Share

The Billionaire's Abandoned Wife
The Billionaire's Abandoned Wife
Author: Justin Sotes

Chapter 1

Author: Justin Sotes
last update publish date: 2026-06-30 13:27:47

Ngayon ang araw ng ika-anim na anniversary ng kasal nina Elisse at Nicholai Vergara.

Matagal na inasam ni Elisse na kahit sa espesyal na araw na ito ay makasama niya ang asawa at anak nila bilang isang masayang pamilya ngunit gaya ng nakasanayan, hindi na naman siya binigyang pansin ni Nicholai.

Panay ang tawag niya rito ngunit ni isa ay wala itong sinagot, kanina pa siya naghihintay rito sa restaurant at pasara na rin ngunit wala pa rin ang lalaki. Unti-unting nabalot ng kirot ang puso ni Elisse.

Sapat na siguro ‘yon, ayaw na niyang maghintay pa. Ano pa bang silbi ng mga effort niya kung hindi naman ito pinapansin ni Nicholai? 

Tulad ng mga pagkaing nakahain sa harapan niya, wala na rin siyang balak pang manatili sa kasal na ito kasama ang lalaking matagal niyang minahal na hindi siya magawang suklian.

Sa wakas ay nakapagdesisyon na si Elisse, panahon na para magising siya sa panaginip na mahigit ilang taon niyang pinanghawakan.

Agad niyang tinawagan si Attorney Santos.

"Attorney, pakihanda na po ang divorce agreement. Gusto ko nang tapusin ang kasal namin." May diin sa boses na sabi ni Elisse ng masagot ang tawag. 

Sandaling natahimik ang abogado sa kabilang linya bago nagsalita. "Sigurado ka na ba, Mrs. Vergara? Anim na taon na kayong kasal."

"Opo, matagal ko na itong pinag-isipan at ngayon lang ako nakapag-desisyon na ayoko na." Desidido niyang sagot. 

"Naiintindihan ko, ihahanda ko agad ang mga dokumento." 

Pagkatapos ibaba ang tawag ay napatitig si Elisse sa kawalan, hindi niya maiwasang maalala ang araw ng kasal nila anim na taon na ang nakalilipas.

Noon, pakiramdam niya ay siya na ang pinakamaswerteng babae sa buong mundo, pinakasalan niya ang lalaking mahigit sampung taon niyang minahal at nang isuot niya ang kanyang wedding gown, puno siya ng pag-asa at pangarap para sa kanila. 

Ilang buwan ng matapos silang ikasal ay nabuntis siya at kalaunan ay nabiyayaan sila ng isang anak na lalaki.

Kahit malamig si Nicholai sa kanya, kahit madalas itong walang imik at tila walang interes sa kanilang pagsasama, naniwala pa rin siyang darating ang araw na mamahalin din siya nito. 

Akala ni Elisse ay sapat na ang pagiging mabuting asawa, buong akala niya ay matututuhan din siyang mahalin ni Nicholai ngunit mali siya dahil sa loob ng anim na taon hindi niya naramdaman ang pagmamahal ng lalaki sa kanya. 

Hanggang sa muling bumalik sa buhay ni Nicholai si Sophia Ramirez, doon unang nakita ni Elisse ang isang Nicholai na hindi niya kailanman nakilala, doon niya napagtanto kung bakit hindi siyq nito magawang mahalin ay dahil mayroong ibang nagmamay-ari ng puso nito. 

Kung hindi naman talaga para sa kanya si Nicholai bakit pa niya ipagpipilitan? Panahon na para bumitaw at mabuhay para sa sarili. Mula ngayon, hindi na iikot ang mundo niya kay Nicholai.

"Ma'am, magsasara na po kami. Ihahain na po ba namin ang mga inorder ninyo?" Magalang na tanong ng waiter dahilan para mabalik si Elisse sa kasalukuyan mula sa malalim na pag-iisip.

Buong restaurant ang nireserba ni Elisse para sa anibersaryo nila bukod pa doon ay pinakamamahaling pagkain ang inorder niya.

Umiling siya bago tumayo. "Huwag na. Itapon niyo na lang." Malamig na boses niyang sabi bago naglakad palabas ng restaurant. 

"Hindi ko alam kung sino ang hinihintay niya. Buong araw na siyang nandito."

"Basta ako, kung ako 'yan, kumain na lang ako mag-isa. Halata namang hindi siya mahalaga sa taong hinihintay niya."

Narinig ni Elisse ang bulungan ng dalawang empleyado bago siya tuluyang makalabas, napatawa na lamang siya nang mapait habang tahimik na tumutulo ang kanyang mga luha.

…….

Pagdating niya sa Vergara Mansion, agad niyang ipinarada ang sasakyan sa garahe ngunit bago pa man siya makapasok ay may narinig na siyang tawanan mula sa sala.

Boses iyon ni Sophia, huminga siya nang malalim. Hindi na siya ang dating Elisse na magtatago sa silid para lang umiyak kaya dahan-dahan siyang naglakad papasok.

"Nicholai, ibaba mo na si Ethan. Paano kung mahulog siya?" Nag-aalalang sabi ni Sophia, iyon ang naabutang senaryo ni Elisse.

