Strictly Business, Mr. Billionaire!

Strictly Business, Mr. Billionaire!

last updateLast Updated : 2026-09-14
By:  MCBT19Updated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
9
2 ratings. 2 reviews
32Chapters
302views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Twenty-two-year-old BS Entrepreneurship student Tala Banaag is a master at making business plans, but her personal life is a total bankruptcy. Baon sa utang, evicted sa apartment, at nanganganib na hindi makapagtapos sa kaniyang huling semestre matapos tanggihan ng bangko para sa kaniyang pangarap na micro-loan—she is absolutely desperate for a financial miracle. Enter Ethan Martinez, the cold, ruthless 25-year-old billionaire tycoon who conquered the business world at the age of twenty. Matapos siyang pagtaksilan ng kaniyang huling kasintahan na nagbenta ng mga corporate secrets, Ethan treats women like corporate spies. He is highly cynical and literally 'allergic' to romance. Pero nang magbanta ang kaisa-isa niyang pamilya, ang kaniyang mapagmahal at maramdaming lola na si Mama Let, na tuluyan nitong ititigil ang pag-inom ng kaniyang mga maintenance na gamot kung hindi siya magdadala ng mapapangasawa. Ethan is forced to find a fake fiancée immediately. Ang kaniyang lola ay naghahangad lang naman na makasaksi ng apo sa tuhod bago ito tuluyang mawala sa mundo. The deal? Isang kasal na puro pirmahan at walang totoong nararamdaman. Strictly business lang. For Tala, this is just her biggest business project yet. She brings a PowerPoint presentation to their initial meeting, locks her emotional boundaries, and logs every single forced public display of affection (PDA) in an Excel spreadsheet under a strict rate card: 5K para sa holding hands, 10K para sa cheek kiss, at 50K para sa unscripted kiss sa harap ng media! But when they are forced to cohabit under the same roof, the operational timeline starts to blur. The boundaries of their contract are tested to the limit. Can a girl named after a star's gleam bring light to a billionaire's heavily guarded heart? Or will their multi-million merger end in total emotional liquidation?

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

"Look, Miss Banaag. Your business proposal for 'Banaag & Associates Consultancy' is actually... impressive for a twenty-two-year-old. Maganda ang market research mo, at may potential itong micro-financing strategy na inilatag mo," untag ng manager ng isang commercial bank habang dahan-dahang ibinababa ang hawak nitong makapal na folder.

Tala Banaag’s eyes lit up. A wide, hopeful smile crossed her lips. Inayos niya ang pagkaka-upo sa de-gulong na upuan at bahagyang iniurong ang kaniyang hiniram na corporate blazer. Yes! Lord, salamat! mapagpasalamat na bulong niya sa kaniyang isip.

"Talaga po, Sir? I can adjust the amortization schedule naman po kung medyo alanganin kayo sa initial phase. I just really need the micro-loan to launch the pilot phase bago matapos ang semester na ito—"

"But," ang pagputol ng manager na biglang nagpabura sa ngiti ni Tala. Ang paboritong salita ng mga bangkero na madalas ay may kasunod na trahedya. "We cannot approve a business loan for an undergraduate student with zero collateral and a bank account that currently has... let me check... three hundred and fifty pesos?"

Naramdaman ni Tala ang biglang pamumula ng kaniyang mga pisngi. It was the harsh reality biting her hard in the face.

"Sir, may tracking sheet naman ako ng part-time gigs ko bilang freelance virtual assistant. At saka graduating na ako ngayong taon! BS Entrepreneurship sa top university!" pakiusap niya, sinusubukang isalba ang natitirang piraso ng kaniyang dignidad.

"Come back when you have a degree, a stable co-maker, and at least a six-figure capital, Miss Banaag. For now, the bank has to decline. I'm sorry."

Limang minuto pagkatapos ng pormal na pagtanggi, nakatayo na si Tala sa labas ng naglalakihang salaming p***o ng bangko sa gitna ng sikat ng araw sa Makati. Napabuntong-hininga siya habang mahigpit na yakap-yakap ang kaniyang business proposal file.

Degree. Co-maker. Six-figure capital.

"Saan naman ako kukuha niyon? Lord, kahit nga pang-matrikula ko para sa darating na finals, wala ako," bulong niya sa sarili habang naglalakad patungo sa pinakamalapit na bus stop.

Kung ang pagtanggi ng bangko ay hindi pa sapat, biglang nag-vibrate ang kaniyang luma at may kaunting lamat na smartphone. Pagtingin niya sa screen, halos manlumo siya sa pangalan ng tumatawag.

