Share

Chapter 2

Author: Justin Sotes
last update publish date: 2026-06-30 13:27:56

Bago sila umalis ay malamig na inutusan ni Nicholai ang kasambahay.

"Alagaang mabuti si Ethan dahil kapag may nangyaring masama sa kanya, huwag ka ng magpapakita sa akin bukas."

"Opo, Sir." Agad na sagot ng kasambahay.

Alam niyang seryoso si Nicholai dahil sa bahay na ito, kitang-kita ng lahat ang pagkakaiba ng pagtrato nito kay Ethan at sa sariling anak nitong si Liam.

Kahit kaunting sama ng loob ay hindi nito hahayaang maranasan ni Ethan. Samantalang si Liam… ay napabuntong-hininga na lamang ang kasambahay ng maisip ang isang bata. 

Pagkatapos noon ay sabay na umalis sina Nicholai at Sophia papuntang ospital.

…..

Samantala, halos mabaliw sa pag-aalala si Elisse habang karga-karga ang walang malay na si Liam patungo sa emergency room.

"Doktor! Tulungan n'yo po ang anak ko!" Nanginginig ang boses niya habang umiiyak.

Maging ang mga taong naroon ay napapatingin sa kanya dahil sa labis na pagkataranta.

Mabilis na sinuri ng doktor ang bata bago ito isinakay sa stretcher. "Dalhin agad sa emergency room!"

Ilang sandali lamang ay nagsara ang pinto ng ER at naiwan si Elisse sa labas habang nakatitig sa kumikislap na pulang ilaw.

Pakiramdam niya ay unti-unting nadudurog ang puso niya at hindi niya mapigilang maiyak.

Lumipas ang halos tatlumpung minuto bago muling bumukas ang pinto at lumabas ang doktor. "Out of danger na ang bata. Kailangan lang siyang ilipat sa regular na kuwarto para maobserbahan at maipasuwero."

Parang nabunutan ng tinik si Elisse ngunit hindi pa doon nagtapos ang doktor.

"Bilang magulang, dapat mas naging responsable kayo. Bata pa ang anak ninyo at dapat laging binabantayan."

Napayuko si Elisse at wala siyang maisagot.

Buong araw niyang inihanda ang espesyal na pagkain para sa anak niya sa restaurant dahil akala niya ay dadalhin ni Nicholai si Liam doon. At kahit hindi man, sigurado siyang hindi pababayaan ng mga tao sa bahay ang anak niya.

Hindi niya inakalang hahantong sa ganito, halos mawala sa kanya ang anak niya, napuno siya ng pagsisisi.

Kung maaari lamang ay siya na ang umako ng lahat ng sakit ng anak niya dahil walang inang gustong nakikitang nasasaktan ang sariling anak.

Makalipas ang dalawang oras ay dumating rin sina Nicholai at Sophia.

Nakaupo si Elisse sa tabi ng kama ni Liam, nakayapak siya habang sugatan ang mga paa niya dahil sa pagtakbo kanina.

May mga bakas pa ng tuyong dugo sa kanyang balat, habang ang mamahaling damit na inihanda niya para sa kanilang anibersaryo ay gusot at punit na. Bura na rin ang kanyang makeup dahil sa walang tigil na pag-iyak.

Samantalang si Sophia ay napakaganda pa rin, nakakapit ito sa braso ni Nicholai habang naglalakad.

Mukha itong elegante at perpekto parang isang prinsesang hindi kailanman nakaranas ng paghihirap.

Napansin ni Elisse ang kumikislap na diamond necklace sa leeg nito. 

"Pasensya ka na, Elisse. Kumusta na si Liam?" Nag-aalalang tanong ni Sophia ngunit kasabay noon ay hinawakan nito ang kuwintas sa leeg. "Nahuli kami si Nicholai kasi. Nabanggit ko lang na nagandahan ako sa kuwintas na nakita ko sa boutique. Bigla niyang ipinatigil ang sasakyan at binili ito para sa akin." Tumingin ito kay Elisse. "Hindi ka naman siguro galit sa amin, hindi ba?"

Napatingin si Elisse kay Nicholai. "Mas mahalaga ba ang kuwintas niya kaysa sa buhay ng anak mo?"

Walang kahit anong emosyon at malamig ang tingin ni Nicholai sa kanya bago sumagot. "May mga doktor naman dito." Sandali itong tumingin kay Sophia. "Si Sophia lang ang nagpumilit na pumunta kami."

Parang sinaksak ang puso ni Elisse. Ibig sabihin kung hindi nagpumilit si Sophia, hindi man lang nito bibisitahin ang sariling anak.

Napatawa siya, isang mapait at malungkot na tawa at kasabay noon ang panibagong pagpatak ng kanyang mga luha.

Ngunit walang reaksyon si Nicholai ni katiting na awa ay wala siyang nakita rito.