Ngunit ngumiti lamang si Nicholai habang buhat-buhat ang bata. "Hinding-hindi ko hahayaang masaktan si Ethan." Masaya itong tumatawa habang nilalaro ang bata.

Napahinto si Elisse, hindi niya kailanman nakita ang ganoong ngiti sa mukha ng asawa kahit noong nabubuhay pa ang anak nila samantalang ngayon ay malaya nitong naibibigay sa anak ng ibang lalaki na para bang sarili niyang anak si Ethan.

"Mommy, huwag kang mag-alala!" masayang sigaw ng bata. "Mahal ako ni Daddy Nicholai. Hindi niya ako pababayaan!"

Ngumiti si Sophia sa anak. "Siyempre. Poprotektahan ka namin. Mahal na mahal ka namin." Pagkatapos ay tumingin ito kay Nicholai. "Tama ba ako, Nicholai?"

"Oo naman." May ngiting sagot ng lalaki. 

Parang may pumisil sa puso ni Elisse, tahimik siyang pumasok at nagpalit ng sapatos. Nakasalubong niya ang kasambahay.

"Nasaan si Liam?" Tanong niya. 

"Si sir Liam po ay nasa kuwarto niya." Magalang namang sagot ng kasambahay.

"Kumain na ba siya?" Usisa niya pa. 

Biglang namutla ang kasambahay. "H-Hindi pa po... ayaw niyang kumain buong araw."

"Ano?!" Napataas ang boses niya ng magtanong. "Alam n'yo namang madalas bumaba ang blood sugar niya!"

Hindi nakasagot ang kasambahay, buong araw kasing umiiyak ang bata habang ang amo nito ay abala kay Sophia at Ethan.

Hindi na nagsayang ng oras si Elisse, mabilis siyang umakyat sa ikalawang palapag.

Sa likod niya ay narinig niyang nagsalita si Sophia. "Elisse, kumain ka na ba? Magpapahanda ako ng pagkain para sa'yo."

Parang siya pa ang tunay na maybahay ng pamamahay na ito.

Hindi siya sinagot ni Elisse ngunit bago pa makapagsalita muli si Sophia ay pinigilan na ito ni Nicholai.

"Hayaan mo na siya." Malamig nitong sabi kagaya ng dati. 

Ngunit sa pagkakataong ito, wala nang balak si Elisse na makipagtalo. Ano pa ba ang silbi? Kung dati ay gagawin niya ang lahat para lang mapansin siya ni Nicholai, para mahalin siya nito pero hindi na ngayon.

Mabilis niyang binuksan ang pinto ng silid ng kanyang anak, nanlaki ang kanyang mga mata dahil walang malay na nakahiga si Liam sa kama.

Agad niya itong niyakap at paulit-ulit na tinawag. "Liam! Anak! Gumising ka!"

Ngunit wala siyang tugon na nakuha dahil nahimatay na ang bata. Nanginig ang buong katawan ni Elisse sa takot, hindi na niya inisip ang iba mabilis na niyang binuhat ang anak at tumakbong pababa ng hagdan.

Wala na siyang panahon para magsuot ng sapatos dahilan para nakayapak siyang lumabas ng mansyon at isinugod ang anak sa ospital.

…….

Samantala, naiwan sa sala sina Sophia at Nicholai.

"Sa tingin mo ba dapat natin silang sundan?" tanong ni Sophia.

Walang emosyon na inayos ni Nicholai ang manggas ng kanyang polo na para bang wala siyang pakialam sa nangyari.

Patuloy lamang niyang nilaro si Ethan. "Hindi na kailangan."

Ngumuso si Sophia. "Pero baka hindi maganda kung hindi tayo pupunta, may masabi si Elisse.” 

Sa lambing ng babae ay napabuntong-hininga

si Nicholai. "Sige. Kung gusto mong pumunta, pupunta tayo."

Ngumiti si Sophia nang may kasiyahan. "Okay.” Malambing niyang sagot bago ito niyakap sa braso. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Chapter 5

    "Elisse, sa wakas natauhan ka rin."Masayang ngumiti si Ma'am Victoria habang hawak ang kamay ng kanyang paboritong estudyante. "Napakatalino at napakagaling mo. Sayang ang talento mo kung ikukulong mo lang ang sarili mo sa pamilya. Natutuwa ako na nagdesisyon kang bumalik."Bahagyang napangiti si Elisse bilang sagot."Bukas, pumunta ka sa studio. Pag-usapan natin ang pagbabalik mo.""Sige po, Ma'am Victoria. Magpahinga na po kayo. Dadalaw ako bukas."Pagkatapos nilang magpaalam ay ibinaba ni Elisse ang telepono. Pakiramdam niya ay matagal na hindi naging magaan ang dibdib niya nang ganito. Naghanda na siyang maligo at magpahinga upang maging handa sa panibagong simula kinabukasan.Ngunit nang silipin niya ang pangunahing cellphone, nakita niyang sunod-sunod ang mga notification. Dose-dosenang missed calls at maraming mensahe—lahat galing kay Nicholai. Napatingin siya sa mga ito nang ilang segundo bago tumambad ang isang mensahe:[Tawagan mo ako.]Napangiti siya nang mapait. Kung dati