Aling Nena (Landlady)

Huminga muna siya nang malalim bago pinindot ang answer button. "Hello, Aling Nena! Magandang hapon po! Ang ganda po ng boses ninyo ngayon, parang kumakanta lang—"

"Huwag mo akong madaan sa boladas mo, Tala!" bulyaw ng matinis na boses sa kabilang linya. "Pangatlong buwan mo nang delayed sa renta! Sabi mo noong isang linggo magbabayad ka. Kung hindi mo pa masesettle ang kalahati niyan bago mag-alas-singko ng hapon, ilalabas ko na ang mga gamit mo sa kwarto! May bago nang nangungupahan, handang magbayad ng advance!"

"Aling Nena, sandali lang po! May inaasahan po akong sahod mula sa foreign client ko—"

Toot. Toot. Toot.

Binabaan siya ng telepono. Napatingin si Tala sa oras. It was already 2:30 PM. Mayroon na lamang siyang dalawa at kalahating oras bago siya opisyal na maging palaboy sa lansangan ng Maynila.

Habang nangyayari ang krisis sa buhay ni Tala, ilang bloke lang ang layo, sa loob ng isang ultra-exclusive, high-end French cafe sa isang five-star hotel, iba namang uri ng krisis ang nagaganap.

"You have exactly three minutes left of my time, Cassandra. At ginagamit mo lang ito para umiyak," malamig na pahayag ni Ethan Martinez habang tinitingnan ang kaniyang mamahaling Patek Philippe wristwatch.

Sa harap niya, isang magandang babae na nakasuot ng designer dress ang panay ang punas ng luha gamit ang mamahaling silk handkerchief. "Ethan, please! It was a mistake! Ang tsismis na nagbenta ako ng impormasyon sa karibal na kumpanya ng pamilya mo, walang katotohanan 'yon! I loved you!"

Ethan let out a soft, mocking chuckle. His handsome face remained completely expressionless, like a statue carved from ice. Ang kaniyang madidilim na mga mata ay walang kahit anong bakas ng emosyon. Sa edad na dalawampu't limang taon, siya na ang tumatayong CEO ng Martinez Holdings, ang pinakamalaking conglomerate sa bansa matapos pumanaw ang kaniyang mga magulang sa isang aksidente noong bata pa siya.

At sa loob ng mga taong iyon, natutunan niya ang isang mahalagang leksyon sa buhay: People lie. Partners betray. Only written, legally binding contracts hold the truth.

"You loved my family’s shares, Cassandra. Let’s not rewrite history," diretsong sabi ni Ethan, boses na kasing talim ng labaha. "The moment you signed that non-disclosure agreement before we dated, you knew the consequences. Pinalampas ko ang ginawa mo dahil sa pinagsamahan natin, but don't ever think you can crawl your way back into my life."

"You're a monster, Ethan! Wala kang puso! Kaya ka nilayasan ng lahat! You treat people like business transactions!" galit na sigaw ng babae habang tumatayo, hindi na napigilan ang emosyon.

Ilang tao sa loob ng tahimik na cafe ang napalingon sa kanila, ngunit hindi man lang kumurap si Ethan. He simply raised his hand, signaling the waiter to bring the bill. "Emotional outbursts are bad for business, Cassandra. Goodbye."

Galit na binuhat ng babae ang kaniyang Hermes bag at nagmartsa palabas ng cafe.

Nang makaalis ang babae, bahagyang sumandal si Ethan sa kaniyang upuan at napahilot sa kaniyang sintido. Lumapit sa kaniya ang kaniyang personal secretary na si Mark, may hawak na tablet.

"Sir, tumawag po ang doktor ni Donya Leticia," mahinang ulat ni Mark, halatang nag-aalangan. "Ang sabi po ni Dr. Santos, tumataas na naman ang blood pressure niya. At... tumatanggi po siyang inumin ang kaniyang mga maintenance na gamot."

Agad na napatuwid ng upo si Ethan. Kung may isang tao lang sa mundo na kayang magpalambot sa malamig niyang puso, iyon ay walang iba kundi ang kaniyang lola—si Mama Let. Ang nag-iisang nag-alaga sa kaniya matapos maulila, na kalaunan ay nagpakasal sa isang mayamang Westerner na si lolo Harold na pumanaw na rin.

"Bakit daw?" mabilis na tanong ni Ethan, halata ang pag-aalala sa boses.

