
Strictly Business, Mr. Billionaire!
Twenty-two-year-old BS Entrepreneurship student Tala Banaag is a master at making business plans, but her personal life is a total bankruptcy. Baon sa utang, evicted sa apartment, at nanganganib na hindi makapagtapos sa kaniyang huling semestre matapos tanggihan ng bangko para sa kaniyang pangarap na micro-loan—she is absolutely desperate for a financial miracle.
Enter Ethan Martinez, the cold, ruthless 25-year-old billionaire tycoon who conquered the business world at the age of twenty. Matapos siyang pagtaksilan ng kaniyang huling kasintahan na nagbenta ng mga corporate secrets, Ethan treats women like corporate spies. He is highly cynical and literally 'allergic' to romance.
Pero nang magbanta ang kaisa-isa niyang pamilya, ang kaniyang mapagmahal at maramdaming lola na si Mama Let, na tuluyan nitong ititigil ang pag-inom ng kaniyang mga maintenance na gamot kung hindi siya magdadala ng mapapangasawa. Ethan is forced to find a fake fiancée immediately. Ang kaniyang lola ay naghahangad lang naman na makasaksi ng apo sa tuhod bago ito tuluyang mawala sa mundo.
The deal? Isang kasal na puro pirmahan at walang totoong nararamdaman. Strictly business lang.
For Tala, this is just her biggest business project yet. She brings a PowerPoint presentation to their initial meeting, locks her emotional boundaries, and logs every single forced public display of affection (PDA) in an Excel spreadsheet under a strict rate card: 5K para sa holding hands, 10K para sa cheek kiss, at 50K para sa unscripted kiss sa harap ng media!
But when they are forced to cohabit under the same roof, the operational timeline starts to blur. The boundaries of their contract are tested to the limit. Can a girl named after a star's gleam bring light to a billionaire's heavily guarded heart? Or will their multi-million merger end in total emotional liquidation?
Read
Chapter: CHAPTER 31Isinantabi ni Tala ang kung anumang agam-agam na nararamdaman niya. Nasa loob sila ng training room ni Hazel kasama ang HR supervisor upang i-orient sila tungkol sa kanilang on-the-job training sa kumpanya. Binigyan muli sila ng tig-isang kopya ng kanilang memorandum of agreement at tinalakay ito upang siguruhin na nauunawaan nila ang rules, training hours, at ang responsibilidad nila sa kumpanta, at ang expectation ng kumpanya sa kanila.Matapos ang dalawang oras, isa-isa nang tinawag ang mga pangalan ng interns upang i-deploy sa kanilang mga designated departments."Miss Hazel De Vera, here’s your internship ID card. You are assigned to the Executive Secretary's Office under Mr. Mark Gallego," anunsyo ng supervisor na nagpabaling sa tuwa ni Hazel."Here’s yours, Miss Tala Banaag..." binalingan siya ng supervisor. "Please follow me. Your designated station is at the top floor, direkta sa loob ng Chief Executive Suite."Nanlalaki ang mga mata ni Tala sa narinig. "I’m sorry, Miss. I co
Last Updated: 2026-09-14
Chapter: CHAPTER 30“Maiba naman tayo. Ano naman ang drama ninyo ni Kyle?”Napatigil si Tala sa pagsinga sa tissue nang marinig ang tanong ng kaniyang chismosang kaibigan. Nagpakawala siya ng isang malalim na bunting-hininga bago sagutin ang tungkol sa blockmate nila.“Kay Kyle? Naku, friend, kung alam mo lang,” kumuha muli siya ng tissue upang ipahid naman sa kanyang mukha na basa pa rin ng luha. “Naalala mo yung isang Biyernes na nagpresent tayo?” Tanong niya sa kaibigan.“Oo, two weeks ago na yun ah. Ano ang hindi ko nalalaman? Sige ikwento mo.” Mataman itong nakikinig sa kanya.“Noong araw na yun, hinabol ako ni Kyle sa may drop-off zone. Nagtapat siya ng feelings sa akin… gusto niya raw ako. Syempre, first time ko na makarinig ng confession tapos nasa school pa kaya sandali akong natameme. Bago pa man ako makakilos, ang lolo mo bigla na lang iniyuko ang mukha at tinangkang halikan ako sa mismong mga labi.”“Oh my gosh! Tala! Tinangka ka niyang tukain?!” Parang nasisilihan sa pwet si Hazel sa tindi ng
Last Updated: 2026-09-11