"Nicholai." Bahagyang nanginig ang boses niya. "Naalala mo ba kung anong araw ngayon?" Hindi sumagot ang lalaki. "Kaninang umaga pa ako tumatawag sa'yo. Dose-dosenang tawag ang ginawa ko." Huminga siya nang malalim. "Nakita mo ba kahit isa?"

"Wala akong maalala." Walang pakialam na sagot nito. "At wala akong natanggap na tawag."

Napapikit si Elisse sa narinig na dahilan. Anim na taon niyang ipinaglaban ang lalaking ito at umasa siyang magbabago rin ito ngunit kahit isang beses ay hindi nito piniling mahalin siya.

Sa wakas ay malinaw na malinaw na sa kanya ang lahat na kahit kailan ay hindi siya itinuring na asawa ni Nicholai dahil ang babaeng tunay na mahal nito ay si Sophia.

"Nicholai." Puno ng hinanakit ang mga matang tawag niya. "Buong araw akong naghintay sa restaurant at alam kong alam mo iyon. Pero wala kang pakialam sa akin, hindi ba?" Tanong niya ngunit wala siyang sagot na natanggap.

Hindi sapat ang mga salita para ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman niya dahil pakiramdam niya ay unti-unting nadudurog ang puso niya.

Kung wala namang halaga ang kasal nila para rito hindi na niya ito pipigilan pa.

Panahon na para palayain ang isa't isa. Huminga siya nang malalim pagkatapos ay diretsong tumingin sa asawa. "Kung wala namang saysay ang kasal natin para sa'yo palalayain na kita."

Bahagyang kumunot ang noo ni Nicholai. "Ano ang ibig mong sabihin?"

Mahinahon siyang nagsalita. "Nicholai." Isa-isang lumabas ang mga salitang matagal na niyang kinatatakutan. "Ayoko na sa kasal na ito." Tumitig siya sa lalaki, deritso sa mga mata nito. "Maghiwalay na tayo."

Nanigas si Nicholai sa narinig at maging si Sophia ay hindi nakapagsalita.

"Ano?" Mababang boses na tanong ng lalaki. "Ulitin mo." May diing sabi nito.

Ngumiti si Elisse, ngayon lang niya nakita ang ganitong ekspresyon sa mukha nito ngunit wala na siyang interes pang alamin kung bakit dahil hindi na mahalaga ‘yon sa kanya.

"Hinihiwalayan na kita, Nicholai." Walang emosyong sabi ni Elisse.

"Baliw ka ba—” Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil sa pagkakataong iyon ay nagising na si Liam at agad itong umiyak.

"M-Mommy..."

Mabilis na tumawag si Elisse ng nurse dahilan para magkagulo sa silid habang sinusuri ng mga doktor ang bata.

Makalipas ang ilang minuto ay ngumiti ang doktor. "Mabuti na siya. Maaari na siyang umuwi bukas basta may regular na check-up."

Agad na bumalik ang atensyon ni Elisse sa anak. "Liam, anak... may masakit pa ba?"

Dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok nito ngunit sa hindi niya inaasahan marahas na itinaboy ni Liam ang kanyang kamay. "Ayaw ko sayo, bitiwan mo ako!"

Natigilan si Elisse. "A-Anak?"

"Ayaw kitang maging mommy!"

Parang tumigil ang mundo niya sa narinig na sinabi ng anak, umiiyak ang bata habang nakaunat ang mga kamay kina Nicholai at Sophia.

"Gusto ko si Auntie Sophia! Siya ang gusto kong maging mommy!"

Namutla si Elisse at hindi

siya makapaniwala dahil ang sarili niyang anak ay ayaw sa kanya.

"Liam..." Basag ang boses na tawag niya. "Ako ang mama mo."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Chapter 5

    "Elisse, sa wakas natauhan ka rin."Masayang ngumiti si Ma'am Victoria habang hawak ang kamay ng kanyang paboritong estudyante. "Napakatalino at napakagaling mo. Sayang ang talento mo kung ikukulong mo lang ang sarili mo sa pamilya. Natutuwa ako na nagdesisyon kang bumalik."Bahagyang napangiti si Elisse bilang sagot."Bukas, pumunta ka sa studio. Pag-usapan natin ang pagbabalik mo.""Sige po, Ma'am Victoria. Magpahinga na po kayo. Dadalaw ako bukas."Pagkatapos nilang magpaalam ay ibinaba ni Elisse ang telepono. Pakiramdam niya ay matagal na hindi naging magaan ang dibdib niya nang ganito. Naghanda na siyang maligo at magpahinga upang maging handa sa panibagong simula kinabukasan.Ngunit nang silipin niya ang pangunahing cellphone, nakita niyang sunod-sunod ang mga notification. Dose-dosenang missed calls at maraming mensahe—lahat galing kay Nicholai. Napatingin siya sa mga ito nang ilang segundo bago tumambad ang isang mensahe:[Tawagan mo ako.]Napangiti siya nang mapait. Kung dati