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Chapter 4

    "Elisse, sa wakas natauhan ka rin."Masayang ngumiti si Ma'am Victoria habang hawak ang kamay ng kanyang paboritong estudyante. "Napakatalino at napakagaling mo. Sayang ang talento mo kung ikukulong mo lang ang sarili mo sa pamilya. Natutuwa ako na nagdesisyon kang bumalik."Bahagyang napangiti si Elisse bilang sagot."Bukas, pumunta ka sa studio. Pag-usapan natin ang pagbabalik mo.""Sige po, Ma'am Victoria. Magpahinga na po kayo. Dadalaw ako bukas."Pagkatapos nilang magpaalam ay ibinaba ni Elisse ang telepono. Pakiramdam niya ay matagal na hindi naging magaan ang dibdib niya nang ganito. Naghanda na siyang maligo at magpahinga upang maging handa sa panibagong simula kinabukasan.Ngunit nang silipin niya ang pangunahing cellphone, nakita niyang sunod-sunod ang mga notification. Dose-dosenang missed calls at maraming mensahe—lahat galing kay Nicholai. Napatingin siya sa mga ito nang ilang segundo bago tumambad ang isang mensahe:[Tawagan mo ako.]Napangiti siya nang mapait. Kung dati

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Chapter 3

    Bukod pa roon, gusto ng Daddy niya si Sophia kaya naging malapit din ang loob niya rito."Gusto ko si Auntie Sophia na maging mommy ko!"Paulit-ulit na sigaw ni Liam habang umiiyak."Umalis ka na! Ayoko sa'yo! Umalis ka!"Parang dinudurog ang puso ni Elisse sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng anak, ngunit wala siyang magawa. Hindi siya nangahas na pagsabihan ito dahil kagagaling lang ni Liam sa panganib at hindi puwedeng ma-stress. Dahil dito, tahimik na lamang siyang lumabas ng silid.Paglingon niya sa bintana, nakita niyang masayang nakayakap si Liam kay Sophia habang nakangiti nang malaki. Napapikit si Elisse dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman, ngunit kahit gaano ito kahirap, hindi niya kayang talikuran ang anak. Dugo niya si Liam at bahagi ito ng kanyang buhay.Siya ang pinakamahalagang taong naiwan sa kanya sa mundong ito, kaya anuman ang sabihin ni Liam, hinding-hindi niya magagawang pabayaan ang sarili niyang anak. Sa kabutihang-palad ay wala na ito sa panganib at kail

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Chapter 2

    Bago sila umalis ay malamig na inutusan ni Nicholai ang kasambahay."Alagaang mabuti si Ethan dahil kapag may nangyaring masama sa kanya, huwag ka ng magpapakita sa akin bukas.""Opo, Sir." Agad na sagot ng kasambahay.Alam niyang seryoso si Nicholai dahil sa bahay na ito, kitang-kita ng lahat ang pagkakaiba ng pagtrato nito kay Ethan at sa sariling anak nitong si Liam.Kahit kaunting sama ng loob ay hindi nito hahayaang maranasan ni Ethan. Samantalang si Liam… ay napabuntong-hininga na lamang ang kasambahay ng maisip ang isang bata. Pagkatapos noon ay sabay na umalis sina Nicholai at Sophia papuntang ospital.…..Samantala, halos mabaliw sa pag-aalala si Elisse habang karga-karga ang walang malay na si Liam patungo sa emergency room."Doktor! Tulungan n'yo po ang anak ko!" Nanginginig ang boses niya habang umiiyak.Maging ang mga taong naroon ay napapatingin sa kanya dahil sa labis na pagkataranta.Mabilis na sinuri ng doktor ang bata bago ito isinakay sa stretcher. "Dalhin agad sa

  • The Billionaire's Abandoned Wife   Chapter 1

    Ngayon ang araw ng ika-anim na anniversary ng kasal nina Elisse at Nicholai Vergara.Matagal na inasam ni Elisse na kahit sa espesyal na araw na ito ay makasama niya ang asawa at anak nila bilang isang masayang pamilya ngunit gaya ng nakasanayan, hindi na naman siya binigyang pansin ni Nicholai.Panay ang tawag niya rito ngunit ni isa ay wala itong sinagot, kanina pa siya naghihintay rito sa restaurant at pasara na rin ngunit wala pa rin ang lalaki. Unti-unting nabalot ng kirot ang puso ni Elisse.Sapat na siguro ‘yon, ayaw na niyang maghintay pa. Ano pa bang silbi ng mga effort niya kung hindi naman ito pinapansin ni Nicholai? Tulad ng mga pagkaing nakahain sa harapan niya, wala na rin siyang balak pang manatili sa kasal na ito kasama ang lalaking matagal niyang minahal na hindi siya magawang suklian.Sa wakas ay nakapagdesisyon na si Elisse, panahon na para magising siya sa panaginip na mahigit ilang taon niyang pinanghawakan.Agad niyang tinawagan si Attorney Santos."Attorney, pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status