Chapter: CHAPTER 29“Friend, super cozy naman ng unit mo! Napakabango at napaka-relaxing dito! Para akong nasa staycation. Ang shala! Tapos may swimming pool pa sa baba.” Papuri ni Hazel habang inilalapag ang kanyang gamit sa tabi ng sofa.“Feel at home, friend.” Sabay bato niya ng isang rolyo ng tissue sa kaibigan nang makaupo ito sa sofa.“Wow ha! Uumpisahan na ba natin agad-agad? Di ba pwedeng magrelax muna tayo sandali?” Reklamo nito sa kanya nang masalo nito ang tissue.“Gagi, itabi mo lang yan sa iyo. Gagamitin natin yan mamaya, tig-isang rolyo tayo.” Sarcastic remarks niya rito.“O-kay! Pasilip sa balcony mo ah!” Pagpapaalam ni Hazel.“Kakasabi ko lang kanina, feel at home. Do as you please, friend.” Nakangiti si Tala.“Sheeeeeeeettt! Ang ganda naman ng sunset view mo rito! Palong-palo!”Tama naman talaga si Hazel. Isa iyon sa dahilan kung bakit niya pinili itong unit kaysa sa iba. Ito lang kasi yung bukod tangi na may magandang view ng sunset ng Manila Bay.“Halika muna sa sala. May plano akong i
Last Updated: 2026-09-11
Chapter: CHAPTER 28“Cleared ka na, Ms. Banaag. You have completed your onboarding requirements,” nakangiting wika ng coordinator matapos nitong i-check ang kanyang envelope. “Please wait for the memorandum of agreement within this week para sa deployment ninyo.”“Thank you, Miss,” magalang na tugon niya rito.Nakahinga ng maluwag si Tala. Maaga siyang pumasok kanina para mapanotaryo ang kanyang consent form. Hindi na kasi siya nakaabot kagabi dahil inabot lang naman siya ng ilang oras sa biyahe sa tindi ng traffic. Sa dulo ng hallway sakto namang naghihintay si Hazel. Magiliw na ngiti ang pinakita nito sa kanya.“Ano, friend, sa tingin mo kaya may pag-asa tayo makapag-OJT sa kumpanya ng jowa mo?” Excited na excited ang tono ng pagkakasabi nito sa kanya.Kung anong dalangin ko na huwag na sana magkrus pa muli ang landas namin ni Ethan, ay siya namang kabalintunaan na hiling ng aking butihing kaibigan.“Ah, malay mo. Marami namang naglalakihang kumpanya dito sa malapit lang. Laking tipid din yun para sa a
Last Updated: 2026-09-11
Chapter: CHAPTER 27CHAPTER 27Dumating ang Sabado ng umaga. Kinailangan ni Tala na lumuwas sa kanilang probinsya sa Quezon. Ilang oras din ang kaniyang naging biyahe. Bitbit ang kaniyang backpack na may lamang documents na kailangan papirmahan sa kanyang ina. Pagbaba niya sa bus terminal, sumakay pa siya ng jeepney upang makarating sa kanilang baryo. Sariwang hangin ang nalalanghap niya sa mga oras na yon, taliwas sa nakagawian niya sa Maynila.I miss my hometown. Naisip niya sa mga oras na iyon habang nasa biyahe. Sa bakuran ng kanilang lupa, nakatayo ang kanyang ina. Nagwawalis ito ng mga tuyong dahon. Bagamat nakayuko, hindi nito napansin ang kanyang pagdating.“Nay…” sambit niya rito. Her tone carried a trace of longing. Nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha.“Tala, anak!” Nabitawan nito ang walis tingting na hawak at mabilis na tinungo siya para yakapin. “Halika, pumasok tayo sa loob. Alam kong pagod ka sa biyahe.”“Miss na miss kita, Nay.” Yakap pa rin niya ang ina bago sila gumayak paloob n
Last Updated: 2026-09-10
Chapter: CHAPTER 26Nakalipat na siya sa bago niyang tirahan. Nasunod ang Japan-Scandi theme na plano niya para dito. Ang accent wall nito ay pinapinturahan niya ng sage green. Ang kanyang mga wood elements tulad ng laminated flooring ay kulay light oak, samantalang ang floating TV rack niya at overhead cabinets ay mga light colored wood. Cream color naman ang kanyang sofa, kama, at mga kurtina. Napaka warm, airy, and bright ng datingan ng kanyang unit. Ang sarap lang tirahan nito, napaka cozy and relaxing.Sa school naman, naging mas lalong busy ang batch nila. Itong linggo kasi ay ang kanilang pre-internship orientation, which is organized ng kanilang OJT coordinator. Dapat within this week din maipasa na nila ang kanilang mga requirements like notarized parental consent forms, medical clearances, at ang panghuli ay resume. The soonest na makumpleto ng kanilang OJT coordinator ang mga nasabing requirements, saka pa lang magbababa ng memorandum of agreement with the chosen host company. Second to third
Last Updated: 2026-08-28