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Chapter 4

    "Elisse, sa wakas natauhan ka rin."Masayang ngumiti si Ma'am Victoria habang hawak ang kamay ng kanyang paboritong estudyante. "Napakatalino at napakagaling mo. Sayang ang talento mo kung ikukulong mo lang ang sarili mo sa pamilya. Natutuwa ako na nagdesisyon kang bumalik."Bahagyang napangiti si Elisse bilang sagot."Bukas, pumunta ka sa studio. Pag-usapan natin ang pagbabalik mo.""Sige po, Ma'am Victoria. Magpahinga na po kayo. Dadalaw ako bukas."Pagkatapos nilang magpaalam ay ibinaba ni Elisse ang telepono. Pakiramdam niya ay matagal na hindi naging magaan ang dibdib niya nang ganito. Naghanda na siyang maligo at magpahinga upang maging handa sa panibagong simula kinabukasan.Ngunit nang silipin niya ang pangunahing cellphone, nakita niyang sunod-sunod ang mga notification. Dose-dosenang missed calls at maraming mensahe—lahat galing kay Nicholai. Napatingin siya sa mga ito nang ilang segundo bago tumambad ang isang mensahe:[Tawagan mo ako.]Napangiti siya nang mapait. Kung dati

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Chapter 3

    Bukod pa roon, gusto ng Daddy niya si Sophia kaya naging malapit din ang loob niya rito."Gusto ko si Auntie Sophia na maging mommy ko!"Paulit-ulit na sigaw ni Liam habang umiiyak."Umalis ka na! Ayoko sa'yo! Umalis ka!"Parang dinudurog ang puso ni Elisse sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng anak, ngunit wala siyang magawa. Hindi siya nangahas na pagsabihan ito dahil kagagaling lang ni Liam sa panganib at hindi puwedeng ma-stress. Dahil dito, tahimik na lamang siyang lumabas ng silid.Paglingon niya sa bintana, nakita niyang masayang nakayakap si Liam kay Sophia habang nakangiti nang malaki. Napapikit si Elisse dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman, ngunit kahit gaano ito kahirap, hindi niya kayang talikuran ang anak. Dugo niya si Liam at bahagi ito ng kanyang buhay.Siya ang pinakamahalagang taong naiwan sa kanya sa mundong ito, kaya anuman ang sabihin ni Liam, hinding-hindi niya magagawang pabayaan ang sarili niyang anak. Sa kabutihang-palad ay wala na ito sa panganib at kail

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Chapter 2

    Bago sila umalis ay malamig na inutusan ni Nicholai ang kasambahay."Alagaang mabuti si Ethan dahil kapag may nangyaring masama sa kanya, huwag ka ng magpapakita sa akin bukas.""Opo, Sir." Agad na sagot ng kasambahay.Alam niyang seryoso si Nicholai dahil sa bahay na ito, kitang-kita ng lahat ang pagkakaiba ng pagtrato nito kay Ethan at sa sariling anak nitong si Liam.Kahit kaunting sama ng loob ay hindi nito hahayaang maranasan ni Ethan. Samantalang si Liam… ay napabuntong-hininga na lamang ang kasambahay ng maisip ang isang bata. Pagkatapos noon ay sabay na umalis sina Nicholai at Sophia papuntang ospital.…..Samantala, halos mabaliw sa pag-aalala si Elisse habang karga-karga ang walang malay na si Liam patungo sa emergency room."Doktor! Tulungan n'yo po ang anak ko!" Nanginginig ang boses niya habang umiiyak.Maging ang mga taong naroon ay napapatingin sa kanya dahil sa labis na pagkataranta.Mabilis na sinuri ng doktor ang bata bago ito isinakay sa stretcher. "Dalhin agad sa

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Chapter 1

    Ngayon ang araw ng ika-anim na anniversary ng kasal nina Elisse at Nicholai Vergara.Matagal na inasam ni Elisse na kahit sa espesyal na araw na ito ay makasama niya ang asawa at anak nila bilang isang masayang pamilya ngunit gaya ng nakasanayan, hindi na naman siya binigyang pansin ni Nicholai.Panay ang tawag niya rito ngunit ni isa ay wala itong sinagot, kanina pa siya naghihintay rito sa restaurant at pasara na rin ngunit wala pa rin ang lalaki. Unti-unting nabalot ng kirot ang puso ni Elisse.Sapat na siguro ‘yon, ayaw na niyang maghintay pa. Ano pa bang silbi ng mga effort niya kung hindi naman ito pinapansin ni Nicholai? Tulad ng mga pagkaing nakahain sa harapan niya, wala na rin siyang balak pang manatili sa kasal na ito kasama ang lalaking matagal niyang minahal na hindi siya magawang suklian.Sa wakas ay nakapagdesisyon na si Elisse, panahon na para magising siya sa panaginip na mahigit ilang taon niyang pinanghawakan.Agad niyang tinawagan si Attorney Santos."Attorney, pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status