ang telepono. Pakiramdam niya ay matagal na hindi naging magaan ang dibdib niya nang ganito. Naghanda na siyang maligo at magpahinga upang maging handa sa panibagong simula kinabukasan.Ngunit nang silipin niya ang pangunahing cellphone, nakita niyang sunod-sunod ang mga notification. Dose-dosenang missed calls at maraming mensahe—lahat galing kay Nicholai. Napatingin siya sa mga ito nang ilang segundo bago tumambad ang isang mensahe:[Tawagan mo ako.]Napangiti siya nang mapait. Kung dati
"Elisse, sa wakas natauhan ka rin."Masayang ngumiti si Ma'am Victoria habang hawak ang kamay ng kanyang paboritong estudyante. "Napakatalino at napakagaling mo. Sayang ang talento mo kung ikukulong mo lang ang sarili mo sa pamilya. Natutuwa ako na nagdesisyon kang bumalik."Bahagyang napangiti si Elisse bilang sagot."Bukas, pumunta ka sa studio. Pag-usapan natin ang pagbabalik mo.""Sige po, Ma'am Victoria. Magpahinga na po kayo. Dadalaw ako bukas."Pagkatapos nilang magpaalam ay ibinaba ni Elisse ang telepono. Pakiramdam niya ay matagal na hindi naging magaan ang dibdib niya nang ganito. Naghanda na siyang maligo at magpahinga upang maging handa sa panibagong simula kinabukasan.Ngunit nang silipin niya ang pangunahing cellphone, nakita niyang sunod-sunod ang mga notification. Dose-dosenang missed calls at maraming mensahe—lahat galing kay Nicholai. Napatingin siya sa mga ito nang ilang segundo bago tumambad ang isang mensahe:[Tawagan mo ako.]Napangiti siya nang mapait. Kung dati
Bukod pa roon, gusto ng Daddy niya si Sophia kaya naging malapit din ang loob niya rito."Gusto ko si Auntie Sophia na maging mommy ko!"Paulit-ulit na sigaw ni Liam habang umiiyak."Umalis ka na! Ayoko sa'yo! Umalis ka!"Parang dinudurog ang puso ni Elisse sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng anak, ngunit wala siyang magawa. Hindi siya nangahas na pagsabihan ito dahil kagagaling lang ni Liam sa panganib at hindi puwedeng ma-stress. Dahil dito, tahimik na lamang siyang lumabas ng silid.Paglingon niya sa bintana, nakita niyang masayang nakayakap si Liam kay Sophia habang nakangiti nang malaki. Napapikit si Elisse dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman, ngunit kahit gaano ito kahirap, hindi niya kayang talikuran ang anak. Dugo niya si Liam at bahagi ito ng kanyang buhay.Siya ang pinakamahalagang taong naiwan sa kanya sa mundong ito, kaya anuman ang sabihin ni Liam, hinding-hindi niya magagawang pabayaan ang sarili niyang anak. Sa kabutihang-palad ay wala na ito sa panganib at kail
Bago sila umalis ay malamig na inutusan ni Nicholai ang kasambahay."Alagaang mabuti si Ethan dahil kapag may nangyaring masama sa kanya, huwag ka ng magpapakita sa akin bukas.""Opo, Sir." Agad na sagot ng kasambahay.Alam niyang seryoso si Nicholai dahil sa bahay na ito, kitang-kita ng lahat ang pagkakaiba ng pagtrato nito kay Ethan at sa sariling anak nitong si Liam.Kahit kaunting sama ng loob ay hindi nito hahayaang maranasan ni Ethan. Samantalang si Liam… ay napabuntong-hininga na lamang ang kasambahay ng maisip ang isang bata. Pagkatapos noon ay sabay na umalis sina Nicholai at Sophia papuntang ospital.…..Samantala, halos mabaliw sa pag-aalala si Elisse habang karga-karga ang walang malay na si Liam patungo sa emergency room."Doktor! Tulungan n'yo po ang anak ko!" Nanginginig ang boses niya habang umiiyak.Maging ang mga taong naroon ay napapatingin sa kanya dahil sa labis na pagkataranta.Mabilis na sinuri ng doktor ang bata bago ito isinakay sa stretcher. "Dalhin agad sa
Ngayon ang araw ng ika-anim na anniversary ng kasal nina Elisse at Nicholai Vergara.Matagal na inasam ni Elisse na kahit sa espesyal na araw na ito ay makasama niya ang asawa at anak nila bilang isang masayang pamilya ngunit gaya ng nakasanayan, hindi na naman siya binigyang pansin ni Nicholai.Panay ang tawag niya rito ngunit ni isa ay wala itong sinagot, kanina pa siya naghihintay rito sa restaurant at pasara na rin ngunit wala pa rin ang lalaki. Unti-unting nabalot ng kirot ang puso ni Elisse.Sapat na siguro ‘yon, ayaw na niyang maghintay pa. Ano pa bang silbi ng mga effort niya kung hindi naman ito pinapansin ni Nicholai? Tulad ng mga pagkaing nakahain sa harapan niya, wala na rin siyang balak pang manatili sa kasal na ito kasama ang lalaking matagal niyang minahal na hindi siya magawang suklian.Sa wakas ay nakapagdesisyon na si Elisse, panahon na para magising siya sa panaginip na mahigit ilang taon niyang pinanghawakan.Agad niyang tinawagan si Attorney Santos."Attorney, pa