"Ang sabi po ni Madam... wala na raw silbi ang uminom ng gamot kung hindi naman daw niya makikitang may sariling pamilya ang kaniyang nag-iisang apo bago siya bawian ng buhay. She gives you exactly one month to bring home a fiancée, Sir. Kung hindi... magda-dry strike daw po siya sa gamot."

Ethan groaned internally. Matchmaking blackmail. Alam niyang mahal na mahal siya ng kaniyang lola, ngunit alam din niyang may pagka-dramatiko ito kapag hindi nito nakukuha ang gusto.

"Humanap ka ng kahit sinong model o aktres na pwedeng bayaran para magpanggap," utos ni Ethan. "Gumawa ka ng iron-clad contract. Isang taon lang na pagpapanggap."

"Sir, sinubukan ko na po noong nakaraang buwan," kamot-ulong sagot ni Mark. "Pero kilala niyo po si Mama Let. Mahilig po siyang mag-background check. Noong dinala natin si Chloe, nalaman niyang binayaran natin dahil nahulog ang tseke sa bag nito. Sabi ni Mama Let, gusto niya ng 'totoong tao,' hindi artista. Kung hindi raw po, hindi siya maniniwala."

Habang pabalik-balik sa tapat ng hotel si Tala dahil naghahanap siya ng kahit anong mabilis na mapagkakakitaan o mapagtataguan habang iniisip ang kaniyang huling gamit sa apartment, nagpasya siyang pumasok sa lobby ng hotel para makigamit ng libreng Wi-Fi at aircon habang nag-a-apply ng freelance jobs sa kaniyang laptop.

Naupo siya sa isang sulok, malapit sa dining area ng cafe. Dahil sa gutom at stress, hindi niya napansin na medyo malapit siya sa table ng isang pamilyar na lalaki na may mamahaling suit.

Narinig niya ang huling bahagi ng usapan ni Ethan at ng sekretaryo nito. Bilang isang BS Entrepreneurship student, ang utak ni Tala ay mabilis na nag-analisa.

Wait. Kailangan niya ng fake fiancée na hindi artista, hindi gold-digger, at madaling i-background check dahil mapili ang lola niya? At handa siyang magbayad ng malaki?

Biglang nag-flash sa isip ni Tala ang kaniyang tatlong buwang utang sa renta, ang kaniyang tuition f*e na kulang, at ang kaniyang pangarap na consultancy firm.

I am a business student. I solve problems for clients. At ang lalaking ito... may malaking problema.

Bago pa man siya pigilan ng kaniyang hiya, tumayo si Tala. Inayos niya ang kaniyang hiniram na corporate jacket, binuhat ang kaniyang laptop, at naglakad nang diretso patungo sa lamesa ng nag-iisang billionaire tycoon ng Martinez Holdings.

"Excuse me, Mr. Martinez," lakas-loob na bati ni Tala, pormal na pormal ang tindig habang nakatayo sa tapat ng lamesa nito.

Napatigil si Ethan sa pagpindot sa kaniyang telepono. Bahagya niyang itinaas ang kaniyang tingin. Tiningnan niya si Tala mula ulo hanggang paa—ang medyo kupas na sapatos nito, ang simpleng slacks, at ang blazer na halatang medyo malaki sa kaniyang built. Isang tipikal na estudyante o nagsisimulang aplikante.

"Who are you? At paano mo nalaman ang pangalan ko?" malamig na tanong ni Ethan. Si Mark naman ay handa nang tumawag ng hotel security.

Hindi nagpatinag si Tala. Binuksan niya ang kaniyang laptop at iniharap ang screen kay Ethan. Doon ay nakabukas ang isang mabilisang ginawang Excel spreadsheet na may titulong: PROJECT: ACQUISITION OF THE PERFECT GRAND-DAUGHTER-IN-LAW.

"I am Tala Banaag, a senior BS Entrepreneurship student," panimula niya, ang kaniyang boses ay parang isang seryosong CEO na nagpi-pitch sa mga investor. "Narinig ko po ang usapan ninyo. At bilang isang eksperto sa business strategy, gusto kong mag-alok ng solusyon sa problema ninyo kay Madam Leticia."

Napakunot ang noo ni Ethan. "Are you insane? Security—"

"Wait, Mr. Martinez! Bago mo ako ipalabas sa security, tingnan mo muna ang cost-benefit analysis na ginawa ko sa loob lang ng limang minuto," mabilis na sabi ni Tala, itinuro ang screen. "If you hire a model, your grandmother will spot the performance in seconds. If you hire me, an ordinary, hard-working student na walang record ng kahit anong iskandalo, ang background check ko ay malinis pa sa papel. I can play the role of a loving, submissive, and simple partner perfectly for Mama Let. At ang hihilingin ko lang bilang kapalit ay ang 'consultancy f*e' na katumbas ng tuition ko at pambayad sa utang sa apartment."

Tinitigan ni Ethan si Tala. Sa buong buhay niya, simula nang maging CEO siya sa edad na dalawampu matapos ang aksidente ng kaniyang mga magulang, ang mga babaeng lumalapit sa kaniya ay nagpapacute, nagpapaiyak. o nagpapanggap na walang pakialam sa pera niya habang nakatingin sa kaniyang wallet.

Pero ang babaeng ito sa harap niya? Diretsahan siyang nagnenegosyo gamit ang isang Excel sheet.

"You're treating marriage as a business transaction?" untag ni Ethan.

"Everything is business, Mr. Martinez. So, do we have a merger, or should I pack my laptop?"

Bago pa man makasagot si Ethan, isang matinis at masiglang boses ang biglang narinig mula sa likuran nila.

"Ethan! Oh my god, apo! Is this her?!"

Nilingon nilang tatlo ang pinagmulan ng boses. Isang eleganteng matandang babae na nakasuot ng terno ang mabilis na naglalakad patungo sa kanila, kasunod ang isang bodyguard na may dalang mga shopping bag. It was Madam Leticia herself—na tumakas pala sa kaniyang doktor para mag-stress shopping sa hotel boutique!

"Lola? Anong ginagawa mo rito? Sabi ni Dr. Santos mataas ang blood pressure mo," gulat na tumayo si Ethan para alalayan ang kaniyang lola.

"I felt better nung nakabili ako ng bag! Pero huwag mo akong ma-divert, Ethan! Sino itong magandang bata na kausap mo? At bakit may 'Marriage Acquisition' sa laptop niya?" naniningkit ang mga mata ng matanda.

Mabilis na nag-isip ang utak ni Tala. This is it. Do or die. Goodbye apartment kung hindi ko ito galingan.

Bago pa man makaimik si Ethan para magpalusot, mabilis na lumapit si Tala kay Mama Let. Marahan niyang hinawakan ang kamay ng matanda at nagbigay ng isang pinakamatamis at pinaka-respetableng ngiti na kaya niyang gawin.

"Good afternoon po, Madam! Ako po si Tala. Opo... ako nga po ang girlfriend ni Ethan. Nag-aaway nga po kami ngayon kasi gusto niya agad kaming magpakasal, eh sabi ko, kailangan ko muna tapusin ang pag-aaral ko para maging karapat-dapat sa kaniya," pagsisinungaling ni Tala, dire-diretso ang dila na parang nagbebenta ng produkto sa palengke.

Napatigil si Ethan. Ang kaniyang panga ay bahagyang lumaylay sa gulat sa bilis ng pick-up ng babaeng ito.

Tumingin ang matanda kay Tala, pagkatapos ay kay Ethan, at muling tumingin kay Tala. Biglang nagbago ang mukha nito patungo sa isang napakalaking ngiti.

"Oh, salamat sa Diyos! Isang disenteng bata na gustong magtapos ng pag-aaral! At huwag mo akong tawaging Madam, call me Mama Let!" niyakap nang mahigpit ng matanda si Tala na ikinagulat nito. "Ethan, napakahusay pumili ng apo ko! Paki-text si Dr. Santos, iinumin ko na ang mga gamot ko!"

Habang nakayakap si Mama Let kay Tala, sumilip si Tala sa balikat ng matanda at tumingin kay Ethan. Tinaasan niya ito ng kilay at binigyan ng isang "I-told-you-so" na tingin habang itinuturo ang kaniyang laptop gamit ang kaniyang nguso.

Naiwan si Ethan Martinez na nakatayo, nakapamulsa, habang ang kaniyang utak na pang-billionaire ay sinusubukang i-process kung paano siya biglang na-corner ng isang dalawampu't dalawang taong gulang na estudyante.

He slowly looked at Tala, a dark smirk forming on his lips.

Fine. You want a business transaction, Miss? Bibigyan kita ng kontrata na hindi mo makakalimutan.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reviews

MikasaAckerman
MikasaAckerman
Highly recommended🫶
2026-08-09 14:14:24
1
1
Ircel Crisostomo Tuvera
Ircel Crisostomo Tuvera
I like the story, very easy to understand ng Tagalog and english words na ginagamit.
2026-08-06 16:53:48
1
1
32 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status